“Hindi naman ako ipokrita...ke tomboy ka, bakla ka, ok lang sa akin yon! Pareho lang yon! Kung saan ka maligaya duon sila...huwag na nating pakialamanan...alam mo kung nuong una sinabi na niya sa akin kung ano siya hindi na kami nagkaganito eh...akala ko tutoong tao siya!" - Isabella
"Putik nga ito! Pero kahit ganito ako, nagsisimba ako kahit papaano!...ang sabi ng nasa itaas, ang sala sa lamig, sala sa init, iniluluwa ng langit, isinusuka ng diyos!” - Isabella
"...ano ba naman 'to katawan lang 'to, 'konting tubig, 'konting sabon, wala na...tapusin na natin ang kaso, pagkatapos sabihin mo kung kailan, saan...darating ako, ang katawan ko!" - Isabella
Basic Information: Direction: Danny Zialcita; Adapted screenplay: Danny Zialcita, Portia Ilagan; Original screenplay: Portia Ilagan; Cast: Vilma Santos, Nora Aunor, Dindo Fernando, Tommy Abuel, Tony Carreon, Baby Delgado, Rosemarie Gil, Suzanne Gonzales, Odette Khan, Anita Linda, Liza Lorena; Original Music: Butch Monserrat; Cinematography: Felizardo Bailen; Editing: Ike Jarlego Sr.
Plot Description: Lesbian lawyer Nora tried to assist dancer Vilma with her legal battles and unexpectedly the lawyer falls in love with the lovely dancer. The poorly written plot compensate with crisped dialogues and fast paced editing from one of the most finest commercial director of the 80s, Danny Zialcita. - RV
An interesting and witty play of events and characters directed by avant garde filmmaker Danny Zialcita. The story of a woman confused of her sexuality (played by Nora Aunor) who worked in a man's world as a lawyer. A chance meeting with a bar girl (played by Vilma Santos) who would change the course of her life. The film portrays a woman who runs and holds her life, but when matters of the heart are concerned, she just lets fate takes it toll. She believes to be in love with the bar girl, or she thinks she is! At the end, a sudden twists explodes making her more vulnerable that she has ever imagined. A parody on the comic love and life of people caught up in a the middle of strange questions of gender issues. A seriously funny picture of the drama of life! - Kabayan Central (READ MORE)
Confused lawyer Sylvia Salazar (Nora Aunor) is infatuated by the oozing charm of ago-ago dancer Isabel (Vilma Santos) whom she has volunteered to defend in a criminal case. Sylvia's persistent and dedicated suitor (Tommy Abuel), another lawyer of intelligence and a strong conviction, however, does not give up on her and resolves to pursue her or wait for that time when she will be more receptive to a man's affections. Also stars Dindo Fernando, Liza Lorena, Baby Delgado, Leila Hermosa, Suzanne Gonzales and Odette Khan. Written by Portia Ilagan and directed by Danny L. Zialcita for Film Ventures, Inc. - Trigon Video
Film Achievement: The fourth Vilma Santos-Nora Aunor films (the other films are: Young Love, Pinagbuklod ng Pag-ibig, and Ikaw Ay Akin).
Film Reviews: "...The remastered version of Danny Zialcita’s T-Bird AT Ako is clearly something that we can be proud of. At an age of total enlightenment, we no longer need to know who’s better between Aunor and Santos. What matters now is that we have a film we can return to, so we can once again, embrace the magic of cinema and understand why it continually touches our lives. Apart from a salute to a director, who has once graced our taste and tickled our sensitivities as Filipinos, it is also a celebration of two great actresses who will ceaselessly make us smile every time we wonder what magic they have that makes us submit to their bidding..."- Orly S. Agawin, Jellicle Blog, 26 February 2015 (READ MORE)
Ang T-Bird At Ako (Film Ventures, Inc.,1982) ay kasiya-siyang kuwentong tumalakay sa diskurso ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang babae. Ang pagsasalarawan ng domestikong suliranin ng isang lesbiyana at ang di inaasahang pagkamulat ay nagpakita ng ganap na detalye ng kasangkapan upang makawala sa pagkalitong bumabalot sa identidad nito. Matatag at mahusay ang direksiyon ni Danny Zialcita sa pelikula. Hindi rin maikakailang kadalasa'y nanghihiram ang direktor ng mga piling tagpo mula sa mga sineng banyaga ngunit ang bawat eksena sa T-Bird At Ako ay nagbigay daan upang maisulong ang naratibo nito. Isinapelikula ang kompleksidad ng relasyong namumuo sa dalawang pangunahing tauhan sa pamamagitan ng matipid na espasyo o kumpas ng mga eksena at bihasang direktoryal na pagmamaniobrang nagpapatuloy sa tensiyon ng nagbabanggaang mga idelohiya. Humahantong ang resolusyon ng pelikula sa antas nang mapilitang magkasundo ang mga magkakatunggali.
Sa pagtatapos nito ay bumalik si Aunor sa tunay na esensya ng kanyang pagkababae. Nagmula ito sa matagumpay na babaeng nagpasimula sa pagtagumpay ng mga tradisyonal na pagpapahalagang pang-kababaihan. Tulad ng inaasahan, napapalooban ang T-Bird At Ako ng mga kapani-paniwalang pagganap at pagtatapat. Higit na epektibo si Nora Aunor bilang isang lesbiyana sa pagpapahayag ng komplikasyon sa tauhang kanyang ginagampanan. Lubha namang nakakapagod ang pagganap ni Vilma Santos sa pelikula. Hindi makaramdam ng simpatiya ang manonood dito dahilan sa karton ang kanyang karakter. Samantala magiting ang suportang ipinamalas ni Tommy Abuel bilang matiyagang manliligaw ni Aunor, gayundin sina Dindo Fernando at Suzanne Gonzales. Sa maikling paggnap ay lubhang katangi-tangi sina Anita Linda at Odette Khan. Masasabing masinop ang mga elemento ng pelikula sa T-Bird At Ako, maliksi ang galaw ng mga biswal at masigla ang paggamit ng tunog upang mabisang mailarawan ang mundong ginagalawan ng mga tauhan nito. - Jojo DeVera, Sari-saring Sineng Pinoy
That Danny Zialcita's T-Bird at Ako is entertaining cannot be doubted. The plot situations are funny. The lines are witty. The pacing is fast. The lesbian love of Nora Aunor for Vilma Santos, moreover, is extremely clever, since the two superstars in real life would not be caught dead in such a relationship. Zialcita has made a career of doing impossible things. He made he-man Dindo Fernando a homosexual in the Mahinhin series. He now makes Aunor a lesbian. When he tries to make Santos a low-class beerhouse dancer, however, he fails. That makes his record two out of three impossible things, not bad for normally sedate local cinema. This film shows Zialcita at his best - irreverent, tongue-in-cheek, unconcerned with larger themes, focused on obsessive sexual relationships. Let's take the dialogue first, which cleverly juxtaposes the fiction of the film with the reality of the careers of the two superstars. Thus references are made to Santos' being a "burlesque queen." One character is even named "Rubia," after Rubia Servios (1978), Santos' competition film against Aunor's Atsay (1978).
More than these allusions, however, the film features sparkling exchanges between Santos and Aunor. Most impressive of all the lines perhaps are those in the court room sequence, since the opposing arguments are easy to follow, yet logical in structure. The direction is tight and masterful. Although one always gets reminded in a Zialcita film of sequences from foreign films, there is a minimum of unmotivated blocking in this film. Each sequence contributes to the whole film (if there is copying, in other words, and I do think there is in this film, the copying is not done simply to be cute or clever, but in accordance with the logical requirements of the plot). The performances, as expected of a Zialcita film, are excellent. Aunor is more effective as the confused lesbian, primarily because Santos is not able to get the rough and ready quality of low-class hospitality girls. Tommy Abuel is terrific in his role as the patient suitor. Fernando is given too little space to develop his character, but what he has, he makes good use of. Captivating is Suzanne Gonzales, though she has to learn to use her face a bit more to express varying emotions. In their brief roles, Anita Linda and Odette Khan are delightful. - Isagani Cruz, September 22, 1982, Movie Parade Magazine
No More Superstar Image - "...Isa iyong ikslusibong pakikipanayam sa aktress sa set ng "T-Bird," isang pelikulang tumatalakay sa mariing iksistensiya ng isang tomboy, at sa pagkakataong ito, muli na naman siyang makakasama ang kaytagal na niyang kakontemporaryong aktress, si Vilma Santos. Sa intriga't kontrobersiya ng naturang pelikula, (sapagkat kamuntik nang hindi matuloy ang proyekto) nagpapasalamat si Nora at nagkaroon din iyon ng katuparan. Nagtapat siya: "Malaki rin ang naitulong nang pagkikita namin ni Vi sa Manila International Film Festival. Kasi, magkatabi kami. Kinabukasan nun, Saturday, meron nang shooting...Tapos, ang laki rin ng tulong nu'n kasi nagkakuwentuhan na rin kami, ang sarap! Ewan ko, ang sarap talaga ng pakiramdam kung halimbawang magkalaban kayo sa career...magkalaban, pagkatapos ang tagal-tagal n'yo, 'yung ganu'n. 'Yong bang hindi mo akalain...Kahit nga mga problema nag-kakuwentuhan din kami, eh...So, 'nu'nung shooting namin, medyo hindi rin ako masyadong nahirapan sa pag-a-adjust..." Ang totoo, ayon kay Nora, medyo ayaw din niyang tanggapin noong una ang papel na iyon sa "T-Bird." Unang-una naipangako niya sa sariling gagawa lamang siya ng tatlong pelikula para sa 1982, at hindi nakalinya ang obrang iyon ni Danny Zialcita. Isan linggo niyang pinag-isipan ang alok na iyon ay gumuhit nang malalim ang isang intrigang kanya rin napaglabanan, pagkatapos. "Kasi, unang-una, iniisip ko rin naman, siyempre maraming tao na mag-iisip na naman, magsasalita na naman 'O baka naman tinatanggap ni Nora 'yan kasi kakapit sa pangalan ni Vilma dahil alam na down na down na siya!...So, 'yon, nag-worry ako pero pagkatapos kong pagaralan, naisip ko, bakit ko naman pakikialaman 'yung ibang tao? Sa ngayon naman, nag-matured na kami. Wala na 'yung mga batang isipan d'yang Superstar image. Unang-una nga, magsasama kami ngayon as actresses. Hindi na mga dating pa-bandying-bandying ang mga pelikula ngayon...saka isa pa, bakit ko ba iintindihin ang mga sasabihin ng tao? Kung maraming mga detractors ang magsasalit at mag-iisip nang ganun, hindi maiiwasan 'yon. Maski anong paliwanang ang gawin mo, andu'n pa rin 'yung kaumakalaban sa iyo..." Isang seryosong pelikula ang "T-Bird" at isang seryosong direktor naman si Danny Zialcita. Ang kay Nora ay ang maranasan ang pagpapel ng isang tomboy hindi sa paraang kumedya kundi sa isang paraang dramatika. Gusto rin niyang maranasan kung paano maiderihe ni Danny sa unang pagkakataon..." - Arthur Quinto, photos by Fely Igmat, Artista Magazine, 04 March 1982, Re-posted by James DR, Pelikula Atbp (READ MORE)
RELATED READING:
- Official Web-site: Vilma Santos Recto
- Official Web-site: Nora Aunor ICON
- Facebook: Vilma Santos Recto
- Facebook: Nora Aunor
- IMDB: Nora Aunor
- IMDB: Vilma Santos
- Wikipedia: Vilma Santos
- Wikipedia: Nora Aunor
- Superstar Nora Aunor
- Star For All Seasons Vilma Santos
- Nora Aunor Film Actress
- Vilma Santos Film Actress
- And God Smiled at Me vs. Dama de Noche
- Vilma-Nora Then, Nora-Vilma Now
- Boxing Matches (Part One)
- Will Vilma Santos do a Nora Aunor?
- A Tale of Two Movie Queens
- About “Larawan” and Nick Joaquin
- T-Bird at Ako (1982) (Video)