Wednesday, June 12, 2013

Sing Vilma Sing


Christmas special at discography ang tema ng V Magazine No. 13. Yaman din lamang at discography ang isa sa mga tema kaya eto ang aking munting contribution para sa ALAM NYO BA? Pamagatan natin itong SING VILMA SING. Aminado naman si Vi na hindi siya isang singer na katulad ng mga kasabayan niyang mga young stars noon na sina Nora Aunor, Tirso Cruz III, Edgar Mortiz, Perla Adea, Esperanza Fabon, Eddie Peregrina, Victor Wood, Eva Vivar, Rene Ordoñez, Darius Razon, Rhodora Silva, Geraldine, Neddie Decena, Sonny Cortez at marami pang iba subali’t hindi lang boses nuon ang binabayaran. Noong Dekada ’70, ang mga young stars ay kailangang marunong kumanta dahil yun ang uso kaya naman nagtayo ng sariling recording company ang nasirang manager ni Vi na si William Leary dahil ayaw niyang pahuhuli sa uso ang kanyang alaga. Ilan sa mga naging recording artists ng WILEARS RECORDS bukod kay Vi ay sina Edgar Mortiz, Ed Finlan, Sahlee Quizon, Hilda Koronel at Esperanza Fabon. According to Vi, kapag nagrerecord siya ng kanta ay nakatalikod siya sa dingding ng recording company at si Bobot ang umaalalay sa kanya. Ang SIXTEEN, na sinulat ni Danny Subido ang unang recording na ginawa ni Vi at ito ay flipsided by It’s So Wonderful To Be In Love. Ang SIXTEEN ay agad naging gold record at dahil dito ay gumawa ng pelikula ang Tagalog Ilang Ilang Productions, ang home studio ni Vi at ito ay ginawa nilang pamagat katambal si Edgar Mortiz. Hindi nyo naitatanong, muntik nang manalo si Vi bilang most promising singer sa AWIT AWARDS noong early ’70s.

Dahil sa naging matagumpay ang awiting SIXTEEN kung kaya’t si Vi ay iginawa ng isang long playing album. SIXTEEN din ang title ng unang long playing album ni Vi na tinatampukan ng mga awiting (bukod sa Sixteen at It’s So Wonderful To Be In Love) Dry Your Eyes, Bring Back Your Love, Raindrops Keep Falling On My Head, When The Clock Strikes One, So With Me, Sometimes, Baby Baby Baby, Sealed With A Kiss, Then Along Came You Edgar at Love Love. Ang Raindrops Keep Falling On My Head ang ginamit na awitin sa kanyang commercial na GLAD raincoat. Ang awiting Then Along Came You Edgar naman ay tinapatan ni Edgar ng awiting VILMA. Samantala, nasundan ng isa pang long playing album ang SIXTEEN ni Vi at ito ay pinamagatang SWEET, SWEET VILMA. Ito naman ay naglalaman ng mga awiting katulad ng Don’t You Break My Heart, May The Good Lord Bless & Keep You, Mama, Our Day Will Come, Oh Lonesome Me, I’m The One For You, Sad Movies, Among My Souvenir, My Promise To You, Mama Don’t Cry At My Wedding, Drop A Line at A Wonderful Day. Natatandaan ko pa na sa morning program, from 6am to 7am, ni Eddie ‘Lat’ Ilagan sa D’WOW radio ay palaging kasama sa Top Ten Song Of The Day ang mga awiting Sad Movies at Oh Lonesome Me.

Dahil sa tambalang subok na matibay at subok na matatag nina Vilma at Edgar kung kaya’t nagkaroon din sila ng long playing album na may pamagat na SWEETHEARTS (pamagat din ito ng kanilang pelikula sa Tagalog Ilang Ilang Productions) na ini-release noong April 22, 1970. Ito naman ay naglalaman ng mga awiting I Love You Honey, I Believe, Green Green Grass of Home, Always With You, My Rosary, From The Bottom Of My Heart, You Don’t Love Me Anymore, How I Wish I Were A Model, Do Re Mi Fa Sol I Love You, Better Than All, Your Kisses Are Losing Their Sweetness at My First Kiss. Ang I LOVE YOU HONEY at FROM THE BOTTOM OF MY HEART ay isinapelikula din ng Tagalog Ilang Ilang Productions na pinagtambalan din nina Vi at Bot. Ang pangalawang long playing album nina Vilma at Edgar na ini-release noong January 21, 1971 ay pinamagatang THE SENSATION na hinango sa kanilang top rated tv show sa ABS CBN na later on ay isinapelikula din ng Tagalog Ilang Ilang Productions. Ito naman ay naglalaman ng mga awiting Good Morning Starshine, Spinning Wheel, To Love Again, A Love Unspoken, Anywhere I Wonder, I Wonder Why, Have A Goodtime, Yeahoo, I Have Dream, My Boy Lollipop, Dream at Always. Sa radio program ni Tony Santos, Jr. at ng nasirang Vic Pacia ay pulos duet nina Vi at Bot ang pinatutugtog. Si German Moreno ay meron ding Vi at Bot Portion sa kanyang radio program sa DZTR. Ang Have A Goodtime naman ay pinapatugtog sa Wowowee sa kanilang portion sa Pera o Bayong everytime na nabobokya ang mga kalahok sa game na ito.

Hindi lang long playing album ang ginawa nina Vi at Bot, dahil nagkaroon din sila ng mga mini long playing albums entitled CHRISTMAS TIDINGS AT SOMETHING STUPID. Ang CHRISTMAS TIDINGS ay naglalaman ng mga awiting Silver Bells, I Saw Mommy Kissing Santa Claus, Santa Claus Is Coming To Town at Mary’s Boy Child at ang SOMETHING STUPID naman ay ang mga awiting Something Stupid, I Wonder Why, I Have Dream at Goodnight My Love. Ang SOMETHING STUPID ang naging theme song ng Vi & Bot loveteam. Ang titulo ng isa pang mini long playing album ni Vi ay hango sa kanyang pelikulang tinampukan din nina Bobot at Ed Finlan na BABY VI na nagtatampok ng mga awiting Baby Cakes, Sad Movies, Bobby Bobby Bobby at Seven Lonely Days. Ang pangatlong long playing album nina Vi at Bot ay ang ALL I SEE IS YOU na ini-release noong August 30, 1971 (kaarawan ni Edgar Mortiz) na binubuo ng medley of songs na Atin Cu Pung Singsing at Leron Leron Sinta, Baby Cakes, Little Brown Gal, Grown Up Like Me, Nine Little Teardrops, Jealous Heart, The Wonderful World Of Music, El Condor Pasa, Hawaiian Wedding Song, I Understand, My Special Angel at Just Say You’ll Be Mine. Ang awiting Butsiki ni Yoyoy Villame ay hinango sa awiting Baby Cakes. Ang THE WONDERFUL WORLD OF MUSIC ay ginawang titulo ng pelikula nina Vi at Bot na inilahok sa 1971 Manila Film Festival kung saan ito ang nakakuha ng Best Musical Film. Kasama nina Vi at Bot sa pelikulang ito ang noo’y batang bata pang si Snooky (Serna).

Ang pang-apat na long playing album nina Vi at Bot ay pinamagatang ALOHA MY LOVE na ini-release noong February 1972 at naglalaman ng mga awiting Hawaiian Medley, Beyond The Reef, All Alone Am I, Why Don’t You Believe Me, Eternally, My World Is My World, Aloha Oe, Seven Lonely Days, Mandolins In The Moonlight, Daddy, Seventeen at Two People In Love. Ang ALOHA MY LOVE ay titulo din ng pelikulang ginawa nina Vi at Bot sa Hawaii. Ang ETERNALLY ay isinapelikula din ng Tagalog Ilang Ilang Productions na tinampukan pa rin nina Vi at Bot. Napakasuwerte ni Vi dahil nagkaroon ulit siya ng pangatlong solo long playing album na may pamagat na SING VILMA SING. Ito ay binubuo ng mga awiting Da Doo Run Run, Abadaba Honeymoon, Tweedle Dee, Bo Weebel, A Kookie Little Paradise, Bobby Bobby Bobby, A Rick-Tick Song, It’s Been A Long Long Time, Breaking Up Is Hard To Do, You Made Me Love You, The Birds & The Bees at He’s So Near (Yet So Far Away). Ang A Rick-Tick Song ang ginawang theme song ng radio program ni Ric Radam sa DZRH noong early ’70s. Pag pinapatugtog naman ni Ike Lozada sa kanyang radio program na Dambuhalang DJ sa D’WOW radio ang awiting Bobby Bobby Bobby, sinasabi niyang ang title nito ay Bobot Bobot Bobot. Precious pa nga ang tawag ni Ike kay Vi.

Nagkaroon din si Vilma ng mga Tagalog singles na awitin katulad ng Palung Palo Ako flipsided by Walang Umiibig, Isipin Mong Basta’t Mahal Kita flipsided by Mamang Kutsero at Tok Tok Palatok flipsided by Batya’t Palupalo. Ginawa ni Vilma at ng Chess Grandmaster champion na si Eugene Torre kasama si Coney Reyes ang isang pelikulang hango sa awitin ni Vi na ISIPIN MONG BASTA’T MAHAL KITA. Ang awiting TOK TOK PALATOK ay ginawa ring pelikula ng Baby K. Jimenez Productions starring Vilma at Jojit Paredes. Ang PALUNG-PALO AKO ang pangalawang gold record ni Vilma at noong early ’70s sa TOP 20 SONGS OF THE WEEK sa DZRM, ito ay ilang linggo ring namayagpag at nangunguna sa airlanes. Ang awiting PALUNG-PALO pa rin ang tugtog na isinayaw ng mga Vilmanians noong 2006 sa birthday celebration ni Vi sa Lipa City. Isang long playing album na puro christmas songs ang ginawa ng mga recording artists ng WILEARS RECORDS na may pamagat na CHRISTMAS CAROLS. Ito ay binubuo ng mga awiting Silver Bells, I Saw Mommy Kissing Santa Claus, You’re All I Want For Christmas, Silent Night, Jingle Bell Rock, Rudolf The Red Nose Reindeer, O Holy Night, Jingle Bells, White Christmas, Donde Esta Santa Claus, Santa Claus Is Coming To Town at Mary’s Boy Child. Ang mga umawit naman bukod kay Vi ay sina Edgar Mortiz, Ed Finlan, Hilda Koronel, Sahlee Quizon at Esperanza Fabon.

Ang VICOR RECORDS ay gumawa ng isang long playing album na pulos Tagalog ang mga awitin na may pamagat na MABUHAY at tinatampukan nina Perla Adea (Baka Lumimot Ka), Florence Aguilar (Tanging Ikaw Pa Rin), Zenaida Alcaraz (Pandanggo Sa Kabukiran), D’ Amarillo (Pamulinawen), The Ambivalent Crowd (Ako Ay May Singsing), Ato ang bulag na piyanista (Kapantay Ay Langit), Babsie Chit & Louie (Minamahal Kita), Pilita Corrales (Landas Sa Pag-ibig), Tirso Cruz III (Sinungaling Ka), Neddie Decena (Bibilang Ako Ng Tatlo), Romeo Miranda (Pandora), Edgar Mortiz (Ang Kuwintas Mo Giliw), Carmen Pateña (Bagong Umaga), Victor Wood (Birheng Walang Dambana) at Vilma Santos (Palung-Palo Ako). Naging cover si Vi ng mga long playing soundtrucks na DISCO FEVER at ROCK BABY ROCK. Ang DISCO FEVER at ROCK BABY ROCK ay mga pelikula ni Vi, kung saan kasama ni Vi sa Disco Fever sina Christopher de Leon at Victor ‘Cocoy’ Laurel at sa Rock Baby Rock sina Junior at Leah Navarro. Ang mga pelikulang ito ay pawang mga certified box office hits.

Ang DISCO FEVER soundtruck ay binubuo ng mga awiting Disco Fever (VST & Company), Hanggang Magdamag (Soul Jugglers), Suplado Ka (Halik), Let’s Boggie Now (Hang Men), Sumayaw, Makinig (Advisors), Sayawan (Sampaguita), Walang Sigla (Solid Band), Ngayon Lang Ako Umibig Ng Ganito (Soul Jugglers), Sexy Baby (Hang Men) at Awitin Mo (VST & Company). Ang ROCK BABY ROCK soundtruck ay binubuo ng mga awiting Rock Baby Rock (VST & Company), Sexy Lady (Marvic), Huwag Mong Pigilan (Leah Navarro), Ikaw (Nailclippers), Yakap (Junior), May I Have This Dance (Marvic), I-swing Mo Ako (Sharon Cuneta), Kiss Kiss (VST & Company), Excuse Me (Junior) at Halik Lang (Smack). Sa 40th anniversary ng VICOR RECORDS ay gumawa sila ng CDs ni Vi na pinamagatang VILMA. ito ay naglalaman ng 23 songs ni Vi katulad ng Sixteen, Da Doo Ron Ron, The Birds & The Bees, Tweedle Dee, The Rick-Tick Song, When The Clock Strikes One, Sealed With A Kiss, Sometimes, It’s Wonderful To Be In Love, Then Along Came You Edgar, It’s Been A Long Long Time, You Made Me Love You, Oh Lonesome Me, He’s So Near (Yet So Far Away), Mama Don’t Cry At My Wedding, Don’t You Break My Heart, Mama, Sad Movies Make Me Cry, Raindrops Keep Falling On My Head, Have A Goodtime, Breaking Up Is Hard To Do, My Boy Lollipop at Bobby Bobby Bobby. Naging mabiling mabili ang nasabing CDs. Hindi nga maituturing na singer si Vi subali’t nakapag-record siya ng mahigit sa limampung awitin. Maraming salamat nga pala kina Eric Nadurata at Nar Santander. - Alfons Valencia, Yahoo Egroup 2007

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...