"Al patay na siya...umalis na tayo, umalis na tayo...kapag sumama ka sa kanya, mamatay ka din Al..." - Cristy
Basic Information: Directed: Antonio Jose Perez; Story, screenplay: Ricardo Lee; Cast: Vilma Santos, Christopher De Leon, Rio Locsin, Delia Razon, Eddie Infante, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Jaime Fabregas; Original Music: Jun Latonio; Cinematography: Romeo Vitug; Film Editing: Edgardo Jarlego, George Jarlego, Ike Jarlego Jr.; Production Design: Laida Lim-Perez; Sound: Rolly Ruta; Theme Song: “Haplos” performed by Eva Eugenio
Plot Description: Al (Christopher De Leon) is a balikbayan who returns to his former hometown where his mother is buried. There he meets his childhood friend Cristy (Vilma Santos) who works as a counselor for family planning. Eventually they develop a romantic relationship and end up as a couple. However, a mysterious lady appears one day while Al tends to his mother’s grave. Al falls in love with the stranger and is now torn between her and Cristy. Haplos is another cinematic masterpiece by famed screenwriter Ricardo Lee. It is the official entry to the 1982 Metro Manila Film Festival. With Vilma Santos and Christopher De Leon in the lead roles and supported by Rio Locsin, Haplos is a brilliant movie with a mind-boggling twist in the story. It’s a must-see for all Pinoy film buffs. - neTVision (READ MORE)
Film Achievement: 1982 Metro Manila Film Festival 3rd Best Picture; 1982 FAMAS Nomination Best Supporting Actress – Rio Locsin
Film Reviews: Iba't ibang putahe ang inihandog sa madla ng Metro Manila Filmfest. Pero ang kakaiba sa lahat ay ang major work ng direktor na si Antonio Jose Perez, ang Haplos. Basically, ito ay isang love story, but with a difference. Love triangle ito na namagitan sa isang inhenyerong galing sa Saudi Arabia, sa isang Population Commission worker, at sa isang dalagang namayapa noong panahon ng Hapon ngunit ang alaala ay nanatiling flesh and blood na kabuuang nasa daigdig ng mga buhay. Mahirap gawin ang ganitong klase ng istorya. Unang-unag requirement ay kung paano magtatagumpay sa tinatawag na suspension ng disbelief at nang sa gayon ay talagang mag-enjoy ang viewers sa panonood ng pelikula. To the credit of scriptwriter Ricardo Lee and director Perez, nagawa nilang maayos ang paglalahad ng kuwento. Maraming establishing factors na nakatulong sa paglalagay sa tamang mood at atmosphere kaya't talagang mababatubalani ang atensiyon mo habang nanonood. Sa pagsisimula pa lamang ng kuwento, agad nang nahaplusan ito ng references sa occult at iba pang superstitious beliefs. May kuwento tungkol sa diwata sa ilog na kapag narinig mo'y maaari kang mamatay.
May istorya rin tungkol sa birhen ng bayang Buendia na itinapon sa ilog at naging dahilan ng walang tigil na pag-ulan. Pati ang romansa nina Al (Christopher De Leon) at Cristy (Vilma Santos) ay naganap sa bahay ni Al na sabi nga ni Cristy ay tila lalabasan ng multo. Dahan-dahan din ang pag-develop sa anggulo ng multo. Unti-unti ang pagkakadiskubre ni Al sa tunay na katauhan ng dalagang nakatagpo niya sa libingan. By the time na matuklasan niya ang katotohanan sa tulong ng pamaypay na ipinagkaloob ni Auring (Rio Locsin) kay Mang Ilyong (Eddie Infante), kumpirmado na rin sa isip ng madla na si Auring nga ay isang kaluluwang hindi matahimik. Very successful si Director Perez in blending reality and fantasy. At alam niya kung paabno pipigain ang isang eksena. Talagang maganda yung tagpo na nagpunta si Cristy sa bahay ng multo at sa pagbubukas niya ng pinto ng silid nito ay naroon pala't naghihintay si Auring sa kanyang likuran. Very effective din ito dahil hindi na inulit, lalo roon sa susunod na pagpunta ni Cristy sa mahiwagang bahay na more or less ay ini-expect na ng viewers na muling lilitaw ang multo habang nasa harap ng salamin si Cristy. Medyo mabagal ang unang bahagi ng pelikula, lalo na kung isa kang viewer na alam nang tungkol sa multo ang istorya dahil sunod-sunod sa press release na isinasaad ang buod nito. Sa simula pa lang ng istorya ay inaabang-abangan mo na agad ang multo na kay tagal bago unang lumitaw. Medyo nagda-drag na nga at bigla na lamang na-revive ang aming atensiyon nang lumabas na si Rio Locsin sa eksena. Biglang nabuhay ang pelikula and from thereon ay naging very absorbing na. Isang malaking dahilan kung bakit nagtagumpay ang pelikula ay ang pagka-casting kay Rio sa papel na Auring. Ibang-iba ang aura ni Rio sa pelikulang ito. She, looks so ehereal, out of this world, ibang-iba kaysa sa mga taong nasa cast din ng pelikula. Terrific ang screen presence ni Rio at talagang she is oozing with sex.
Na-eclipse niyang talaga sina Vi at Boyet. Kung iisipin mo'y maikli lamang ang role but her memory lingers kahit wala na siya sa eksena. 'Yung mga pangiti-ngiti niya at patakip-takip ng bibig, very effective talaga. Magaling din sina Vi at Boyet in their respective roles, pero talagang getting attantion ang role ng multo at perfect pa ang casting ni Rio rito. You cannot totally sympathize din with the character that Vilma plays because she quickly hops into bed with Boyet kahit na they have just renewed their acquaintances. At, sabi rin niya, hindi pa niya ito pinapagsuot ng condom. Somehow, mas magandi rin kung the heroine sa istorya remained pure and untainted. The supporting performers are also very good, like Eddie Infante as Auring's former boyfriend who turned to drink, Jimmy Fabregas as the parish priest, Delia Razon as Vi's mother who keeps on addressing her dead sister, Ate Rosa, and Rez Cortez as Boyet's newfound friend who turned out to be the obscene caller na laging nambabagabag kay Vi (although this element ay hindi namin mainitindihan kung bakit isinali pa sa istorya).
Technically, above-average din ang pelikula. Mahusay ang sinematograpiya ni Romy Vitug (na hindi OA at nagpapa-getting attention this time), ang musical score ni Jun Latonio (na sadyang hindi matatawaran ang napakalaking kontribusyon sa ikinaganda ng pelikula) at ang disenyong pamproduksiyon ni Laida Lim Perez (Pero medyo sumobra naman ito doon sa katakut-takot na ilaw na inilagay sa eksena ng huling pagdalaw ni Vi sa bahay ng misteryo). Somebody from the ECP script's screening committee told us na mas maganda raw ang orihinal na script ni Ricardo Lee kaysa sa naisapelikula. Isang estudyanteng nagbabakasyon sa lalawigan si Cristy at naging takilyera sa isang sinehan. Pero ipinabago raw ito ni Vilma kaya't nagmukhang propaganda para sa family planning ang papel niya. Ang orihinal na Cristy ay mahilig mag-fashion model kaya't hindi katakataka nang isuot na niya ang damit ni Auring na nakita niya sa kama ito. May nagaakalang sa ending ng pelikula ay napossess si Cristy ng kaluluwa ni Auring but the writer never intended it to be like this. Ang character naman ni Al ay mas defined sa script. Mayaman nga sila pero nagpunta siya sa Saudi dahil disillusioned siya sa kanyang ina na mahilig sa iba't ibang lalaki. Kaya't ang pagdalaw niya sa puntod ng kanyang ina ay very crucial sana. Ang istorya'y naganap din one hot summer na kay raming kababalaghang nagaganap sa bayan ng Buendia (na hindi bahagi ng Laguna na tulad ng sinabi ng reviewer ng Times Journal). Maaaring isipin na ang tungkol sa multo ay naganap all in the mind nina Cristy at Al, pero hindi rin ito na-realize sa pelikula. Still and all, maganda pa rin ang Haplos as movie and is definitely one of the better films shown this year. - Mario Bautista (READ MORE)
"...Halloween may not be that big of a deal on our tropical shores, but Philippine cinema has had its wealth of scary features in the last 50 years or so. Sure, we have our unique superstitions, supernatural mythology and homegrown ghost stories; yet it is safe to presume that local moviegoers go for cinematic chills due to this universal fact: horror/suspense movies are downright entertaining, if in often perverse ways. The alphabetical list below gathers just 10 of the more memorable Filipino films that are scary in varying degrees — some straight-up gory, others disturbing or creepy; some tacky, others funny; all generally reflecting a sense of moviemaking adventurism that has been lacking in Pinoy filmdom of the last decade or so...Likewise an MMFF entry in its year of release, this Ricky Lee-scripted, Antonio Jose Perez-helmed drama is topbilled by Vilma Santos and Christopher de Leon, a tandem whose prolific body of work together is, in the view of former Philippine Free Press contributing editor-writer Ricky Torre, “akin to the wealth of collaborations between Miles Davis and John Coltrane. The Vi-Boyet oeuvre ably tackled the nuances of human relationships.” Haplos’ key players essentially form a love triangle (Rio Locsin plays the 3rd wheel) but, in the story’s traversing between its present time and the era of the Japanese occupation, it is also, as Torre muses, “a far-out take on the time-space continuum.” The horror element in Haplos is also its twist, one best realized by the uninitiated by scoring it on video CD..." - Bert B. Sulat Jr., Rappler, 10 Oct 2012 (READ MORE)
"Nasa ikatlong araw na ngayon (Monday, Dec 27) ang 1982 Metro Manila Film Festival na nagsimula noong Dec 25, Saturday, at ngayon pa lamang ay nadarama na ng mga producer ang kanilang kapalaran sa takilya. Nakangiti na 'yong mga nangunguna at lulugo-lugo naman 'yong kulelat. Subalit hindi pa tapos ang festival. Ngayong gabi, Dec. 27, Monday, ay ang Gabi ng Parangal sa Cultural Center (Main Theater) at dito'y tiyak na lalabas na naman ang dalawang mukha na simbolo ng show business. Isang nakatawa at isang umiiyak. Makikita ngayong gabi ang simbulong ito sa paggagawad ng karangalan sapagkat tiyak na ang mga magwawagi ng mga pangunahing karangalan ay nangakangiti at 'yong mamalasan ay tutunganga na lang. Sa gabing ito ibabatay ang tunay na kalalabasan ng festival sa susunod pang pitong araw. Dikasi ang magaganap ngayong gabi ang siyang magdudulot ng pagbabago sa takbo ng labanan sa takilya....Sa sampung pelikulang naglalaban-laban, di lang sa takilya kundi sa karangalan, ang unang paboritong magta-top gross ay ang Santa Claus is Coming to Town ng Regal, Panday Ikatlong Yugto ng FPJ, Himala ng ECP, Moral ng Seven Star Films at Haplos ng Mirick Films. Ang mga paborito namang magwawagi ng awards: sa Best Actor, mahigpit ang labanan nina Robert Arevalo sa Santa Claus at Christopher de Leon sa Haplos. Sa Best Actress, labanang umaatikabo rin sina Vilma Santos sa Haplos, Lorna Tolentino sa Moral at Nora Aunor sa Himala..." - Movie Flash Magazine, 1982 (READ MORE)
Related Reading: