Vilma’s Top 9 - Noong 70′s ay merong grupo ng mga tagahanga si Vi na tinawag nilang Top 9. Ayon kay Zeny Gelacio (aka Pitimini na Sec. ni Ike Lozada), lahat silang 9 ay mga babae. Kasama niya sina Manila, Mrs.Untalan na Canada base na, Chayong, Rita, Mrs.Panganiban, Linda na nasa U.S. na, Flor, and Nadia. Ayon kay Zeny na member din ngayon ng VSSI, Inc., madalas ay kasama ang Top 9 ni Vi sa mga showbiz happenings nito at sila ang nagaasikaso kay Vi. Naalala nya na kasama sila noon sa pagiikot nila Vi & Bot sa mga key cities ng Pilipinas sa pagpapaunlak sa iba’t ibang chapters ng Vi & Bot Fans clubs. Lagi na ay dinudumog sila saan man mapunta, dahil na rin sa kasikatan ng T.V. musical program na The Sensations. Ang The Sensations ay produce ng ABS CBN at dinerek ni Tony Santos Sr. Consistent No. 1 Top rater ang show at kasama ni Vi & Bot sina Perla Adea, Romy Mallari, Rhodora Silva, Darius Razon, Baby de Jesus, Tony Santos Jr., Janine Frias, atbpa. Dahil sa kasikatan nila Vi & Bot ginawang movie ang The Sensations noong April, 1971, big boxoffice hit ito kaya sinundan agad ni direk tony ng ” Young Lovers ” noong August, 1971, big hit din ito. Ginawan din ng L.P. Album nila Vi & Bot ang The Sensations at muling tinangkilik ng masang pilipino.
Pagkagaling nila Vi & Bot sa Amerika para sa shooting ng “Don’t Ever Say Goodbye”, ay sinayaw ni Vi sa The Sensations ang The Shaft na usong sayaw noon sa U.S., agad nagustuhan ng mga tao ang dancing skills ni Vi at nauso lagi ang mga sayaw ni Vi at mula noon ay kinilala ang charisma, grace, at natural dancing prowess ni Vi na later on ay pinakita niya at tampok lagi at inaabangan ng mga tao sa kanyang top rated musical variety shows na ang pinakahuli ay ang “Vilma!” Sa kasikatan ng loveteam nila Vi & Bot ay tinagurian silang “Subok na Matibay Subok na Matatag” at dahil dito ay ginawang slogan noon ng Banco Pilipino ang Bancong Subok na Matibay Subok na Matatag ! Mga 20 plus hit movies ang nagawa nila Vi & Bot bilang loveteam. Ayon pa kay Zeny ng Top 9 sa bahay noon nila Vi and Bobot sa Arfel Homes sa project 6 quezon city, kung saan magkapitbahay sina Vi & Bot, ay parang Fiesta araw araw sa Arfel, buses, jeepneys, na puno ng fans ang walang sawang nagaabang upang makita at makausap sila Vi & Bot. Sumusunod sila sa syuting at kahit saan sila pumunta. Kahit hindi singer si Vi ay naenganyo siya nila Bobot at William Leary ng Wilears record na gumawa ng Sweet Sixteen Album, ito ay naging Gold Record, at Ang Kantang Sweet Sixteen ang naging signature song ni Vi, ito ay nirevive ni Jolina Magdangal. Nakagawa si Vi ng 11 na albums, 3 dito ang Mini L.P.’s, 3 dito solo ni Vi at ang iba ay kasama si Edgar ‘bobot’ Mortiz at ibang artists, ang mga ito ay Sixteen, Sweet Sweet Vilma, Aloha My Love, All I see is You, Sweethearts, The Sensations, Christmas Tidings, Baby Vi, Mabuhay, Christmas Carols, and Sing Vilma Sing.
Vilma Always a Trendsetter! - Sa Kasaysayan ng Pelikulang Pilipino Tanging si Vilma Santos lang ang siyang Trendsetter. Lagi na siyang nagseset ng trend ng pelikulang kumikita at ginagaya tuloy ng iba. Kaya naman sa dami ng mga Pelikulang kumita ni Vilma at taon taon ay siya ang boxoffice queen ay ginawaran na siya ng Guillermo Mendoza Foundation ng Hall of Fame as The Perrenial Box Office Queen ! Consider the following:
1. Fantasy Movies: Simula sa Lipad Darna Lipad ni Vilma na pinalabas noong March 23, 1973, ay nauso na ang mga fantasy movies. Nagtala ang Lipad Darna Lipad bilang biggest Boxoffice hit ng 1973. Ilang buwan pinalabas ito sa mga sinehan na kahit ang movie ni FPJ ay napataob. Ito ay produced ng Sine pilipino ng grupo nila Douglas Quijano at ang 3 episodes ay dinirek nila Emmanuel Borlaza, Elwood Perez, and Joey Gosiengfiao. Pangunahing kontrabida ni Vi sina Gloria Romero, Liza Lorena, and Celia Rodriguez. Kinonsulta ni Vi ang RVM Sisters of St. Mary’s Academy Manila kung saan siya nagtapos ng elementary and high school, kung tatangapin nya ang Lipad Darna Lipad dahil that time medyo daring na ang costume na two piece ni Darna. Pumayag ang RVM Sisters provided na magbody stockings si Vi. Sa presscon ng movie ay nagDarna costume si Vi with body stockings, hindi nagustuhan ng press and producers at kinausap at pinaliwanagan si Vi nila Douglas Quijano na tanggalin na ang body stockings. Sa kalaunan ay napapayag din si Vi ganundin ang mama at papa nito. At present ay wala na ang original negatives kahit copy ng Lipad Darna Lipad, sabi ni douglas ay nabili ito ng isang Indonesian producer at matagumpay na pinalabas doon. Naka 4 na Darna movies si Vi : Lipad Darna Lipad, Darna and the Giants, Darna Vs. the Planetwomen, and Darna and Ding. Vilma holds the distinction as the only Actress in Philippine Cinema na gumanap bilang Darna and Dyesebel. Ginawa din ni Vi ang Kampanerang Kuba na niremake sa T.V. ni Anne Curtis at ang Vivian Volta na niremake ni Ai Ai De Las Alas sa movie and sa T.V.
2. Horror/Suspense Movies: Sinimulan ni Vi ang Horror / suspense Movie na Anak ng Aswang na nauso at naging trend noon., Nasundan ito ng Takbo Vilma Dali !, Kamay na Gumagapang, Hatinggabi na Vilma, at iba pa
3. Musical Movies: Naunang ginawa ni Vi ang Let’s Do the Salsa na pinalabas noong March 5, 1976, sinundan ito ng mga boxoffice hits na Disco Fever with boyet de leon na nagopen sa mga sinehan na may bagyong signal no.3 subali’t pinilahan pa rin talaga, Swing it Baby, Good Morning Sunshine, and Rock Baby Rock with Junior na nagbreak ng boxoffice record. Movies based on Komiks Nobelas - Binigay ng Viva Films ni Mina Aragon kay Vi ang mga Komiks Nobelas at ginawang pelikula, nauna ang Sinasamba Kita na sinulat ni gilda olvidado, co stars ni Vi sina boyet, philip salvador, and lorna tolentino. Si Sharon Cuneta ang isa sa kumanta ng theme song nito. Blocbuster Hit ito, kaya nasundan pa ng Paano ba ang Mangarap na mula sa Pilipino Komiks at sinulat ni Nerissa Cabral at Saan Nagtatago ang Pagibig ni Gilda Olvidado na parehong dinirek ni Eddie Garcia. Mula sa Aliwan Komiks ang Palimos ng Pag ibig nila ni Edu Manzano, Muling Buksan ang Puso na dinirek ni Leroy Salvador kapareha ni Vi si Dindo Fernando.Asawa ko wag mong Agawin mula sa Kislap magazine na sinulat ni Pablo gomez. Pawang mga blockbuster Hits ang mga movies ni Vilma, at noong 1982 ginawaran silang dalawa ni FPJ of the first and only CINEHAN Awards bilang All Time Boxoffice King ang Queen of Philippine Movies. Mula ito sa mga Theater owners, Bookers, and Checkers. Ginanap ito sa Manila Hotel at parehong dumalo sina Vi and FPJ, isang engrandeng show ang inihandog para sa Hari at Reyna ng Takilya.
Dahil laging wagi sa takilya ang mga movies ni Vi na mula sa Komiks, ay pinagawa ni Mina Aragon ng Viva Films si Sharon Cuneta nito gaya ng Dapat ka bang Mahalin, Sanay wala ng wakas, atbpa. na siyang nagtaas kay Sharon para maging boxoffice star. Si Sharon ay self avowed Vilmanian at consistent naman siya sa pagpapatunay nito hanggang ngayon. Sabi nga ng mama Milagros ni Vi, dalaginding pa lang si Sharon noon at kapitbahay nila sa Dasmarinas village ay laging kumakatok sa gate nila at panay tanong kay Vi, minsan naman ay naguusap sila Vi and Sharon habang nasa swimmming pool sila. Ang iba pang mga umiidolo, humahanga, at rumerespeto kay Vilma ay sina Kris Aquino, Claudine Baretto, Dawn Zulueta, Ai Ai de las Alas, Maricel Soriano, Eddie Garcia, Boots Anson Roa, Rosa Rosal, Toni Rose Gayda, Gabby Concepcion, Albert and Liezel Martinez, Amalia Fuentes, Gina Alajar, Jacklyn Jose, Piolo Pascual, Marvin Agustin, John LLoyd Cruz, Tirso and Lyn Cruz, Ruffa Mae Quinto, Anna Capri, Armida Sigeon Reyna, Coney Reyes, Tina Revilla, Imelda Papin, elizabeth Oropesa, Philip Salvador, Maja Salvador, Sandy Andolong, Directors Rory Quintos, Jerry Sineneng, Emmanuel Borlaza, Danny Zialcita, Jeffrey Jeturian, at iba pa.
Ang first movie ni Vilma taong 1963 na Trudis Liit sa edad na 9 years old kung saan nagwagi siya ng unang Famas Best Child Actress nya ay serialized mula sa Liwayway magazine at ganon din ang second film nya na Ging taong 1964 with carol varga, ito ay mula sa panulat ni Mars Ravelo na siya ring lumikha ng Darna at Dyesebel. Ang kaunaunahang Teleserye o Telenobela sa Television ng ABS CBN Channel 3 ay pinagbidahan ni Vilma, ito ay ang Larawan ng Pagibig. Dinirek ni Jose Miranda Cruz at mga artista din dito sina Eva Darren, Willie Sotelo, at Rosita Noble. Si Vilma ay 11 years old pa lang dito. Pagkatapos ng taping ng Larawan ng Pagibig, lagare naman si Vi sa kanyang Radio Drama program sa DZRH ang Naligaw na Anghel, kasama nya sina Maggie de la Riva at si Anita Linda na gumanap na ina ni Vilma. Ang T.V. show at Radio drama program ni Vi ay tumagal sa ere ng 3 years. - Jojo V. Lim, President of VSSI Inc