Monday, August 5, 2013

Special Trivia

I will venture into my friend Al’s territory for this issue of V Mag.  Mag-trivia muna tayo para pag may nagtanong sa atin tungkol kay ate Vi ay hindi tayo mapaupo sa last row, sa tabi ng garbage can.
  • Ate Vi was born on a Tuesday, 03 November of 1953 at Galang Hospital in Blumentritt Street, Manila.
  • She weighed 6.5 lbs.
  • Si Mama Milagros Tuazon-Santos ay taga Cabanatuan City, Nueva Ecija, samantalang taga Bamban, Tarlac naman si Papa Amado Constantino Santos.
  • Pinaglihi si ate Vi sa kesong puti.
  • Pangalawa si ate Vi sa limang magkakapatid. Panganay si at Emelyn, sumunod kay ate Vi si Maritess, na sinundan nina Winnie at Sonny.
  • Nag-aral si ate Vi sa St. Mary’s Academy sa Trozo st., Bambang, Manila mula Kinder hanggang High School. Samantala kumuha siya ng special course on Local Governance sa University of the Philippines – Diliman.
  • Takot si ate Vi sa ipis at ayaw niyang nakakarinig ng daing ng babae.
  • Nagtitinda si ate Vi ng minatamis na sampaloc noong nag-aaral pa siya.
  • Marami na ring bahay na natirhan si ate Vi. Una silang tumira sa Trozo St., Bambang. Manila at tumagal sila doon hanggang naging 12 years old siya. Sa la Loma, QC naman sila lumipat hanggang sa mag 17 years old siya. 1970 ng lumipat sila sa Cinnacle Drive, Proj. 6, QC. Mula rito ay lumipat naman sila sa Morado St., Dasmarinas Village, Makati. Sumundo ay tumira naman sila sa Amapola St., Bel Air Village, Makati. Matagal din silang tumira sa Margarita St., Magallanes Village, Makati. 1990 ng lumipat naman sila sa Swallow Drive, GreenMeadows Subd., QC. 2007 ng lumipat sila sa Ayala Alabang Village in Taguig City.  Bukod ditto may bahay pa rin sila sa LPL Compound in Lipa City, Batangas. May rest house rin siya sa Tagaytay. May bahay pa rin siya sa West Covina, CA. Nagkaroon din siya ng bahay sa Monterey Hills, Marikina.
  • Nagkasakit si ate Vi ng pneumonia noong siya ay limang taong gulang. Na-confine siya sa Galang Hospital.
  • Hindi marunong magluto si ate Vi pero may specialty siya. Ito ay ang Meal-in-One na may spaghetti, corned beef, sweet corn at mushroom.
  • Opel record na kulay Silver Blue ang unang kotse niya.
  • Unang bansa na narrating niya ay HongKong.
  • Five feet and half inch ang height niya.
  • May malaking nunal si ate Vi sa likod.
  • Una siyang gumanap sa stage bilang isang madre sa tanghalan ng St. Mary’s noong siyaý nasa Kindergarten. Gumanap rin siya bilang Veronica sa Dulang pam-Mahal na Araw sa Culural Center of the Phils. noong 1971.
  • Tatlong beses niya nakasama si Amalia Fuentes sa pelikula: Bulaklak at Paru-paro (1970), Mga Reynang Walang Trono (1976) at Asawa ko, Huwag Mong Agawin (1986). Samantala, ang karibal ni Amalia na si Susan Roces ay hindi pa niya nakasama sa pelikula.
  • Si Dona Josefa Edralin-Marcos ang nagputong ng kanyang korona bilang Miss Philippine Movies of 1971 at Box Office Queen of Phil. Movies 1978.
  • Magaling mag-drawing si ate Vi, kaya nga binalak niyang kumuha ng Fine Arts kundi lang siya lubhang naging abala sa mga showbiz commitments niya.
  • Special added attraction ang film coverage ng Debut niya sa pelikulang Eternally na ipinalabas noong 1971.
  • Unang pelikula niyang ginawa sa abroad ang Aloha, My Love (1972), sinundan ng mga Don’t Ever Say Goodbye (1972), Pinay, American Style (1979), Miss X (1980), Gusto Kita, Mahal Ko Siya (1980), at Romansa (1980). Samantala may ilang eksenang kinunan sa HongKong ang Anak (2000) at sa Bangkok ang Mano Po 3, My Love (2004).
  • Idinaos ang kanyang debut noong Nov. 3, 1971 sa The Plaza Restaurant sa Makati. Isang sosyal at sikat na restaurant noong panahong iyong ang naturang resto. Dito rin idinaos ang reception ng lasal nina FPJ at Susan Roces noong 1968. Si Ben Farrales ang nagdesenyo at tumahi ng kanyang gown. Si Danilo Franco ang nagburda ng kanyang gown, baguhan pa lamang noon si Danilo at nagtratrabaho kay Mang Ben.
  • Si Auggie Cordero ang gumawa ng wedding gown ni Ate Vi na ginamit sa kanyang Lux Commercial. Samantalang ang National Artist for Film na si Gerry de Leon ang nagdirect ng naturang commercial. Nagkaroon ng Lux and Vi TV special na dinaluhan ng mga nagdaang Lux beauties gaya nina Amalia Fuentes, Susan Roces, Helen Gamboa, Gina Pareno at Hilda Koronel.
  • Jul. 25, 1970 ang initial telecast ng The Sensations sa ABS CBN 3. naging top rate rang nasabing program na nakasama nina Vilma at Edgar ang mga young stars na sina Perla Adea, Romy Mallari, Rhodora Silva, Darius Razon, Baby de Jesus at Tony Santos, Jr. Ginawa pa itong pelikula ng TIIP dahil sa kasikatan nito. Nanatili ito sa ere hanggang ideklara ang Martial law noong Sept 1972.
  • Tumayong maid of Honor si ate Vi sa kasal nina Tony Ferrer at Alice Crisostomo noong 1970 at kian Aurora Salve at Romy Ongpauco noong 1974.
  • Si Ben Farrales rin ang gumawa ng terno ni ate Vi bilang Miss Asian Basketball Confederation of 1973.
  • May magazine na puro Vilma ang news at articles. Ito ay ang Movie Queen magazine.
  • Oleg Casini ang brand ng bikini na suot ni ate Vi sa beach scene ng pelikulang Susan Kelly, Edad 20. Kinunan ang naturang beach scene sa Villamar Beach resort sa Cavite.
  • Hango sa pelikulang The Exorcist ni Linda Blair ang initial telecast ng Dulambuhay ni Rosa Vilma sa BBC2. naging top rater ang naturang programa at nagbigay kay ate Vi ng nomination sa PATAS awards bilang Best TV Actress of 1974.
  • May gagawin sanang pelikula si ate Vi with Lolita Rodriguez (Tigang na Lupa) at Rita Gomez (Mother and Daughter) sa TIIP noong 1974, ngunit parehong hindi niya nagawa. Ang Mother and Daughter ay isinapelikula rin ngunit iba na ang casting. Sina Paraluman at Elizabeth Oropesa na ang gumanap rito.
  • 1974 ng nailathala ang mga nobelang isinulat umano ni ate Vi. Ito ay ang Saksi Ko Ang Diyos, Akoý Birhen (Movie Specials) at Paper Dolls (Kislap). Siya rin ang may akda ng istorya ng pelikulang Biktima na kanyang entry sa 1974 Manila Film Festival.
  • Sinagot ni ate Vi si Edgar Mortiz noong Apr 7, 1971 at nag break sila noong Apr 28, 1974. Si Edgar ang una niyang boyfriend.
  • Nakapag-produce ang VS Films ng limang pelikula. Ito ay ang mgs ss.: Mga Rosas sa Putikan; Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak; Halik sa Paa, Halik sa Kamay, Apoy sa Ilalim, Apoy sa Ibabaw at Coed.
  • Naging judge si Ate Vi sa Miss RP 1976, kung saan nanalo ang nag-artista rin na si Suzanne Gonzales at runner up ang naging super model Anna Bayle. Naging judge rin siya sa Bb. Pilipinas noong 1987.
  • Nagkaroon ng concert si ate Vi sa Folk Arts Theatre noong 1977. Nakasama niya sina Rico J. Puno, Nino Muhlach, Didith Reyes and the late Yolly Samson.
  • Naging official entry ang Masarap, Masakit, ang Umibig (My Brother’s Wife) sa 23rd Asian Film Festival sa Bangkok, Thailand noong 1977.
  • Sa Long Beach Resort, sa Nalinac, La Union nag-celebrate si ate Vi ng kanyang ika 24th birthday. Samantalang sa Paris, France naman nung kanyng ika 26th birthday.
  • Sia te Vi ay ang 1978 Miss Presto at 1980 Miss Crispa sa PBA.
  • Napanalunan lahat ng Burlesk Queen ang mga awards sa 1977 Metro Manila Film Festival maliban sa dalawa (Best Cinematography and Best Production design). Ito rin ang Top Grosser.
  • Super lakas ng pelikulang Miss X. It grossed more than P600,000.00 in its first day of showing just 27 theatres, when normally a P100,000.00 first day gross in the 1980s is already considered a blockbuster. Ito ang unang pelikulang pinagsamahan nina ate Vi at director Gil Portes. The movie was filmed in Amsterdam.
I hope you enjoyed reading this trivia. Addition lang to the info mentioned, November 1962 ng unang mag shooting si ate Vi for Trudis Liit, kaya it’s her 45th Showbiz anniversary. - Eric Nadurata, December  2007, V magazine (READ MORE)

  • The only actress who won three consecutive years as best actress in the Urian awards (the country's film critics) for her movies, Relasyon (1982), Broken Marriage (1983), and Sister Stella L. (1984).
  • She has never won a single best actress award from her movies directed by an ace director, the late Lino Brocka.
  • The first actress in Philippine movies to score a grand slam in 1983 as best actress for her performance in Relasyon (1982) from Catholic Mass Media, Urian, Film Academy and FAMAS award giving bodies.
  • Her mother is Mila Tuazon Santos.
  • Mother of Luis Manzano.
  • Currently serving as mayor of Lipa City in the Philippines. Her husband, Ralph Recto, is an incumbent Philippine Senator.
  • Children (Edu Manzano) and Ryan Christian (with Ralph Recto).
  • Siblings: Emelyn and Sonny.
  • Her Girl Friday Aida Fandialan is girlfriend of her brother Sonny.
  • She is the winner of the most Gawad URIANs (from the country's top film critics), tallying 8 wins, 5 additional nominations (all for Best Actress) and 2 special awards for being the best actress of the '80s and the '90s.
  • She is also currently the most awarded actress in the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS Awards) with 6 wins (5 Best Actress, 1 Child Actress), a Hall of Fame Award, two Circles of Excellence awards (the highest award of the FAMAS), a Lifetime Achievement Award and 9 other nominations (1 Best Supporting Actress, 8 Best Actress). She also holds the record of having the longest string of consecutive FAMAS nominations for performers; she had 12 consecutive nominations from 1977-1989.
  • She is also the most awarded actress in the Film Academy Awards (along with Nora Aunor) with 4 wins for Best Actress, 8 other nominations and 1 Lifetime Achievement Award.
  • The other half of the very controversial FAMAS Best Actress tie in 1972. She shared the Best Actress honors with Boots Anson-Roa. It is the first tie in Philippine movie awards history.
  • The only actress in the history of the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences to have won back-to-back acting awards twice (1981 and 1982, 1987 and 1988).
  • The only actress to have scored 4 grand slams in Philippine movie history (Caveat: a Grand Slam means that the actor/actress has won the Philippines' FAMAS Awards, Gawad URIAN, Film Academy Awards and Star Awards). She scored grand slams in Relasyon (1982), Dahil mahal kita (1993), Bata bata paano ka ginawa? (1998) and Dekada '70 (2002).
  • An advocate-endorser of a nationwide milk education campaign called "Laki Sa Gatas," in partnership with Bear Brand, the Philippines' leading milk brand by sales. The campaign aims to promote, primarily among mothers, the nutritional importance of milk in light of declining milk consumption in the Philippines.
  • Elder sister of Winnie Santos.
  • At the Cinema One Originals Film Festival 2009, she received the Cinema One Legend Award. - Telebisyon.net (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...