Thursday, August 8, 2013

Gov. Vilma Santos-Recto to receive Ulirang Artista award from PMPC


Ang Star for All Seasons at Batangas Governor na si Ms. Vilma Santos ang unanimous choice ng members and officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. ngayong taon, bilang recipient ng isang natatanging gawad—pagkilala sa isang tunay na alagad ng sining—ang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award. Every year ay ibinibigay ito ng nasabing entertainment writers' club sa kanilang PMPC Star Awards for Movies presentation, sa nararapat tawaging "Ulirang Artista" ng Philippine show business.

Kabilang sa criteria ng Club para sa karangalang ito ay ang kanyang "outstanding body of work in film, remarkable achievements in Philippine Cinema, unquestionable credibility, impeccable reputation in the movie industry, integrity, and if she has touched the lives of the Filipino people from her humble beginnings up to her present status." Masasabing espesyal ang pagpaparangal na ito sa multi-awarded actress na si Vilma Santos, dahil nagkataong Silver Anniversary (25 years) ngayon ng PMPC.

Just last week sa general meeting ng PMPC, may iba pang mga na-consider na mga batikan at beteranong aktor at aktres para sa Ulirang Artista Lifetime Achievement Award. At tulad ng laging nangyayari taun-taon, may demokratikong delibration among the PMPC officers and members, kung sino ang gusto nilang i-nominate. Ang pangalan na nga ni Ate Vi ang lumabas na halos unanimous choice.

Ang kauna-unahang recipient ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award ay si Ms. Anita Linda noong 1987. Wala pang ganitong category mula 1984, ang birth year ng PMPC Star Awards for Movies, hanggang 1986. Ang iba pang past Ulirang Artista honorees ay sina: Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Susan Roces, Ramon Revilla Sr., Armando Goyena, Boots Anson-Roa, Perla Bautista, Eddie Rodriguez, Charito Solis, Armida Siguion-Reyna, Gloria Romero, German Moreno, Chichay, Gil de Leon, Leopoldo Salcedo, Alicia Vergel, Mona Lisa, at Rosa Rosal.

Last year, ipinagkaloob ang parangal na ito (posthumous) sa namayapang actor-producer na si Rudy Fernandez. Tinanggap ito ng kanyang kapatid sa awards night sa Ateneo University Theater noong June 27, at nagkaroon ng delayed telecast sa ABS-CBN noong June 30. Last March 10 nang gabi, pagkatapos ng taping ni Governor Vi ng Deal or No Deal (last episode) sa ABS-CBN studio, personal na inabot ng ilang PMPC officers (headed by president Roldan Castro) ang formal letter informing her of the recognition.

"Wow, nakakatuwa naman ang balitang 'yan," masayang bungad ni Vilma, habang binabasa ang formal letter. "Pagkagaling namin sa U.S., sige, magsu-shoot na kasi kami... Kelan ba ito? 'Wag lang Linggo please dahil di ako puwedeng ma-late sa flag ceremony sa amin (Batangas) ng Monday morning," dagdag niya, na inoohan naman agad ng PMPC representatives at aayusin ng mga ito ang schedule, ayon sa availability ng mahusay na aktres. Tuwang-tuwa si Governor Vi sa nasabing mataas na karangalan, nag-congratulate pa siya sa grupo for its 25th year, at masayang kinumpirmang darating sa Gabi ng Parangal upang personal na tanggapin ang kanyang trophy.

"Congrats sa inyo dahil Silver na pala kayo... Yung Oscars, nakakatuwa nung napanood ko, talagang sa pagbanggit ng nominees sa major categories, in-invite nila ang past winners, di ba? Ang ganda! Talagang mararamdaman mo yung respeto sa kapwa artista nila," comment pa ni Vilma, na tila nais nitong ipahayag na sana'y gano'n din ang respetong igawad sa mga tunay na artista sa Pilipinas, sa mga okasyong tulad nito. Sa personal na pagtanggap na yun ni Governor Vi, nagsipalakpakan pa nga ang PMPC representatives sa tuwa. Nang iparating ng PMPC sa production team headed by Director Al Quinn ang mainit na pagtanggap ni Gov. Vi sa parangal ay natuwa silang lahat.

Si Vilma Santos ay isa nang haligi ng movie industry at hindi matatawaran ang nagawa niyang mga kontribusyon sa daigdig ng pelikula. Isa siyang multi-awarded, highly-respected actress (with her string of award-winning performances and box office achievements) na pinasok din ang daigdig ng pulitika. Mula sa pagiging mayor ng Batangas ay matagumpay rin itong ibinoto ng mga BatangeƱo bilang kanilang Governor.

Hindi na mabilang ang mga tinaggap niyang Best Actress awards through the years. Ika nga, name it, Ate Vi has won it. Naikot na niya sa matagumpay niyang showbiz career ang halos lahat ng major award giving bodies—Gawad Urian, FAP (na ngayo'y Luna Awards), FAMAS (Hall of Famer siya as Best Actress), MMFFP, at Young Critics Circle.

For the record, sa history or honor roll ng PMPC Star Awards for Movies, si Governor Vi ang nagkamit ng pinakamaraming tropeo bilang Movie Actress of the Year (Best Actress)—a total of six (6) PMPC trophies to be exact—at isang Dekada Award as Best Actress noong nagpalit ang dekada, na iginawad din noon kina Nora Aunor at Sharon Cuneta. Ang anim na Star Awards for Movies (Best Actress) trophies na nakopo ng Star for All Seasons ay para sa Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal na Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (1998); Dekada '70 (2002), at ang pinakahuli ay para sa Mano Po 3: My Love (2004).

Ngayong April 11 ay nakatakdang umalis si Vilma kasama ang grupo ng Star Cinema patungong U.S. upang mag-shoot ng comeback film niya (after five years), tentatively titled A Mother's Story, directed by Olivia Lamasan. Kasama ni Vilma sa cast ang anak na si Luis Manzano at ang kasalukuyang Box-Office King John Lloyd Cruz. "One week lang muna kami sa Los Angeles para magbakasyon muna with my family. Then, April 19, punta na kami ng New York, pahinga ng 20th, at start ng shooting sa 21st. Mga three weeks kami doon," masayang pagbabalita ni Vilma. "So, in time pag-uwi ko sa May, makaka-attend ako... Wow, wala talaga akong masabi... Thank you, thank you talaga sa inyo!" masayang-masayang sabi ni Governor Vi. Ngayon pa lang ay inihahanda na ng produksiyon ang "special tribute" for the one and only Ms. Vilma Santos bilang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award recipient, very fitting para sa Silver Anniversary presentation ng PMPC Star Awards for Movies sa buwan ng Mayo.

As of press time, inaaayos pa kung sino-sino ang magiging hosts ng Gabi ng Parangal, pati na ang performers. Inaasahang magiging makulay at maningning na naman ang okasyong ito, na magkakaroon rin ng delayed telecast sa telebisyon. Lalo itong magnininging sa pagdalo ni Governor Vilma Santos-Recto. - Mell T. Navarro, PEP, March 13, 2009 (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...