"Natakot ako at natatakot pa sa maaari nilang gagawin, Pero kung padadala tayo sa takot… Kung susuko tayo ngayon, ay parang isinuko na rin natin ang ating karapatang mabuhay ng marangal at parang isinuko na rin natin ang ating kinabukasan. Ilang beses akong sinabihan at pinaalalahanan, na ako’y isang madre lamang. Isang madre na hindi dapat makialam sa mga bagay na wala siyang nalalaman. Pero una sa lahat, ako’y isang tao. Ako’y isang Kristyano. At bilang isang Kristyano, alam ko at alam nating lahat na tayo ay nasa tama, na tama ang ating pinaglalaban at kung naririto lamang si Kristo, natitiyak kong kasama natin siya sa pakikibakang ito. Katarungan para kay Ka Dencio!" – Sister Stella L
The title Queen of kilometric lines would definitely be fitted for no other than Miss Vilma Santos, and why not, she can memorize and deliver a long dialogue with no sweat. If my memory serves it right, the longest one was from Pagputi ng Uwak, Pagitim ng Tagak and it goes like this: “Madalas kong maisip, mula noong magkalayo tayo, lahat ng sinabi mo sa akin nang bumalik ako galing sa Maynila…” etc. etc. Hindi ko kayang sabayan yon, only Ate Vi can do that and nobody can beat her. I remember that Leroy Salvador was so impressed with our Queenstar during the showing of Sister Stella L “Iyang si Vilma, kayang-kayang magkabisa ng mahabang linya at sabayan ito sa dubbing ng walang sablay, that’s a talent”.
Trivia no 1: Do you know that Vilma became Stella in the movie twice? First was in “Batya’t Palupalo” as a rich young student who fell in love with Delfin (FPJ), second is in Sister Stella L as an activist nun. There’s a lot of ingredients on how to make a big hit movie from the stars to storyline to directing up to small details including promotion, script and line deliveries.
Crispy dialogue is Ate Vi’s forte, TATAK VILMA as they say. “Si Val, si Val na walang malay”, “Para kang karenderyang bukas sa lahat ng gustong kumain” and the all-time favorite “Ibalik mo sa akin si Jun-jun”, these famous lines helped it’s marketing vehicle for it’s box-office success. Parang libreng promotion na nga dahil ginagaya ng lahat ng tao, sa school, sa palengke, sa bahay, sa trabaho at pati sa mga sing-along bar. I remember a classmate of mine in college named Lorenzo, he was disappearing in the class all the time, for some reasons he left the room for hours and my professor always looked for him. “Nawawala si Jun-jun” he joked. The whole class would laugh and spoof Ate Vi by saying “Jun-jun, Jun-jun.” From there on his name was not Lorenzo anymore because everybody called him Jun-jun until we graduated college.
Trivia Question no 2: Ano-anong pelikula naging anak ni Ate Vi si Jun-jun? Answer: Gusto kita, Mahal ko siya, Pakawalan mo ako, Ipagpatawad Mo, Paano ba ang mangarap?, Never Ever Say Goodbye. Crispy dialougues and a little bit of sampalan is one of Vilma Santos trademarks that Viva/Regal Films continues to follow as the main formula for their movies.
Confrontation scene is the most important part of the film injected by crispy dialogues. Eto yung nakakagigil habang lumalaban ng sagutan si Ate Vi at nakikipagbatuhan ng linya sa kontrabida o sa kapwa bida. In Magkaribal, Alma Moreno tried hard to insist that Boyet loves her more than Vilma, at kayang-kayang sabayan ni Eric Cueto ang sagot ni Ate Vi na…”Mababa ka pa rin sa akin Cristy, ako pa rin ang asawa, ikaw pa rin ang kerida.” There’s another back to back tarayan that Allan Trambulo had mastered, Ate Vi told Maricel “Anak ka lang, ako ang asawa, karugtong ng buhay, kasiping sa kama” then Maricel replied “Eto naman ang alam ko, ako ang anak, dugo ng kanyang dugo. Ang anak hindi napapalitan, ang asawa nahihiwalayan.” Ate Vi ended the conversation with “Tingnan natin.” People would react “Laban ka?” And of course, I have my own favorite confrontation scene from the blockbuster movie Anak. When Claudine refused to let her boyfriend drive for Vilma. Claudine goes like “Hindi mo siya driver, boyfriend ko siya,” then Vilma was like “Kaya nga gusto ko siyang makilala dahil kung makakasama mo siya habang buhay, dapat lang na makilala ko ang pagkatao niya.” Claudine was so irate and answered back “Hindi habang buhay ko siyang makakasama” pero syempre makakalusot ba siya kay Ate Vi by saying “Kung ganoon hindi mo siya dapat inuwi dito…” Pause, eye to eye contact tahimik pareho then Ate Vi ulit “Nagkakaintindihan ba tayo?” the audience went crazy and applaused “ganyan nga Josie, ganyan nga.”
But let’s not forget that Filipino audience are always waiting for a good moral lesson in every conversation in the movie. Ate Vi’s character give us some advices in it’s own way, mga salitang nagmamarka sa isip at tumatatak sa puso, tulad ni Leah Bustamante sa Bata, bata paano ka ginawa? “Di ba dapat nasa eskwelahan ka, kelan ka pa natutong magbulakbol? Alam mo ba na pag naloko ka sa sugal, hanggang sa paglaki mo maloloko ka dyan. Hanggang sa magkaasawa ka na, hanggang magka-anak ka na. Mapapabayaan mo ang buhay mo, maloloko ang buhay mo.” This is perfect, as Jojo Lim quips patama sa Mare nya. Before I end my article let me leave you my favorite dialogue of all time, here it is….Claudine: “Hindi mo ko naiintindihan. Hindi ko hiningi ang lahat lahat ng ibinigay nyo sa amin. Kayo ang may gusto noon hindi ako.” Vilma: “Dahil mahal ko kayo, mahal ko kayo. Ngayon, sabihin mo sa akin. Ako ba inintindi mo? Sarili mo lang ang iniisip mo. Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang humihitit ka ng sigarilyo. Habang nilulustay mo perang padala ko ay naisip mo, sana kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para may maipadala lang sa inyo. Sana habang natutulog ka sa kutsong hinihigaan mo ay naisip mo kung ilang taon ang tiniis kong matulog mag-isa habang nasasabik ako sa yakap ng mga mahal ko sa buhay. Alam mo ba kung gaano kasakit ang magalaga ng mga batang hindi ko naman kaano-ano samantalang kayo na mga anak ko ay di ko man lang maalagaan. Alam mo ba kung gaano kasakit yon bilang ina? Kung di mo ako maituring bilang ina, respetuhin mo naman ako bilang tao. Yun lang Carla, yun man lang.” - Franco Gabriel, V magazine 2007