Mauurong sa isang taon ang shooting sa New York ng Star For All Season at Batangas Governor na si Vilma Santos para sa unang pelikula na pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz under Star Cinema, na supposed to be ay kukunan ngayong Nobyembre. Napabalita kasi na posibleng sa New York na rin magse-celebrate ng kanyang birthday si Governor Vi on November 3. “Hindi,” tanggi ni Governor Vi sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). “Dito ako magbe-birthday. Alam ko nga magku-co-host ako sa Wowowee. Tapos nangako si Kris [Aquino] na dadalhin niya sa Batangas ‘yung Deal or No Deal. So, looking forward ako diyan.” Sobrang nag-enjoy naman si Governor Vi sa naging experience niya as celebrity contestant sa Kapamilya Deal or No Deal last Friday, August 17. Mapapanood ang episode ni Governor Vi ngayong Huwebes, August 23. Mula sa taping niya ng Deal Or No Deal, dumiretso si Governor Vi at ang mga naimbitahan niya for dinner sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
Speaking of Luis, hindi ba siya naiinip na mag-asawa na si Luis? “Naku, hindi!” tawa ni Governor Vi. “Bayaan na muna siya kasi natutuwa ako na ganyan lang siya. Nakikita ko na every time na nag-uusap kami, nakikita ko pa ang enjoyment niya. “Ngayon pa? Ang mga bata ngayon, matatatagal na mag-asawa and not for anything, lalaki pa si Lucky. So, 26 [years old] lang siya, bayaan mo na siya. Kaya lang, kapag may makita lang na kasama ng anak ko, parang girlfriend na niya. “Kapag malapit lang naman siya, malambing lang siya. ‘Tsaka yung ginagawa niya, ganyan talaga siya, di ba? Nagsu-surprise siya ng dinner, nagsosorpresa siya ng bulaklak. He’s really like that.” Si Mariel Rodriguez daw ang pinakamalapit sa puso ngayon ni Luis. Ano ang masasabi ni Ate Vi rito? “Okay lang sa akin,” sagot niya. “Walang problema kung sino ang gusto niya. Hindi naman ako ang makikisama Nakikita ko lang si Mariel, pero ‘yung sabihin mo nagkilala na kami ni Mariel, hindi pa.” What about si Anne Curtis? “Yes, si Anne nakilala ko rin siya,” sabi ni Governor Vi. “Ano naman niya ‘yon, e, parang soulmate niya, di ba? Okay naman ‘yon. “E, si Angel [Locsin] naman…” patuloy niya. “Ano ba itong kay Angel? Ano ba ‘yan? Kilala ko si Angel, e, hindi ba nagkasama kami sa Mano Po 3? Mabait ang batang ‘yan. They’re close.” Masuwerte raw si Governor Vi sa mga anak dahil bukod sa mapagmahal, may malaking interes pa ang mga ito sa pag-aaral. “Kahit anong pagod ko, sila ang nagibibigay ng adrenalin sa akin. I thank God kasi intact ang pamilya ko. Kung ‘yan makakagulo sa pamilya ako, hindi ako tatakbo,” pahayag niya.
RALPH RECTO. Wala raw political agenda si Governor Vi after her first term as governor of Batangas. Lagi lang daw niyang iniisip ang kapanakanan ng kanyang constituents sa tuwing iniluluklok siya sa public office. “Sa ngayon, we’re still in the process of housekeeping. Siguro by second or third week of September, maluwag na. Kasi ngayon, inaalam ko na lahat. Inaayos ko ‘yung fiscal management, ‘yung financial status ng Batangas. Tinutulungan ako ni Ralph. “Alam mo, laking tulong sa akin ni Ralph kasi pagpasok ko, hindi magulo. Ngayon, itinatama ni Ralph ngayon ang pagsasaayos ng financial status ng Batangas na magiging madali sa akin to understand. Kasi may budget dito, nandidito; may budget dito, nandidito. So, inaayos ngayon ni Ralph sa akin na kung ano ‘yung klase ng pag-aayos ng budget ko sa Lipa. Ganun niya inaayos para mas maging kumportable ako,” lahad ng gobernador. May naiwang pera naman daw ang dating nakaupo sa Kapitolyo ng lalawigan ng Batangas. “Tama naman,” sabi ni Governor Vi. “Ayun, naka-ready na ako for my one hundred-days project. Naka-ready na ako ng six months. Ginagawa na namin ang 2008 budget. Tinutulungan ako ni Ralph, malaking bagay ‘yon.” Kumusta naman si Ralph na hindi pinalad nang tumakbo itong muli para senador noong huling halalan. “He’s much better now. Sabi ko nga, e, huwag namang ipahintulot ni Lord…sabi ko nga, blessing din ‘yung ano [pagkatalo]. Kasi I cannot imagine myself, buong Batangas na, tapos hindi ko maayos nang tama ‘yan? Kaya napakalaki ng tulong ni Ralph sa akin ngayon. “Ngayon, isang sabi na lang, alam ko na agad. E, nung una, hindi ko alam kung saan ko kukunin ang budget. Ngayon, inaayos niya para pag magdesisyon ako, alam ko na agad.” Ayon kay Governor Vi, may posisyon daw na inaalok kay Ralph sa gobyerno. Tatanggapin ba ito ng mister niya? “Why not? Pero sabi niya, i-feel muna natin ang panahon kung nararapat kasi tatakbo ulit siya 2010. Definite na ‘yon,” aniya.
KORINA & NORA. During the May elections, nabalita na nagkatampuhan sila ng news personality ng ABS-CBN na si Korina Sanchez. Okay na ba sila ngayon? “Wala naman,” sabi ni Governor Vi. “Nakausap ko na si Korina. I mean, at this point in time, para ano pang magtatampo ka? Magtatampo ka for a while, pero para itanim mo pa? Tapos nakikita mo kung ano ang nangyayari diyan?” Bilang panghuli, kinuha namin ang pahayag si Ate Vi tungkol sa kanyang archrival at superstar na si Nora Aunor na naninirahan ngayon sa Amerika. Ayaw na raw kasing bumalik ng Pilipinas ni Ate Guy hangga’t hindi bumababa or nagpapalit ng administrasyon ang pamahalaan ng Pilipinas at balita ring nagpakasal ito sa kanyang manager na si Norie Sayo. Tahimik muna si Governor Vi ng ilang sandali. Hangga’t maaari raw ay ayaw niyang magbigay ng pahayag, lalo na sa ganyang isyu. “Mahirap, e. Kahit ano ang sabihin ko, still, may mga magre-react. Sa akin, let’s just respect her decision,” pagtatapos ni Governor Vi. - Julie Bonifacio, PEP, August 21, 2007