"Okey din naman pala itong utol kong si Ethel Ramos. You see, she went with Vilma Santos to Amsterdam and like a good sister...she sent me these exclusive pictorials of Vilma Santos and that of up-and-coming actor Mark Gil. Mark, as you have probably heard went ahead of Vi to Amsterdam. So, Mark was able to see the rounds of Amsterdam even before Vi came. So impressed was Mark that he almost memorized the favorite spots he went to and volunteered to become Vi's guide. Sa Damsquare unang ipinasyal ni Mark si Vi. Sa lugar na ito raw malimit na nagpapasyal ang mga tagaroon. Karaniwan na, doon sila nag-papalipas ng maghapon, nakaupo sa mga upuang sadyang ginawa para sa mga turista at kundi nagpapahangin ay nagpapainit kaya. Sa Damsquare ay makikita ang pagkarami-raming kalapati. Kung gusto mong pagkalumpunan ka ng mga kalapati na pagkaaamo, pakainin mo lang sila at pagkakaguluhan ka ng mga ito. Maraming nagtitinda ng mga pagkain ng kapati sa Damsquare. Iyon ang tagpong malimit nating makita sa mga pelikulang English. May eksenang ganito si Vi na mapapanuod natin sa "Miss X" na ginawa nila in its entirety in Amsterdam. "Nakakatuwa si Vi habang pinanonood mo siyang nakikipaglaro sa mga kalapati..."
Hindi Nakaporma - "She was bubbling with joy," puna ni Mark, who obviously was smittened yata with Vi's charm. Kaya lang, ang balita namin, tipo raw na hindi nakaporma si Mark kay Vi dahil sa isang Dutchman na laging nakadikit sa aktres. Kamukha raw ni Ramil Rodriguez ang "suitor"na ito ni Vi at talaga raw matinding-matindi ang tama sa ating dalaga. Makikita ninyo sa movie ang Dutchman na ito dahil kasama rin siya sa cast ng "Miss X." At mukhang seryoso raw ang Dutchman na ito dahil may nagbulong sa amin, malamang na pumunta siya rito sa ating bansa para totohanin na ang kanyang panliligaw. Kapag nangyari ito, masaya siguro. By the way, back to Damsquare, naroon din daw pala ang palace ni Doña Juliana, ang reyna ng Amsterdam, pero hindi siya doon nakatira. Minsan isang buwan lang kung buksan ang palasyo at itoý kung may cabinet conference. Si Doña Juliana ay anak ng first queen ng Amsterdam na si Doña Wilhelmina. Sa Soastdijk (pronounced as Susdak) siya nakatira. Isang lugar din ito sa Netherlands. Ipinasyal din ni Mark si Vi sa Red Light District. Dito kinunan ang malaking bahagi ng "Miss X." Dito nga makikita ang much talked about na mga babaing naka-display sa eskaparate at for hire for a 15-minute pleasure..." - Article by Chit A. Ramos, Photos: Bing Cruz, first published at Jingle Extra Hot Magazine, 26 November 1979, Posted by James DR, Pelikula (READ MORE)