Friday, December 4, 2015

Ms. Vilma Santos: The one and only...Actress For All Seasons


And the winner is...Ms. Vilma Santos! From day one ng isinagawa naming Readers'Choice for Best Actress sa taong 1991, kung saa'y pumili kami ng walong pinakamahuhusay na akres no'ng nakaraang taon (natunghayan n'yo na kung sinu-sino ang pumasok sa INTRIGUE Magazine's Circle of 8) bilang mga nominado, malinaw agad ang tinungong landas ng Star for All Seasons bilang eventual winner.

Nasa '90's na tayo, kungbaga, at batid naman ng lahat kung gaano pa rin ka-strong ang following ng TV-movie actress na si Vilma. Masasabing ito ang edge ni Vi kay Guy at this point; komo ang mga tagasubaybay ng pelikulang lokal ang nagsilbing mga hurado sa ating mini-patimpalak na ito sa akting, naro'n 'yong factor na nakahihigit ang aktibong fans ni Vilma kesa kay Nora, hence the glaring result.

Ngunit sa punto ng kahusayan, parehong hindi matatawaran ang acting prowess ng dalawang most durable superstars ng local showbiz. 'Yon nga lang, kailangang may manalo at may matalo, base sa kani-kanilang pagganap sa mga pelikula nilang inilaban. This time, si Vilma Santos ang winner natin, para sa isa ng namang madamdamin niyang pagganap bilang isang ina na may kapansanang anak sa obra ni Direktora Laurice Guillien - Ipagpatawad Mo.

Hindi man kasimbongga ang parangal na ito sa mahigit isang dosenang major acting awards na natamo na ni Vi mula nang pumasok sya sa showbiz, para sa ami'y isa na rin itong busilak na pagkilala ng kakayahan nya bilang aktres. kani-kanilang enties na pumipili kay Vilma bilang best actress '91 nila'y buong kaseryosohan ding hinimay-ang uri o tipo ng pagganap ni Vi sa naturang pelikula, upang i-justify nga kung bakit si Vilma ang dapat tanghaling pinakamahusay.

Sa ami'y wala ring kuwestiyon ukol dito. Deserving talaga si Vilma na manalo kaya binabati namin sya, in behalf of the magazine's editor and staff. Ito ngang issue namin ngayo'y tribute, kungbaga, sa natatanging kahusayan ni Vilma bilang actres. Hindi nga lang siguro sya Star for All Seasons; sa punto ng pagiging aktres ni Vi, lagi syang kinikilala sa kanyang kahusayan sa magkakaibang panahon ng kanyang pamamayagpag, making her an actress for all seasons, indeed!

This October, magte-thirty years na si Vilma Santos sa pagiging artista. More than two-thirds of her lifetime, nai-devote na nga ni Vi sa pag-arte, pero kung tatanungin mo sya, despite the downtrends and the pitfalls in her career (naapektado ang kanyang personal na buhay in some intances) sasabihin nyang wala syang anumang pagsisisi sa larangang pinasok.

Nineties na, pero nariyan pa rin si Vilma. Sumisipa pa rin sa pagiging bankable star at highly respected actress. Iniwan nya ang ang nagdaang dekada otsenta na well-recognized ang kanyang kakayahan bilang aktres (isa sya sa nabigyan ng Gawad Pandekada ng Urian para sa acting achievements throughout the '80's), pumapalaot uli sya sa panibagong panahong ito sa local showbiz na taglay ang ibayong kaningningan 'yon. Siguro nga, kahit maging lola na si Ate Vi, win pa rin sya ng best actress trophies! - William Reyes, Intrigue Magazine, No. 166 March 19, 1992

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...