Sunday, November 2, 2014

The Untold Story of Vilma Santos


Anim na taong gulang lamang si Rosa Vilma Tuazon Santos nang ipasiya ng mga madre sa St. Mary's College sa Magdalena na karapat-dapat siyang gawing madre superiora! Kaya wala silang atubiling isinagawa ang pagbibihis kay Vi bilang madre superiora. Tumayo si Vilma sa tanghalan ng graduation at siya ang naging taga-abot ng certificate sa mga nagtapos. And she was the cutest version of a mother superiora ever, as she stood there ang munting mestiza nina Ginoo at Ginang Amado Santos ng Bambang mistulang madre ngunit halos sing-laki lamang ng manyika. Ito ay isang practice na naging kaugalian sa mga ara sa Catholic schools maging para sa lalaki lamang o para sa mga babae lamang. Ang mga batang nagtatapos ng kindergarten ay karaniwang may graduation rites na wika nga, na ang mga selected at outstanding students na grade school ang pinagaganap sa papel ng mga outstanding officials ng eskuwela. Kung mga lalaki ay may arsobispo pa ets. samantalang sa mga babae ay mga characters or madre superiora ang pinakakatawan nila sa mga outstanding student. At laging ganito si Vi nang magsilmulang mag-aral. Kabilang siya sa mga masipag at masinop na pupils ng St. Mary's. Marahil pinangarap pa ng mga madre na nasa paaralang yaon na baka sakaling magkaroon ng "vocation" si Vi for the call of Christ.

Mabait na bata, mabutihin, she had always been imaginative enough to be an asset to the school. Laging matulungin, usualy, umuuwing umiiyak ang nakatatandang kapatid na si Emily probably older by a year or so at dumarating ng gutom kasi ang Vi ay nauubos ang baon sa pagbibigay doon sa mga estudyantedng walang baon at pagkatapos nakikihalo na lamang sa kapatid na di naman siya mapahindian sapagkat very close sila sa kanilang family. Sa kabilang dako, halata na "for the arts" si Vi bagama't wala pang nagaakala noon na magiging artista siya. Kasi bistado sa buong eskuwelahan ang hilig ni Vilma. Siya ang malimit na sumusulat ng mga scripts ng bolada para sa grade school. Simpple nga lang para nakababatid siya kaya siya ang naaatasan lagi sa ganitong chore. And this is not surprising. May hilig talaga si Vi noong bata pa siya. Maaaring di siya nagkahilig na malilimayon sa kalye ngunit laging nasa kanilang bahay ang mga kalaro niya at lagi siyang nagmamaestro-maestrohan. Kaya nga ba inakala ng yaya nilang magkakapatid na si Mamay na magiging teacher si Vi o propesora. Kung wala ang mga kalaro galing sa mga kapitbahay ang mga kapatid ang siyang tinitipon at ginagawang mga students niya. At ang katakataka, kahit noon pa, acccepted na ang leadership niya.

Somehow their world revolved around her, and enjoy naman sila sa kanyang company. Talaga nga yatang isinilang si Vi to be an object of admiration ang affection. If her family history is to be traced November 3 nang Vi made her appearance in the happy home of Amado Santos and the former Milagros Tuason some 19 years ago, sa Galang's Clinic at noon pa man ay panay na ang hanga sa pagka-cute at sa kagandahan ng "mestisa" nila. At palibhasa'y doll-like, enjoy si Gng. Santos sa pagbibihis sa dalawang anak niyang babae sa magkasunod isinilang. Di tio mahirap gawin sapagkat woman executive si Mrs. Santos at this time, sa Aguinaldo department store noon sa Echague branch. Natatawa pa nga siya sa kanyang sarili sapagkat siya ay isang Pharmacy graduate ng MCU at sa nais na makapag-start noon napasok sa clinic helper at clerk ngunit dahil sa sipag at pagsisikap she rose from the ranks into the sales department hanggang sa maging supervisor. That is how systematic and how tiyaga the Santos family are. This was the happy home that Vilma Santos grew up in. Bagaman at working wife ang mother niya samantalang ang papa niya na isa ring pre med student bago nag-asawa ay nagtatrabaho sa isang movie company, the children na binubuo noon ng listong babae, sina Emelyn, Vilma at Maritess ay never felt neglected.

Isinasaayos ni Mrs Santos ang mga pagkain sa bahay baog pumapasok ng opisina at tuwing tanghali ay umuwi upang ma-check up ang mga girls with their Mamay. Tuwing linggo napapasiyal sila kung hindi sa luneta ay sa Lola pagkagaling nila sa lolo nila na si Dr. Patricio Santos ng Bamban. Capas of the sugar rice big estatea doon. Ngunit nang mag-asawa ang mga magulang ni Vil, ipinasya nang galawa to stand on their own two feet, tumigil ng pag-aaral si papa ni Vi at hinarap ang pagha-hanap-buhay. Palibhasa'y true love, lahat ng hirap ay ni-weather nila. As Mr and Mrs Amado Santos (they got married when Vi's mother was 23) maaaring mahirap lamang sila ngunit at that stage sinikap nang mag-asawa na maidulot sa mga ank lahat ng pangangailangn. Maaaring nakatira sila sa isang paupahan ngunit silang lahat ay maligaya. Ngunit kahit na noong bata pa si Vi, she had that serious energy that keeps on going, endeavoring at dahil ke minsan nakapanggaling siya sa paglalaro na di mapapansin nang kanyang Mamay na basang basa siya nang pawis. She was then about four years old. Nakaligtaan ni Vi na magpalit at natuyuan ng pawis sa likod. Nang gabing yaon ay inapoy ng lagnat at nang di makuha sa mga aspirin at iba-iba pa, itinakbo siya sa ospital. That was the first time na ibinalik si Vi sa ospital buhat nang ipanganak ito because she had always been a healthy baby since birth. That was the time when the doctor shook his head! Napulmonya si Vilma at kailangan ang mariing pangangalaga. At ang mag-asawang Amado at Milagros ay mahigit na isang linggong hali-halili sa pagaalaga sa kanilang pangalawang anak. - Sixteen Magazine, No. 125, 23 June 1973

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...