Maraming pumupuna nuon na hindi raw pang-masa si Ate Vi at ang kalaban raw niya ang pangmasa. Eto na, matagal nang lumabas ang tutoo. Pero mas lalong lumutang ang katotohanan sa nakaraang dalawang dekada (2000-2020). Bakit hindi ito Tutoo? Dahil sa dami ng ginawa ng pelikula ng karibal, hindi ito tinangkilik ng masa, maging ang mga art house na pestibal o panatiko sa CCP, hindi pa rin ito kasing lakas kumpara sa ibang pelikula at nanood rito. At kung suwertihin naman na mapanood sa malaking sinehan ang pelikula ng karibal ni Vi, nakikiusap pa ang mga prodyuser at direktor na huwag tangalin agad.
Kung ang karibal ni Vi ay pangmasa, bakit pahirapan pa, na hiyakating panoorin ang pelikula niya? Samantala ng umuwi si Josie mula sa Hongkong para makapiling ang mga Anak nuong 2000, nabulabog ang mga sinehan sa haba ng pila, nagpatuloy at nagpatunay ang pagiging Reyna ng Masa ni Vi - sa pelikula man o sa politika. Lahat ng pelikula niya mula kay Josie hanggang kay Vivienne, tinangkilik ng masa, sa kanyang mga di pangkaraniwang papel sa puting tabing. Milyon-milyon ang kinita sa takilya. Maraming nabigyan ng trabaho sa industriya at maraming maliliit na taong pilipinong pinasaya niya sa panonood ng kanyang mga pelikula.
Dahil sa karangalang binigay ng PEP bilang numero unong pinakamahusay na pangunahing aktress ng taon 2000 hanggang 2020. Oh ikaw na! Si Vi na nga! At wala ng iba! Siyempre naman, maraming nagbunyi ngunit mayroon din namang nag-iingay. Patulan ko ba?
Maingay na director - May isang nagiingay na direktor na pilit pinagtatanggol ang karibal ni Vi. Hindi kaya niya nakita na ganuon pa rin ang pagarte nito -na niluma na ng panahon? Kung kaya wala ng nagkakainteres sa masa na panoorin ito? Katulad ng huling pelikula nito na hindi nakitaan ng bahaghari dahil sobrang pilit na drama at nakakatakot na pang-horror na mga mata ng nilumang aktres. Kung kaya naman maging ang mga baguhang starlets ay tinalo siya sa pangdisyembreng online na pestibal at sa kakatapos na Eddys.
Ang sasabihin ng ilan, nagbigay raw by karangalan sa ating bansa, sa mga pestibal sa labas ng bansa, ang pambato ng nag-iingay na direktor. Ang tanong ko lang naman may nakapanood ba ng mga pelikula nito? Anong naging halaga nito kung hindi naibalik ang puhunan mga prodyuser? Sampu-samperang pang-art house daw ang mga pelikulang ito, na aminin man nila o hindi, sila sila lang ang nakapanood.
Hindi ba puwedeng pagsabayin ang komersiyalismo at matinong obra tulad ng pelikula tungkol kay Loida, ang dakilang ekstra na naglakbay sa Amerika at Kanada at kumita ng husto? Kailangang bang paramihan ng pelikulang indie o mas mainam ang may maraming klaseng pelikula na inihahain sa masa at tumatabo sa takilya? Hindi ba nakikita ng direktor na ito na halos pare-parehong tema at pagarte ng kanyang pambato kung kaya walang interes na ang masa rito?
Ang tunay na dahilan - Bakit ba nagiingay ang director na ito? Hindi nga ba't siya rin ang bumatikos kay Vi ng bumoto ito ng "yes with reservation" sa isang bill na pinasa sa kongreso? Alam n'yo ba na hindi si Vi ang unang bumoto ng ganito? Matagal na panahon na, pangkaraniwang gamit ito ng mga politiko upang magkaroon ng kooperasyon sa ibang partido. Ang pinakamakahulugang dahilan ay kung isa kang miyembro ng menor na partido, kailangang makipagkooperasyon ka upang maihangon mo ang iyong mga minimithi o isinusugod na pakay para sa ikabubuti ng iyong kapuluan na nirerepresenta mo sa kongreso. Kung hindi mo ito gagawin, wala kang maipapasang batas na magpapabuti sa mga mamamayan na iyong kapuluan. Ang mga mahahasang politiko nuon at bumoto na rin ng ganito upang makipagkooperasyon at magkaroon ng solusyong pangkalahatan.
Bagama't may katapangan sa kanyang desisyon tumayo si Vi, sa kanyang posisyon, katulad ng pagtayo niya kontra sa death penalty o sa pagtutol niya sa pagputol ng prangkisa ng ABS-CBN. Ang tanong ko lang, kung hindi ba siya babae, at hindi siya si Vi magrereklamo ba ang mga reklamador? Ilang taon na rin ang nakakaraan may nangyari bang masama sa naging boto ni Vi? At kung nagkamali ba siya sa pagboto nito, wala na bang halaga ang mga daan-daang kabutihan nitong nagawa sa ating mga kababayang Pilipino, na patuloy na naghihirap? Ano ba ang nagawa ng mga maiingay na reklamador katulad ng bungangerong direktor na ito -na nagpupumilit na magkaroon ng boses ngunit wala namang entablado? Ano ba ang naiambag nila sa masa para magkuwestiyon?
Ganito na nuon, Ganito pa ba ngayon? - Tulad noon, ganito pa rin ngayon. Binigay na, magrereklamo pa. Hindi naman hiningi ni Vi ito, kusang binigay ngunit pinipilit pa nilang kuwesyunin. Tulad ng pang-masang karangalan, ilang ulit nang nilaglag ang bata nila, pinipilit pa rin. Naranasan mo bang lunukin ang sarili mong suka? Kasuklam naman sa panlasa di ba? Kung ipipilit pa rin hindi ba parang binabalahura na nila ang mga Tao sa likod into?
Kung ang masa na ang nagsasabi. Lagpas sampung obra man o hindi kung inayawan at hindi nila gustong panoorin ang mga pelikula ng karibal ni Vi, ano pa bang patunay ang gusto nila? Naluma na, kung kaya naman -tapos na ang laban.
Sa huli, sa haba na ng panahon, makikita sa "record book" ang marka ng kasikatan ni Vi. Hindi ito sa paramihan ng pelikula, kundi ang iba-ibang putahe na nagpasaya ang masang pilipino. Si Vi ang tunay na Reyna ng pelikulang Pilipino. Salamat sa PEP sa pagpapahalaga sa kanyang ambag sa masang Pilipino. Ito ay patunay na siya ang Nasyonal na Alagad ng Sining, Ng Masang Pilipino. - FRV, 06 May 2021
*** Ilang linya ng kanyang obrang pelikula (2000-2020) ***
“Sana sa tuwing umiinom ka ng alak…habang hinihitit mo ang sigarilyo mo at habang nilulustay mo ang perang pinapadala ko! Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito. Sana habang nakahiga ka diyan sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin kung ilang taon akong natulog mag-isa nabang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko. Sana maisip mo kahit kaunti kung gaano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi ko kaanoano samantalang kayo, kayong mga anak ko hindi ko man lang maalagaan. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa isang ina? Alam mo bang gaano kasakit iyon? Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina. Respetuhin mo man lang ako bilang isang tao. Yung lang Carla…yun man lang.” – Josie Agbisit (2000)
“Buong buhay ko yan na lang lagi ang sinasabi nila sa akin…wala kang magagawa eto ang gusto ng asawa mo…wala kang magagawa eto ang kapalaran mo…wala kang magagawa dahil dapat…putris naman, dapat hindi ganuon…tapos sasabihin ng daddy n’yo hindi lang ang anak ko ang pinatay hindi lang ang anak ko ang dinukot…lalo akong nanggigigil, lalo akong nagagalit dahil kung nanay ka talaga, hindi ka lang dapat nanganganak kundi naipaglaban mo rin ang anak mo dapat kaya mong pumatay para sa anak mo…gusto ko lang malaman bakit nila pinatay ang anak ko…hindi masamang tao ang anak ko, kahit sa oras na ito humarap ako sa diyos kahit sa dimonyo hindi masamang tao ang anak ko…hindi masamang tao ang anak ko!” – Amanda Bartolome (2002)
“Pinuntahan n’yo ba ako rito para awayin?…silang dalawa,,,mahal ko silang dalawa, bago ko pa man naging boyfriend si Michael, naging asawa si Paul, magkakasama na kami, kaya mahal ko silang dalawa, mahirap bang intindihin ‘yon?…walang batas na nagsasabing bawal magmahal ng dalawa….” – Lilia Chiong Yang (2004)
“Kung ang tawag sa mga namamatayan ng asawa ay byudo o biyuda at ang mga anak na nawawalan ng mga magulang ay ulila, ano ang tawag sa mga magulang na namamatayan ng anak?” – Daisy Hernandez (2006)
“Pag nagkakamali ba ang nanay, di mo na siya nanay? Pag binigo ka niya, nababawasan ba ang pagkananay niya? Nanay pa rin kami. Nanay niya pa rin ako.” – Vivian Rabaya (2016)
"...Itaga n'yo sa bato, sisikat din tayo!" "...okay lang po, it's part of the job!" - Loida Malabanan (2013)