Una kong nakapanayam si Pete Lacaba noong isang taon matapos kong mabasa ang kanyang librong antolohiya tungkol sa makulay na dekadang setenta, ang Days of Disquiet, Nights of Rage. Isang panahong nakaukit lalo na sa isipan ng mga anak ng tinatawag na First Quarter Storm, ang libro ay isang mapanuring testamento sa isang di makalimutang bahagi ng ating kasaysayan, sa paningin ng isang peryodista. Kung paano nailimbag ito sa kasalukuyang panahon ng kadiliman ay isang magulong palaisipan. At ngayon naman, ay napag-alaman ko ring si Lacaba ay nasa pelikula na rin, at naitanong ko, bakit? Ang mga paliwanag ay nasa kanyang sarili na rin at hindi na dapat ungkatin. Ngayon taon, si Lacaba ay nasa gitna pa rin ng pangamba at panibagong pakikihamok. Bilang isa sa mga pinuno ng itinatag na Concerned Artists of the Philippines (CAP), siya ay nasa unahan ng mga alagad ng sining na mulat sa mga pangyayaring hindi maiiwasan. At ngayon ay bukambibig ang pangalan niya bilang manunulat ng mga pelikulang kontrobersiyal dahil naglayong ipakita ang katotohanan sa ating lipunan, ang Sister Stella L. ni Mike de Leon at ang Bayan Ko (a.k.a. Kapit sa Patalim) ni Lino Brocka. Sa panayam na ito, ating alamin ang mga nangyari sa pagsulat niya sa Sister Stella L at ang ibang saloobin niya rito. Hindi napag-usapan ang Bayan Ko dahil hindi pa ito naipapalabas sa Pilipinas.
Ang Sister Stella L ay tungkol sa isang madreng nagtratrabaho sa isang guidance couselling center na dahil sa pagsama niya sa kanyang kaibigang madre at siguro dahil na rin sa pansariling suliranin ay namulat sa isang malawakang suliranin ng lipunan. Tunay na nakakapanibago sa kasalukuyang takbo ng pelikula. Paano nag-umpisa itong project na ito? "Nag-umpisa ito noong nag-iisip pa lang kami ng isang istorya para kay Vilma Santos (Magugunitang si Vilma ang pinakamabiling artista noon at hanggang ngayon). Kasama namin si Marichu Perez-Maceda, ang prodyuser na kinakausap ni Mike de Leon. Ini-apply pa nga ito sa Film Fund. Ideya yon ni Mike na gawing kuwento ng isang madre. Sabi ko, wala akong alam diyan. Kaya nag-research kami. 'Una kong script ay tungkol sa isang madre sa probinsiya na nasangkot sa problema ng mga magsasaka. Hindi ito sinangayunan ni Marichu dahil hindi raw tinatanggap ng mga tao si Vilma kung ang karakter niya ay nasa probinsiya. Pinalitan ito ng isang madre sa siyudad na nasangkot sa suliranin ng mga manggagawa. Dahil sa mga sumunod ng mga pangyayari, na nabalita ang mga hulihan sa panig ng mga manggagawa at sa mga religious groups, naipasyang tanggalin ang anumang delikadong bagay sa script at gawin daw love story (Maalala ang ganitong linya sa pelikula na sinabi ni Liza Lorena, bilang editor ng isang magasin kay Jay Ilagan, isang peryodista). Nagkawalan ng rin ng gana, hanggang sa napunta nga ang project sa Regal."
May mga pagbabago ba sa orihinal mong iskrip na ginawa sa pelikula bukod sa mga sinabi mo na? "Hindi naman gaanong itegral ang mga changes doon. Unahin sa mga karakter. Yung orihinal na karakter ni Jay ay isang doktor, ngunit dahil sa naging siyudad ang setting, binago namin sa isang peryodista. Sa tauhang mismong ito ay nagkaroon ng pagbabago. Tulad nang nagkaroon ng problema sa pagkuha namin kay Jay (dahil may contract sa Viva), pumalit si Joel Torre, so dapat mas bata kay Vilma. Kaya lang, noong tumagal, ipinasya ni Mike na ibalik kay Jay. Sa karakter ni Jay may mga eksenang ipinakita ang kanyang kapatid na radikal at ang kanyang asawa at anak at sa pamilya naman ni Vilma, may mga dalawang eksena, pero ito'y tinanggal. Ang ending ay nabago rin. Originally, nagkaroon ng gulo sa strike area at napatay si Jay. Eh, gustong-gusto ni Mike sa karakter na yon, ayaw niyang mamatay yon. May eksena ring nakunan na tinanggal sa final print dahil sa kahabaan, tulad ng mga counselling scenes sa Caritas. Sa pelikula ba, gaano ang totoo at ang hindi sa tunay na buhay? "Ang halos lahat ng nangyari roon ay hango sa istorya ng mga madreng aming nakapanayam. Masasabing si Sister Stella ay ang kabuuan ng iba't ibang madreng aming nakausap. May isang madreng nagkaroon ng boyfriend at totoo yung sinabing binalak siyang kidnapin, isa ring madreng nagsawa sa counselling kaya lang lumabas siya sa kumbento, at siyempre, alam din nating may mga madreng nakikisangkot sa mga manggagawa.
'Yong mga torture scenes nga ay totoong nangyari sa akin at masahol pa roon. May nagsabi rin sa akin, NiƱez Cacho-Olivares, na walang reporter na ganoon magsalita sa kanyang editor. Ewan ko lang, pero kung naintindihan nating ang karakter ni Jay ay ganoong assertive at meron siyang naipahiwatig na background na may pagka-moderate activist, maari niyang gawin iyon. Tsaka may close working relationship sila ng editor." Nasabi minsan sa isang interview ni Mike de Leon na ikaw raw ay instrumental sa kanyang politicizing. Ano ang masasabi mo rito? "Siguro naman hindi. Kasi bago man lang kami nagkakilala, nalaman kong ginagawa na niya yong mga short films about rallies noong mga early '70s. When he began working sa LVN, ginusto niyang mag-umpisa sa pinakamababang posisyon sa kompanya, eh kanila yon. Doon pa lang, makikilala mo na kung anong klaseng tao si Mike. Siguro, mapapansin mo na rin na bago pa lamang nga kami nagtrabahong dalawa, ginagawa na niya yong Kakabakaba Ka Ba?, Kisapmata at ang Batch '81, na aminin nating may mga temang sosyal o politikal. Siguro, masasabi kong lumalim lang ang kanyang pananaw o pang-unawa sa mga paksang ito. Nandoon na yon sa kanya." Paano Kayo nagkasamang magtrabaho? "Nag-umpisa ito noong nilapitan niya akong gumawa kami ng isang pelikula. At ibinigay ko sa kanya ang natapos ko nang Kapit sa Patalim. Originally, it was intended for Lino (Brocka), pero sabi niya, hindi pa raw panahon. Kaya noong si Mike na ang nagtanong sa akin, ini-offer ko yon which was intended for Rudy Fernandez. Marami na ring nangyari sa project na yon, at hanggang naibalik nga kay Lino (at naipalabas sa Cannes ngayong taon)."
Ano ang mga kontribusyon ni Mike sa iskrip? "Sa kanya yong mga talumpati nina Vilma at Anita (Linda) sa katapusan ng pelikula. Suhestyon din niya ang paglaki ng papel ng editor, at ang pag-breakdown ng mga ekesena ni Gina (Alajar) bilang Gigi. The role of Gigi was meant to conunterpoint the labor problem. Other scenes could have been included which would highlight that Vilma had some success with her counselling job." May mga puna sa pelikula, tulad ng mga may pagka-talky raw ito? "Yeah, napansin din ng iba ito. I was worried that the film was becoming more talky as we went on, pero sabi ni Mike, talk is as important as the visuals." May pagka-claustrophobic daw ang effect ng pelikula? "I think it was deliberate. I can remember Mike telling our production designer, Cesar Hernando, to give a claustrophobic effect to the sets, particularly the interiors. With regard to the criticism na ang mga workers ay malilinis, ang masasabi ko, ang mga trabahador sa isang factory ng cooking oil ay malilinis naman." Pagkapanood mo ng pelikla, anong bahagi ang nais mo pang baguhin? "Maaari kong dagdagan ang mga eksena sa Caritas na ipinapakita ang ibang alaga roon, at gusto ko ring ipakita ang relasyon ni Vilma sa kanyang pamilya. Kung tatanungin ako, na kung dapat inabuso pa si Vilma sa kamay ng mga goons, hindi yon totoo, wala pa naman akong nalalaman na ginagawa yon sa mga madre, sa aking pagkakaalam." Anong mga reaksiyon ng mga nanood na sa pelikula? "Generally positive. That is as far as the selected audiences where the pricture was shown. Generally, sabi nila, masakit daw, nakakakonsyensiya daw, nakakagalit. May kanyang pala-palagay sa mga detalye." Personally, what is the merit of the film? "I hope it can change the perceptions of people with regard to certain realities, open their eyes probably. Well, the censors felt it was not subversive, not anti-government. Sana hindi mangyari sa pelikula ang ginawa nila sa pelikulang Sakada." Sana..." - Mike Feria, Jingle Extra Hot Magazine, 06 July 1984, Posted by James DR, 21 July 2016 (READ MORE)