Saturday, June 1, 2019

Remembering Mama Santos 1/2


Ang Reyalidad - "OK naman lahat except bumigay na 'yung heart. Siguro, sabi ni Mama, 'OK na. Enough na.' At least, alam ni Mama, nandito kaming lahat. And we did our best...Tanggapin na natin, 93 na ang mama mo. That we have to accept, You know, kahit sinasabihan ka, iba pa rin pag nangyari na. Kahit anong sabihin sa ‘yo, ‘mag-prepare ka na,' hindi ganun kadali when nandoon ka na sa realidad na wala na siya, you know. And iba pa rin. Iba pa rin...Pero ngayon na dumating ang mga kapatid ko, I felt good. Kasi, kumpleto kaming magkakapatid. From the States, kanina lang sila dumating, e. Inabot pa nga nila 'yung blessing kay Mama. Nakakasarap lang ng pakiramdam na may mga karamay ka..." - Hon. Rep Congresswoman Vilma Santos-Recto, ABS-CBN News, 04 April 2019 (READ MORE)

Pahinga na sa lahat ng hirap at pagod sa buhay - “It was a bitter pill. Masakit talaga para sa aming mga anak niya iyong pagkawala niya, but deep inside alam naman naming nahihirapan na rin siya at iyong nangyari means makapagpapahinga na rin siya sa lahat ng hirap at pagod sa buhay...In fact, we all came out strong. Siya nga kasi ang naging example namin eh. Hindi ko masasabing walang hindi naging magandang nangyari sa buhay ko, pero natutuhan ko ang bumangon at mailagay sa ayos ang lahat. Iyong mga kapatid ko, hindi ko naman masasabing hindi rin nagkaroon ng problema, pero sila man mabilis na nakakabangon, kasi nga iyon ang nakagisnan namin kay Mama. At iyong totoo, hindi umasa si Mama sa akin. Lagi siyang may sariling negosyo kahit na ano pa iyan, kaya hindi namin masabing umasa siya sa amin. Noon na nga lang talagang mahina na siya at saka lang siya tumigil talaga. Pero hindi pa rin agad tumigil eh, siguro hindi niya kayang kumilos pero noon kasi iba pa rin ang isip niya. Nagbibigay pa rin siya ng advice and most of the time, maiisip mo, tama ang sinasabi niya...(Stop muna si Vi sa kanyang re-election campaign) kailangan ko namang makabawi kay Mama..." - Hon. Congresswoman Vilma Santos-Recto, reported by Ed de Leon, Pang-masa, 04 April 2019 (READ MORE)

Mami-miss ka namin, Mama - "...60 years old na si Mama nang una ka­ming magkakilala. Dekada ‘80 noon. Estudyante pa lang ako sa kolehiyo noong una kong makilala at ligawan si Vi. Ang Papa nilang si Amado Constantino Santos ay maagang pumanaw, isang taon bago kami magkakilala ni Vi...Nang ikinasal kami ni Vi noong 1992, si Mama at si Sonny ang naghatid sa altar kay Vi. At doon nagsimula ang ‘love story’ namin ni Mama, bukod sa love story namin ni Vilma. Sa lahat ng pagkakataon, buhat nang magsama kami ni Vi noong 1986, si Mama ay palaging nasa panig ko. Maaaring itanggi ni Vi iyan, subalit iyan ang totoo. Maalaga at sweet si Mama sa akin kaya’t kaming dalawa ang magkasundo. Palagi niya akong ipinaghahanda ng mga pagkaing nanggaling Nueva Ecija, ang probinsya ng mga Santos, katulad ng ‘batutay’ o longganisa ng Nueva Ecija. Kung ano man at saan man naroroon si Vi ngayon ay dahil kay Mama. Tulad ko ay Capricorn ang zodiac sign ni Mama kaya’t ang personalidad namin ay parehong competitive. At bilang competitive na stage mother, siya ang masipag magdala kay Vi sa lahat ng audition sa shows at pelikula, at doon na nga nagsimula ang career ni Vi noong mapili siyang gumanap bilang Trudis Liit sa edad na 9 na taon. Nasungkit kaagad ni Vi ang Best Child Actress award mula sa Famas. Naging mabuting ina si Mama sa magkakapatid na Santos. Siya rin ang dahilan kung bakit nananatiling close ang magkakapatid hanggang sa ngayon...Mami-miss ka namin, Mama. Sinabi ni Vi dati na ang pinakamatin­ding krisis o dagok na pinagdaanan niya sa buong buhay niya ay noong namatay ang Papa niya. Siguradong ibayong kalungkutan ang nararamdaman ni Vi at mga kapatid sa iyong pagpanaw...Pahinga ka na, Mama. Maraming sa­lamat sa pagpapalaki mo sa isang Vilma Santos na ngayon ay kasama ko sa buhay. Maraming salamat sa pagturing mo sa akin na parang tunay na anak..." - Hon. Sen. Ralph Recto, Abante, 02 April 2019 (READ MORE)

Huling Misa - "...Magmimisa lang siguro kami nang maaga, 9 o’clock in the morning. Libing na yun...And then, after that, it’s... thank you na. And then, we’ll just bring the urn of Mama sa isang simbahan sa Alabang. Kasi, meron na siyang lugar doon. Tapos, after election siguro... kasi kaya Loyola ang pinili ko, andito si Papa. Dito nakalibing si Papa. So, siguro after election, ipapakuha ko yung bones ni Papa. 'Tapos, ise-shred na lang. 'Tapos, ilalagay ko na rin sa urn. Tapos, pagsasamahin ko na silang dalawa doon sa simbahan somewhere in Alabang...At least, Mama is resting na...Siyempre, alam mo... maraming nagsasabi na... even the time na-hospital si Mama, two months sa hospital, na-ICU... ‘Tanggapin na natin, 93 na ang mama mo. That we have to accept. Ano’t ano...’ You know, kahit sinasabihan ka, iba pa rin pag nangyari na. Kahit anong sabihin sa ‘yo, ‘Mag-prepare ka na.' Hindi ganun kadali when nandoon ka na sa realidad na wala na siya, you know. And iba pa rin. Iba pa rin. So... ganun. Pero ngayon na dumating ang mga kapatid ko, I felt good. Kasi, kumpleto kaming magkakapatid. From the States, kanina lang sila dumating, e. Inabot pa nga nila yung blessing kay Mama. Nakakasarap lang ng pakiramdam na may mga karamay ka...Pinaplano pa lang namin ngayon, Kasi, ngayon pa lang dumating yung mga kapatid ko. Pero siguro... hindi naman ito yung bonggacious na... knowing me?! Basta kami, more on... since we’re all family, from showbiz and now that I’m a public servant, basta kung ano yung puwede naming ma-offer. Misa kay Mama, sino ang makaalala, thank you. Hindi makaalala, salamat din. Ang mga nagbigay ng pakikiramay, salamat din. Pero hindi naman ito yung kailangan, pabongga. Hindi naman! Basta ang gusto lang namin, may importanteng.... andiyan pa rin naman ang mga kamag-anak ng mama ko, which is very important. Kasi importante, meron kaming misa. And then sa Friday, kumpleto kaming limang magkakapatid. We don’t know yet if we need to say something, and maybe, pasalamatan lahat ng nakiramay. Pero nothing really bonggacious. Wala kaming planong ganun...Gumagawa pa ng rosary si Mama at ibinibigay kay Cardinal, Kaya kilala ni Cardinal Rosales si Mama.." - Hon. Congresswoman Vilma Santos-Recto, reported by Jerry Olea, PEP, 04 April 2019 (READ MORE)

Related Articles:

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...