Sunday, February 17, 2019

Vilma On The Go


Aminado si Vilma Santos na ang 1982 ay naging banner year para sa kanya. Bago pumasok ang taon ay napili siyang best actress sa Metro Manila Filmfest dahil sa pagkakaganap niya sa Karma. Kalahatian ng taon ay nahirang naman siyang Famas best actress para sa performance niya sa Pakawalan Mo Ako. At bago natapos ang taon ay nagwagi siya bilang unang best actress ng Let's Talk Movies for her body of work sa mga pelikulang Relasyon, Sinasamba Kita, Never Ever Say Goodbye, T-Bird at Ako at Gaano Kadalas Ang Minsan? And very recently, tinanghal din siyang box office actress of 1982 sa kauna-unahang Cinehan Awards na ipinamigay ng Metro Manila Theatres Association. Ito'y dahil sa katotohanang ang mga pelikula niyang Sinasamba Kita at Gaano Kadalas ang Minsan? ang siyang biggest blockbusters of the year.

Maulit kaya ang winning streak na ito ni Vi ngayong 1983? Isang matamis na ngiti ang agad na isinukli ni Vi sa aming tanong. "Sana," aniya. "Kung patuloy na susuportahan ng publiko ang mga pelikula ko." From all indications, hindi malayong maulit sa taong ito ang mga tagumpay na natamo niya noong kalilipas na taon. Katatapos lamang niya gawin sa Amerika ang Ayaw Kong Maging Kerida with erstwhile beau, Romeo Vasquez. Hindi matatawaran ang naging resulta sa takilya ng mga una nilang pagtatambal sa Nag-aapoy na Damdamin at Isang Pugad, Dalawang Ibon kaya't malamang na muling tangkilikin ng madla ang muli nilang pagpapareha. Sinimulan na niya ang shooting ng Broken Marriage para sa Regal at ng Paano Ba Ang Mangarap? para sa Viva. Dito, ang makakatambal naman niya ay ang perennial box-office mate niyang si Christopher de Leon. With such project in hand, how can she afford to lose? Then, there's the project Director Mike de Leon has planned for her. Hindi na ito ang Sister Stella L na tungkol sa isang rebeldeng madre.

Na-shelve na iyon dahil sa inaasahang magiging problema sa censors. Mike now wants her to do a romance-drama and we heard na baka sa bakuran din ng Viva gawin ang proyektong ito. Sa mga pelikulang nagawa niya recently at maging sa mga susunod pa niyang projects, nalilinya si Vi sa roles ng "the other woman." A lot of people says it's the kind of role she does best. Ano kaya ang opinyon tungkol dito? "Tutoong I've played the role of the other woman several times na," tugon niya. "But it's portrayed not in the usual way na nang-aagaw ako ng asawa kundi in a more sympathetic, understanding manner. Ang ikinatutuwa ko nga is the fact that the public has learned to accept me doing all sort of roles, like the mature roles na ginagawa ko ngayon. Even the sexy scences I did in some of my films. Kung hindi nila tinanggap ang transition ko from being a mere movie star to a serious actress tackling more demanding roles, I doubt very much kung nandito pa rin ako hanggang ngayon. They've been very kind to me and for that, it's only proper that I should be grateful." Kumusta naman ang current trip niya sa states? "Well, it was very fulfilling.

Talagang balak kong pumunta roon before the year ended para magbakasyon nga at tuloy dalawin ang mama ko at ang sister kong si Winnie. It so happened na nataon naman ang offer sa 'kin ni Atty. Laxa to do a movie there kaya't magkasamang pleasure at trabaho ang pagpunta ko roon." Bakit na-delay ang kanyang pag-uwi? "We're supposed to stay there sana talaga for fifteen days lang. Kaso mo, bumagyo naman habang nandoon kami. Imagine, ang tagal-tagal hindi bumabayo sa Los Angeles, tapos, nataon pang nandoon kami saka dumating ang ulan. So we had to stop shooting until the weather cleared up. In a way, talagang we took out time na rin. Nandoon na rin ako so I decided to spend Christmas with my mom. Matagal din kaming hindi nagkasama kaya missed na missed ko na silang talaga. Ang cute-cute ng second baby ni Winnie at buntis na na naman siya ngayon. Pangatlo na nila ni Bong! And they look very happy. Si Bong works at MacDonal's while Winnie stays at home and attends to their kids." Masayang-masaya raw ang kanyang pasko sa L.A. pero iisang bagay lamang ang talagang labis niyang ikinalungkot. At ito'y ang absence ng tanging anak niyang si Lucky sa kanyang tabi sa pagsapit ng kapaskuhan.

"Talagang-talagang hindi ko na ulit iiwan si Lucky kapag umalis uli ako," aniya. "Akala ko kasi, sandali lang kami. Pero inabot ng one month and one week. There were times na gusto kong biglang umuwi para makita lang siya. Kaya lang, kailangang tapusin ang commitments ko roon. And what made me worry less is the fact that Lucky is with his father. Alam kong hindi siya pababayaan ni Edu and he's in good hands. Pagkataon din naman npara magkasama silang mag-ama nang matagal-tagal. But the first thing I did pagdating ko rito e ipatawag agad siya." Kumusta naman ang mga kasama niya sa Ayaw Kong Maging Kerida? "Okey si Carmi (Martin). Masarap siyang kasama. Maging si Direk Leonardo Garcia. Ilang beses na rin naman kaming nagkasama sa pelikula. Walang hassles sa shooting. Even the Filipinos there were all very cooperative." And...how about Bobby Vasquez? Did sparks fly sa muli nilang pagkikita as some quarters predicted? Was there any talk about reconciliation? Napatawa agad si Vi as if she was expecting the question. "Bobby is an old friend," and take note sa emphasis niya sa salitang "friend." "We're happy to see each other again at wala kaming naging problema sa trabaho.

But everything is strictly work na lang. We did go out once as a group. We're caual friends na ngayon." Vi admits that Bobby is slimmer now and is even more attractive than before, pero isa na nga naman siyang taong may asawa't anak at ang priority na laging laman ng isip niya ay si Lucky. Malakas daw ang ugong na baka siya ang manalo sa Urian at Academy Awards dahil sa performance niya sa Relasyon. Ano ang reaksiyon niya rito? "Naku, ha," napapatawa niyang pahayag. "Ayoko nang ganyan. Mahirap ang umasa. I admit, matagal ko nang gustong manalo ng Urian and it's indeed a great honor to win sa Academy Awards dahil it's a recognition from your peers. Kung darating, okey lang. Pero ayokong umasa, mahirap masaktan, e. Basta all I can say is lalo kong pagbubutihin ang aking pag-arte sa mga pelikulang gagawin ko this year. Buti 'yung may panlaban ka taun-taon, di ba?" - Mario E. Bautista, Movie Flash Magazine, February 17, 1983, reposted by James DR, Pelikula Atbp, 25 May 2017 (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...