"May sakit ako," bati sa amin ni Vilman when we made pasyal sa kanilang hi-ball isang afternoon. Naka-casual lavender t-shirt siya (her paboritong kulay) and a skirt na hindi naman masyadong maikli. Panay ang brush niya sa kanyang hair, "Naku, ang init ko pa. Tignan nýo nga," and we made a move para hipuin ang forehead niya. May slight fever pa siya. "Hindi bale, gagaling ka agad. Nandito pala ang iyong doctor," biro namin as we spotted Edgar. "Oo na, oo na nga!" ayon ni Vi. "Kasi, pag hindi ako pumayag, hindi kayo titigil ng katutukso." Ang gulo ng kuwentuhan namin sa kuwarto niya. Dumating pa naman ang dalawang pamangkin ni Vi, at nagtig-isa ng kalong sina Vi at Bot. "Ganyan pala ang ayos n'yo pag naging tatay at nanay na kayo," may nagbiro sa dalawa. Namula si Vi, tumungo si Bobot. "Ito nga pala ang regalo ng mama ko noong pasko, ang ganda, ano?" ang pagmamalaki ni Vi, pointing to a colored tv set.
She switched on sa isang basketball game, Crispa versus U Tex. "Ay sayang, hindi n'yo makikita ang kulay, hidndi colored ito." "Huwag mo nang baguhin, diyan na lang, may laro ang idolo mo, so Ko (meaning Atoy Co, the highest pointer ngayon ng Crispa). Bakit mo ba favorite iyon? Hindi naman pogi," biro ni Bobot. "Kasi ako, gusto kong player si Papa." "Sa papa mo ikaw, sa papa ko ako, ang papa ko? Lasing na!" at humalakhak si Vi, in the mood siyang magbiro, at ginawa ngang comedy ang isa niyang commercial. "Pero kidding aside, talagang idolo ko si Co. O ayan, tingnan mo how swift he moves...hay, su-shoot...shoot!" sigaw si Vi at tulad ng inaasahan, nai-shoot nga ang bola. Palakpak si Vi, umiiling si Bobot. "Belat, daig si Papa!" "Bot, sabi ni Vi, pabor daw siya sa early marriage. E, di pagdating niya ng twenty, ikakasal na kayo?" bulong namin kay Bot. "Ha? Aba..." tingin si Edgar kay Vi. "A, hindi pa yata. Hindi ba Edgar?" matagal na nakatitig si kay Bobot. "Ano? A...oo!" "Ang daya n'yong dalawa. Vi hayaan mong si Bobot na lang ang sumagot. Nagsi-secret pa kasi kayo," kantyaw namin.
"Hindi...malabo pa...hindi pa kami handa," malinaw ang sagot ni Bobot. "O, kita n'yo. Sabi nang hindi pa. Si Bobot na ang sumagot niyan ha." At dinilaan kami ni Vi. "Naku, teka, hayan, hayan si Edgar sa tv..." and she sank into a loud ringing of laughter. Itinuro niya ang isang four feet na matabang mama, hardly seen sa hard court where six-footers tower. "Ang daya mo," kunwari ay babatuhin ni Edgar ng throw pillow si Vi pero hindi n'ya itinuloy. "E, ikaw, ikaw iyan," sabay turo sa janitor na nagmo-mop ng hard court. "Belat, tagalinis Ka!" "Ulitin mo nga?" kunwari ay magju-judo si Vi. "Wala, panalo ka na!" sabay tawa ni Bobot. "Hindi bagay sa iyo ang action star. Wala pa rin sa mukha mo. Ginaya mo na naman ang pinaood nating karate picture." Maya-maya, nagpaalam si Bobot. Uuwi na raw siya sa kabila. Sabay dating ng mga pagkain ni Vi. "Diyos ko, paano na naman ako titigil ng pagkain. Seven pounds na naman ang naragdag!" And she continued munching pears, green mangoes, cookies, at ang paborito niyang mangustan. Nag-isip nga kami. Ano kaya ang itsura ni Vi pag on the way na siya at naglilihi na? Sus, kahit na siguro bituin sa langit pipilitin pa ring pitasin ni Edgar maialay lang sa kanyang mahal. - Baby K. Jimenez, Bulaklak Magazine, 05 February 1973, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)