Wednesday, August 12, 2015

Georgie, His Brother's Shadow

Georgie Quizon

Like Dolphy, Georgie started out in comedy roles. In fact, he was his brother’s follower noon pang nasa Sampaguita Studios si Dolph at isa siyang mainstay ditto. Nang minsang isinama ni Dolph si Georgie sa kanyang shooting ay namataan si Georgie ng isang direktor a binigyan ito ng bit role. He was found out to have his brother’s talent and soon, Georgie found himself in one picture after another, mostly in Susan Roces-starrers where he played her sidekick or friendly neighbor. Ito ang simula ng binyag ni Georgie sa pelikula. Naging sikat din siyang comedian. Kaya lang ang problema niya ay hindi siya makakatakas sa image at pangalan ng kanyang kapatid na lalong sikat. Kahit ano ang gawin niya ay siyempre, associated and identified siya kay Dolphy.

“Ito ang malaki kong problema,” nabanggit ni Georgie sa amin. “But I also love my brother! Kung wala naman si Ompong ay sino kami, aber! Siguro, ganito ang buhay kung mayroon kang tanyag na kapatid na parehong propesyon. Kung sino ang mas sikat, iyon ang mas kilala. At ang hindi ay nananatili sa background. Tulad ko,” aniya. “Ako ang anino ni Dolphy. Hindi ako kilala sa sarili ko. Ako raw ay kapatid ni Dolphy. And never was I called my name. Kung minsan nga ay ako raw si Dolphy. Ganoon.

“Kung minsan, I feel flattered. Pero kadalasan, tinatanggap ko na lamang nang basta ganoon. Kibit balikat baga. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kapatid ko iyon at sikat pa!

“Kaya lang, I really want to be on my own. I want to be known as Georgie at hindi yung kapatid ni Dolphy. I am my won individual. Iba ako, iba siya. Nagkataon lamang na nagko-comedy rin ako. Kaya hindi talaga ako makakatakas sa kanyang anino,” pagtatapat ni Georgie. As a whole, wala naman siyang reklamo. Okey naman ang takbo ng kanyang showbiz career. Hindi siya nawawalan ng assignment. Tuwing Linggo, mayroon siyang TV show, nagge-guest din siya sa mga tanyag na shows at kung minsan, kumakanta siya sa mga roadshows, sa mga bases.

“Para sa akin, tipong okey na ang lahat,” banggit pa ni Georgie. Everything’s fine. I am busy everyday. Malusog pa ang ermat, masasaya kaming lahat. Wala na yata akong mahihiling pa,” Georgie confessed.

The other surviving brother of Dolphy and Georgie is named Jimmy, ang bunso sa lahat na hindi kailanman sumali sa showbiz. Nasa States siya ngayon at isang medical intern sa isang tanyag na ospital doon.

Sampu sanang lahat sina Dolph, kaya lang tatlo na ang namatay. Sina Tessie, ang uang Jimmy na siyang pang-walo at si Melencio, Jr. na binawian ng buhay noong early 1970’s. Ang iba – sina Zony, Dolphy, Josie, Laura, Auring at Georgie – ay pawang naging showbiz folks at dalawa na lamang sa kanila ang aktibo sa pelikula. Sina Dolphy at Georgie nalamang, bagamat ang iba, sa pamamagitan ng kanilang mga anak, ay kasama pa rin sa iba’t ibang aspeto ng paggawa ng pelikula, particular na sa RVQ Productions syempre. - Ross F. Celino, Jingle Extra Hot Movie Entertainment Magazine, No. 20, June 22, 1981, re-posted on Pelikula atbp blog (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...