Doon po sa amin sa may Pasong Tamo,
May nangyaring gulong hindi biru-biro,
Pati atsay namin muntik nang masubo
Kung hindi naawat ni Kabesang Dando.
Bakbakan daw itong umaatikabo
At panay babae ang naglabu-labo,
May tadyak, may sipa, may kalmot at bayo
Nang magsabunuta'y bumaha ang kuto.
At nang matapos na ang g'yera patane,
May pila, may pingkaw ang mga daliri,
May nangakatuwad sa nagsipandali
At may iba naman nagkangiwi-ngiwi.
Nang medyo mapawi ang usok ng g'yera,
Nagkatipon muli ang magkakasama,
Ang dalawang pangkat, tagahanga pala
Ng dalawang star na Vilma at Nora.
Ang gulong nangyari nang aking malaman,
Nagsimula pala sa konting kantiyawan,
Ang puno at dulo'y aking isasaysay
Itong walang labis, di rin naman kulang.
V - Sa pangkat ni Vilma ang taragis pot-pot,
Si Nora! Si Nora! sobra ang pakipot,
Tumigas ang leeg ng lelang n'yang panot,
Tinuuban yata ng kuko sa batok.
N - Araguy! Araguy! Dumale na naman
Ang ingit at selos sa inyong katawan,
Basta Nora kami, mamatay, mabuhay,
Kahit ang pintas nýoý abot talampakan.
V - O ano? O ano, hindi ba't si Nora
Ay kulang na kulang sa pakikisama?
Kung lumaki pa ýan at di naging negra,
Malamang tingin nýan sa amiý basura.
N - Magaling, magaling! Itong namimintas
Na ang mga mukha ay kortend patatas
Kahit na si Orang ay inyong ibagsak,
Orang pa rin kami, ngayo't hanggang wakas.
V - Tingnan nýo sa buhay ni Norang bulilit,
Hanggang doon ka lang sa may tabi ng gate,
Nilalangaw na nga ang pawisan mong p'wit,
Ni ayaw pakita, ni ayaw pasilip.
N - Maniwala kami na hanggang sa pinto,
Tsismis nýo lang 'yan, na ubod ng labo,
Ang sabihiý hiya, sa inyo'y dumapo,
Dahil nangangamoy na kayo sa baho.
V - Subukin n'yong lahat sa ami'y sumama
Doon sa tahanan ng aming si Vilma,
Open 'to sa lahat, kahit pa kay Nora,
At laging may hachet ang mga bisita.
N - Ay naku! Ay naku! Di kitain, di kitain,
Ang target n'yo pala'y laman lang ng pinggan,
Pa'no kung simot, itong paminggalan?
Di kaya si Vilma ay iyong takbuhan?
Gabi na nang sila ay magkahiwalay,
At ako'y tahimik na ring nakahimlay,
Nang ako'y magising, panis na ang laway
Sa sarap ng aking napaginipan.
Source: Baul ni Juan
May nangyaring gulong hindi biru-biro,
Pati atsay namin muntik nang masubo
Kung hindi naawat ni Kabesang Dando.
Bakbakan daw itong umaatikabo
At panay babae ang naglabu-labo,
May tadyak, may sipa, may kalmot at bayo
Nang magsabunuta'y bumaha ang kuto.
At nang matapos na ang g'yera patane,
May pila, may pingkaw ang mga daliri,
May nangakatuwad sa nagsipandali
At may iba naman nagkangiwi-ngiwi.
Nang medyo mapawi ang usok ng g'yera,
Nagkatipon muli ang magkakasama,
Ang dalawang pangkat, tagahanga pala
Ng dalawang star na Vilma at Nora.
Ang gulong nangyari nang aking malaman,
Nagsimula pala sa konting kantiyawan,
Ang puno at dulo'y aking isasaysay
Itong walang labis, di rin naman kulang.
V - Sa pangkat ni Vilma ang taragis pot-pot,
Si Nora! Si Nora! sobra ang pakipot,
Tumigas ang leeg ng lelang n'yang panot,
Tinuuban yata ng kuko sa batok.
N - Araguy! Araguy! Dumale na naman
Ang ingit at selos sa inyong katawan,
Basta Nora kami, mamatay, mabuhay,
Kahit ang pintas nýoý abot talampakan.
V - O ano? O ano, hindi ba't si Nora
Ay kulang na kulang sa pakikisama?
Kung lumaki pa ýan at di naging negra,
Malamang tingin nýan sa amiý basura.
N - Magaling, magaling! Itong namimintas
Na ang mga mukha ay kortend patatas
Kahit na si Orang ay inyong ibagsak,
Orang pa rin kami, ngayo't hanggang wakas.
V - Tingnan nýo sa buhay ni Norang bulilit,
Hanggang doon ka lang sa may tabi ng gate,
Nilalangaw na nga ang pawisan mong p'wit,
Ni ayaw pakita, ni ayaw pasilip.
N - Maniwala kami na hanggang sa pinto,
Tsismis nýo lang 'yan, na ubod ng labo,
Ang sabihiý hiya, sa inyo'y dumapo,
Dahil nangangamoy na kayo sa baho.
V - Subukin n'yong lahat sa ami'y sumama
Doon sa tahanan ng aming si Vilma,
Open 'to sa lahat, kahit pa kay Nora,
At laging may hachet ang mga bisita.
N - Ay naku! Ay naku! Di kitain, di kitain,
Ang target n'yo pala'y laman lang ng pinggan,
Pa'no kung simot, itong paminggalan?
Di kaya si Vilma ay iyong takbuhan?
Gabi na nang sila ay magkahiwalay,
At ako'y tahimik na ring nakahimlay,
Nang ako'y magising, panis na ang laway
Sa sarap ng aking napaginipan.
Source: Baul ni Juan