A genius has no country, isang banyagang kasabihan, pero nakikita natin sa ating bansa ang malaking katuparan nito. Ang mga binatang Pilipino ay maari nating maipagmalaki sa anumang lipunan tulad na rin ng ating mga beauty candidates. Nabanggit natin ang palasak na kasabihan sa itaas pagka't malaki ang kaugnayan nito sa tatlong binatang atking ipakikila sa inyo ngayon. Bagama't kapuwa nabibilang sa mga nakakaangat sa buhay, ang damdamin naman nila ay maka-mahirap, at ang panahon ay ginugugol para sa kasiyahan ng higit na nakararami...Naging guest si Ronald sa isang episode ng Nora Cinderella. Unang labas niya ito sa tv. But he passed the test with flying color. Hindi nagtaka ang marami. Pagka't inaasahan na. It is expected of him, siya na bunga ng isang Famas-awardee mother tulad ni Rita Gomez na parang natural na sa kanya ang pag-arte ng anumang papel sa harap ng kamera. Sariwa pa marahil sa inyo na siya ay nanalo ng ikalawang gantimpala sa spelling bee contest na inilunsad ng Caltex ilang taon na ang nakalipas. Mula sa pagkabata ay nasanay ng humarap sa tao si Ronald at naging kapuna-puna na sa karamihan ng dumalo sa parangal ang pagiging kilos-binata na niya, ang matalino niyang mga repartees at akmang mga sagot sa mga tanong na kahi't isang matanda na ay mahihirapang makabuwelta. Acting was a challenge posed his way. Kaya kinailangan niyang subukan kung he could hurdle the test, na ang naging resulta ay papuri.
Mahilig siyang magbutingting ng gitara. Nobody taught him the formal rudiments, pero nagawa niyang ma-accompany ang sarili niya sa pagawait. Hanggang sa maumpisahan na siyang ma-imbita sa mga school concerts at naging paborito na rin ng mga kolehiyala. Inoffer siya ng Zodiac Sounds na mag-record sa kanila. Medyo tumanggi siya, pero naalala niya ang challenge at palaisipan kung kaya ba niya o hindi. Ang resulta parin: selling like hotcakes ngayon ang una niyan single na "Mommy" at "Inspiration" na pawang likha ni Dannie Subido para sa tipo ng boses niya. Should anyone avail of Ronald's service, mahalaga pa rin sa kanya ang paper na gagampanan niya sa pelikula. Napakatalinong bata sa edad na 16, where boys his age ay nakikipagpatintero pa, siya naman ay nakikipag-deal na sa bagay na pagkakakitaan. Now, naniniwala na ba kayong ang mga Pilipino ay higit na matatalino compared anyone in the world? We bet you, boys their age ay naglilimayon lang sa mga sumandaling ito, but our three examples (Jojit Paredes and Rico Lopez are the other two) are already earning money themselves! - Anonymous