Post-War - "...Ayon kay Mona Lisa, kasama siya sa tropa nina Fernando Poe, na siyang pangunahing aktor at direktor sa panahon ng giyera. Kasama nila sina Willie Chavez, Jaime dela Rosa at iba pa, nagpalipat-lipat sila sa Lyric, Capitol at Avenue Theaters. Ang artistang nakilala sa mga pelikulang, Ang Pagbabalik, Kolehiyala, Dilim at Liwanag, Bago Lumubog Ang Araw, Bahay Kubo at Magmamani ay napilitang kumanta, sumayaw at sumali sa mga iskit sa tanghalan. Bago pa lamang nagdadalaga si Virginia Montes sa gulang na katorse nang una niyang subukan ang stage shows sa mga huling taon ng WWII. Namatay sa giyera ang kaniyang ama at siya ang inaasahang tumulong sa kaniyang ina para sa buhayin silang magkakapatid. Kasama naman siya sa tropa ng mga nagsisipagtanghal sa Orient Theatre sa pamamahala ni Papang Salvador (Lou Salvador, Sr.) at ng kabiyak nitong si Aling Cora (ina nina Mina Aragon, Philip at Ramon Salvador). Sumasayaw sa stage si Virgie. Naalaala pa niya nang bago siya lumalabas ay naiiyak siya tuwing magsusuot siya ng maigsi. Pero wala naman siyang magawa, kasi iyon ang costume nila. Ang kanilang choreographer ay si Chuchi, sa supervision ni Don Jose Zarah na pagkatapos naman ng digmaan ay siyang namahala sa Clover Theatre. Kabilang sa mga artistang lumalabas sa mga stage shows noon sina Teroy de Guzman, Golay (kilala ngayon bilang Dolphy), Panchito Alba, Etang Discher, Rene Pangan, Chiquito, Balot, Metring David, Gregorio Ticman, Patsy, Lopito, Bayani Casimiro, Nieves at Ester Chavez..." - Irene Diaz-Castillo, Charlie V. Lozo and Liza Endaya, Ang Showbiz Ngayon, September 11, 1989 (READ MORE)
Television Show - "...The legendary comic duo of Dolphy and Panchito headlined Buhay Artista, one the top-rating TV shows in the 60s. A Sunday evening treat for the whole family telecast over Channel 3, from 7:30 t0 8:30 p.m...." - Simon Santos (READ MORE)
"...He is best remembered for the long-running TV show “Buhay Artista” (with Panchito) and “John en Marsha” with Nida Blanca as his with in an inspiring story about a poor yet happy family. The TV show was made into movies, just like “Home Along da Riles,” the show that followed it..." - Ricky Lo, The Philippine Star, July 11, 2012 (READ MORE)
Susan and Dolphy in Buhay Artista (1967) - Susan played a movie fan who became a movie star, opposite Dolphy. The have done several films prior to Buhay Artista, some are: Lab na Lab Kita (1962); Pepe En Pilar (1966); Susanang Daldal (1962) and Sa Lingo ang Bola (1961).
"...Malaki ang agwat ng edad namin ni Dolphy. Ang kabarkada ko talaga [noon], yung kapatid niya, si Georgie [Quizon]," banggit din ni Susan sa younger brother ni Dolphy na namatay sa isang aksidente [hit-and-run], ilang taon na ang nakakaraan. "Pero very supportive si Dolphy sa amin ni Georgie. "Pagka merong extra'ng trabaho, binibigyan niya kami, sa mga radio shows niya. Du'n naman ako na-train sa voice acting. "Marami din kaming pinagsamahan na radio programs, nung panahon na 'yon, sa dzRH," wika rin ni Susan na naging tampok sa Mga Reyna ng Vicks (1958), pelikulang base sa radio program na ang sponsor ay Vicks Vaporub. Ito rin ang pinagbasehan ng kuwento ng Sapagka't Kami'y Mga Misis Lamang [1977], tampok pa rin si Susan, Nora Aunor, Celia Rodriguez at Chichay. "Nu'ng nag-produce na siya [Dolphy], pagkatapos ng kontrata niya sa Sampaguita Pictures, at nung ako naman ay freelancer na rin, muli kaming nagkasama sa marami ring proyekto ng RVQ Productions. "Kaming Mga Taga-Ilog [1968], Pepe En Pilar [1966]... hindi ko na halos mabilang," ang sabi ni Susan..."Mabait si Dolphy. Although malayo ang agwat namin sa edad, hindi namin siya tinatawag na 'Kuya' o 'Tito,' dahil alam namin na hindi siya magiging masaya na tawagin namin siya nang gano'n. "Pero alam niya na iginagalang namin siya. Kagalang-galang na, katulad nga ng maraming sinabi, yung mga na-interview, sabi nila, 'Pag nakikita mo si Dolphy, kakaiba siya. "Iilan lang sa mga public personalities natin na pagpasok nila [sa isang pagtitipon] parang mapapatigil ka sa kanya, [dahil sa] respeto. "Sa personal, hindi naman siya pala-kuwento. Ah, mas madalas tahimik siya at nakikinig siya sa mga kuwento. "Gusto niya, meron siyang nakaka-kuwentuhan, pero i-e-encourage ka niyang ikaw ang magkuwento. "Ang bonding moments namin [noon], siyempre... pagkain!" nangiti si Susan pagkabanggit nito. Then, she recalled, "Paborito niya yung huling pinaluto ko para sa kanya. "That was a few months ago, na nasa bahay lang siya at ang sabi ng doktor, kailangan kumain siya nang kumain... kare-kare, adobo. Yun ang mga gusto niya..." - William R. Reyes (READ MORE)
Vilma and Dolphy in Buhay Artista (1979) - Dolphy and Vilma Santos did four films together. The first one was in her first year in show biz and in a Dolphy-Chichay film. After six years, the two reunited in one of early films of Nida Blanca and Dolphy. The film was sort of about family planning and birth control. Vi was in minor role and one of the child actors featured in the film. They followed this up with minor roles in the Cirio Santiago’s all-star-cast film. By later part of 1970s, both Dolphy and Vilma became a regular staples in award shows receiving several trophies as box office king and queen. Finally, after almost a decade from their last outings and no longer his film daughter, Dolphy and Vilma did their last film (to this day), this time, Vilma played the leading lady, in a film, ironically, about show business. Also, that year, Doply became the only male actor who portrayed Darna, the female comic-super-heroine in Darna Kuno. Not to be undone, Vilma will reprise the role the following year in her fourth and final film as Darna in Darna at Ding. At present time, both superstars made headlines as contenders for Philippines’ National Artists honors. Vilma respectfully and publicly asked for Dolphy to confer the title ahead of her.
"...Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press sina Vilma at Lani, at kanilang ikinuwento sa amin ang mga hindi nila malilimutang sandali kasama ang Comedy King. Malungkot si Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa pagpanaw ni Dolphy, at sa opinyon niya’y “napilay” ang industriya ng pelikula at telebisyon sa ating bansa. Gayunman, hindi niya kailanman malilimutan ang Hari ng Komedya dahil “legacy na siya ng movie industry." Dagdag pa niya, “So, katawan lang ‘yan, pero ‘yong legacy na iniwan ni Tito Dolphs would, ah, will definitely stay in the movie industry. “Hindi mabubuo ang movie industry kung wala si Dolphy.” Nagkasama sina Vilma at Dolphy sa pelikulang Buhay Artista Ngayon (1979), at nang mapanood niya raw ulit ito’y naalala niya ang tawanan nila sa set noong ginagawa ang pelikula. Kuwento niya, “Grabe, na-miss ko si Tito Dolphy. Ang galing namin sumayaw! “‘Yong dance sequence namin nakaka-miss talaga. “Pero wala, kanya-kanyang kontribusyon ‘yon, and at the end of the day, what’s important is the legacy na iiwan mo sa mga taong nagmahal sa ’yo. “For sixty years nagsilbi si Tito Dolphs, so talagang he's one of the pillars ng pelikulang Pilipino.” At kung ang National Artist Award naman ang pag-uusapan, ito lamang ang opinyon ni Ate Vi: “Deserving si Tito Dolphy. “Deserving sa contribution, sa ginawa niya, lahat, lahat ng ginagawa niya noon—deserving si Tito Dolphs..." - Joyce Jimenez (READ MORE)