Oh, it's October, month of the "Holy Rosary!" Kay bilis malagas ng mga araw, hindi natin namamalayan, bagong taon na naman. Nagkakaedad na tayong lahat subali't andito pa rin tayo.....humahanga pa rin kay Miss Vilma Santos. Kung sabagay, sabi nga nila, age is just a number, hehehe! Sa tinagal-tagal sa industriya ng pelikulang Pilipino ni Vilma, apatnapu at anim na taon na siya sa pelikula to be exact, kulang-kulang sa limang dekada ay hindi pa rin siya matinag sa kanyang kinalalagyan. Nagsilaho na ang kanyang mga kakontemporaryo. Nagsusulputan na ang mga bagong mukha subali't parang bulalakaw na mabilis ding nawawala. Si Vilma ay andiyan pa rin.....nagniningning pa rin ang kanyang bituin.....tinitingala pa rin hindi lang bilang isang magaling na alagad ng sining kundi isa na ring mahusay na public servant. Pero kahit na nasa itaas siya ay nakatuntong pa rin siya sa lupa kaya naman lahat halos ng mga nangyayari sa kanya ay pulos positibo, kahit na minsan ay may mga taong bumabatikos sa kanya. Ipinagsasawalang kibo na lang niya ang mga ito, para que pa nga naman eh pampa-stress lang yan noh! At dahil diyan, siya pa rin ang Nag-iisang Bituin.....nakakapag-demand ng mataas na talent fee sa kanyang mga pelikula at commercials na ginagawa. Siya pa rin ang "premiere actress" ng bansang Pilipinas. At yamang napapag-usapan ang kanyang pagiging "premiere actress" kung kaya't balikan natin ang mga "premiere night" ng mga pelikula ni Governor Vilma Santos-Recto.
Noong araw, madalang ang mga pelikulang may "premiere night." Ang mga sinehang pinagdarausan ng mga "premiere night" noon ay mga nangawala o nagsipagsara na katulad ng Galaxy Theater sa Avenida Rizal, Lyric Theater sa Escolta, Rizal at Magallanes Theater sa Makati City, New Frontier at Remar Theater sa Cubao, Quezon City at Gotesco Theater sa Recto Avenue, Quiapo, Manila. Nauso na ang mga "malls" na karaniwan ay may apat hanggang labingdalawang sinehan na pinagpapalabasan ng mga pelikula. Nilamon na ng mga sinehan sa mga naglalakihang malls ang mga lumang sinehan noon. Eh bakit pa nga ba ikaw manonood sa mga dating sinehan samantalang kung sa "mall" ka pupunta ay andun na lahat.....supermarket, department store, food court, amusement center at may mga shows pa. Ngayon.....halos lahat ng pelikulang tagalog ay may "premiere night".....na karaniwan ay may mga nag-iisponsor at ito ay ginaganap sa mga sinehan sa mga malls. Pati ang mga digital films ay may "premiere night" na rin na sa UP Film Center ipinalalabas.
Ang pelikulang Pakawalan Mo Ako na ipinalabas noong Mayo 29, 1981 ay nag-premiere showing sa Lyric Theater at sponsored ito ng Catholic Women's League Manila Chapter. Natandaan ko pa noon na ang pases na ginamit ko para manood ng pelikulang ito ay ibinigay lang sa akin ng isa kong kaopisinang tagahanga ni Nora Aunor. Eksaktong alas siyete ng gabi ito nagsimula. Walang artistang dumalo sa nasabing premiere night subali't nang ito ay muling nag-premiere night sa Gotesco Theater ay talagang may mga nabasag na salamin sa lobby ng sinehan dahil sa pagkakagulo ng mga manonood. Si Vi ay hindi nakarating dahilan sa siya ay kapapanganak lamang kay Luis. Ang pelikulang ito kung saan si Elwood Perez ang naging direktor ay tinatampukan din nina Christopher de Leon at Anthony Castelo ay isa sa mga sumira ng takilya. Nakamit ni Vi ang pangalawang best actress award mula sa Famas sa pelikulang ito.
Nang mag-premiere night naman ang unang pelikula ni Vi sa Viva Films na Sinasamba Kita na idinerek ni Eddie Garcia ay talagang naging pandemonium. Ito ay ginanap sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City at nang makapasok na ang mga tao sa loob at magsisimula na ang pelikula ay nagkalat ang mga tsinelas sa lobby ng sinehan na naiwan ng mga tagahangang natapakan ng mga nais makapanood ng pelikula. Ito ay ipinalabas sa mga sinehan noong Agosto 19, 1982 at tinampukan din nina Christopher de Leon, Philip Salvador at Lorna Tolentino.
Sunud-sunod ang mga pelikula ni Vilma sa Viva Films na nagkaroon ng premiere night at katulad ng mga nauna ay nagkakagulo pa rin ang kanyang mga tagahanga. Ito ay ang mga pelikulang Gaano Kadalas Ang Minsan? at Paano Ba Ang Mangarap? na sa New Frontier Theater din ginanap. Ang New Frontier Theater pala ay itinuturing na pinakamalaking sinehan sa buong Asia nang mga panahong yun. Ang Gaano Kadalas Ang Minsan? na idinerek ni Danny L. Zialcita ay ipinalabas noong Nobyembre 11, 1982 at tinampukan din nina Dindo Fernando at Hilda Koronel.....samantalang ang Paano Ba Ang Mangarap? na idinerek naman ni Eddie Garcia ay ipinalabas noong Hunyo 9, 1983 at tinampukan din nina Christopher de Leon at Jay Ilagan.
Ang premiere night ng pelikulang Never Ever Say Goodbye ay sa Galaxy Theater naman ginanap. Bukod kay Vi ay dumalo din ang mga stars ng nasabing pelikula katulad nina Nonoy Zuñiga. Nagkaroon pa ng isang maliit na programa bago nag-umpisa ang pelikula. Ito ay ipinalabas sa mga sinehan noong Oktubre 7, 1982 sa direksiyon ni Gil Portes.
Sa Magallanes Theater ginanap ang premiere showing ng pelikulang tinatampukan ni Vi at ni Nora Aunor na T-Bird At Ako. Hindi dumalo ang dalawang lead stars ng pelikula, yung mga supporting stars lamang ang mga dumalo pati na rin ang prodyuser ng pelikula na si Irene Lopez. Si Danny L. Zialcita ang direktor ng pelikulang ito na ipinalabas noong Setyembre 2, 982 at tinampukan din nina Dindo Fernando at Tommy Abuel.
Sa Film Center sa Roxas Boulevard, Pasay City naman nag-premiere showing ang pelikula ng Mirick Films na inilahok sa 1982 Metro Manila Film Festival na Haplos. Kasama ni Vi sa pelikulang ito sina Christopher de Leon na nanalong best actor at Rio Locsin sa direksiyon ni Butch Perez. Hindi nakadalo si Vi at Boyet subali't andun si Rio Locsin na kasama pa noon ang asawang si Al Tantay.
Samantala, nagkaroon ng double screening sa loob lamang ng isang gabi sa Rizal Theater ang pelikulang Sister Stella L. Punung-puno ang dalawang screening at grabe ang naging reception ng mga tao. Umaatikabong palakpakan ang maririnig sa loob ng Rizal Theater nang matapos ang pelikula. Nakita kong dumalo doon sina German Moreno at Babette Villaroel. Palibhasa'y ang Rizal Theater ay malapit lang sa Forbes Park, Bel-Air, Dasmariñas Village at San Lorenzo kung kaya't karamihan sa mga nanood ay mga alta sosyedad. Sosyal talaga ang pelikula at ito lang yata ang pelikulang pinapalakpakan ng mga tao pagkatapos ng screening, maging ng mga class C, D at E. Nagkaroon din ng mga special screening ang pelikulang ito ni Mike de Leon sa iba't ibang paaralan ng Metro Manila. Di nga ba't isa si NEDA Secretary Ralph Recto na nanood nito na noon ay estudyante pa lang? Inilabas ito sa mga sinehan noong Hulyo 12, 1983 at napanalunan ng pelikulang ito sa Urian ang halos lahat ng awards sa iba't ibang kategorya kabilang na ang tatlong taong sunud-sunod na best actress award ni Vi.
Ang una't huling pelikula ni Vilma sa Via Hoffman Films na Tagos Ng Dugo ay nag-premiere night sa New Frontier Theater din. Bago pa dumating si Vi ay halos isara na ng mga guwardiya ang pintuan ng sinehan dahilan sa hindi na nila ma-accomodate ang napakaraming taong manonood. Nang dumating si Vi ay agad sinimulan ang pelikula. Sa loge ng sinehan naupo si Vi at ang kanyang mga co-stars. Nang matapos ang pelikula at magbukas ang ilaw ay walang humpay sa pagkaway si Vi sa mga taong nasa ibaba ng sinehan. Ang mga taong nanood ay walang pagod sa kasisigaw sa pagtawag kay Vi. Ang pelikulang ito na idinerek ni Maryo J. de los Reyes ay nag-regular showing sa mga sinehan noong Enero 25, 1987. Sa pelikulang ito natamo ni Vi ang ikaapat na best actress award sa Famas at pangalawa naman niya sa Catholic Mass Media Award.
Ang pelikulang tinampukan ni Vi kasama sina Tonton Gutierrez, Ricky Davao at Cherrie Gil na may pamagat ng Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? ay sa Rizal Theater din nag-premiere showing. Sobrang dami ding tao ang nanood palibhasa'y dito noon ginaganap ang Vilma Show nang panahong yun. Ang pelikulang ito na idinerek ni Eddie Garcia ay ipinalabas sa mga sinehan noong Setyembre 2, 1987. Dito sa pelikulang ito nanalo si Tonton Gutierrez ng kanyang best actor award mula sa Catholic Mass Media Award at Star Awards for Movies. Si Eddie Garcia ay nanalo ring best director mula sa iba't ibang award giving bodies.
Ang true-to-life story ni Dolzura Cortez na pinamagatang Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story ay sa New Frontier Theater nag-premiere night. Dumalo sa nasabing premiere showing ang dating Secretary of Health na naging senador na si Flaviano Javier na umaming isang Vilmanian siya. Ito ang kauna-unahang pelikulang tumatalakay sa isang taong may AIDS (Acute Immune Deficiency Syndrome). Ito ay inilahok ng Octo Arts Films sa Manila Film Festival kung saan nasungkit ni Vi ang best actress award. Ito ay sa direksiyon ni Laurice Guillen. Nakamit din ni Vi ang kanyang pangalawang grand slam sa pelikulang ito.
Sa Greenhills Theater naman nag-premiere showing ang pelikulang Nag-iisang Bituin na bukod kay Vi ay tinampukan din nina Christopher de Leon, Aga Muhlach at ng isa ring Vilmanian na si Jao Mapa. Ito ang unang pelikula ni Vi kay Jose Javier Reyes na nag-regular showing noong Agosto 31, 1994. Isa sa mga sponsors ng pelikulang ito, kung saan si Vi ang endorser, ay ang Eskinol Facial kung saan namahagi sila sa pamamagitan ng paghahagis ng maliliit na bote ng Eskinol sa mga taong manonood. Isa sa mga Vis na nanood ay aksidenteng tinamaan sa mata subali't ito ay kanilang ipinagamot.
Ang pelikulang pinagsamahan nina Vi, Gabby Concepcion, Aga Muhlach at Aiko Melendez na may pamagat na Sinungaling Mong Puso ay nag-premiere night sa Gotesco Theater. Tulad ng dati, nagkabasag-basag na naman ang mga salamin sa lobby ng sinehan. Nang mag-regular showing na ang pelikulang ito sa mga sinehan noong Agosto 27, 1993 ay bumabagyo at binaha pa ang ibang sinehang pinaglabasan ng nasabing pelikula subali't super blockbuster pa din ito quesehodang nakababad ang mga paa ng ibang taong nanood. Ang pelikulang ito ay idinerek ni Maryo J. de los Reyes. Dito nagwagi si Aga ng best actor award at si Gabby naman ay best supporting actor.
Sa Remar Theater naman nag-premiere night ang pelikulang tinampukan nina Vi, Cesar Montano at Ronnie Ricketts na Ikaw Lang sa direksyon ni Chito Roño. Hindi magkamayaw ang mga tao nang dumating ang mga lead stars. Ang pelikulang ito ay ipinalabas sa mga sinehan noong Enero 12, 1994.
Ang pelikula tungkol sa OFW na Anak ay nag-premiere showing sa dalawang sinehan ng SM Megamall. Hindi mahulugang karayom ang mga taong nanood ng nasabing pelikula. Dumating ang mga lead stars ng pelikula at talagang walang katapusang tilian at sigawan ang mga fans sa loob ng sinehan habang pinapanood ang nasabing pelikula. Ipinalabas ang pelikulang ito noong May 12, 2000 sa kasagaran ng mga bomb threats subali't hindi ito naging hadlang para hindi pasukin ng tao ang pelikula. Ito na yata ang pelikulang pinilahan ng husto sa takilya. Ang pelikulang ito ay sa direksiyon ni Rory Quintos at dito muling nabigyan si Vi ng box-office queen award kahit na hall of famer na siya. Nanalo din si Vi ng best actress award mula sa Star Awards for Movies at Pasado. Ang pelikulang ito din ang nanalong best film ng Catholic Mass Media Awards.
Nagkaroon ng ilang linggong exhibit sa lobby ng Robinson's Galeria noong December 2002 ang pelikulang Dekada '70. Mga damit, sapatos at iba't ibang aksesorya noong dekada '70 ang naka-display sa exhibit. Ang premiere showing naman nito sa isang sinehan ng Robinson's Galeria ay dinaluhan nina Charo Santos, Malou Santos, Chito Roño at ang mga stars ng pelikula na sina Vi, Boyet, Piolo Pascual, Marvin Agustin, Carlos Agassi, John Wayne Sace at Danilo Barrios. Dumalo din si Marilou Diaz Abaya at panay ang bati niya sa mga stars at direktor ng pelikula. Dito sa pelikulang ito nasungkit ni Vi ang kanyang pang-apat na grand slam.
Sinabi noon ni Mother Lily Monteverde na ang final Mano Po movie ay itong pelikula nina Vi at Boyet na panlaban nila sa 2004 Metro Manila Film Festival na Mano Po 3 My Love, subali't hindi ito nangyari dahil may mga sumunod na Mano Po pa. Nagkaroon ng red carpet premiere night ang nasabing pelikula sa SM Megamall. Dumalo ang mga stars ng pelikula na sina Vi, Boyet, Angel Locsin, Karylle, Dennis Trillo, Angelica Panganiban, Carlo Aquino, Jay Manalo, Boots Anson Roa, Eddie Garcia, Patrick Garcia, John Pratts at iba pa. Nanalong best actress at best actor sina Vi at Boyet. Nanalo ring best picture ang pelikula ganundin ang best float. Ito ang unang directorial job ni Joel Lamangan kay Vilma. Nanalo din si Vi ng best actress award mula sa Star Awards for Movies, Gawad Tanglaw at Gawad Suri.
Sa kabuuan, ang lahat ng "premiere night" na pelikula ng tinaguriang "premiere actress" ng bansa ay talagang malaking tagumpay. Panalong-panalo talaga!!!. - Alfonso Valencia (READ MORE)
Unprecedented Stella L Premiere - Kung ang batayan ay ang premiere night ng Sister Stella L na ginanap sa Rizal theater noong June 22, sigurado nang dudumugin nang masa ang pelikulang ito ni Mike De Leon kapag regula showing na ito sa commercial theaters. Talaga namang very, very successful ang nasabing premiere night at ayon nga sa mga nakakaalam, never in the history of local cinema na ang isang pelikula’y dalawa ang screenings sa premiere showing at parehong SRO. Obviously, maraming A-B crowd nung gabing ‘yon, tulad ng grupo ni Chona Kasten na namataan namin, pero marami ring mga manggagawa at mga miyembro ng iba’t ibang sektaryang pang relihiyon. Ang nag-isponsor ng premiere night na ‘yon ay ang The Organization for the Promotion of Church People’s Right/Response (PCPR). Ang Sister Stella L na pelikula ng Regal Films ay ipapaplabas umpisa sa July 14. - Movie Flash Magazine, July 12 1984
Paano malalaman kung magiging malakas sa takily ang isang pelikula? Isa sa mga sukatan ang premiere ngiht. Hangga’t maari’y ayaw ng ibang produser na magpa-premiere night. Usually kasi, may nag-iisponsor nito, at sa kanila, sa charity – kung tutoo mang sa charity – napupunta ang bayad sa takilya. At siyempre pa, dahil premiere night ekstra ang halaga ng tiket, P25 sa orkestra, P50-100 sa balcony at loge. Bukod sa malaking kawalan din yon sa produser sa regular run ng pelikula, puewede pang mapintas-pintasan ito, at pag kumalat iyon, bagsak ang pelikula! Sa isang dako, kung gustong makatulong ng produser sa charity, at kung sampalataya siya sa kanyang pelukula, mainam magpa-premiere night para higit na maipaalam sa lahat na maganda ito. Iyon ang nasa isip ni Mother Lily nang ipa-premiere night ang “Sister Stella L.” sa Rizal theater sa Makati. Umbrella organization ng mga madre ang nag-isponsor ng premiere night, dalawang screening iyon. Umuulan nang gabing iyon, pero dagsa pa rin ang mga tao. Siksikan. Gayunpama’y disiplinado. Marami rin kasi sa mga ito ang mga madre. Kung karaniwan nang umaasa pa rin sa walk-in ang ibang nagpapa-premiere night, iba naman ang nangyari sa “Sister Stella L.”
Bago pa ang first screening, dakong alas sinko-medya, sold out na ang tiket. Nakikiusap na talaga ang mga hindi nakabili ng tiket na bibili sila, pero ubos na. Dumating doon ang ina ng tunay na Sister Stella L. “No, my daughter is not an activist, she only wanted to help the needy,” sabi nito. Sa kasalukuya’y nasa abroad daw ito, nagtungo roon pagkaraang lumabas mula sa pagkaka-detain ng 11 months sa isang militar camp. Mula sa siyuting ng “Alyas Baby Tsina,” dumating si Vilma Santos. Kagulo sa kanya ang mga tao sa lobby. Magkasabay na pumasok sina Gina Alajar at Michael De Mes, at naisip namin, mali nga ‘ata ‘yung balitang nagkahiwalay sila. Very, very successful ang premiere night na iyon. Katunayan, gusto pa itong masundan ng isang labor sector, tumanggi na lang si Mother Lily. “They will give me raw three hundred thousand, but I said no. Paano naman ang regular run ko?” - Bibsy Estrella (READ MORE)
"...The Bicol Festival Foundation, in cooperation with Philtanco, is sponsoring the movie premiere of the film Saan Nagtatago ang Pag-ibig?, tonight at 7:30, at the Rizal Theatre in Makati. The movie, directed by Eddie Garcia, stars by Eddie Garcia, stars Vilma Santos, Gloria Romero, Ricky Davao, Cherie Gil, Alicia Vergel and Tonton Gutierrez. The Bicol Festival Foundation is headed by Justice Francis F. Gachitorena of the Sandiganbayan. Film director Garcia who is a Bicolano himself has offered this latest Vilma Santos starrer to the Bicolanos, many of whom have been devastated by typhoon Herming a few weeks ago. He said, ‘This is my little contribution in the Bicolano’s who will be celebrating the Penafrancia Festival next month.” The Bicolanos in Manila will hold teh Grand Bicolandia Festival from September 7-13 at the Manila Garden Hotel in Makati and many activities have been schedule to drum up support for the plight of the Bicolanos in the provinces. Tickets are available a the theater gate at Visual Horizons with telephone no. 815-0024 or Philtranco at telephone no. 833-7180...” - Manila Standard, Sep 01 1987 (READ MORE)
The Healing's Premiere Night - "...The entire cast of “The Healing,” led by multi-awarded actress and Batangas Gov. Vilma Santos and young actress Kim Chiu, arrived together, wearing red outfits and flashing smiles to fans who attended the event. Santos was escorted by her husband Senator Ralph Recto. Before the movie was screened, Santos said she is truly proud of this movie because she and the rest of the cast really worked hard to make it beautiful. “We’re all very excited and we would like to thank each and everyone of you for joining us in the premiere night of ‘The Healing.’ Pinamamalaki po naming lahat ito dahil pinagpaguran namin,” she said. Santos said she is hoping moviegoers would enjoy the film and feel scared at the same time. Among the celebrities who attended the premiere night were Piolo Pascual, Maja Salvador, Matteo Guidicelli and Robi Dominggo. Chiu’s former boyfriend Gerald Anderson was also there as well as actor Xian Lim, who is currently being linked to her...The Healing was graded A by the Cinema Evaluation Board and it opens in theaters nationwide today, July 25..." - ABS-CBN News (READ MORE)
Eksta's Premiere Night - "...As early as 5:00 p.m., people were already queuing for the 6:15 screening. The line became longer in just a few minutes, while other people were excitedly awaiting the arrival of Gov. Vilma Santos-Recto. The Vilmanians were hoping to get a glimpse of their idol enter the Main Theater. The celebrities started arriving, which made the task of containing the crowd a little difficult for the ushers. But they politely obliged when they were asked to clear the area leading to the Main Theater. When the signal was given that the moviegoers could now enter the theater, the people dashed toward the main entrance, hoping to be the first to get inside. This could have been a scene straight from Philippine cinema's classic eras, such as the pre-martial law Manila film festivals. And the star of the night was a veteran performer with 5 decades in the industry. Vilma said the premiere erased her apprehensions about venturing into independent cinema for the first time. "Yung pinaka-reception kanina, yun na ang pinaka-bayad namin (The reception was already the reward)." Jeturian was a PA (production assistant) in the 1984 production of Marilou Diaz Abaya's "Alyas Baby Tsina." Vilma was the star of that film, and Jeturian remembers already dreaming of becoming a filmmaker at the time..." - Rappler (READ MORE)