Wednesday, August 22, 2012

Pre-filming article about “In My Life”


Bonggang bongga ang celebration ng birhday party ni Governdor Vilma Santos noong Lunes, November 3, 2008 na ginawa sa Capitolyo ng Batangas City na kung saan sa labas pa lang nang nasabing guasali ay pinalibutan na iyon ng mga naglalakihang tarpaulin na pawang pagbati mula sa mga kasamahan at kaibigan ng Star For All Season sa pulitika. Bago ka makapasok sa bulwagan ay kapansin pansin ang isang malaking stage na makikita ang malaking larawan ni Ate Vi habang sa gawing kanan naman ay ang sampung litson baka. Alas kuwatro na nang hapon nang dumating sa okasyong iyon ang ABS-CBN.com na kung saan ay agad kaming binati ng staff ng gobernador noong mga sandaling iyon dahil abala naman ang aktres sa kanyang tanggapan. “Hindi ko rin talaga alam ito sa pagkakaalam ko kasi magsi-celebrate lang ako ng simple lang. Monday kasi is a working day nagkataon lang na exact date ito ng mismong birthday ko ang dami pala nilang preparation na ginawa. So I’m very, very thankful mga Mayors na andito, department heads at halos lahat ng mga empelyado ay narito at nakiisa sa akin,” masayang panimula iyon ni Ate Vi habang pawisan dahil noong mga sandaling kausapin namin siya ay abala ito sa paglilibot sa mga mesa na kung saan naroon ang kanyang mga kaibigan at kasama sa pulitika. “Now that I’m turning 38 I’m so happy,” biro pa ni Ate Vi.

Ayon kay Ate Vi walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan dahil hindi daw niya talaga alam na bibigyan siya nang bonggang party ng mga taong nagmamahal sa kanya. At dahil dito ay ipinangako niya na kung paano siyang minamahal ng mga taga Batangas ay higit pa run ang pagmamahal at pagsiserbisyong ibibigay niya sa kanyang mga kababayan. “Nakakahiya naman siguro kung alam mong mahal ka ng mga tao at sinusuportahan tapos wala kang gagawin sa kanila, ‘ay hindi naman siguro puwede ang ganun., Bilang Gobernadora ng bayang ito nais kong ipakita sa kanila at ipadama na rin na ako ay karapat-dapat sa pagtitiwalang ibinigay nila sa akin kung kayat marami pa rin akong magagandang plano sa Batangas, At hindi ko ito basta magagawang mag-isa kung hindi nila ako tutulungan.” Maraming wish si Ate Vi pero hindi para sa pansarili kundi para sa bayan at isa dito ay ang kasaganahan at katahimikan hindi lang ng buong lalawigan ng Batangas kundi nang buong bansa. Maraming kwento si Gov. Vi tungkol sa kanyang pagiging lingkod bayan subalit mas binigyan pansin ng ABS-CBN.com ang pelikula nila ni John Loyd Cruz. “Tuloy na tuloy na ang movie namin ni John Llloyd maybe mag-istart na kaming mag shooting hanggang end of the year. Pero ano we will take our time lang because ang full blast talaga nito next year na kasi. Ang sixy percent nito ay kukunan sa New York so kukunin ko ang summer vacation ko next year dahil iyon ang isi-shoot ko sa New York nang three weeks.”

Samantala inamin din niya na tinanggap na ni Luis Manzano ang role na gay sa pelikulang pagsasamahan nila ni John Llloyd. Kung matatandaan ay naging malaking isyu noon ang nasabing role. Hindi pa raw kasi handa si Luis sa mga gay role na nangangailangan ng kissing scene at bed scene sa kapwa lalaki. “Pumayag na si Luis. Tinanggap na niya talaga ang gay role which is sa tingin ko ay napakagandang role kasi dito iikot ang buong kuwento ng pelikula. So antayin na lang natin at hayaan na lang natin siyang mag-comment so I’m very excited. Imagine this is the first time na magkakasama kami ni Luis plus John Llloyd.” Ayon kay Ate Vi hindi siya nakialam sa naging desisyon ni Luis na tanggapin ang gay role dahil ever since ay hindi naman daw siya nakialam sa mga maseselang desisyon ng anak dahil kilala niya si Luis na smart ito at matalino. “Hindi ako nakialam sa negotiation, ang talagang pinagharap ko ay si Olive Lamasan at si Malou Santos because inirerespeto ko ang desisyon ng anak ko kung ayaw niyang gawin okay lang anak, walang problema pero kung oo, eh, oo. It’s not because of me kundi gusto niya talagang gawin ang movie. Sila ang nagkumbinsem, of course, kasama rin si June Torejon, sila ang nakipag usap kay Luis kaya nga nung malaman ko ang sabi ko lang sa kanila, it’s good. Maganda iyan. Maganda kasi excited talaga ako dahil nung first time akong interbyuhin ni Luis for Entertainment Live hindi talaga ako makapaniwala na ang kaharap ko na ay ang aking anak. At ngayon hindi ko siguro alam kung ano ang magiging feeling ko kung ka-eksena ko siya pero alam ko magaling ang anak ko siyempre kanino pa ba naman siya magmamana ‘di ba?” tumatawang sabi pa ni Gov. Vi. Sa kaarawan ni Ate Vi ay dumating ang kanyang asawa na si National Economic Development Authority o NEDA Secretary Ralph Recto, bunsong anak na si Ryan, si Luis at ang napapabalitang kasintahan nito na si Angel Locsin. Naroon din at nagbigay saya sa stage ang ilang Participante ng Pinoy Fear Factor at ang Pinoy Dream Acadamy Top Six. - Morly Alinio, November 06, 2008, Kapamilya Multiply

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...