Saturday, June 30, 2012

Unprecedented Stella L Premiere


Unprecedented Stella L PremiereKung ang batayan ay ang premiere night ng Sister Stella L na ginanap sa Rizal theater noong June 22, sigurado nang dudumugin nang masa ang pelikulang ito ni Mike De Leon kapag regula showing na ito sa commercial theaters. Talaga namang very, very successful ang nasabing premiere night at ayon nga sa mga nakakaalam, never in the history of local cinema na ang isang pelikula'y dalawa ang screenings sa premiere showing at parehong SRO. Obviously, maraming A-B crowd nung gabing 'yon, tulad ng grupo ni Chona Kasten na namataan namin, pero marami ring mga manggagawa at mga miyembro ng iba't ibang sektaryang pang relihiyon. Ang nag-isponsor ng premiere night na 'yon ay ang The Organization for the Promotion of Church People's Right/Response (PCPR). Ang Sister Stella L na pelikula ng Regal Films ay ipapaplabas umpisa sa July 14. - (Photos: Tess Evangelista). Movie Flash July 12 1984






Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...