Nagsimula Ang tambalang Vilma-Edgar sa bakuran ng Tagalog Ilang-Ilang Productions noong 1970. Sila ang itinapat ni Atty. Esperidion laxa kina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Ang unang pelikulang ginawa nina Vi and Bobot ay ang My Pledge of Love (1970) – ang awiting pinasikat ni Edgar noong bago pa lang siyang recording artist ng Willear’s Records. Ang golden record na ito ang nagpasikat kay Edgar. Noong opening nang naturang pelikula sa Globe theater, pinilahan ito ng napakaraming tagahanga nina Vilma at Edgar na karamihan ay nanggaling pa sa malalayong probinsiya. Dito nagsimulang uminit ang kanilang tambalan hanggang sa kinuha rin sila ng Sampaguita Pictures. Dito ay ginawa nila ang pelikulang Sixteen (1970) na tumabo rin nang malaki sa takilya. Pagkatapos naipalabas ang dalawang pelikulang ito ay nagkasunod-sunod na ang kanilan gmga pelikula sa Tagalog Ilang-Ilang Production na ang karamihan ay de-kolor pa. Ilan dito ay ang mga pelikulang Angelica, Rene Rose, Sweetheart, Because You’re Mine, Wonderful World of Music, Dama De Noche, Edgar Loves Vilma, Love Letters, The Sensations, Hello Young Lovers at marami pang iba.
Dahil sa kilala na nga sila, kinuha rin ni William Leary si Vilma Santos upang maging recording artist din ng Willears Records. Unang isiniplaka ni Vi ang awiting Sixteen. Naging hit ang awiting ito na kinagiliwan ng maraming tagahanga ng dalawa. Nagkaraoon din ng fanatics sina Vilma-Manny noon. Mayron ding Vilma-Tirso, Vilma-Jay, Vilma-Cocoy, Vilma-Walter, subalit hindi pa rin nagpatalo ang mga maka Vilma-Bobot na labis labis ang pagmamahal at pagtangkilik sa kanila. Kapag nagkakaroon naman ng mga pa-contest ang bawat magazine, sinusuportahan nila ang kanilang mga idolo at tuwina nama’y palagig nangunguna ang Vilma-Edgar loveteam. Katulad nang nangyari sa Liwayway Magazine. Noon ay tapatan talaga ng mga tambalan sa pangyayaring medyo nagkaroon ng awayan sina Nora at Tirso kaya nagwagi ang pareha nina Vi at Bobot bilang pinakasikat na tambalan ng local cinema. Dito sila binansagan ng judge ng naturang pacontest na “Ang tambalang Subok na Matibay, Subok na Matatag.” Noong araw ng coronation night ay nagkaroon ng rambulan ang panig ng dalawang tambalan. Halos karamihan sa mga tagahanga nina Vilma, Bobot, Guy at Pip ay nasaktan. Hindi maawat ng security guards ang awayan na nangyari. Ang dahilan ay ayaw payagan ang mga maka Nora-Tirso na makapagsabit sila ng sampaguita kina Guy at Pip samantalang ang maka Vilma-Edgar ay pinayagan ng guards na makapagsabit ng bulaklak. Kya nagsipagwala ang fans nina Nora at Tirso. Hampasan ng silya at sabunutan ang nangyari. Naroroon ang hindi magkamayaw na murahan at pintasan sa kani-kanilang idolo.
Dahil napakagulo na nga, nambambo ng batuta ang security guards dahil ayaw paawat ang mga tagahanga ng magkabilang panig. Sa tuwing sumasapit ang Christmas at valentine’s Day ay nagtatapatan ang mga pelikula nila. Nang ginawa nina Guy at Pip sa Hawai ang pelikulang Blue Hawai, hindi nagpatalo ang Vilma at Edgar. Nagtungo rin sila sa Hawai at ginawa nila ang pelikulang Aloha, My Love bilang pantapat sa pelikula nina Nora at Tirso. Ganyan talaga kainit ang labanan noon ng dalawang parehang ito. Pagkatapos ipalabasa ang mga pelikulang Blue Hawai at Aloha My Love na parehong kumita sa takilya, nagtungo rin ang dalawang pangkat sa USa para gawin naman nila ang pang-Valentine’s Day offering nila. Don’t Ever Say Goodbye ang kina Vilma at Edgar, samantalang ang kina Guy at Pip naman ay ang Gift of Love. Hindi lang iyan. Tuwing sasapit naman ang Metro Manila Film Festival ay nagkakaroon din sila ng kanya-kanyang entry under their respective production companies – ang Tagalog Ilang Ilang for Vi and Bot at Sampaguita Pictures kina Guy at Pip. Halos sila na lang ang siyang pinapanood at iniidolo ng fans.
Noong panahon ng The Sensations sa Channel 2, kasama nina Vilma at Edgar sina Perla Adea, Rommy Mallari, Rhodora Silva, Darius Razaon, Tony santos Jr, Baby de Jesus, Millie Mercado at ang komedyanteng si Angge. Ang director ng show ay si Tony Santos Sr at ang host naman ay si Ike Lozada. Every Sunday ay punong-puno palagi ang Studio 1. Pila talaga sa labas ng Bohol Avenue ang napakaraming sasakyan, makita lamang nang personal sina Vilma at Edgar. Mayroon ding solo shows noon si Vilma sa naturang station – Ayan Eh at Dulambuhay ni Rosa Vilma. Si Edgar naman ay nasa radio – Sa Piling Mo, Edgar na napapakinggan gabi-gabi sa DWWW noon. “Bagama’t hindi nagkatuluyan sina Vilma at Edgar ay hindi nangangahulugang walang kaligayahang namagitan sa dalawa. Mayroon din. Palagi akong nagtutungo sa studio at nanonood ng kanilang TV show. Nakikipagitgitan ako palagi, masaksihan ko lang ang kanilang show. Palagi kong pinagmamasdan ang napakasweet nilang team-up, lalo na kapag kumakanta sila nang sabay sa The sensations. Halos lahat ng nasa studio ay hindi magkamayaw sa tilia,” sabi ng isang matapat na tagahanga ng dalawa. Sana magpapayat nang husto si Edgar para makagawa muli sila ni Vilma ng pelikula upang maligayahan naman ang kanilang mga tagahanga na naghihitay pa rin hanggang ngayon. - Ely S. Sablan, Jingle Extra Hot Magazine, February 3, 1983, Source: Pelikula, atbp
RELATED READING:
- Vilma Santos-Edgar Mortiz Love Team Circa 1970
- Edgar Loves Vilma
- IMDB: Edgar Mortiz
- Vilma Santos From Wikipedia
- Edgar Mortiz From Wikipedia
- Vilma Santos-Edgar Mortiz Love Team Circa 1970
- The Sweet Voice of Vilma Santos
- Vilma Santos’ Sixteen Interview
- Discography: Sixteen (1970)
- If Vilma comes, can Edgar be far behind?
- Love Letters thief
- Vi and Bot Photo Album
- Ang Makulay na Buhay-Pag-ibig ni Rosa Vilma Santos
- Ultimate Scrapbook (Repost)
- Vi And Bot – Sweet Sixteen
- Remembering Vilma’s 18th Birthday
- Top 10 Leading Men
- Family Life in the 70s
- Love Letters (1970)
- Vilma and Edgar Duet (Video)
- Sixteen - Vilma Santos (Video)
- CLIPS - Sixteen (Video)