Tuesday, February 14, 2012

Ang Makulay na Buhay-Pag-ibig ni Rosa Vilma Santos

Makulay ding masasabi ang kabanatang may kinalaman sa buhay-pag-ibig ng ating hinahangaang at iniidolong aktres na si Rosa Vilma Santos. Bukod sa kanyang record bilang the greatest actress of all times and the reigning movie queen of the local cinema ay naitala rin ang kasaysayan ng kanyang pag-ibig. In her early stage of her career, ang dalagang si Vilma Santos ang most desired at most desirable actress, at ang record niyang 'yon ang nangingibabaw in an industry which feeds on gossip and intrigue. Truly, the star for all seasons and reasons has the longest line of suitors and admirers, barring none. In and out of showbiz, Ate Vi would easily be the most desired star of them all. And to think that she's not the typical sex symbol of our parochial mold. In matters of the heart, Ate Vi had many romantic interludes with these interesting men in and out of showbiz world. Considers the names that the rumor mill has linked to her: Edgar Mortiz, Eddie Peregrina, Jay Ilagan, Jojit Paredes, Ronnie Henares, Erik Espina, Bongbong Marcos, Dave Brodette, Junior, FPJ, Meng Fei, Dolphy, Jimmy Morato, Rollie Quizon, Bembol Roco, Eugene Torre, Boyet de Leon, Mark Gil, Zaldy Zshornack, Jun Arestorenas, Eddie Rodriguez, Ricky Belmonte, Romeo Vasquez, Mat Ranillo, Joey Stevens, Lito Lapid, Glenn Capacio, Paul Alvarez, Alvin Patrimonio, Dante Silverio, Edu Manzano, Philip Salvador, Miguel Rodriguez, Ronnie Ricketts, Aga Muhlach, Eric Quizon, Gabby Concepcion, Nonoy Zuniga, Jolly Benitez, and Senator Ralph Recto. Her lovelife is one of the movielands' most colorful and also the stormiest. Like the other actresses who fell in love and fell out of love, Ate Vi has had her share of sad valentines. But while she loved, she loved to the fullest and gave her all. And when she got separated from her first husband, Edu Manzano, she did not linger on the broken pieces of a love affair turned sour.

There was no bitterness or rancour. After all, that bond gave her a son, Luis Manzano. Maraming makukulay na episodes sa buhay-pag-ibig ni Ate Vi. Merong totoo, meron namang nanatiling tsismis lang. Sa pagpapakasal niya kay Senator Ralph Recto ay naipinid na ang chapters na ito sa lovelife ng actress-politician. Mahirap ang maging Vilma Santos.Isa kang "Star for All Seasons", libu-libo ang mga tagahanga, sinasamba at iniidolo. Napakahirap humanap ng Mr. Right Man na aangkop sa pagiging Vilma Santos niya sa loob at labas ng daigdig ng pelikula. Her being number one star-actress poses a different problem to suitors of lesser means. Of the sundry men that the rumor mill has identified with her, Ate Vi admits to having had real relationships with only five: Edgar Mortiz, her first boyfiend; Ronnie Henares, to whom she was engaged; Romeo Vasquez,her controversial beau; Edu Manzano, to whom she was married and eventually divorced; and Senator Ralph Recto, her longest affair, the only boyfiend she had after her first marriage broke-up and the father of her child, Ryan Christian.


Ate Vi learned different things in the seasons she spent with them. Si Edgar Mortiz ay isang bahagi ng puppy love ni Ate Vi. Itinuring na subok na matibay, subok na matatag ang kanilang tambalan.Mula nang magkatambal sa pelikula, nagkaroon din sila ng mga TV shows tulad ng "The Sensations" at "Edgar Loves Vilma". Si Bobot ay ang first love ni Ate Vi. Tumagal din ang relasyon ng dalawa na umabot ng tatlong taon na mahigit. Akala nila ay panghabambuhay na ang kanilang relasyon but it suddenly ended on April 28, 1974. Sa kung anong tunay na dahilan ng kanilang break-up ay hindi naging malinaw. In fact, naging very close nga sila ni Edgar at pati ang kani-kanilang pamilya, to the point na angpatayo pa sila ng bahay na magkatabi lamang sa isang subarban subdivision. Dahil sa magkaibang estado nila, mas sikat si Ate Vi noon kaysa sa kanyang screen partner, at hindi pag-usad ng career ni Bobot ay nagbunga ng kanilang argumento. Siguro nga, isa sa mga dahilan ng kanilang paghihiwalay. Career move, ika nga. Even now that they lead separate lives, Vilma and Edgar have remained the best of friends.

Taong 1975, a year after she had ended her colorful involvement with Edgar, pumasok naman sa eksena ang elitistang singer na si Ronnie Henares. In a way, matagal nang magkakilala ang dalawa pero nagkaroon lang sila ng pagkakataong maging close nang mag-guest si Ronnie sa drama anthology ni Ate Vi ang "Dalambuhay ni Rosa Vilma". Inamin naman ni Ate Vi sa mga interviews na si Ronnie ang siyang naging instrumento niya na matutong magsalita ng wastong English-bagay na hindi naman ikinahihiyang aminin ng aktres. He taught her how to pronounce English words. Malapit sa isa't isa ang pamilya nilang dalawa. Muntik na rin silang lumagay sa tahimik pero hindi maiwasan 'yung nagkaroon sila ng sigalot sa kanilang pagitan, at hindi na nga naisakatuparan pa ang planong humarap ng altar. Nangibabaw pa rin ang obligasyon ni Ate Vi sa kanyang pamilya at dedication sa career kaya eventually ay sa paghihiwalay rin nagtapos ang dapat sana'y makulay na episode sa kanyang buhay. Romeo Vasquez is an oddity in Vilma's life. Hindi akalain ng lahat na ang isang notorious playboy and balikbayan actor would capture the heart of the then elusive Ate Vi.

Nagkaroon sila ng affair which lasted for more than a year. Kilala si Bobby sa pagiging bohemyo kaya naman walang kakilala si Ate Vi na bumoto sa aktor. Ate Vi was love struck at talagang na head-over heels in love. Nagsimula ang kanilang affair sa set ng kanilang pelikulang "Nag-aapoy na Damdamin". True to this title, nagliyab silang dalawa at tunay ngang nag-apoy ang kanilang damdamin. May plano pa nga sila ni Bobby na magpakasal sa Europe. Talagang Ate Vi was ready to give up her life as an actress and would settle with the actor abroad. And with herb relationship with Bobby, nag-surface ang bagong Vilma Santos.Ate Vi realized that she cann't sacrifice everything for love. Nagising siya sa katotohanan at nagkamali kung kaya nagdesisyon siyang kumalas sa bohemyong aktor. Nagkulay rosas noon ang mundo ni Ate Vi at ibinigay ng buong laya ang sarili't pag-ibig sa isang Mr. Edu Manzano na kung saan nagbunga yun ng isang Lucky. Umusbong ang pagkakakilala nila ni Doods sa Cebu City, kung saan nagkasabay sila sa flight paluwas ng Maynila.Nag-shooting kasi noon si Ate Vi ng pelikulang "Yakapin Mo Ako Lalaking Matapang" at parang pinagtiyap ng panahon na magkrus ang kanilang landas. Ibang klase ang ginawang panunuyo ni Doods sa aktres.Naroon ang yayain nito si Ate Vi na kumain sa turo-turo.Nahulog ang loob ng aktres na siempre pa na humantong sa kanilang pagpapakasal. Bale sa abroad, sa Las Vegas naganap ang kanilang kasal. Hindi naging matagumpay ang kanilang pagsasama dahil na rin sa baon ng utang sa BIR nang panahong 'yon. Akala ng lahat ay si Esu na ang Mr.Right Guy kay Ate Vi. Hindi pala.Ang isang masaya, makulay, masiglang simula'y sa paghihiwalay din nauwi. Mga tatlong taon lamang silang nagsama pero nanatiling mabuting magkaibigan sila.Sa Guam naaprubahan ang divorce nila on July 25, 1986 or thereabouts. Ang inaakala ni Ate Vi na mahihirapan niyang hanapin ang tamang lalaki sa kanyang buhay ay natagpuan sa katauhan ni Senator Ralph Recto. Despite a 10-year age gap, her marriage with Ralph has weathered all storms and is now into its 20 years. And it is still going strong.

Ang kay Edgar, kay Ronnie, kay Romeo, kay Edu- ay pawang mga kasaysayang puwede natin isapelikula. Dahil bahagi na lamang sila ng kahapong may tamis at pait sa gunita. Cute ang sa kanila ni Bobot. Masaya ang kay Ronnie. Maligaya ang kay Bobby. Makasaysayan ang kay Doods. Pero ang kay Senator Ralph Recto ay pinakamaigting na relasyong hinding-hindi malilimot ng isang Vilma Santos. One thing is most important at this time in Vilma's life-her marriage with Senator Ralph Recto, ostensibly destined to be the most important in her life from now on. - Willie Fernandez, V magazine, 2005

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...