Isang grupo ng mga fans ang na-attract na manood habang nagsu-shooting sina Vilma Santos at Edu Manzano ng Palimos Ng Pag-ibig sa beach resort sa Puerto Azul. During the shooting break, their son Lucky joined the couple at napailing-iling ang ilang mga tagahanga nilang nanonood sa kanila. "Bakit pa kaya sila naghiwalay?" tanung-tanungan na mga ito sa isa't isa. "Sayang at bagay na bagay pa naman sila. Tingnan n'yo, kapag kasama nilang ganyan si Lucky, they look like a picture of a very happy family!" At idinugtong pa ng isa: "Sana, magkabalikan na nga rin sila hindil lang sa pelikula kundi pati na sa tunay na buhay." Wishful thinking, hindi ba? But then, wala namang masama sa ganyang wishes. Hangad lang nila ang kaligayahan ng mga iniidolo nilang bituin. As for Vi and Doods, kung titingnan nga sila, magkakamali't magkakamali kang tiyang dahil they're really so sweet and attentive to one another. Parang walang puwang na nakapagitan sa knaila at sila pa rin ang adoring husband and wife na devoted to each other hangggang ngayon. "Bakit masama bang maging friendly and thoughtful kami sa isa't isa?"depensa agad ni Vi nang biruin siya ng isang writer about her extra closeness to Doods "Talaga namang comfortable na kami ni Doods sa isa't isa, a."
Very obvious na ang unang nag-e-enjoy nang husto sa constant togetherness nina Vi at Doods ay walang iba kundi ang tanging anak nilang si Lucky. It must bring the boy so much happiness seeing his patents na laging magkasama. Nakakalaro niya ang mga ito nang magkasama, just like any other kid with a normal family life na sa mga outings sa beach ay kasama kapaywa ang kanyang ama at ina. ang Palimos ng Pagibig bale ang second movie nina Vi at Doods bilang magkatambal. More than five years ago ay ginawa nila sa Amerika ang Romansa. Since then, maraming-marami na ngang nangyari sa buhay nila. Dumating si Lucky to make them his proud and happy parents, at ngayon split na sila. Tinatanong namin si Vi kung ano ang pagkakaiba ng pagtatambal nila ngayon ni Doods sa Palimos kaysa sa unang pelikulag tinampukan nila noon. "Marami!" agad na sagot ni Vi. "Unang-una, sa tingin ko, mas demanding itong pelikulang ginawa namin sa ngayon kaysa noon. At acting-wise, talagna malaking malaki ang ibinuti ni Doods. Ako mismo, nagugulat sa husay niya ngayon. Akala ko noon, press release lang iyon para sa mga ibang pelikulang ginawa na niya. Pero ngayong nakasama ko na siya uli mismo, aba napatunayan ko sa sarili ko ang sinasabi nilang talagan ang galing-galing na nga niya ngayon at an actor, hats off ako."
Sang ayon agad si Doods sa sinabi ni Vi na mas demanding ang pelikulang Palimos ng Pagibig kaysa sa Romansa. "Noon kasi, parang bakasyon lang kami noon sa States, tapos, ayun nga kasabay ang paggawa namin ng pelikula," pagkukuwento niya. "Kapag naisipan naming doon mag-shooting sa gano'ng scenic spot, di pupunta kami roon at doon masu-shooting for that day. Para bang laro-laro lang noon. We played the role of Filipinos na nagkakilala sa Amerika, noong una'y nagka-asaran, and later on, nagkagustuhan. Noong una, napagkamalan pa nga siya akong Iranian doon sa movie. Ibang-iba ang Palimos ng Pagibig dahil tungkol talaga ito sa mabigat na problemang hinarap ng isang mag-sawas. The situation are entirely different and much more challenging. But with Eddie Garcia directing us, palagay ko naman we did justice to out respective roles." Ayon kay Vi, hindi lamang daw sa acting nag-improve si Doods kundi pati na rin sa iba pang aspect ng personality nito. "For instance," sabi niya "IN the way he deals na lang with the press, Dati-rati, napagkakamalan siyang aloof sa press, na suplado raw niya kaya lagi siyang tinitira. Ngayon, he is more relaxed with writers and reporters. Naging kabiruan ng nga niya ang marami sa kanila. Nagugulat nga ako dahil akala ko, hindi pa niya kakilala ang isang reporter tapos nag-uusap na silang para bang they're like old friends, nag-improve talaga ang PR niya."
Nang sabihin sa kanila na sila ang magiging magkatambal sa Palimos ng Pagibig, ano ang naging inital reaction nila? Agad ba nilang tinanguan at tinaggap ang project na muling mgagpareha sa kanila? "Ako, ang una kong consideration, si Doods," sagot ni Vi. "Sabi ko, kung okay sa kanya, I don't see any reason kung bakit hindi magiging okay sa akin. Siya talaga ang inaalala ko dahil baka mapagbintangan pa niya akong kina-capitalize ko ang aming personal lives just to make a movie interesting." Nang malaman daw niyang okay na rin kay Doods nasiyahan siya personally. As for Doods, agad din siyang tumango sa project. "Honestly, sa isip ko, noon ko pa pinaghahandaan ang muling pagtatambal namin ni Vi, e." sabi niya. "I know how good an actress she is and I felt na siguro, kung ngayon nga kami uli pagtatambalin, siguro, kung ngayon na kami uli pagatatambalin, siguro naman makakaya ko na. Unlike before na talagang baguhan pa lang ako sa pagharap sa kamera. This time, siguro, hindi na ako maipapahiya lang makisabay man ako ng pag-arte sa kanya. Ang I hope the viewers would with this agree when they get to see the movie. As expected, marami ang naghihintay kung anon ang magiging reaction nila sa isa't isa while they are doing their love scenes in the movie. What did they feel habang magkalapat ang kanilang mga dibdib? Nagbumalik ba ang kanilang masasaya at matatamis na lumipas at nasabi nila sa sarili na dapat na silang magkaroon ng ikalawang kabanata sa kanilang buhay at pag-ibig bilang magasawa?
"Naku, ang bigat naman niya," natatawang sabi ni Vi. "Honestly, sa 'kin, okay lang ang mga love scenes namin sa pelikula. Sabi ko nga, sa lahat ng mga naging leading man ko na, kay Doods talaga ako pinaka-comfortable, e. Afterall, ang dami na talaga naming pinagsamahan, before and away from the cameras. Kaya't maski sa mga bed scenes namin, I really felt at home with him." "Ganun din ang feeling ko with Vi," sang-ayon ni Doods. "I've made love on camera with other actresses pero siyempre, iba talaga kapag si Vi ang kaeksena ko. Wala akong anumang feeling ng pagkailang or worry na baka ma-offend 'yung ka-ekesena ko o sabihing nate-take advantage ako. Talagang bigay na bigay kami sa bawa't hinihingi ng eksena at ng direktor namin." E di malamang o tutoo na nga ang balitang may ikalawang kabanata na sa kaning pagtitinginan, lalo na sa kanilng pagiging husband ang wife? "Naku ha," sabi ni Vi. "Basta, tingnan na lang natin." "I agree," sabi naman ni Doods. "Everything remains to be seen." Sino nga kaya ang namalimos sa kanila ng pag-ibig para magkabalikan sila? - Mario E. Bautista, Movie Flash Magazine, 16 May 1986, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)