Thursday, April 5, 2018

Vi-Bot & TIIP Group sa AFP Camp in Zamboanga


Kamakailan, nag-personal appearance sina Vilma Santos, Edgar Mortiz, Tony Ferrer, and were ably assisted by Rhodora Silva, Chanda Romero, Janet Clemente, and believe it or not Direk Maning Borlaza, sa isang AFP Camp sa Zamboanga. Isa ang naturang pook sa kanilang itinerary nang sila'y mag-Mindanao bound bilang pagpapaunlak sa paanyaya ni Defense Sec. Juan Ponce Enrile na sila'y mag-personal appearnace nga sa mga army camps doon. Ano pa nga't big hit ang show ng group. Isa-isa, the young stars rendered out pop songs.




Si Vi at Bot ay nagduweto rin sa buong kagalakan ng mga kawal and their families. Nag-drama din sila ng kaunti sa pamamahala ni Direk Borlaza. At kaya nasabi naming "believe it or not...Direk Maning Borlaza" sa unang paragraph ay pagkat kinumpitensiya nito sina Dolphy, Cachupoy, etc., sa larangan ng comedy. Naging superkalog din siya sa isang comedy skit at ihitan ng tawa ang audience with his antics. Sa musical portioin, nagtanghal din ng dance number and troupe at dito humanga ang lahat kay Tony.

Hindi lang pala daw champion karatista ito kundi, tops din sa sayaw. Siyang-siya ang army audience sa show ng grupo kaya't sa bawat number, applause na katakut-takot. Mangha sila sa ganda ng pagtatanghal. Kasi noon lang daw sila nadalaw ng mga artista na bukod sa kuwela performers na, sikat na sikat pa. Sa panig naman ng grupo? The feeling was mutual, pagkat very hospitable ang reception ng mga taga-roon sa kanila. Nagenjoy pa sila sa maririkit na tanawing nagpasikat sa Zamboanga. - Cleo Cruz, Bulaklak Magazine No. 66, 05 February 1973, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...