Friday, January 5, 2018

Big-Budget Ang "Lipad, Darna, Lipad"


Puspusan at maingat ang ginagawang paghahanda ng Sine Pilipino para sa susunod nilang produksyon...ang Lipad, Darna, Lipad. Nakatakda na sana itong ipelikula ngunit dahil big-budget nga ito, minabuti ng mga boss ng Sine Pilipino na muli nilang pagaralang mabuti ang lahat ng mga puntos sa pagsasapelikula nito. Kaya't minsan, nagpulong ang top brass ng Sine Pilipino sa tahanan nina Vilma Santos na siyang gaganap bilang Darna sa naturang pelikula. Ang kanilang paniya...baka sa unang linggo ng Pebrero, 1973 na nila simulan ito. At sa mga petsa ring iyan magkakaroon ng pictorials. Kabilang sa mga napagusapan sa pulong ay ang tungkol sa costumes na isusuot ni Vi bilang Darna at ang cotumes na isusuot ng mga makakasagupa niya: ang Babaing Lawin, ang Babaing Impakta, at si Valentina. Ibig kasi nila na ang pagkakayari ng mga costumes ng ma ito'y maging makatutohanan. Na pag isinuot ng tatlong villains ay talagang lilitaw ang kanilang kasamaan at kakilakilabot na mga anyo.

Tulad ng mga pakpak ng Babaeng Lawing. Gusto nilaĆ½ lumitaw itong animo mga tutuong pakpak na tumubo sa likod ng gumaganap na babaeng lawin. Pinag-aralan din nilang mabuti kung paano magagawang natural ang pagkampay nito. Sa ganang costumes ng Babaing Impakta at ni Valentina, hindi rin sila titigil haggang maging realistic ang mga ito. Na pag nakita ng manonood, tutoo silang hahanga and at the same time horribly fascinated. Ang higit nilang pinagtuunan ng pansin ay ang Darna costume ni Vi. Ang alam na naman natin ang screen image ni Vi. Maging sa tunay na buhay ay very sweet siya t unthinkable na magsusuot siya ng anumang daring suit. Ang precisely, hindi ba't ang original Darna costume ay delightfully daring? Pero, this will run contrast nga sa image ni Vi. Sabagay, nagawan na nila ng konting innovations ang original design ng costume. Gayon man, pilit pa rin silang naghahanap ng remedyo para huwag naman masira ang image ni Darna. Na kung mamasda'y reservoir ng superhuman strength.

Pero at the same time nama'y may aura rin ng maganda at graceful femininity. "Tapos, bagama't alam na nila kung saan-saan ang locations na gagamitin para maging tumpak na tumpak sa istorya ng Lipad, Darna Lipad nagpalabas ng scouts para maghanap ng more suitable locations, kung mayroon pa silang makikita. marmi kasing eksena sa Lipad, Darna Lipad that calls for eerie atmosphere, although marami rin namang nagsasaad ng masyang atmosphere. Ang isa pang mahalagang bagay na pinagpulungan nila ay ang tungkol sa mga camera tricks na marami sa naturang pic. Ayaw nila kasing lumabas na corny ang mga ito at halatang artipisyal. Lhat ay dapat daw gawin with precision, pati ang camera tricks. Para pag napanood ay lumabas at packed with suspense. Marami pa silang pinagusapang mabuti kina Vi tulad ng wigs, mga maskara, etc. Lahat ng mga ito ay masinsinan nilang pinagpulungan pagka't gusto ng Sine Pilipino people na ma-justify ang big-budget na inilaan nila para sa Lipad, Darna Lipad.

De kolor ang Lipad, Darna, Lipad upang lalong lumitaw ang color nito bilang colorful story. Isipin na lang kung ano ang makikita natin sa Lipad, Darna, Lipad: isang naka-crime fighter costume na Vilma Santos fitting her strength at wisdom sa masasamang elements na pawang mga naka-costumes din na naglalarawang ng kanilang evil personalities. Wow! Tungkol sa hindi pakakatuloy ng shooting ng Lipad, Darna Lipad sa scheduled, ani ni Vi: - Tama lang naman iyon, although, honestly, sabik na sabik na akong masimulan ito. Pero, sabi nga'y "haste makes waste." Ang "Lipad, Darna, Lipad" ay hindi pangkaraniwang pelikula. Special kind ito kaya't kailangang ding bigyan ng special attention. Thanks to Sine Pilipino as aking ipaganap ang Darna pagka't isa na naman itong naiibang role. Unique, challenging, and simply beautiful. Salamat din kay Uncle Mars at nag-create siya ng heroine na tulad ni Darna. Vilma a flying Darna?...Wow-Wow-Wowee!..." - Cleo Cruz, Bulaklak Magazine No. 66, 5 February 1973, reposted by Pelikula Atbp (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...