February 13, 2007, Tuesday - Haller mga co-Vilmanians around the world! Musta na kayo? Meron na naman akong ise-share sa inyo. Pero bago ito let me greet everyone a Happy Valentine’s Day.....and also Happy Feast Day kay Father Juancho G. de Leon aka Father J or Dre, the first Filipino parish priest ng St. Valentine, New Jersey, US of A dahil tomorrow, February 14, 2007 ang fiesta sa kanilang parish. Ang aking ikukwento ngayon ay ang book launching of "Movie Queen." Pagbuo Ng Mito at Kapangyarihang Kultural ng Babae sa Lipunan by Cesar D. Orsal, Ph. D., Dean of the College of Arts and Sciences sa Trinity University of Asia (well, for your information, silent Vilmanian itong si Dr. O. di ba Jojo Lim?). Sa invitation na ibinigay mismo ng author ng libro ay nakalagay na magsisimula ang programa ng mga 2PM at the Mandell Hall Auditorium, Trinity University of Asia at 275 E. Rodriguez, Sr. Avenue, Cathedral Heights, Quezon City. Dumating ako sa Trinity University of Asia ng mga 1:20PM at habang hinihintay ko si Jojo at Nar Santander sa entrance ng school, ay nakita kong may mga nag-parehistrong mga Noranians na naka-uniform ng Ganap. Nang makalayo na yung mga Noranians (2 lang naman sila) ay nagkatawanan kami nung lady guard sabay komento nung guard na. "aba at buhay pa pala ang mga fans ni Nora Aunor."
Nang dumating si Jojo ay agad kaming pumasok ng school at dumeretso sa Mandell Hall Auditorium. Nakita agad namin ang author ng libro na si Dr. O (kilala namin personally ni Jojo itong si Dr. O) at agad naming binati habang ang mga Noranians ay nakamasid lang sa amin. Bumili kami ni Jojo ng libro sabay comment ni Jojo ng "si Vi talaga ang tunay na Reyna dahil s'ya ang nasa itaas ang picture" (please see attach file) sabay ngiti naman nung nagbebenta ng libro. Sa unahan kami umupo ni Jojo at maya maya naman ay dumating na din si Nar. Sinabi ni Nar na narinig daw niya na sinabi nung isang Noranian na si Vilma lang daw ang pangalawa kay Nora Aunor (haller!.. 2007 na tayo noh.. wala na tayo sa DEKADA ’70.....matatapos na nga ang term ni Lipa City Mayor Vi
juice ko po itik.....na naging pato.....itaas pa ba ang kanilang idolo...na hindi naman ka-ido-idolo...di ba naman Henry Llaneza?...anong masasabi mo Kuya Mar Garces?...huwag na bang patulan?...oo naman yan ang aming ginagawa.....matuk!). Eniwey nagsimula ang programa ng a little bit past 2PM via Invocation led by Ms. Gracia Sarao...na sya ding tumayong program host...na sinundan ng singing of the Philippine National Anthem. Ang director ng Research Center na si Dr. Angelita Bugnalen ang nag-opening remarks.....followed by an introduction of the author and lecturer by Ms. Lourdes Genevieve Martirez, PACSA President, Trinity University of Asia Chapter.
Sa lecture: Babae sa Pelikula at ang Pagbuo ng Kapangyarihang Kultural ng author na si Cesar D. Orsal, Ph. D. ay in-aknowledge ni Dr. O ang mga taong nakatulong sa pagbuo ng book launching na ito kasama na ang mga Noranians at Vilmanians (of course). Nang mabanggit ang pangalan ni Nora Aunor ay sigawan ang mga Noranians (para tuloy naging Awards Night ang okasyon). Ang sumigaw ay yung Noranian na nakasagutan namin sa programa ni Korina Sanchez...siya din yung taong nakasagutan ni Obet Sapin nung ipinalabas sa NCCA ang dalawang pelikula ni Ate Vi na Tag-ulan Sa Tagaraw at Love Letters samantalang si Nora Aunor ay isang pelikula lang...nagrereklamo siya sa organizer kung bakit isang movie lang ni Nora Aunor ang ipinalabas....hehehe...siya din ang isa sa mga nag-walk out sa Star Awards nang manalo si Ate Vi sa Mano Po 3: My Love...at sinabi pang nag-Intsik lang...nanalo na...siya din yung taong iniipon sa plastic ang mga upos ng sigarilyo ni Nora Aunor...siya din yung nasunugan ng bahay na ang iniligtas muna ay ang mga clippings ni Nora Aunor at hindi yung mga religious articles...siya din yung fan na nang magtampo kay Nora Aunor ay pumunta sa Vilma Show sa Broadway Centrum at nag-a-apply para maging Vilmanian. Lingunan ang mga estudyanteng nanonood.
Nang mabanggit naman ang pangalan ni Vilma Santos ay palakpak lang ang ginawa naming tatlo nina Jojo at Nar...subali’ t yung mga estudyanteng nanonood ay pumalakpak at sumigaw pa ng mas malakas pa sa mga Noranians para kay Ate Vi. May isa pa ngang estudyante...na katabi namin na sumigaw ng "basta ako ay para kay Ate Vi," di ba Nar? May mga ipinakitang film clips ng mga Reyna ng Pelikulang Pilipino. Ipinakita sina Gloria Romero: Golden Girl of Philippine Cinema, Nida Blanca: Reyna ng Komedya, Babaeng Galawgaw, Susan Roces: First Lady of Philippine Cinema, Amalia Fuentes: Reyna ng Kagandahan, Nora Aunor: Superstar ng Masa, Vilma Santos: Star For All Seasons, Sharon Cuneta: Megastar, Maricel Soriano: Diamond Star, Rosanna Roces: Reyna ng Makabagong Magdalena, Kris Aquino: Cross Over Queen, Game Show Queen, Judy Ann Santos: Phenomenal Star of the Millenium. Pagkatapos ng lecture ni Dr. O...ay ang isang song number ni Mr. Danilo Ito, isang professor sa College of Education...na Minsan ang Minahal ay Ako. Halatang Noranian si Mr. Ito dahil nagbiro pa sya na sana daw...sa cover ng libro ay si Nora Aunor ang nasa itaas ang picture (sorry ka na lang sir.....Vilmanian si Dr. O).
Habang umaawit si Mr. Ito ng kanyang pangalawang awitin na Sana’y Wala Nang Wakas ay may mga estudyanteng pa-isa isang lumalabas ng Mandell Hall Auditorium...bakit kaya? Pagkatapos ng awitin ng isang Noranian ay ang Introduction of the Book by Mrs. Bezalie Uckung, Executive Director of New Day Publishers, Inc...then ang Book Review ni Mr. Ricky Lee, Film and TV Scriptwriter (isa pa ring Noranian). Ang Presentation of Appreciation to Dr. Cesar D. Orsal ay iginawad ni Mrs. Bezalie Uckung and after the program ay ang signing of the books by the author. Unang nagpapirma ay si Mr. Ricky Lee na kinausap pa namin ni Jojo at sinabing mga Vilmanians kami. Alam pala ni Ricky na may gagawing pelikula si Vi at si John Lloyd at palagi daw may revision sa script. Well...anong masasabi mo, Franco Gabriel? Si Nar, si Jojo at si ako ay nagpapirma na din ng libro kay Dr. O. Around 3:45PM na natapos ang programa at agad na kaming lumabas ng school. So....yan muna ang aking maikling kwento (maikli daw o....). - Alfonso Valencia, V Magazine, December 2009 (READ MORE)