Kasama ni Vilma sa pablat si Sonny Cortez, na ngayoý isang contract star ng Virgo. May sariling paraan ng pagkanta, si Sonny ay malapit nang hagaan sa Kanyang TV show, "Sonny Side Up"sa KBS.
Ang tunay na kagandahan daw ay wala sa kaanyuna kundi nasa ugali. Hindi ang tinatawag na kagandahang panlabas kundi ang kagandahan ng kanyang kalooban. At ang kagandahang ito, na walang pagkupas, ang siyang hagdan ni Vilma Santos tungo sa tagumpay. Sinumang makadaupang-palad ni Vilma ay hindi maaaring di makapansin na ang tunay niyang pagkatao ay bukas na bakas sa kanyang maaliwalas na mukha. Hindi lamang dahil sa palagi itong nakangiti (bagamat kung minsan na tuloy-tuloy ang siyuting ay kababasan din siya ng pagkahapo). Hindi lamang dahil sa totohanan niyang bukas na pagbibigay sa mga interview at pictorial saka sa mga fans na nagnanais na siya'y makaniig o mahingan ng autograph. Ang naiiwang impression ng lahat kay ay ang kanyang katapatan at kabaitan. Madali siyang makagiliwan hindi lamang dahil sa mahusay siyang kausap kundi masisinag sa kanya ang kababaang-loob. "Pasensiyosa na, maunawain pa,"anang masugid niyang tagahanga na si Manila Ballesteros. At kund kilala ninyo si Manila, maniniwala kayo sa sinasabi niyang ito. "At mahinhin pa,"dagdag naman ni Marie, isa pa ring "anino" ni Vilma na hindi nawawala saan man magpunta ang star. Bukod sa mga katangiang iyan, ang hidig na napupuri ng mga direktor na nakasama na ni Vilma ay ang kanyang professionalism. Tulad na lamang noong minsan na mag-lication shooting sila sa Merville Park sa Parañaque, Rizal. Ang eksena ay isang dream sequence at itoý kinunan sa gilid ng fountain na nakabungad sa open-air theater ng nasabing subdivision.
Malamig na ang simoy ng hangin noon (lampas hatinggabi nang idaos ang siyuting) ngunit lalong naging maginaw nang buksan na ang dancing waters. Pinapuwesto na sina Vilma, Eddie Peregrina, Alona Alegre at Edgar Mortiz sa gilid ng fountain at para namang sinasadya, patungo sa kanila ang hangin kung kayat kahit sa malayo, kitang-kita ang panginginig ng mga tuhod at baba ng apat na bituin. At dahil nga mga professional sila, tuloy rin ang siyuting. Maunawain naman ang direktor at pinilit nilang tapusin ang eksena sa lalong madaling panahon. Anupa't parang sinusubok na talaga, kung kailan solo frame nina Vilma at Edgar noon pa kinailangang mag-reload ang cameraman ng negatibo. Hindi naman makaalis ang dalawa sapagkata masisira ang continuity ng eksena, di katakatakot na pintas na naman ang ibubuntonghininga ninyo sa panonood nito. Minsan naman, nalipasan ng gutom ang kanyang ina na kasama niyang lagi saan man siya dalhin ng kanyang mga commitments nang kinailangan nitong makipagkita sa isang prodyuser at abutan ng traffic sa oras ng pagkain. Nang bumalik ito sa set ng siyuting ang tiyan. Nagkataon naman na comedy ang eksenang kukunan at close-up rin, ngunit buong husay na nagampanan ito ni Vilma sa kabila ng labis na pag-aalala sa ina. Maging parteng ito ay napupuri rin ang dalagita. Hindi lamang daw ito mapagmahal at masunuring anak. May isip na ito at kailanman ay hindi dinulutan ang mga magulang ng sakit sa ulo, lalo na sa kanyang pag-aaral. Natural amn na purihin ito ng kanyang ina at ama na sina Ginoo at Ginang Amado Santos (ang dating Milagros Tuazon), hindi naman masasabing OA kapag nakilala ninyo nang lubusan ang bituin.
Maging ang kanyang mga kapatid ay walang maipipintas sa ugali nito at hindi lamang daw dahil sa pinagbibigyan sila nito lagi sa kanilang favorite shows na telebisyon. Maalalahanin daw ito at hindi kailanman ginagawang dahilan ang kanyang pagiging star sa tahanan, kahit na sa biro. Ang katotohanan niyan, sa loob ng anin na taong inilalagi ni Vilma sa show business, wala pang narinig na namintas o nag-complain sa kanya. Sa halip, pulos papuri ang inaani niya at kapag nakilala na ninyo siya, hindi niyon masasabing exaggeration o too impossible to be true ito. Hindi rin naman masasabing aral o pilit ang kanyang magandang pakikitungo sa lahat. Pagkat hindi lamang pantay-pantay ang pagkamagiliw niya, kundi salat ito sa pagkukunwari. Sa isang kabataang tulad niya, madaling mauunawaan kung siya man ay magkamali paminsan-minsan, ngunit sa wari'y malayong mangyari sa isang bituin kay Vilma, ang labis na paniniwala sa sarili. Hindi kataka-taka kung gayon kung bakit siya ang hinuhulaang isa sa mangilan-ngilang kabataang bituin na mananatiling sikat sa mahabang panahon. Hindi rin mahirap paniwalaan kung bakit marami ang humahanga sa bituing ito, fan man o hindi. Paanoý taglay niya ang uri ng kayamananang hindi mabibili ng salapi, isang kayamanang bibihira ang nagbibigay ng halaga, ang kagandahang walang pagkupas: magandang ugali. -
Ched Gonzales, Pilipino Magazine, 03 June 1970, reposted at Pelikula Atbp blog (
READ MORE)