Maria Rosa Vilma Tuazon Santos-Recto (born Maria Rosa Vilma Tuazon Santos November 3, 1953 in Bamban, Tarlac), commonly known as Vilma Santos-Recto or Ate Vi is a Filipino actress and box office queen for almost four decades. One of the original Philippine movie queens, she rose up to become the versatile actress that has been given the fitting title of “Star for All Seasons” because of her capacity to adapt to the changing mores and values of the Filipino woman, giving a face to their plight and struggles, albeit in success both critically and box-office wise in some of Philippine cinema’s classics such as Trudis Liit (1963), Lipad, Darna, Lipad (1973), Burlesk Queen (1977), Relasyon (1982), Sister Stella L. (1984), Alyas Baby Tsina (1984), Pahiram ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Anak (2000) and Dekada ’70 (2002). She is currently the governor of Batangas, Philippines (2012)(Wikipedia).

For More Informations, Visit: Vilma Santos-Recto's Official Web-site

Friday, January 24, 2014

Gusto Ko Munang Huminto sa Pag-aartista!


Walang duda na sa mga youngstars natin ay si Vilma Santos ang pinakaabala. Sabi nga sa lenguwahe ng pelikula ay kaliwa't kanan ang kanyang ginagawa. Sa kasalukuyan ay magkasabay niyang ginagawa ang mga pelikulang King Khayam And I ng Tagalog Ilang-Ilang Production at Basta't Isipin Mong Mahal Kita ng FGORSJ Productions. Sa una ay katambal niya si Mayor Joseph Estrada, ito ang kauna-unahang nilang pagtatambal. At sa pangalawa ay katambal naman niya ang kauna-unahang Grandmaster sa chess sa Pilipinas at sa buong Asya na si Eugene Torre. Bukod sa mga pelikulang ito ay may nakatakda pa siyang gawin sa ibang produksiyon. Sabi nga ni Mommy Santos, ang masipag at mabait na ina ni Vilma: "Si Vi ay naka-book na hanggang Marso ng susunod na taon." Si Vilma ay tao lamang. May katawan, puso at damdamin. At ang katawan ng tao ay tulad din naman ng makina na kailangan ang pahinga. Pahinga? Nangangahulugan ito ng pansamantalang paghinto ni Vilma sa pelikula. Nang minsang makausap namin si Vi sa kanilang magandang tahanan sa Bel-Air, Makati, Rizal ay nabanggit niya ang hangad na kailangan niyang pahinga. "Gusto ko munang huminto sa paggawa ng pelikula," nakangiti niyang wika.


"Bakit? Mag-aasawa ka na ba?" tanong ng sumusulat nito. "Naku, hindi!" Bigla ang kanyang sagot at medyo namilog ang kanyang magagandang mata. "Gusto ko lang magpahinga." mabilis na dugtong ni Vi. "Kasi tingnan ninyo naman. Halos araw-araw na lang e trabaho. Kung wala ako sa set ng pelikula ay nasa set naman ako ng telebisyon. Nagti-taping. Kung wala namang taping e nasa radyo. At kung wala namang radyo eh balik uli sa pelikula." Huminto saglit si Vi. Hinugot ang isang napakalalim na buntong hininga sa mayaman niyang dibdib. "Pero kahit na medyo pagod ako e enjoy naman ako sa aking gawain." nakangiting wika ni Vi. Ang pahinga ay nasa isip na rin ng kanyang Mommy. At ito ay nasabi na niyang minsan sa amin. Ayon kay Mommy Santos, pagkatapos ni Vi ng kanyang mga gawain ay magbabakasyon "kami sa Hongkong. At kung may panahon pa eh baka magtuloy na kami sa Europe." "Pero bago ako magbakasyon e kailangan tapusin ko muna ang aking mga obligasyon dito. Lalo na ang aking pelikula nang sa ganoon e may maiwanan akong pansamantala sa aking mga fans. Alam mo na. Mahal ko yata ang aking mga fans." Nakangiti si Vi habang sinasabi niya ito. Kaya pagkatapos ng King Khayam And I at Basta't Isipin Mong Mahal Kita ay malamang na umalis si Vilma at ang kanyang Mommy upang magbakasyon sa Hongkong at Europa. - Nonoy T. Sofranes, Love Story Illustrated Weekly Magazine, No. 162, 01 Nov 1973

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
FAIR USE NOTICE: This site contains copyrighted materials the use of which has not always been specifically authorized by the copyright owner. We are making such material available in our efforts to preserve the film legacy of actress, Vilma Santos, and to make her career information available to future generations. We believe this is NOT an infringement of any such copyrighted materials as in accordance to the fair dealing clauses of both the Canadian and U.S. Copyright legislation, both of which allows users to engage in certain activities relating to non-commercial/not for profit research, private study, criticism, review, or news reporting. We are making an exerted effort to mention the source of the material, along with the name of the author, performer, maker, or broadcaster for the dealing to be fair, again in accordance with the allowable clauses. For more info: Wikipedia: Fair Dealing

PLEASE NOTE: Paid advertising on Star For All Seasons may not represent the views and opinions of this website and its contributors. No endorsement of products and services advertised is either expressed or implied. The owner of this web-site is not earning any revenue from advertising posted in this site. This is in connection to the “not for profit/commercial use” fair use notices the site owner have been disclosing to this site’s readers.