Tinaguriang King of Philippine Movies si Fernando Poe, Jr. samantalang si Susan Roces ang Queen of Philippine Movies. Si Amalia Fuentes ang Ms. Number One, si Juancho Gutierrez ang Mr. Number One. Si Dolphy ang Comedy King, si Ai Ai de las Alas naman ang Comedy Concert Queen. Ang dating mag-asawang sina Martin Nievera at Pops Fernandez ang tinaguriang Concert King and Queen. Si Regine Velasquez ang Asia's Songbird, si Lani Misalucha ang Asia's Nightingale at si Pilita Corrales ang Asia's Queen of Songs. Si Boy Abunda ang King of Talk samantalang si Kris Aquino ang Queen of All Media. Si Inday Badiday ang Queen of Intrigues, si Ike Lozada ang Dambuhalang DJ at si German Moreno ang Master Showman. Tinawag na Mr. Pure Energy si Gary Valenciano, si Sarah Geronimo ang Pop Princess samantalang si Maricel Soriano ang Diamond Star. Si Sharon Cuneta ang Megastar at si Nora Aunor ang Superstar. Si Ms. Vilma Santos ay binigyan din ng titulong Star for All Seasons subali't marami pa ding ibang bansag sa kanya. Nasa buwan na tayo ng Abril kaya't sa ating ALAM NYO BA? Part 82 ay isa-isahin natin ang mga naging titulo o bansag kay Ms. Vilma Santos.
The Dancing Queen - Sabi ni Vi, ang kanyang pagkanta ay para lang sa mga Vilmanians subali't pagdating sa sayawan ay lalaban siya ng sabayan. Di nga ba't sa kanyang tv show na The Sensations ay nagkaroon ng Vilma's penguin dance? Hindi kumpleto ang Friday night ng mga televiewers kapag hindi nila napanood ang opening dance number ni Vi sa kanyang musical variety show na Vilma! Halos lahat na yata ng sayaw ay naisayaw na ni Vi sa Vilma! May singkil, African dance, lambada, dirty dancing, twist, elephant walk, limbo rock, rock, ballroom dancing, jerk at marami pang iba dahilan para manguna ang nasabing show sa mga rating. Sa mga TV guestings niya ay palaging sayaw ang kanyang panlaban katulad na lang nung mag-guest siya sa initial telecast ng tv show ni Randy Santiago na Shades kung saan sumayaw siya sa tugtog ng Dancing Queen. Nagpaligsahan naman sila ni Alma Moreno sa pagsasayaw noong unang Star Awards for TV. Kontodo may mga sulo pang dala ang mga back-up dancers ni Alma subali't hindi nagpatalbog si Vi at ang VIP dancers. Ang simple lang ng kanyang ginawang dance number subali't pinalakpakan ito ng husto. Napaka-graceful at magaang kasayaw ni Vi. Dahil sa husay sa pagsayaw kung kaya't ilang beses ding naimbitahan si Vi ng PMPC para mag-perform ng isang dance number sa Star Awards for TV. Dahil ang Vilma! ay ginaganap sa Metropolitan Theater kung kaya't nang magkaroon ng benefit show ang MET ay pinaunlakan ni Vi ang kanilang imbitasyon na magkaroon siya ng isang dance number. Bata pa lang si Vi ay may pelikula na siyang ipinapakita ang kanyang kagalingan sa pagsasayaw katulad ng Ging (1964). Gumawa din si Vi ng mga musical films katulad ng Let's Do The Salsa (1976), Disco Fever (1978), Swing It Baby (1979), Rock Baby Rock (1979) at Good Morning Sunshine (1980). May mga pelikula din si Vi na sumasayaw siya kagaya ng King Khayam & I (1974), Nakakahiya? (1975), Hindi Nakakahiya Part II (1976), T Bird At Ako (1982), Ibulong Mo Sa Diyos (1988) at In My Life (2009). Sina Lito Calzado, Geleen Eugenio, Aldeguer Sisters at Maribeth Bichara ang kanyang mga naging choreographer.
The Drama Queen - Si Vi ay itinuring din na isang drama queen dahil sa kanyang mga naging pagganap sa pelikula na pulos iyakan katulad ng Trudis Liit (1963), Anak Ang Iyong Ina (1963), Ging (1964), Naligaw Na Anghel (1964), Kay Tagal Ng Umaga (1965), Hindi Nahahati Ang Langit (1966), Kasalanan Kaya? (1968), Sino Ang May Karapatan (1968), Dama de Noche (1972), Tag-ulan Sa Tag-araw (1975), Mga Rosas Sa Putikan (1976), Dalawang Pugad Isang Ibon (1977), Masarap, Masakit Ang Umibig (1977), Burlesk Queen (1977), Nakawin Natin Ang Bawa't Sandali (1978), Rubia Servios (1978), Halik Sa Paa, Halik Sa Kamay (1979), Langis At Tubig (1980), Ex-Wife (1981), Pakawalan Mo Ako (1981), Hiwalay (1981), Karma (1981), Relasyon (1982), Sinasamba Kita (1982), Gaano Kadalas Ang Minsan? (1982), Paano Ba Ang Mangarap? (1983), Broken Marriage (1983), Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan (1983), Adultery: Aida Macaraeg Case No. 7892 (1984), Alyas Baby Tsina (1984), Muling Buksan Ang Puso (1985), Tagos Ng Dugo (1987), Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? (1987), Ibulong Mo Sa Diyos (1988), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Hahamakin Lahat (1990), Kapag Langit Ang Humatol (1990), Ipagpatawad Mo (1991), Sinungaling Mong Puso (1992), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Lipa; Arandia Massacre (1994), Hanggang Ngayon Ika'y Minamahal (1997), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Anak (2000), Dekada '70 (2002), Mano Po 3: My Love (2004) at In My Life (2009).
Ang mga sumusunod ang kanyang mga best actress awards:
- FAMAS - Dama de Noche (1972), Pakawalan Mo Ako (1981), Relasyon (1982), Tagos Ng Dugo (1987) at Ibulong Mo Sa Diyos (1988)
- Gawad URIAN - Relasyon (1982), Broken Marriage (1983), Sister Stella L (1984), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Ipagpatawad Mo (1991), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998) at Dekada '70 (2002)
- FAP - Relasyon (1982), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998) at Dekada '70 (2002)
- STAR Awards for Movies - Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993), Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Dekada '70 (2002), Mano Po 3: My Love (2004) at In My Life (2009)
- CMMA - Relasyon (1982) at Tagos Ng Dugo (1987)
- MMFF - Burlesk Queen (1977), Karma (1981), Imortal (1989) at Mano Po 3: My Love (2004)
- MMF - Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993)
- YCC - Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998) at Dekada '70 (2002)
- PASADO - Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998), Anak (2000) at Dekada '70 (2002)
- Gawad TANGLAW - Dekada '70 (2002), Mano Po 3: My Love (2004) at In My Life (2009)
- Gawad SURI - Mano Po 3: My Love (2004) at In My Life (2009)
- Gawad Genio - In My Life (2009)
- MTRCB Awards for Movies - In My Life (2009)
- GMMSF - In My Life (2009)
- BACOLOD City Film Festival - Nakakahiya? (1975)
- CEBU City Film Fesival - Karma (1981)
- SIASI, JOLO Critics Award - Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1998)
- MOVIE MAGAZINE - Tagos Ng Dugo (1987), Pahiram Ng Isang Umaga (1989), Ipagpatawad Mo (1991) at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993)
- CINEMASCOOP Award - Tagos Ng Dugo (1987)
- CHANNEL 2 Viewers Choice Award - Imortal (1989)
- INTRIGUE MAGAZINE Readers Choice - Ipagpatawad Mo (1991) at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993)
- NEW FAME MAGAZINE Readers Choice - Sinungaling Mong Puso (1992) at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993)
- CINEMA ONE'S Rave Award (Critics) - Dekada '70 (2002)
- CINEMA ONE'S Rave Award (Readers) - Dekada '70 (2002)
- Brussels International Film Festival - Bata, Bata Paano Ka Ginawa? (1999)
- CINEMANILA Film Festival - Dekada '70 (2002)
- Aktres Ng Dekada - Gawad Urian (80's at 90's)
- Aktres Ng Dekada - Star Awards for Movies - (90's)
- Circle of Excellence - FAMAS (Sinungaling Mong Puso - 1992 at Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story - 1993)