Vic Vargas - (March 28, 1939 – July 19, 2003) was a Filipino film actor and a three-time Philippine judo champion at the age of 17. He starred in well over 60 films between the late 1950s and early 1960s to 2002. Due to his swarthy looks he was often typecast in action and sexy comedy films. He died on July 19, 2003 from a stroke aged 64.- Wikipedia
Tuesday, July 19, 2016
Monday, July 18, 2016
Vilma-Nora: May Bagong Dimensiyon Ang Pag-aartista!
January 30, 1982. Sabado. Sa Ermita. Ala-1:00 nang hapon ay nagse-set up na ang "whore house"na iyon. Thirty minutes later, dumarating si Nora Aunor. May dalang blazer at palinga-lingang hinahanap ang kanyang mga co-stars. Alas 2:00, sumunod na dumating si Vilma Santos. Go up siya sa one-roomer na bahay na iyon. Nagkatinginan. Ngitian. Hellos. Ngitian uli. Mainit ang panahon. Walang electric fan. "Wala pa sila?" tanong ni Vilma kay Guy. "Tayo pa lang yata,"sagot ni Guy. Wala pa si Director Danny Zialcita (ang sinasabing third superstar sa cast na ito). Sa gitna na maliit na silid na iyon ay may isang kama. Malapit sa pintuan, nakahilera si Guy at ang mga kasamahan. Sa kabilang banda, sa may bintana, magkatabi sina Vilma at mga kakampi. Ehe-man. Pakiramdaman. Bulungan. Wala pa si Direk. Ang init! Anong oras na? The two camps wouldn't know how to break the odd silence. They appeared like combatants in an open arena. Labasan ng Game & Watch. Sigarilyo. Panay ang palitan ng usok. "Anong oras kaya darating si Direk?" tanong ni Guy. "Kantýawan natin, ha. Pagdating niya, kunwari aalis na tayo," magandang salo ni Vilma. Tawanan. Ah...kahit na yata walang electric fan ay medyo lumalamig na nang konti. The smiles became warmer. O, walang lighter si Vilma. Kaya takbo si Shirley ni Guy para sindihan ito. Nauuhaw si Guy. Offer si Viring ni Vilma ng softdrinks. International ba ang dramatic entrance ni Zialcita sa first shooting day niya? Para magkapalagayan munang mabuti ang dalawang Reyna?
Kung sa bagay, hindi naman talaga "magkaaway"ang dalawang ito. Nagkataon lamang na magkaribal sila. At sa showbiz, if you are professional rivals, chances are you are not close to each otehr - may wall, may gap. Or sa interpretation ng iba, ini-expect na may cold war. Andún ang intriga. Kesyo sino kaya ang mas may malaking bayad? Balitaý one milyon ang ginasta ng Film Ventures sa dalawang ito. Meaning to say tigpa-five hundred? Neither Vilma nor Guy would confirm this. Or alangan namang isiping ang isa ay binayaran ng 600 and the other, 400. Ayawa ng fans ng ganyan. At ang billing? "Basta sabi nial, pantay kami. Okey lang," comment ni Guy. "Ayokong mauna. Ayoko ring mauna si Guy. Bahala na sina Ernie Rojas na mag-isip ng paraan," malinaw na statement ni Vilma. Noong una, matunog na ang titulo a plain "T-bird" lamang. Nang sinimulan na, naging "T-Bird at Ako." Whose idea? "Excuse me, it's not me who asked for that. Hindi sa akin galing, at huwag isiping ako ang nag-suggest. Nang tinanggap ko ang project, alamg kong title ay "T-Bird," mariin ang sabi ni Vilma at kapani-paniwala namang talaga. Nang lapitan ni Zialcita si Guy at inalok nito, he told Guy na "Pumayag na si Vilma. Pinangako niya sa akin ito right after she won the best actress award nitong filmfest." Hesitant si Guy na tanggapin sana ang proyekto. "Prangkahan, sige. Si Danny ay identified kay Vilma. Nagtrabaho na sila together. Kami ni Danny, ngayon pa lang. Kilalang-kilala ni Vilma ang grupo ni Danny - Ernie and company. Ako, ngayon pa lang...kaya andu'n din ang kaba. Andu'n ang duda. Tagilid kaya ako?...Pero sinasabi ko naman ngayon, fair sila. Okey lang!"
Teka balki tayo sa first shooting day. Hayun, dumating na rin si Zialcita. Aba ayaw patawarin nin Vilma at Guy. "Sorry, pero pangako, ibo-blow out ko kayo," pilyo niyang sabi as he stepped into the scene. Unang eksena pa lamang ay pinagsabong na niya ang dalawang bida. Malulutong na sagutan. May tulakan pa. Ngayon nga lamang nagkatapat sina Guy at Vilma nang "solohan." Ang ibig naming sabihin, nagsama na sila in the past, pero mayroon silang ibang support at bibihira ang mga eksena nila together. But this time, sila lamang dalawa ang naka-sentro. nagsasabong. At hindi na pakanta-kanta sa ilalim ng puno or pasayaw-sayaw lamang sa entablado. Sabungan na ito ng dalawang premyadong aktres. Ng dalawang marurunong at malalakas sa takilya. Sino ang mas mahusay? Ang masa star? Ang mas karapat-dapat? Sino ang tunay na Reyna? Ang tunay na superstar? Hayan. Hulyo na nga. Hindi pa rin tapos ang "T-Bird At Ako." Ba, nahihirapang pagtapatin ang schedules nina Vilma at Guy. At ano na nga ang nangyari between the two since their first shooting day? To the public, para bang mas magkaibigan na sila. The wall first started to crumble when Guy lost her Papay Tayoy. Vilma went out of her way not only to be among the first to send flowers, but also came to the wake. When Vilma's son Lucky celebrated his bday, Guy sent Ian and Lot-Lot to Vilma and Edu's home in Magallanes to bring their gifts. Edu later called up Guy to extend his gratitude sa regalong iyon. "Is this Miss Aunor?" tanong ni Edu sa kabilang linya. "Maraming salamat sa pinadala ninyong regalo at sa pagbisita nina Ian at Lot-Lot." When Vilma and Guy saw each other on the set again, Vilma reiterated her pasasalamat to Aunor. But wait...may panibagong round.
Entra ang Sunday program ni Vilma. "Vilma in Person." Halos katapat ng "Superstar"ni Guy. A new contest. Pero look naman, ang isa sa mga guest ni Vilma sa opening show niya ay si Guy. At di ba nagpunta rin si Vilma sa "Geym na Geyme" na isang produksiyon ng NV? When Guy celebrated her birthday on "Superstar," it was Vilma's turn to guest. Give and take 'ika nga. But people are wondering. At hindi ko maaalis sa mga tao ang mag-isip ng ganito - ggano kalalim ba or kababaw ang sinasabing friendship ng dalawa? Sa opinyon ko, they are not eh best of friends in the truest sense of the word. They are friends alright, at mas nagbabatian na sila kaysa dati. Pero mukha yatang malabo kung iisiping ang pagsasamahan nila will even go deeper. Unang-una, they don't exactly move in the same circles. While pareho nga silang superstars, parehong Reyna, mayroon silang sari-sariling kaibigan. Magkaiba ng hilig sa buhay. Magkaiba ng interes. Magkaiba ng ugali. Magkaiba sa maraming bagay. Sino ba yung nagsabing bibihirang nagkakasundo ang Scorpio (Vi) at Gemini (Guy)? Recently, tinalbugan ni Vilma si Guy nang nagkasunod ang dalawa nitong acting awards. After Vi's victory sa filmfest, sumunod naman ay sa FAMAS. The last award na natanggap ni Guy ay mula sa Catholic Mass Media for her outstanding performance sa "Bakit Bughaw Ang Langit." While sa FAMAS ay medyo tabla na sila ng labanan (tigda-dalawa na bilang best actress), sa Urian lamang na lamang si Guy. Vilma has yet to win an Urian award. Sa filmfest, mas marami rin ang recognition ni Guy. Sa box-office, statistic say na mas nakakalamang si Vilma. Her latest, "Relasyon" ay kumita ng more than one million sa first two days pa lamang. Now, people are curious at inaabangan kung madadaig ito ng "Annie Sabungera" ni Aunor.
Sa survey sa tv, still it's "Superstar"that's ahead of "V.I.P." Sa film offers, paramihan ang dalawa. Vilma has "Never Say Goodbye," "A Very Private Affair," "Haplos," "Once There Was A Love," two untiled pictures for Regal, another for Film Ventures and "Hiram" for Lea. Si Guy ay mayroong "Himala,"dalawang commitments kay Peter Gan, a possible movie with Rudy Fernandez, and "Black and White" with Redford White. Ang tanong ito nga magsasabi kung sino sa dalawa ang mas tatagal. Andýan na nga ang mga bagong mukha, mas aspiring young female star na mayroon na rin namang maipagmamalaking following. Are Vilma andGuy still good for another ten years? While it is true that Vilma will not be as interesting without Guy and vice-versa, puwede rin namang either magkahatakan sila paitaas or paibaba. One thing is definited though with the two: they have to survive together. Pag nawala si Vi, wala na rin si Guy. Pagum-exit si Guy, madadamay si Vilma. At ngayon ngaý inaabangan ang pagsasabong nila sa "T-Bird At Ako." Abogadang may identity crisis si Guy. Si Vilma naman ay isang prostiture na nakapatay. Their words clash when the lawyer offers her services to defend the killer. Vilma wonders why Guy is determined to win her case when they're not even friends. Vilma dances at a bar and Guy feels some attraction. Some kind of a love story na si Danny Zialcita ang inspiradong magpresent at mag-interpret in such a way na magkakabanatan nang husto and akting ng dalawa. Pero habang naghihintay ang publiko...Kami naman ang kinakabahan. Sa sarili namin, gusto naming malaman kung kailan pa kaya matatapos ang "T-Bird At Ako." - Baby K. Jimenez, Photos: Joe Claroniño, Jingle Sensation Magazine, 19 July 1982, re-posted at Pelikula Atbp (READ MORE)
Subscribe to:
Posts (Atom)