Friday, October 4, 2013

The TEN Best Films of Vilma Santos


Sa history ng pelikulang lokal, sadyang namumukod-tangi si VILMA SANTOS dahil hindi lang sa larangan ng pag-arte siya nagtagumpay kundi pati na rin sa pulitika. Pagkatapos ng siyam na taong paglilingkod bilang mayor ng Lipa City, tinanghal naman siyang governor ng buong lalawigan ng Batangas. Nagsimula si Ate Vi bilang child actress noong 1963 sa pelikulang Tudis Liit ng Sampaguita Pictures nang siya ay siyam na taong gulang lamang. Nakipagtagisan siya ng talino sa dalawang batikang aktres nang panahong iyon, sina Gloria Romero at Lolita Rodriguez. Naging positibo ang reception ng publiko kay Ate Vi kaya naman nagkasunod-sunod ang movies niya as a child actress. Sa kanyang makumpletong filmography, makikita ninyong walang patlang ang paggawa ni Ate Vi ng pelikula. Hindi siya nagaya sa ibang child stars na sa transition from childhood to adolescence ay nawala sa eksena at tuluyang nagretiro, o kaya’y bumalik na lang noong teenager na sila. Noong naging 16 years old si Ate Vi in 1970, she became a teen idol and made a staggering total of 27 movies for one year alone. Malayung-malayo nga sa mga artista ngayon na isa o dalawang pelikula lang ang nagagawa taun-taon. She was truly in demand then! And to think may regular TV show pa siya at that time sa ABS CBN, ang D’ Senations na later on ay isinapelikula rin.

HINDI MADALING GAWIN - Ang assignment namin dito ay itala ang ten best films na nagawa ni Ate Vi at, sa totoo lang, hindi madaling gawin ito dahil nga napakarami niyang nagawang magagandang pelikula through the years. As a child star, pinakagusto namin ang kanyang Ging sa Premiere Productions. Street urchin siya ritong anak ng lumpong si Olivia Cenizal na natuklasan sa movies at sumikat bilang child star. Sa teenage phase ng kanyang career, ang most memorable movies niya for us ay ang Renee Rose (gumanap siya bilang isang sikat na artistang may mahigpit na stage mother, played by Lilia Dizon, at dahil dito ay nalaktawan niya ang kanyang kabataan and she often behaves like a child), Inspiration (directed by the late Ishmael Bernal, this is a well-written teen romance at ang nakatambal niya ay ang yumaong Jay Ilagan), Takbo, Vilma, Dali (this is and effective suspense-thriller directed by the late Joey Gosiengfaiao and Vilma played a witness to a crime na hinahabol ng killer), Dama de Noche (dito niya napanalunan ang first Famas best actress award niya and she is totally convincing in a dual role bilang magkapatid na kambal na ang isa ay mabait at ang isa ay baliw), Lipad, Darna, Lipad (this is her first Darna movie, a trilogy na naging blockbuster hit and established her as a top box office actress), Nakakahiya? (this is about a scandalous May-December romance na ang kapareha niya ay ang nasirang Eddie Rodriguez na pwede na niyang maging ama, naging big hit ito kaya nagkaroon pa ng sequel na Hindi Nakakahiya), at Tag-ulan Sa Tag-araw (directed by Celso Ad Castillo, ang first movie nila ni Christopher de Leon tungkol sa magpinsang-buo na umibig sa isa’t isa).

Natitiyak naming kayo ay may sariling paborito sa mga pelikulang ginawa ni Ate Vi. Tiyak na marami ring may gusto sa Pagputi Ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak (a love story about a rebel, Bembol Roco, and a violinist, Ate Vi, na siya mismo ang nag-produce sa kanyang VS Films at dinirek ni Celso Ad Castillo), Rubia Servios (dito siya unang dinirek ni Lino Brocka and she played a rape victim who later gets to kill her rapist, Philipp Salvador), Tagos Ng Dugo (isa siyang serial killer dito, directed by Maryo J. de los Reyes), Kapag Langit Ang Humatol (a well-told komiks melodrama directed by Laurice Guillen), Anak (she played an OFW na may gap sa anak niyang si Claudine Barretto, directed by Rory Quintos), Bata-Bata Paano Ka Ginawa? (adapted from Lualhati Bautista’s award-winning novel, she played a liberal single mother who asserts herself, directed by Chito Roño) and Dekada ’70 (again adapted from a Lualhati Bautista novel and directed by Chito Roño, tungkol ito sa isang ina noong panahon ng martial law). Our personal choices - Para sa amin, ang aming personal choices are the following:



1. SISTER STELLA L (1984) - Mula kay Mother Lily Monteverde ng Regal Films, ito ang most socially relevant film na ginawa ni Ate Vi, masterfully directed by Mike de Leon, written by Ricky Lee. Hinakot nito ang karamihan sa tropeo ng Urian Awards for that year, including best picture, best actress for Ate Vi, best actor for Jay Ilagan, best supporting actress for Laurice Guillen, and best supporting actor for Tony Santos, Sr. Si Vilma ang gumaganap bilang title-roler, isang apolitical nun na ang dating boyfirend ay naging isang journalist (Jay) na tumutulong sa mga inaaping manggagawa sa pangunguna ng labor leader na si Ka Dencio (Tony). Ang kapwa niya madreng si Sister Stella B. (Laurice) ang nagpakita sa kanya kung paano sila magiging mas makabuluhan by serving the people’s struggle for social justice. Ipinakita ritong dapat tayong makisangkot sa mga suliranin ng lipunan para magkaroon ng mabuting pagbabago sa sistema. Hindi pwedeng neutral ka lang na ayaw ma-involve. Kahit na nga member ka ng religious community, dapat ding makisangkot ka sa socio-political affairs. Ang talumpati ni Ate Vi nang maging militanteng madre na siya pagkatapos mapatay si Ka Dencio (“Kung ‘di tayo kikilos, sino’ngkikilos? Kung ‘di ngayon, kailan pa?”) ay talaga namang nakakaantig ng damdamin.


2. IKAW AY AKIN (1978) – Member kami ng Urian Awards nung ’78 at ang pelikulang ito, produced by Tagalog Ilang-Ilang Productions, ang siyang ipinaglaban namin para manalo ng best picture. Hindi ito sinang-ayunan ng karamihan sa mga kapwa namin Manunuri dahil mas pinili nila ang Pagputi ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak, dahil may elemento raw ng kaapihan ng magsasaka at ng reporma sa lupa. (Ang tanging consolation ng Ikaw Ay Akin ay nanalo si Christopher de Leon ng kanyang first Urian best actor award.) Years later, some of the Manunuri members who voted for Pagputi told us they regretted the decision dahil obvious namang Ikaw Ay Akin ang pelikula na talagang withstood the test of time, written by Jose Carreon and directed by Ishmael Bernal. Wala itong pretensiyon na nagpapa-socially relevant but it deals so effectively on the matter of how human beings and relantionships can at once be simple and complex. Malayo nga ito sa usual love triangle flicks na puno ng melodramang iyakan, although Christopher as Rex is also turn between Vilma Santos as Sandra, a kooky and neurotic artist designer, and Nora Aunor as Tere, an orchid expert. Ang mga salimuot ng menage-a-trois na ito ay sensitively laid out para makita ng viewer ang sakit at ligaya , at dusa at saya na dinaraanan ng bawa’t tauhan. Sa ending, nothing is really resolved. Basta nagtitinginan lang sina Nora at Vilma sa isa’t isa nang walang dialogue for five minutes. This is a very daring move, lalo na’t ang local viewers ay yung tipong gustong matiyak kung kanino ba talaga napunta si Boyet, kay Vi o kay Guy? Pero si Bernal ay walang pakialam with fulfilling viewer expectations. Basta ang gusto niya ay mailarawan niya ang mensahe ng movie.: that no one can totally, absolutely, fully own another human being. The best thing is to understand ang pangangailangan ng isang tao at mahalin mo ito according to his limitations. Sabi nga ni Boyet kay Guy: “Kailangan ako ni Sandra hindi lang sa pisikal kundi sa emosyonal din, tulad ng pangangailangan ko sa ‘yo. Sa kanya, nagkakaroon ako ng gamit. Kailangan ko kayong dalawa para mabuo ako.” Sabi naman niya kay Vi: “Si Tere, tinanggap nang hindi niya ako maaangkin nang buong-buo. Kung sasabihin mong nakuha mo ako ng buong buo ang isang bagay, kulang pa rin.” Grabe rin ang galing ng acting dito ni Vi sa tagpong inilantad niya ang kanyang sarili as an insecure woman: “Sabi nila, liberated ako, front lang. Kalong daw, front din. Alam mo namang kulang-kulang ako. ‘Pag wala ka, magkakalat ako. Para akong manok, takbo nang takbo, wala namang ulo!”


3. DALAWANG PUGAD, ISANG IBON (1977) - A commercial and artistic success written and directed by Ishmael Bernal, love triangle movie rin ito that banked on the real life romance then of its lead stars, Vilma and Romeo Vasquez. Si Vilma ay si Terry, na iniwanan ng kanyang immature boyfriend (Mat Ranillo III at sumama sa isang lalaking may asawa (Romeo) sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya. Pwede itong naging mediocre romantic melodrama pero nagtagumpay si Bernal na i-elevate ito to art by giving us mature, sensitive characters who, like most of us, are looking for meaningful personal relationships. Tinalakay sa movie (in a very sutle manner) ang legal and moral implications ng adultery o pakikiapid ng isang dalaga sa isang married man, lalo na nga’t society shuns such sinful relationships. Ang relasyon nina Vilma at Romeo ay reflected sa relasyon ng iba pang mga tauhan sa movie, tulad ng sa mother ni Vilma (Anita Linda) at ng ama niyang nagtataksil din (Fred Montilla), sa lola ni Vi (Mary Walter),sa first boyfriend niya (Mat) at sa babaeng may gusto rito (Ann Villegas) at kapatid nitong pokpok (Laila Dee), at sa misis ni Romeo (Anna Gonzales) na ayaw siyang pakawalan kahit hindi naman sila magkasundo. Kung may pelikula si Ate Vi na nasasabik kaming panoorin uli, ito ‘yon. Kaya lang, wala na yatang existing copy ito at nakasama sa movies produced by Lea Productions na nasunog o nasira sa baha. What a big waste. Sayang talaga.



4. RELASYON (1982) - Ito ay isa pang pelikula ni Ishmael Bernal sa Regal Films na tumatalakay sa subject ng adultery from the point of view of the other woman, si Marilou (Vilma), ang mistress ni Christopher de Leon na pinaglilingkuran siya ng buong puso: pinaglalaba siya, binibigyan ng beer at inaalagan pa ang anak niya mula sa legal wife niya. Ipinakita rin sa feministic movie na aito ang pagka-chauvinist ng mga lalaking Pinoy. Gusto’y sila lagi ang masusunod at ni ayaw makakausap ng ibang lalaki ang babae nila, tulad ng aversion ni Christopher kay Jimi Melendez sa kuwento, at pati na rin sa kaibigang bading ni Ate Vi na si Manny Castañeda. Tinalakay rin sa movie ang subject ng kawalan ng divorce sa Pilipinas, dahil kung may diborsiyo raw ditom sana ay pinakasalan na ni Boyet si Vi. Narito sa pelikulang ito, which scored for Ate Vi her first grand slam as best actress, ang famous death scene ni Boyet na namimilipit sa sakit habang inirereklamo ang masakit niyang ulo at tarantang-taranta naman si Ate Vi na hindi malaman ang gagawin. Tuhog ang kuha sa mahabang eksenang ito and the acting is really great kaya dito pa lang ay sulit na ang panonood ninyo.


5. BROKEN MARRIAGE (1983) – Nagwagi rin ng Urian best actress award si Ate Vi para sa acting niya sa pelikulang ito na muli ay produced ng Regal Films. As the title implies, tungkol ito sa isang nasirang marriage. Si Vi ay si Ellen, isang TV production executive, at si Boyet ay si Rene, isang newspaper reporter. Pagkatapos ng sampung taong pagsasama, kinakalawang na ang relasyon nila bilang mag-asawa. Dahil lagi na lang silang nag-aaway, umalis si Rene mula sa tahanan nila at si Ellen ay naging single parent sa dalawa nilang anak. Nang manakawang ang bahay nila, lumipat si Ellen at mga anak nila sa bahay ng nanay niya. Nang mabugbog si Rene ng mga tauhan ng isang politiko dahil sa expose niya, napilitan siyang muling pumisan kina Ellen at dito rin muling nabuo ang pagsasama nila bilang mag-asawa, resulting into a reconciliation. May dalawang mahabang arias dito si Ate Vi na talagang lutang na lutang ang kahusayan niya. Una’y ang monologue niya sa piling ng mga kaibigan na pinagtatapatan niyang bagot a bagot na siya sa buhay. Susunod ay sa eksena niya with Boyet na sinasabi niyang hindi sila magkakabalikan nang dahil lang sa mga bata. Hindi rin malilimutan ang unang confrontation scene nila sa movie na natural na natural ang away nila bilang mag-asawang na-alienate na ang loob sa isa’t isa.


6. SAAN NAGTATAGO ANG PAG-IBIG (1987) – Sa aming talaang ito, ito lamang ang pelikula ni Ate Vi na hinango sa isang nobelang komiks. This was shown in the same year as Tagos ng Dugo (na siayang nagpanalo sa kanya ng isa pang Famas best actress award), pero hindi namin naibigan ang performance niya rito as it was so palpably engineered, pati ang ibang movements niya na ang nakikita mo sa likuran niya ay ang instructions na bigay ng direktor kung ano ang gagawin niya. That year, ang choice namin for best actress ay si Lorna Tolentino sa anti-heroin role niya in Maging Akin Ka Laman ni Lino Brocka. But we will alwyas love Saan Nagtatago Ang Pag-ibig, na dinerek ni Eddie Garcia, dahil may kakaibang tama ito sa puso. Sa kuwrnto, si Vilma ay nabuntis ni Ricky Davao pero hindi siay mapakasalan nito dahil sa mamanahin mula sa kanilang dominanteng lola, the late Alicia Vergel, na inaapi-api pati ang ina ni Ricky, si Gloria Romero, who gives a great performance. Ang ginawa ni Ricky a kinumbinsi si Vilma na pakasal sa kanyang kapatid na retarded, si Val, played by Tonton Gutierrez, para aito ang magbigay ng pangalan sa magiging supling niya. Pumayag si Ate Vi at doon na nga siya natira sa malaking bahay ng pamilya nina Ricky at Tonton. Dahil doon, mababago ang takbo nga buhay ng pamilyang ito dahil si Vilma ang magsisilbing agent of change who will defy the matriach taht is Alicia Vergel. Mabubunyag din kung pano nagkaroon ng pinsala si Tontion sa utak. Maraming madamdaming eksena sa pelikula na talagang titimo sa inyong puso. Sa ending, there is justice dahil nagkamit ng karampatang parusa ang mga nagkasala.



7. PAHIRAM NG ISANG UMAGA (1989) - Namatay si Ate Vi sa pelikulang ito sa papel niya bilang Juliet, isang advertising executive na dinapuan ng cancer, but the film, produced by Regal Films, written by Jose Javier Reyes and directed by Ishmael Bernal, is really more a celebration of life. Pagkatapos malaman ni Juliet na may taning na ang buhay niya, ginugol niya ang mga natitira niyang araw para ilagay sa ayos ang kanyang buhay. Nakipagkasundo siya sa kanyang estranged husband (Gabby Concepcion) na may iba nang asawa (Zsa Zsa Padilla) at inihabilin dito ang anak nila (Billy Joe Crawford). Maraming simbolo and motifs ng buhay at kamatayang ginamit din ang expressionist painter na si Ariel (Eric Quizon) ina an impressive performance) para ipakita ang parallelisms between life and art. In one scene, tinalakay pati ang origins ng art when prehistoric men made drawings on caves na kahit primitive ay they continue to exist until this day. people may die, but art will live on. Ironically, si Ariel ay isang tormented soul who wants to kill himself. Pero iniligtas siya ni Juliet, a dying woman na hindi na maililigtas ang sarili niyang buhay. The grand death scene of Juliet on the beach habang nakasuot siya ng puting night gown haang nagbubukang-liwayway, sa ‘di kalayuan ay isa sa mga ‘di-malilimutang paglalarawan ng buhay at kamatayan na maing napanood sa pinilakang tabing.


8. HAHAMAKIN ANG LAHAT (1990) - Produced by Regal Films, dinirek ito ni Lino Brocka and we honestly believe na very much underrated ito. Ang tanging award na pinanalunan nito ay best supporting actress award for Snooky Serna (na very deserving). Nirepaso nga namin ang aming listahang ito at napansin naming ito lang ang movie ni Ate Vi na dinirek ni Brocka which is included in our list. Mas marami kaming isinaling pelikula ni Ate Vi na dinirek ni Bernal. Actually, may iba pang ginawang movies si Ate Vi with the legendary director, tulad ng nabanggit na rin naming Rubia Servios (kunsaan tinalo siya ni Ate Guy as best actress for Atsay in the 1978 Metro Manila Film Festival) at ang Adultery: Aida Macaraeg with Philipp Salvador and the late Mario Montenegro. Pero para sa amin, this is Ate Vi’s best Brocka movie and one of her best and most demanding roles sa mga nagampanan na niya. Vilma plays an anti-heroin, si Sylvia, isang bida-kontabida. Asawa siya ng isang gahamang mayor (Eric Quizon), na piangtataksilan siya. Nang muli niyang makatagpo ang una niyang pag-ibig, si Rene (Gabby Concepcion) ay pinagsikapan niyang makuhang muli ang pagtingin nito kahit kasal na rin ito sa ibang babae (Snooky). Sa kanya nga patungkol ang titulo ng movie dahil hahamakin niya ang lahat maagaw lang muli ang dati niyang pag-ibig. Dati, akala niya, magiging maligaya siya sa mga materyal na bagay at pati ang mahirap niyang ina (Perla Bautista) ay nagawa niyang itakwil. Nguni’t natanto niyang wala sa pera o sa kapangyarihan ang tunay na kaligayahan kundi nasa tunay na pag-ibig. Ang hindi niya alam, paghahangad niyang maibalik ang nakaraan ay hahantong lamang sa isang malagim na trahedya. Sadyang mapanghamon ang role ni Ate Vi rito na tuso, matapang, sinungaling at manggagamit ng kapwa tao. Mapupuri mo nga siya dahil hindi siya natatakot kumuha ng ganitong klase ng roles (gaya rin ng role niya sa Sinasamba Kita) na pwedeng maka-alienate sa kanyang fans. She’s definitely more adventurous as an actress. Kaso ang nakalaban niya that year ay si Nora Aunor who played a more sympathetic role bilang inang nagpakasakait alang-alang sa ikabubuti ng anak sa Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? kaya mahuhulaan na ninyo kung sino ang nagwagi ng best actress awards for the year.


9. BURLESK QUEEN (1977) - Humakot ng lahat ng tropeo sa 1977 Metro Manila Film Festival, tribute ito sa stage shows noong ’50s. Sinulat ni Mauro Gia Samonte at dinirek ni Celso Ad Castillo, dito unang nagpa-sexy si Ate Vi at talagang big blockbuster ito. Kuwento ito ng isang batambatang burlesque dancer noong 1950s, played by Ate Vi. Nagsimula siya bilang alalay ng isang reigning burlesque queen, si Rosemarie Gil, na kabit ang maton na si roldan Aquino. Nang iwana ni Roldan si Rosemarie, naglasing ito at ayaw nang sumayaw kaya si Vilma ang isinalang bilang kapalit niya sa entablado. Maiinit ang naging pagtanggap ng mga lalaking manonood kay Vilma, pero ang maprinsipyong ama niyang lumpo (Leopoldo Salcedo) ay tutol sa ginagawa niya. Dahil naghihirap sila, nasunod din ang gusto ni Vilma na maging burlesk dancer. Nagpatiwakal ang ama niya dahil dito. Umibig naman si Vilma sa isang iresponsableng lalaki na nakipag-live in dito, si Rollie Quizon, na isa palang mama’s boy at hindi sanay sa hirap kaya nilayasan din siya. Ang climax ng movie ay ang may sampung minutong pagsasayaw ni Vilma sa entablado hanggang duguin siya. Buntis pala siya at gusto niya talagang malaglag ang dinadala niya. Maganda ang maraming elemento sa movie, malian sa production design na 1950s ang setting pero hindi maingat kaya maraming detalye na pang-19702 ang kasama rito. Very memorable din dito si Jonee Gamboa sa papel ng stage impresario an siyang nagsasatining ng mga opinyon ng writer at direktot na pinupuna ang hypocrisy ng mga moralista, tulad ng pagtatanong niya kung anong uri ng show ang dapat ibigay sa masang Pinoy na hindi kayang magbayad ng pang-mayaman at kulturadong shows tulad ng operang Merry Widow. Sayang at wala na rin daw existing copy ng pelikulang ito.


10. DOLZURA CORTEZ STORY: DAHIL MAHAL KITA (1993) - Ito ang unang pelikulang lokal na nagsiwalat tungkol sa sakit na AIDS at filmbio ito ng kuna-unahang Pilipino na umaming may AIDS siya, si olzura Cortez, na ang kuwento ay nalathala sa dyaryo. Sinulat ni Ricky Lee, dinirek ni Laurice Guillen at produced ng Octo Arts Films, bida-kontrabida rin ang papel ni Ate Vi rito in the title role. Hindi siya yung usual heroine na walang bahid-dungis at inaapi. Dito, isa siyang makasalanang babae na nagbili ng katawan, nagkaroon ng affairs sa maraming lalaki, hanggang sa dapuan nga siya ng dreaded sickness called AIDS. Muli ngang naka-grand slam si Ate Vi sa role niya sa pelikulang ito. The same year, meron ding nagawang movie si Ate Guy, ang Inay na dinirek ng yumaong Artemio Marquez, pero hindi man lang siya naging nominee para sa pagkakaganap niya roon. That year, dalawang movies ang nagawa ni Ate Vi. Ang isa pa ang ang action-dramang Ikaw Lang ni Chito Roño, na in fairness ay mahusay rin siya sa papel ng battered wife ng baliw na si Cesar Montano an naging bank robber kasama si Ronnie Ricketts. Pero sa Dolzura Cortez nga pinarangalan si Ate Vi dahil talaga namang very convincing ang pagkakaganap niya bilang isang babaeng lumaban sa buhay alang-alang sa kanyang pamilya, nguni’t sa kasamaang-palad ay iginupo ng isang sakit na walang lunas. Malusog na malusog si Ate Vi nang gawin niya ang pelikulang ito, pero very convincing siya sa paglalarawan ng isang babaeng may malubhang sakit at malapit nang bawian ng buhay. Dahil nga sa pelikulang ito, nagkaroon ng higit na kamulatan ang publiko ungkol sa sakit na AIDS.

Best Movie is Yet to Come - Kung magdagdag kami ng isa pang Ate Vi movie sa aming listahan, it will be another work of Laurice Guillen, ang Ipagpatawad Mo, where Ate Vi played the mother of an autistic boy na ipinaglaban ang anak niya kahit may kapansanan ito. At dahil aktibo pa rin si Ate Vi at may bagong movie na nakatakdang gawin sa Star Cinema, hindi pa tapos ang pagsulat sa history niya bilang isang actress. Kahait gobernadora na siya ang Batangas, lalabas pa rin daw siya sa movies every now and then. Who knows? Baka he really, really best movie is yet to come habang mas nagmamature siya, like fine wine, bilang isang actress for all seasons. - Mario E. Bautista, Hi! Magazine, Dec 2007, Transcribed by Alfonso Valencia and posted at the Yahoo Vilma Santos e-groups, Nov. 17, 2007

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...