Ang tambalang Vilma-Boyet ay pinagtibay ng panahon. Hindi basta-basta na maigugupo ng kahit sino o ng kahit anong tambalan. Tulad din ng alak na habang tumatagal ay lalong sumasarap. There have been many loveteams in Philippine cinema but the tandem of Vilma Santos and Christopher de Leon has chalked up the longest list of movies that have been given awards and made good records at the boxoffice. Until now, their tandem has been unsurpassed. Their loveteam is the most enduring tandem in local cinema. Siguro may iba pang loveteam na nakagawa ng mas maraming pelikula kaysa sa kanila like during the height of the Vi and Bot and Nora-Tirso but theirs did not span decades, nakakaahon lang sila within the short period of time at the height of their popularity. Hindi man naging magkapalad sina Vi at Boyet bilang lovers sa tunay na buhay ay nagklik naman sila sa masa bilang lovers sa pelikula. Matatandaan na sumibol din ang tambalang Nora-Boyet noon sa pelikula at kapag-daka’y nauwi sa totohanan. Sa kabila ng katotohanang ito ay hindi gaanong tinanggap ng publiko ang kanilang pareha sa puting tabing.
Taong 1989 nang gawin naman nila ni Boyet ang Imortal na kung saan natamo ni Ate Vi ang Metro Manila Film Festival Best Actress at si Boyet naman ang tinanghal na Best Actor. Muling naulit ang kanilang pagtatambal ng taong 1991 sa pelikulang “Ipagpatawad Mo” ng Viva Films,sa direksyon ni Laurice Guillen at sa pagkakaga-nap niya bilang supportive mother of an autistic child ay napagwagian niya ang ikalimang URIAN Best Actress award. Taong 1993, nang gawin naman nila ang award winning movie na “Dahil Mahal Kita, Dolzura Cortez” sa ilalim ng OctoArts films at sa pamamahala ni direk Laurice Guillen na nagbigay kay Ate Vi ng ikalawang Grand Slam Best Actress award. Sinundan ito ng “Nag-iisang Bituin” under Regal Films na ka-triangle naman ang mahusay na aktor na si Aga Muhlach under the helm of Jose Javier Reyes. Muling naulit ang kanilang pagtatambal noong 1997 nang gawin nila ang “Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal” ng Neo Films na pinamahalaan naman ni direk Ike Jarlego Jr. Limang taon ang nakalipas at muling nagpugay ang kanilang tambalan sa pelikulang “Dekada ’70″ ng Star Cinema sa direksyon ng award winning director na si Chito Rono. Sa pelikulang ito nanalo si Ate Vi ng kanyang ika-apat na Grand Slam Best Actress.
Mano Po 3, My Love is Vilma’s 22nd film with Boyet kung saan nagwagi ang numero unong aktres ng MMFF, Gawad Tanglaw, Gawad Suri at Star Awards ng Best Actress awards. In most of these films, either Best Actress si Ate Vi(Relasyon, Broken Marriage, Pakawalan Mo Ako, Imortal, Ipagpatawad Mo, Dulzura Cortez, Dekada ’70 at Mano Po 3) at si Boyet naman sa Best Actor ( Broken Marriage, Haplos, Imortal, Ipagpatawad Mo, Dolzura Cortez at Dekada). Sa dami ng pelikulang ginawa nilang dalawa na pawang big hits at nagbigay sa kanila ng acting recognitions, hindi tuloy maiwasang itanong ng karamihan kung ano ang sikreto ng kanilang matagumpay na tambalan. “We’ve never been linked to each other and yet the public loves seeing our movies together. Siguro it’s because we have this unbelievable chemistry. We know each other so well that tinginan lang on screen, we already know what to do to make a take very good.” Ate vi relates. “Siguro yung respeto sa isa’t-isa at pagiging professional ni Boyet. Kapag trabaho, seryoso siya talaga. Ang galing niyang magdala. Alam niya kung paano niya ako sasaluhin kapag nahalata niyang nawawala na ako.” sabi pa ng actress-politician. In an interview, Boyet was asked why does he think his partnership with Vilma continues to thrive even after 30 years? “I just love working with Vi because she is such a giving co-actor. Hindi siya nangaagaw ng eksena. If the scene is yours, susuportahan ka niya nang husto for you to shine. You can’t help but get carried away kapag siya ang kaeksena mo dahil napakahusay niya..O di ba, very well said. Ang trabaho kina Ate Vi at Boyet ay hindi kailanman nahaluan ng malisya. They have over the years worked strictly on the professional level. Off camera ay best friends sila. Sa katunayan nga, si Boyet ang unang aktor na pinagtapatan ni Ate Vi na magpapakasal kay Senator Ralph at ng kanyang pagbubuntis kay Ryan. Platonic daw ang tawag sa uri ng relasyong namagitan kina Ate Vi at Boyet in the sense na alam nila kung hanggang saan ang limitasyon ng closeness nila. Platonic dahil hindi na kailangan an0g anumang physical contact upang ipahayag ang kanilang nararamdaman para sa isa’t isa.
Subok na Matibay, Subok na Matatag ang tambalang VILMA-BOYET. No other loveteam can compile such successes,award wise and box-office wise. Their tandem spells capital B-I-G-H-I-T at the box-office. Mula nang gawin nila ang first movie nila noong late 70’s hanggang ngayon ay hindi pa rin pinagsasawaan at patuloy na tinatangkilik ng publiko at kanilang mga tagasubaybay na mapanood sila sa silver screen.Loveteam for all seasons, ika nga.O may hihirit pa ba? Sinulat ni Willie Ferrnandez, V Magazine, Dec 2006 NO. 9
The List
01. Tag-ulan sa Tag-araw (1976) – Directed by Celso Ad Castillo
02. Masarap, Masakit ang Umibig (1977) – Directed by Elwood Perez
03. Ikaw ay Akin (1978) – Directed by Ishmael Bernal
04. Disco Fever (1978) – Directed by Al Quinn
05. Nakawin Natin ang Bawa’t Sandali (1978) – Directed by Elwood Perez
06. Magkaribal (1979) – Directed by Elwood Perez
07. Pinay American Style (1980) – Directed by Elwood Perez
08. Gusto Kita, Mahal ko Siya (1980) – Directed by Emmanuel H. Borlaza
09. Pakawalan Mo Ako (1981) – Directed by Elwood Perez
10. Karma (1981) (Christopher De Leon in cameo role) – Directed by Danny Zialcita
11. Relasyon (1982) – Directed by Ishmael Bernal
12. Sinasamba Kita (1982) – Directed by Eddie Garcia
13. Haplos (1982) – Directed by Antonio Jose Perez
14. Paano ba ang Mangarap? (1983) – Directed by Eddie Garcia
15. Broken Marriage (1983) – Directed by Ishmael Bernal
16. Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan (1983) – Directed by Marilou Diaz Abaya
17. Imortal (1989) – Directed by Eddie Garcia
18. Ipagpatawad Mo (1991) – Directed by Laurice Guillen
19. Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story (1993) – Directed by Laurice Guillen
20. Nagiisang Bituin (1994) – Directed by Jose Javier Reyes
21. Hanggang Ngayon Ika’y Minamahal (1997) – Directed by Ike Jarlego Jr.
22. Dekada ’70 (2002) – Directed by Chito S. Rono
23. Mano Po 3: My Love (2004) – Directed by Joel Lamangan