Monday, October 14, 2013

2002 Metro Manila Film Festival


Hindi ako kumbinsido na isang Ara Mina ang tumalo sa isang Vilma Santos sa nakaraang Metro Manila Film Festival Philippines. Isang malinaw na pang-iinsulto ito sa kakayahan ng Star for all Seasons bilang aktres. Hindi namin minamaliit ang kakayahan ni Ara Mina. Pero para sa amin, hindi pa siya ganap na aktres para talunin si Vilma. Kung pagbabasehan ang performance niya sa Mano Po, compared kay Vilma sa Dekada ‘70, hindi ito sapat para pumantay kay Vilma. Sa katunayan, ang performance ni Vilma sa Dekada ‘70 ang masasabi naming pinakamahusay niya. Napakahusay ng transformation ni Vilma bilang isang ina na sunud-sunuran sa kanyang asawa to a mother na nakikipaglaban para sa karapatan ng isang ina para sa kanyang pamilya. Kahit si Kris Aquino na co-star ni Ara sa Mano Po ay hindi kumbinsido na tinalo nito si Vilma. Vindicated kuno si Ara Mina sa pagkakapanalo nito. Vindicated saan? Pinaingay lang ng Regal Films ang kanyang performance kaya tumatak sa isip ng ilan na pang-Best Actress ang performance niya. Ang nakakapagtaka, ilang araw bago ang awards night, pinaingay ng Regal ang pangalan niya for Best Actress. Mukhang siguradung-sigurado na silang makukuha nila ang majority awards. At nangyari na nga. Nakuha ng Regal movie ang majority ng awards. Kahit nga sa Best Actor award, nakakapagtaka na talunin ni Eddie Garcia sa Mano Po si Christopher de Leon sa Dekada ’70.

At ang nakakabaliw pa, ilang oras bago ang awards night, may tumawag sa Star Cinema office na taga-MMFFP para sabihing in-elevate nila si Piolo Pascual para sa Best Actor category. Pero nung presentation na, balik ito sa Best Supporting Actor. Di ba, normally may deliberation na tinatawag? Ibig sabihin ilang oras bago ang awards night ay nagdi-deliberate pa sila? Ni hindi nila iprenesent kung sino ang board of judges. Kahit ang souvenir program kung saan naglalaman ng composition ng members ng bawat committee ay wala. Deliberate bang hindi pinamigay para hindi ma-pinpoint kung sino ang sisisihin sa mga kapalpakan? Umpisa pa lang ng MMFFP ay palpak na. Announcement pa lang ng 7 official entries ay nagkagulo na. At tama ba namang iurong ang deadline para ma-accommodate ang ibang entries dahil hindi pa ito tapos? Hanggang sa kailangan pang mag-usap-usap ang mga producers para alamin kung ano ang kanilang decision sa bagong ruling na ipinalabas. Bakit kailangang producers ang masunod kung may sinusunod na rulings taun-taon? Kulang sa paninindigan ang pamunuan ng MMFFP ngayong taon. Sa interbyu ni Mayor Rey Malonzo sa The Buzz, nagpaliwanag ito sa mga naganap na kapalpakan. Ipinipilit niya ang kanyang katwiran na nasusupalpal naman ng mas mabigat na ebidensya. Tulad na lamang sa hindi pagkasama ni Lualhati Bautista sa dalawang kategorya, ang Best Original Story at Screenplay.

Aniya, nabanggit naman daw, baka hindi lang narinig dahil sa studio problems sa PICC. Isisi pa ba kay Lani Mercado ang kapalpakan eh ang husay nga nitong mag-present? Bakit ayaw tanggapin ni Mayor Rey Malonzo na lantaran ang kapalpakan sa MMFFP ngayong taon? Ewan pero nakakawalang gana na yang MMFFP na yan. Taun-taon na lang may gulo, kontrobersya at higit sa lahat, umiiral ang kapangyarihan ng ilan. Kaya kung kami sa ilang film production like Star Cinema at Imus Productions, mag-isip-isip sila ng maraming beses kung sasali pa sila next year. At kung sasali man sila, gumawa na lang sila ng ka-cheapang pelikula para matalo man sila, hindi masakit. At kung iisip man sila ng pang-entry next year, huwag na silang mag-strive for cinematic excellence and globally competitive movies dahil hindi sila kikilalanin at bibigyan ng parangal. Sayang lang ang efforts nila. Magpatuloy pa rin sila sa paggawa ng pelikulang magaganda pero ipalabas na lang nila sa regular showing at huwag magpagamit dyan sa mga kung sinu-sinong malalaking tao sa industriya at pulitika. Kay Direk Chito Roño, ipagpatuloy mo ang paninindigan mo. Wala ka ng kailangang patunayan bilang isang direktor dahil ginawa mo ang alam mong pinakamahusay mo, pero yung hindi ka kikilalanin, hindi mo na kasalanan yun. Salamat sa pagsasabuhay mo ng pelikulang Dekada ‘70.

At para kay Vilma Santos, mananatali pa rin siyang pinakamahusay na aktres para sa inyong lingkod at sa kanyang mga tagahanga. Binastos man siya ng MMFFP, marami pa rin ang naniniwala na siya pa rin ang rightful winner. Hindi ang MMFFP ang sisira sa legacy ng isang Vilma Santos. Sa awards derby next year, pupusta ako na aanihin niya ang prutas na hindi niya inani ngayon sa MMFFP. Sa MMFFP, nakakalungkot na hinayaan ninyong dungisan ng ilan ang imahe ng taunang parangal na ito. Hindi ninyo dapat hinayaan na gamitin kayo ng mga gahaman. You are not indebted sa iilang makapangyarihan kundi sa sambayanang Pilipino. Tiyak na may magri-react sa aking sinulat sa kolum na ito. Ito ang nararamdaman ko. Matindi ang epekto sa akin ng mga pangyayari at kung paanong tumimo sa aking puso at isipan ang Dekada ’70, ang pelikulang nagpamulat sa akin kung gaano kasarap magkaroon ng isang pamilya at makipaglaban para sa iyong minamahal. Kay Vilma, Boyet, Piolo, Direk Chito, Lualhati Bautista at sa Star Cinema, maraming salamat sa Dekada ’70. Mabuhay ang tunay na pelikulang Pilipino! - Eric John Salut, Pilipino Star, December 31, 2002, Reposted by: Sol Jose Vanzi (READ MORE)

The Light "...Topping the Urian for surprise value was the join award for Best Picture to "Dekada '70" and "Mga Munting Tinig," This was unexpected because "Dekada" was a major production that took many months to make, while "Munting Tinig" was a small low-budget film that was shot in only a few weeks. Despite this, both films were cited as the best local movies for 2002. A possible interpretation of the twin awards could be "Dekada" is cited for tackling asn important period in the country;s political life with extensive resources of a major studio, while "Munting Tinig" is honored for its ability to dramatize a simple, heartwarming tale that provides much-needed inspiration, despite its limited budget. In other words, the two films' contrasting approaches are both needed by local movies today, hence the decision for them to share the Urian's Best Picture award...The Best Actress trophy that Vilma Santos won for her performance in "Dekada '70" is another noteworthy decision because, when the film was first shown, even veteran observers rapped Vilma for her relatively "passive," "colorless" and "undramatic" portrayal in the movie. This was because her character, the wife and mother in the movie's central Bartolome family, spent most of the film's running time meekly following her husband's dictates, like most women in the '70s. Some people took this as a weak thespic stance, and we had to point out in some articles taht his wasn't true at all. In fact, given the convention of the movie's time frame, this "passivity" was an astute artistic decision on Vilma's part, and thoroughly merited by her character and the period in which she lived. In fact, what Vilma did in "Dekada" was more difficult because it was so controlled and subtle, it would have been far easier for her to melodramatically tear up the scenery and act up a storm. Gratifyingly, by the time the film awards season came around, enough people has seen the light, and Vilma went on to win a phalanx of Best Actress trophies, now including the Urian..." - Nestor U. Torre, Philippine Daily Inquirer - May 24, 2003 (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...