Monday, November 4, 2013

18th Birthday Celebration of Vilma Santos


The year was 1971, when ate Vi celebrated her debut. Ang tagal na pala. Parang kailan lang when I cut these photos sa isang newspaper. I was still in grade school then, at wala pang pambili ng mga magazines. So, I content myself sa newspaper naming sa bahay. As far as I can remember, isang bonggang birthday celebration iyon. Nagkaroon ng isang asalto on the eve of her birthday. Meron din fans party na ginanap sa Mehan garden, pero ang talagang coming-out party niya ay ginanap sa The Plaza restaurant. Wala na itong restaurant na ito ngayon, but it was very popular ng mga panahon na iyon. The restaurant, which was, located sa Makati, ay siya ring naging venue ng reception ng wedding nina FPJ at Susan Roces. Ang asalto, fans party sa Mehan garden at ang debut party ay added attraction sa movie nina ate Vi at Edgar na “Eternally.” Ang gown ni ate Vi was made by Ben Farrales. Sa isang write-up interview kay Danilo Franco, na siyang gumawa ng wedding gown ni ate Vi, nabanggit nito that he was working for Mang Ben during that time.


The white gown bore hand-painted pink roses, which were made by Danilo Franco. Star-studded ang party ni ate Vi. Halos lahat ng young stars of the era ay dumating. Ang mga kasamahan niya sa TV show na The Sensations ang siyang mga kasali sa cotillion. Dumalo rin ang big stars of the era like sina Rosemarie at Ricky Belmonte, at doon nila inannounce na magpapakasal sila the following month. Special guest din si Mr. Manda Elizalde of Panamin, na tinulungan noon nina ate Vi at Edgar para ikampanya para sa Senado. Dumalo rin ang super big action star noon na si Tony Ferrer kasama ang kanyang misis na si Mutya Ng Pilipinas winner, Alice Crisostomo. Naroon rin ang mga producers ni Ate Vi at ang mga press people. It’s now 2005, 34 years na ang nakakaraan, pero andito pa rin si Ate Vi at siyang nangungunang Reyna ng pelikulang Pilipino. Nawala na ang mga kasabayan niya at maging ang mga sumunod sa kanya, pero nanatiling nag-iisa ang tunay na Reyna ng Pelikulang Pilipino sa lahat ng panahon. - Eric Nadurata (READ MORE)


Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...