Sunday, November 25, 2012

TWIN FISTS FOR JUSTICE (1974)

Basic Information: Directed: Yang Shih Chin, Danny Ochoa; Screenplay: Yang Shih Chin; Cast: Meng Fei, Vilma Santos, Philip Gamboa; Cinematography: Ho Huk Wai, Remigio Young

Plot Description: "Directed by Danny Ochoa and Ching-Yang Chen (stars - Phillip Gamboa, Vilma Santos and Meng Fei). When a poor wretch to his heir apparent of a large fortune, he finds himself in a web of intrigue. Nothing is what it seems when he receives the key to bring him to his wealth. Criminals sit on his heels and when he seeks help from justice appears to be corrupt. He will do everything possible and literally have to fight for his inheritance." - Movie Meter (READ MORE)

Film Achievement: For international release (released as "Wild Whirlwind").

Film Review: "...Balikan naman natin ang taong 1974. Labingdalawa ang pelikulang nagawa ni ate Vi sa taong ito. Lahat ay tumabo sa takilya at nagpatatag ng kanyang Box Office Queen Title. Sa labingdalawang pelikulang ginawa ni ate Vi, ang balikan natin ay ang Twin Fists for Justice. Dito ay nakatambal niya ang Hong Kong Martial Arts Superstar na si Meng Fei. March 1974, ng dumating si Ate Vi mula sa 9 na araw na pananatili sa Hong Kong kaugnay ng dubbing para sa pelikula. At mula roon, 3 malalaking alok ang tinanggap niya mula sa iba't ibang HK producers. Narito ang mga offer kay ate Vi: Isang Vilma-Meng Fei-Shoji Karada (Isang Japanese superstar) starrer na kukunan nang buong buo sa Okinawa. Ito ay coproduction venture ng Bell Films at ni Shoji Karada. Isang action film na kukunan sa Vietnam mula naman kay Mr. Francis Lee ng HK at isang Vietnamese producer. Isang pelikulang kukunan sa Taiwan na ipo-produce naman nina Mr. Chen Yeng at Mr. Robert Jeffrey. Alam na natin ang nagging kapalaran ng mga movie offers na ito. Dahil sa pagiging biggest actress ng bansa ay hindi na siya nagkaroon pa ng panahon para lumabas ng bansa at gawin ang mga ito. Pero kung sakali at nagawa ni Ate Vi ang mga movie na ito, marahil ay matagal na siyang tinitingala bilang isang international actress. Balikan natin ang Twin Fist for Justice.

Bago isinagawa ang actual dubbing, sinubok muna ang boses ni Ate Vi. Nang makapasa, saka itinuro sa kanya ang diction at enunciation ng British English. Habang sinasanay siya, ipinakikita sa kanya ang kabuuan ng pelikula na nakadub na sa Mandarin. Magkakaroon kasi ito ng 2 versions, isang English at isang Mandarin. Ang Mandarin version ang itatanghal sa Hong Kong at ang English version naman ang siyang magiging panginternational release. Ang Mandarin version ay binago ang pamagat, ginawa itong Wild Whirlwind. Bukod sa pagbabago ng pamagat, ang pelikula ay mayroon ding iba’t ibang lay-out. Para sa Pilipinas, sa layout ay mas malaki ang larawan ni Meng Fei at una ang pangalan ni Ate Vi, pero sa Hong Kong at international version, mas malaki ang larawan ni Ate Vi at una naman ang pangalan ni Meng Fei. Ayon sa producer nito na si Mr. Dy, una itong ipinalabas sa Bangkok, Malaysia at Indonesia at naging isang malaking hit dahil kilalang-kilala na raw si Ate Vi sa mga nasabing bansa because of her "Darna" films. Isa pang trivia: alam nyo ba na sa pelikulang ito unang nagsuot si Ate Vi ng bathing suit? Tama. Nagsuot nga si Ate Vi ng bathing suit sa pelikulang ito sa isang eksena sa swimming pool, ng sumunod na taon 1975, isang bikini naman ang kanyang isinuot sa pelikulang Nakakahiya?" - Eric Nadurata, V Magazine Nos. 12 (READ MORE)


Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...