Isang Martes ng umaga, ika-3 ng Nobyembre, 1953, sa Trozo, Magdalena, Tondo, Maynila ay may isinilang na isang cute bouncing baby girl sa Galang's Maternity Clinic. Ang batang ito ay ipinaglihi sa kesong puti at labis labis na pagmamahal. Ang ina ay nagsilang na din ng isang batang babae two years earlier pero dito sa pangalawang batang ito ay walang pagsidlan sa kaligayahan ang kanyang nadarama. May "premonition" siya na ang batang ito ay lalaking "somebody special" and that she will lead a "charmed life." Pinangalanan ng mag-asawang Amado Santos at Milagros Tuazon Santos ang kanilang baby ng MARIA ROSA VILMA.
Ang ama, Amado Santos, na isang tubong Bamban, Tarlac ay dating isang bit player sa Premiere, LVN at Larry Santiago Productions. Lumabas siya kasama ang mga big stars ng mga nasabing produksiyon at ang pinsan niyang si direktor Felicing Constantino ang nagkumbinse sa kanya para subukan ang pelikula.
Ang ina, Milagros Tuazon Santos, na isang tubong San Isidro, Nueva Ecija ay isang pharmacist by profession at eksperto sa sayaw nang kanyang kabataan. Sa MCU, kung saan siya nagtapos ng kanyang "degree" ay palaging may libreng costume para lang maipakita ang kanyang "terpsichorean talent" sa mga importanteng school programs. Sa pagkakataong ito, saan pa ba magmamana si Vi ng kanyang galing sa pagsasayaw?
Ang Santos family ay nakatira sa ground floor ng isang maliit na apartment at sa itaas naman ay ang isang close relative. Isang araw habang nasa kusina si Papa Amado ay bigla siyang nakarinig ng ingay na parang kalabog ng isang nahulog sa hagdanan. Dali dali siyang tumakbo papunta sa hagdanan at nagulantang siya nang makita niya na si Vilma pala ang nahulog sa hagdanan. Agad nila itong isinugod sa ospital, pina-xray at salamat sa Diyos dahil sinabi ng attending physician na very slight fracture lang ang nangyari sa bata.
When Rosa Vilma was already of age, ipinasok siya sa St. Mary's Academy at noong nasa kindergarten pa siya ay dito na umarangkada ang kanyang pagiging artista dahil palagi siyang kinukuha sa mga school play. Gustong-gusto niya yung ilang oras na nasa stage, behind gleaming footlights, in fancy costume and make-up. At pagkatapos ng "play" ay ang malakas na palakpakan at pagbati sa kanya ng publiko. Nakalimutan na niya ang title ng play at kung anong okasyon ng eskwelahan ito ipinalabas subali't tandang-tanda pa niya na ang role niya dito ay isang madre na pagkaraan pala ng tatlong dekada ay lalabas din siya sa role ng isang nun-turned-radical film Sister Stella L na dinirehe ni Mike de Leon.
Noong anim na taong gulang pa lamang si Rosa Vilma ay sinabi niya sa kanyang magulang na magiging "painter" siya someday. Gusto daw niyang kunin ay "Fine Arts" sa University of Sto. Tomas, maging isang matagumpay na artist at maging mayaman. Mahilig siyang mag-drowing - crayon sketches of birds, flowers, trees, houses at kahit saan ay nagdodrowing siya pati na sa dingding ng kanilang bahay. Dahil dito, si Papa Amado ay palaging nag-a-apply ng coat ng pintura sa kanilang sala tuwing ikalawang linggo at hindi lang yun dahil binabantayan din niya ang batang si Rosa Vilma na baka mahulog sa baso ng gatas ang mga krayola niyang ginagamit. Si Mama Milagros naman ay nagtrabaho sa isang garment department ng Aguinaldo's kasama ang hindi pa kilalang manlililip na si Rene Salud.
Bukod sa pagkanta at pagsayaw sa mga school plays, ang batang si Rosa Vilma ay nagpakita din ng kanyang galing sa pag-iyak dahil sa pakikinig niya ng mga soap operas sa radyo. Mahilig siyang makinig ng mga drama sa radyo at doon ay tutulo na lamang ang kanyang luha. May mga okasyon pa nga na bigla na lang papasok sa kuwarto niya sina Papa Amado at Mama Milagros at nakikita nila na nasa salamin ang batang si Rosa Vilma at nagda-drama.
Noong later part ng 1962, nagkaroon sila ng family reunion sa nilipatan nilang apartment sa La Loma at ang isa sa mga naging bisita nila ay si Amaury Agra na isang cameraman sa Sampaguita Pictures. Si Amaury ay isang malayong tiyuhin ni Rosa Vilma, na ang asawa ay pinsan ni Papa Amado. Noong makita ni Amaury si Rosa Vilma ay agad niya itong tinanong kung gusto niyang mag-artista dahil ang Sampaguita Pictures ay naghahanap ng isang batang lalabas sa kanilang susunod na pelikula, ang Trudis Liit na sinulat ni Mars Ravelo at natutunghayan sa Liwayway Magazine.
Noong una ay ayaw ng mag-asawang Amado at Milagros na pumasok sa pag-aartista ang batang si Rosa Vilma dahil pareho silang abala sa trabaho, bukod pa sa gusto nila na pag-aaral muna ang asikasuhin ng batang si Rosa Vilma, subali't isang araw ay nakatanggap sila ng sulat mula kay Amaury at sinabing ipinalista niya ang pangalan ni Rosa Vilma para mag-audition sa Sampaguita Pictures kung saan si Dr. Jose R. Perez ang isa sa mga screening committees.
Dahil hindi nila mapahindian si Amaury kaya't nag-day off muna si Mama Milagros sa Aguinaldo's para samahan si Rosa Vilma sa Sampaguita studio. "Diyos ko po," ang nasambit ni Mama Milagros dahil mahigit yata sa tatlong daan ang mga batang nag-a-apply, lima lamang ang magiging finalists at sa limang finalists ay dalawa lamang ang kukunin, isang batang babae at isang batang lalaki na gaganap na kapatid ni Trudis Liit.
Ang suwerte naman, dahil ni-reveal ni Dr. Perez na bago pa sila nagpa-audition nang araw na yun ay meron na silang napiling limang finalists noong previous screening at inisip ni Mama Milagros na lahat ng nag-audition nang araw na yun ay wala ng pag-asa pero sinabi ni Amaury na gusto lang niyang mag-try out si Rosa Vilma para sa susunod nilang pelikulang pang-mahal na araw ng 1963 na pinamagatang Anak Ang Iyong Ina.
Si Amaury ay nasa location shooting noong araw na yun. Samantala, nang si Rosa Vilma na ang nag-audition, sa harap ni Dr. Perez at ni Direktor Jose de Villa at nang ipinagyugyugan na si Rosa Vilma ni Bella Flores ay parang gripong tumutulo ang kanyang mga luha. Nakita ni Mama Milagros sina Dr. Perez at Direktor de Villa na nagtitinginan at pagkatapos ng screening ay sinamahan ni Direk De Villa ang mag-ina sa opisina ni Dr. Perez na nag-extend ng congratulations kay Rosa Vilma na siyang gaganap na Trudis Liit at yung limang finalists ay gagawin na lang supporting sa mga forthcoming na pelikula ng Sampaguita Pictures.
Suot ng isang magarang damit, pumunta na ang mag-ina para sa isang screen test subali't ang magandang damit ay pinalitan ng gula-gulanit, parang basahan. Inumpisahan nang lagyan ng make-up ni Jesse Lopez, ang make-up artist ng studio sapol pa noong era nina Carmen Rosales hanggang sa era ni Amalia Fuentes si Rosa Vilma. Nagtanong pa ang batang si Rosa Vilma kung bakit pa siya kailangang lagyan ng make-up at ang gusto lang daw niya ay huwag masyadong makapal at kung pwede ay pulbos lang.
Gumiling ang camera.....sumigaw ang direktor ng" Action!" Nag-umpisang mandilat ang mata ni Bella at cry to death naman ang Rosa Vilma. "CUT!" sabi ng direktor. "Very good!". Si Bella ay niyakap ang batang si Rosa Vilma at sinabing.... .Aba, first take lang nakuha mo kaagad. Ang galing. Congratulations, Trudis Liit. The whole set was no screen test, but an actual take. Si Maria Rosa Vilma Tuazon Santos ay isa ng ganap na bituin sa edad na siyam na taon.
May mga tanong noon kung ano ang itatawag nila kay Rosa Vilma onscreen. Ang mag-asawang Amado at Milagros ay gustong i-retain na lang ang pangalang Rosa Vilma subali't si Dr. Perez ay nag-object dahil marami na daw Rosa sa pelikulang Tagalog, merong Rosa Mia, Rosa Rosal, Rosa Aguirre. Nag-suggest na lang si Dr. Perez na alisin ang Rosa at tawagin na lang na VILMA SANTOS. Sa Trudis Liit, ang batang si Vilma ay binayaran ng Php 1,000 sa isang kondisyon na sa susunod na pelikula ay lalabas ulit siya at ito nga ay yung Anak Ang Iyong Ina. Dito sa Anak Ang Iyong Ina ay Php 700 ang kanyang take-home pay.
Bukod kay Bella Flores, kasama rin ni Vilma sina Lolita Rodriguez, Luis Gonzales at Connie Angeles sa Trudis Liit, "The Motion Picture That Will Tear Your Heart To Pieces" (as proclaimed by the film's ad). Ito ay sa screenpaly ni Chito Tapawan. Nagkamit ng FAMAS Best Child Actress si Vilma dito sa Trudis Liit. Impressed na impressed si Direk De Villa sa batang si Vilma dahil sa isang explanation lang eh nakukuha na kaagad nito ang mga instructions. Sabi ng mga co-workers ni Vilma, si Vilma ay merong fantastic memory and can easily dish out even a kilometric dialogue. Pagkatapos ng Trudis Liit at Anak Ang Iyong Ina, sunod sunod na ang ginawa niyang pelikula katulad ng King and Queen For A Day, Aninong Bakal, Morena Martir, Iginuhit Ng Tadhana at Pinagbuklod Ng Langit.
Samantala, gumawa rin ang batang si Vilma ng isang weekly tv series sa ABS (the former KBS in Roxas Boulevard) sa direksiyon ni Jose Miranda Cruz na may pamagat na Larawan Ng Pag-ibig kasama sina Willie Sotelo at Zeny Zabala at tumagal ito ng dalawang taon sa ere. In between tapings of Larawan Ng Pag-ibig and schoolwork, siya ay gumawa rin ng mga pelikula sa iba't ibang outfits katulad ng Ging, Naligaw Na Anghel at Sa Bawa't Pintig Ng Puso. Later on, ginawa ring pelikula ang Larawan Ng Pag-ibig.
Gumawa rin siya sa Larry Santiago Productions ng mga pelikulang Maria Cecilia, Kay Tagal Ng Umaga at Hindi Nahahati Ang Langit. Sa mga sumunod na taon ay ginawa rin niya ang mga pelikulang Ito Ang Dahilan, De Colores, Kasalanan Kaya?, Sino Ang May Karapatan? at Sa Baril Magtuos. Dito sa Sa Baril Magtuos ay kasama niya sina Ronald Remy at Romeo Vasquez.
Noong 1967 ay ginawa ni Vilma ang The Longest Hundred Miles, isang war movie for international release sa pangunguna ng Hollywood actor na si Ricardo Montalban, Doug McLure at Katherine Ross. Noong nagsisimula pa lang si Vilma sa Sampaguita Pictures, isa sa mga pelikulang pinanood niya kasama ang buong pamilya ay ang award-winning na The Miracle Worker. Ang role ni Patty Duke as the young Helen Keller ang kanyang pinakapaborito at ninais niya hanggang sa ngayon na makagawa siya ng pelikulang katulad nito.
Sabi ni Papa Amado, si Vilma ay hindi "spoiled" dahil kahit artista na siya, pinapalo pa rin daw niya ito kung sa palagay niya ay may nagawang kasalanan. Sabi naman ni Mama Milagros si Vilma pag may isang bagay ng gustong gawin, ito ay kanyang itinutuloy. Sabi naman ng movie scribe na si Ched Gonzales, si Vilma daw ay katulad din ng isang ordinaryong tao na mahilig sa manggang hilaw na may bagoong at sa sitsirya katulad ng popcorn, pretzel, chicharon at butong pakwan. Gustong gusto daw nito na may kinukukut-kukut.
Noong 1968, si Vilma ay nominado ng FAMAS para sa best supporting actress category, kasama sina Lolita Rodriguez at Eddie Rodriguez sa pelikulang Kasalanan Kaya? Siya ang pinakabatang aktres an nominado sa kategoryang ito. Hindi man siya pinalad na manalo sa FAMAS subali't ang San Beda College ay binigyan siya ng Best Supporting Actress award.
Sa pagsasara ng dekada 60, si Vilma ay naging popular sa mga television shows kagaya ng Tinno Lapus' Eskwelahang Munti sa Channel 7. Dito ay itinambal siya sa undefeated Tawag Ng Tanghalan champion for twelve weeks na si Edgar Mortiz. Ang unang pelikulang pinagtambalan ni Vilma at Edgar ay ang JBC Productions' My Darling Eddie topbilled by the late Eddie Peregrina.
Noong 1970, ginawa in Vilma at Edgar ang pelikulang Love Is For The Two Of Us kasama sina Helen Gamboa at Ricky Belmonte. Sa telebisyon, si Vilma at Edgar ay may regular shows na Oh My Love at The Sensations sa Channel 2. Ang kanilang tambalan ay tinawag na "subok na matibay, subok na matatag."
Noong Enero 1, 1970, ipinalabas ang superhit na pelikula ng VP Pictures na Young Love kasama ang loveteam nina Nora Aunor at Tirso Cruz III. Dito na nagsimula ang rivalry ng Vilma-Edgar loveteam at Nora-Tirso loveteam. Noong 1971, ang tv show na The Sensations ay ginawa ring pelikula ng Tagalog Ilang Ilang Productions sa direksiyon ni Tony Santos, Sr. Noong Nobyembre 1971, ang popular lovebirds ay pumunta ng Hawaii at Estados Unidos para gawin ang mga pelikulang Aloha My Love at Don't Ever Say Goodbye.
Marami pa ding mga pelikulang ginawa sina Vilma at Edgar at kabilang na dito ay ang mga pelikulang I Do Love You, From The Bottom of My Heart, Because You're Mine, Eternally, Edgar Loves Vilma, Vilma My Darling, My Love At First Sight, The Wonderful World of Music, Remembrance, Renee Rose, Angelica, I Love You Honey, Our Love Affair, Mga Batang Bangketa, Baby Vi, Dulce Corazon, Anak Ng Aswang at ang inilahok sa 1972 Quezon City Film Festival na Dama de Noche kung saan hindi man siya ang naging best actress dito subali't sa FAMAS nang sumunod na taon ay siya ang naging Best Actress ka-tie si Boots Anson Roa.
Samantala, Abril 28, 1974 nang maghiwalay ng landas sina Vilma at Edgar. Maraming Vilma-Edgar Fans ang nalungkot at inisip nila na magkakabalikan din ang dalawa subali't hindi na ito nangyari hanggang sa si Vilma ay itinambal sa iba't ibang leading men. Pero bago pa sila naghiwalay ay itinambal na din si Vilma kina Paolo Romero sa pelikula ng Virgo Productions na Ikaw Lamang kung saan nagkamit ito ng Best Picture sa 1973 Quezon City Film Festival, Manny de Leon sa mga pelikulang Teen-age Señorita at Cariñosa, Walter Navarro sa Sweet Sweet Love at Dalagang Nayon, Jay Ilagan sa Tsismosang Tindera, Ang Konduktora at Inspirasyon, Tirso Cruz III sa Dingdong, Nobody's Child at Give Me Your Love, Victor Wood sa My Little Darling, Victor Laurel sa Ophelia At Paris, Prinsipe Paris Walang Kaparis, Jojit Paredes sa Tok Tok Palatok, Ronnie Henares sa Let's Do The Salsa at nitong huli ay kay Christopher de Leon sa Tag-ulan sa Tag-araw.
Talagang poor second lang noon si Vilma kay Nora Aunor, subali't nang gawin niya ang trilogy film ng Sine Pilipino na Lipad Darna Lipad ay talagang lumipad ng husto ang kanyang box office appeal. Sinundan pa ito ng mga pelikulang Takbo Vilma Dali at Hatinggabi Na Vilma.
Anupa't itinambal din si Vilma sa mga matured leading man na katulad nina Eddie Rodriguez sa mga pelikulang Nakakahiya, Hindi Nakakahiya Part 2 kung saan nagkamit siya ng Best Actress Award sa 1st Bacolod City Film Festival at Simula Ng Walang Katapusan, Dante Rivero sa Susan Kelly Edad 20, Chiquito sa Teribol Dobol, Dolphy sa Buhay Artista Ngayon, Joseph Estrada sa King Khayan & I, Fernando Poe Jr. sa Batya't Palu Palo at Bato Sa Buhangin, Jun Aristorenas sa Mapagbigay Ang Mister Ko, Dindo Fernando sa Langis at Tubig at Muling Buksan Ang Puso at Romeo Vasquez sa Nag-aapoy Na Damdamin, Dalawang Pugad Isang Ibon, Pulot Gata Pwede Kaya at Pag-ibig Ko Sa 'Yo Lang Ibibigay.
Nagkasunod sunod na ang kanyang box office hit movie, hanggang sa inoperan siya ng Ian Films ng pelikulang Burlesk Queen kasama si Rollie Quizon kung saan hinakot nito ang halos lahat ng award including the Best Actress Award sa 1977 Metro Manila Film Festival. Hindi lang awards ang nakopo ng pelikulang ito dahil ang Burlesk Queen pa rin ang itinanghal na Top Grosser sa nasabing pestibal. Gumawa rin siya ng mga pelikulang siya mismo ang prodyuser katulad ng 1978 FAMAS and Urian Best Picture na Pagputi ng Uwak Pag-itim ng Tagak katambal si Bembol Roco, Halik Sa Paa Halik Sa Kamay kasama si Ronald Corveau at Eddie Rodriguez, Coed kasama si Jay Ilagan at iba pa.
Noong taong 1978, ginawa ni Vilma ang isang pelikula kung saan lumabas siyang isang rape victim kasama sina Philip Salvador at Matt Ranillo III ng Sampaguita VP Pictures na pinamagatang Rubia Servios. Hindi siya pinalad na maging Best Actress sa pelikulang ito, si Nora Aunor ang nanalo sa pelikulang Atsay, bagama't marami ang humuhula na siya ang tatanghaling Best Actress dahil kahit ang direktor ng pelikulang Atsay na si Eddie Garcia ay si Vilma ang hinalikan at binati subali't kinabukasan ay lalong lumakas sa takilya ang Rubia Servios at tinalo nito ang Atsay. Talagang iniyakan ni Vilma ang kanyang pagkatalo.
Taong 1978 din nang lumabas ang betamax issue sa kanila ni Romeo Vasquez subali't sa halip na kumulimlim ang kanyang pagkabituin ay lalo pa siyang pumaimbulog paitaas at sa bandang huli ay hindi naman napatunayan ang balitang ito.
Noong July 19, 1980 ay nagpakasal si Vilma kay Edu Manzano sa Las Vegas, Nevada habang ginagawa nila ang pelikulang Romansa at April 21, 1981 nang isilang ni Vilma si Luis Manzano. Gusto ni Edu na maging plain housewife lang si Vilma subali't hindi ito nangyari dahil sa natuklasan ni Vilma na baon na pala siya sa utang kaya gumawa siya ng mga pelikula.
Talagang puro good karma ang dumating sa buhay ni Vilma dahil after niyang makapanganak ay gumawa siya ng sunod-sunod na mga box-office hit na pelikula katulad ng Ex-Wife, Hiwalay, Sinasamba Kita, Gaano Kadalas Ang Minsan?, Paano Ba Ang Mangarap?, Relasyon, Tagos Ng Dugo, Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? Yesterday Today & Tomorrow at iba pa.
Sunod-sunod rin ang kanyang Best Actress award katulad ng kanyang grand slam sa mga pelikulang Relasyon, Dahil Mahal Kita: Dolzura Cortez Story, Bata Bata Paano Ka Ginawa? at Dekada '70. Naging best actress din siya sa mga pelikulang Broken Marriage, Mano Po 3: My Love, Sister Stella L, Tagos Ng Dugo, Pakawalan Mo Ako, Ibulong Mo Sa Diyos, Pahiram Ng Isang Umaga, Sinungaling Mong Puso at Anak. Sunod-sunod rin naman ang kanyang Box Office Queen award. Hindi lang best actress at box office queen award ana kanyang natanggap kundi nagwagi din siya ng 2005 Gawad Plaridel.
Samantala, sa pagsasara ng ABS CBN dahil sa martial law, ay nagsara din ang tv show ni Vilma na The Sensations datapwa't may mga humalili din dito katulad ng Santos, Mortiz & Associates, Ayan Eh, Vilma Santos Very Special at Vilma In Person (VIP) sa BBC 2. Ang VIP ay lumipat sa GMA 7 at ito ay ginawa nilang VILMA. Ang VILMA ay nagtagal ng labinglimang taon at sa loob ng mga taong ito ay consistent top rater ito kaya naman siya ang highest paid tv star nang panahong iyon.
Noong 1998, hinikayat siya ng iba't ibang sektor ng lipunan para kumandidatong punong-bayan ng Lungsod na Lipa at matapos niyang gawin ang pelikulang Bata Bata Paano Ka Ginawa? ay miniting niya ang mga Vilmanians at sinabing humihingi lang siya ng isang "sign" para matuloy siyang kamandidatong mayor ng Lipa at ito ay nangyari.
Naging punong-lungsod siya ng Lipa at sa loob ng siyam na taong panunungkulan ay masasabing ang Lungsod ng Lipa ang isa sa mga pinakaprogresibong lungsod sa Pilipinas. Noong May 14, 2007, siya ay nahilingan naman na kumandidato bilang gobernador ng Batangas at dahil sa kanyang magandang nagawa sa Lungsod ng Lipa, siya ay pinalad na manalo sa posisyong ito. Katatapos lang iselebreyt ni Governor Vi ang kanyang 100 araw na panunungkulan bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas at nagkaroon siya ng State of Provincial Address nitong nakaraang October 8, 2007.
Sabi nga ni Governor Vi, sa nagayon ay prioridad niya ang kanyang pamilya, pangalawa ay ang pagiging gobernador ng Batangas at pangatlo na lamang ay ang kanyang pagiging artista. Maraming movie offers ang kanyang natatanggap katulad ng pagsasamahan nila ni John Lloyd Cruz, meron pang digital film na La Independencia ni Raya Martin na automatic na ilalahok sa Cannes Film Festival kung magagawa niya (sana lang!). Meron ding offer na stage play (pero malabo na ito dahil maraming oras ang kakainin nito lalo na sa rehearsals). Meron ding mga commercials at marami pang iba.
Ano pa kaya ang naghihintay sa isang VILMA SANTOS-RECTO? Marami pa, marami pa, di ba Governor Vi? Happy 54th Birthday Governor VI! - Alfonso Valencia, Alam Nyo Ba? Part 41, V Mag 2006
Related Reading:
- Special Trivia
- Vilma Santos Quiz
- Featured Vilmanians
- Memoirs of Vilmanians
- A Vilmanian, and proud to be one!
- Vilma Santos at U Can Dance version 2 Grand Finals
- The Ultimate Vilma Santos Scrapbook
- The Star For All Seasons (A Song)
- Vilma Santos' Urban Legends & Trivias
- Vilma Santos's Urban Legends, Part 1: "The Mysterious Hanky"