Sunday, November 11, 2012

Poems

Nag-iisang Bituin
Ni Charles “Dubai” Gomez

Bituing maningning
sa gabing madilim
liwanag mo’y tanglaw
sa puso ko naninimdim.
Lungkot ko’y napapanaw
Kapag ika’y natatanaw
Ilaw ka sa puso ko’t inspirasyon
at tanglaw…

Bituing maningning,
kislap mo’y walang kasing ningning
Sapagkat ika’y ang Nag-iisang Bituin
sa langit ng Puting Tabing
Nag-iisa kang Reyna,
Inspirasyon at Bituin…
Aming mahal, aming lakas,
aming sigla walang iba kungdi
ang Nag-iisang Vilma…

kilala ng lahat sa tawag na Ate Vi.
Sa lahat ng aspeto, siya’y laging wagi
ma-politika man o sa showbiz career
sa personal o sa family living
tagumpay lagi ang aming Ate Vi.
Kung kaya’t ang sigaw namin
Hail to the Queen!
Vilma Santos-Recto Is the name!

“Yan si Rosa Vilma”
ni Father Juancho Gutierrez
May 25, 2005

May isang nangangalang Rosa Vilma,
ipinanganak sa Tondo, Maynila.
Naging artista kahit noong siya ay bata pa,
galing sa pagganap noon ay pinangaralan na.

Noong siya ay nagdalaga na,
nagpatuloy sa kanyang pag-aartista.
Naging sikat at hinahangaang bituin
katambal si Edgar bilang ka-loveteam.

Naging karibal si Nora
sa pagiging isang reyna.
Subalit mas matagumpay si Nora
noong mga panahon ng syetenta.

Hanggang siya ay mag-iba ng imahen,
at gumanap bilang isang Burlesk Queen.
Mula noon at magpahanggang ngayon
si Vilma na ang Reyna taon-taon.

Siya ay nag-iisang Star for All Seasons,
at gayundin naman ng for All Reasons.
Hindi magugupo o mapapataob ninuman,
Pagkat VIlmanians hindi s’ya pababayaan.

Queenstar mula noon hanggang ngayon,
Pinakamahusay na aktress sa lahat ng panahon.
Nirerespeto ng mamayang Pilipino,
pagkat mapagmahal siya sa kapwa Pilipino.

Isang ulirang artista at ina,
matagumpay na mayora ng Lipa.
Siya at wala ng iba ang Reyna,
Yan ang mahal nating si Rosa Vilma.

“Vilmanians: Fans for all seasons”
ni Father Juancho Gutierrez
July 07, 2005

Vilmanians ang tawag sa kanila,
mula ulo hanggang paa.
Star for All Seasons ang idolo nila,
Fans for All Seasons naman sila.

Vilmanians, mapagpatawad at mapagkumbaba,
mahal ang Diyos at ang kanilang kapwa.
Si Vilma Santos na idolo nila,
ay alam ng bayan na gayundin siya.

Vilmanians sina Charlz, Mar, Allan at Jeannie,
gayundin naman sina Marcus, Ben, Dream at Josie.
Kasama rin sina Jojo, Eric, Bod at Eddie,
at sina Franco, Noel, Nelvin at Rante.

Vilmanians din sina Cesar, Aries, June at Henry,
at sina Marilen, Alessandra, Lawrence at Susan Kelly.
Huwag kalimutan ang mga direktor at artista,
mga professionals, manggagawa at mga tindera.

Vilmanians, mapa-Europa o mapa-Amerika,
mapa-Middle East o mapa-Australia,
Nasa Pilipinas man o wala,
mahal si Vilma, ang nag-iisang Reyna.

Vilmanians, paghanga nila kay Vilma,
ay hindi magsasawa o mawawala.
Sapagkat si Vilma na huwarang artista,
ay matagumpay ding mayora at butihing ina.

Vilmanians, maipagmamalaki mong tunay
marurunong sa totoong buhay.
Hangad nila sa bayan ay kapayapaan,
mahalin ang Diyos at kapwa magpakailanman.

VILMA: PUSO AT PAG-ASA NG BATANGAS
Sinulat ni Pedrito ’June’ Dijan
Tinula ni Aljohn Domingo

Noong iyong desisyunang, pasukin ang pulitika,
Marami ang nagsasabing di ka pwede’t artista ka;
Subali’t nang magawa mong mapaunlad itong Lipa,
Lahat ngayon bukambibig, ang VILMA ay kakaiba.

At nito ngang bandang huli lahat sila’y nanghikayat;
Ikaw lang daw ang maaaring sa Batangas magpa-angat;
Iba’t ibang mga sektor, women’s , meyor, lahat-lahat,
Oh, Mayor VI, governor na ng probinsiya’y di magkalat.

At kaya nag bilang tugon, ang Ate VI’y nagdesisyon,
Di ko kayo iiwanan, tanggap ko na itong hamon;
Mahirap man sa simula, kung tayo ay tulong-tulong,
Mga anak tandaan nyo, ang Batangas ay babangon.

Anupa nga’t heto ngayon, ang matapang na si VILMA,
Pumalaot at gumitna, sa ruweda ng pulitika,
Ang dalisay na puso niya, tanging hawak na sandata.
At tapat na paglilingkod, ang kalasag na panangga.

Kaya ako kahit paslit, at musmos pa ang isipan,
At hindi pa maaari, na sumali sa botohan;
Bilang tulong Ate Vi, sa sinuong mong laban,
Sa tula ko dadaanin, kumbinsihin taumbayan.

Kaya kayo mamay, nanay, inay itay, ate, kuya,
Ano ba ang isusulat na pangalan sa balota?
Di ba’t iyong taong tapat, nagmamahal sa balana,
Walang iba kundi siya, ang maganda, Ate VILMA.

Ang boto nyo kay Ate VI, ay boto sa kagaya ko,
At sa mga Batangenyong ang hangad ay pagbabago;
Sa kamay po ni Ate VI, bukas nami’s sigurado,
Pagka’t siya’y makatao, makadiyos at korecto.

Ang gabi po’y lumalamim, at orasa’y naghuhudyat,
Na para bang sinasabi, na tyo ay mapupuyat,
Pero sana ang hiling ko sa inyo pong tan’t lahat,
Pangalan po ni Ate Vi, sa balota ay isulat.

The youngest poet sa campaign sorties ni
Ate Vi is Aljohn Domingo (left) kasama ang
proud mother niya.

SCREEN QUEEN
by Obet Sapin

You’ve been our dearest inspiration
Loving you is our eternal passion
You’re the one and only Star for All Seasons
For you’ve got all the best and immense reasons

Your beauty and talent are immortal
That’s why you’re up there on the pedestal
Your body of work is really world class
Indeed, you’re the country’s premiere lass

Having an untarnished reputation
You’re truly the pride of the nation
Everybody hails you as the lovely Screen Queen
Awards and great admiration you always win

In our hearts and minds you’ll forever be present
You’ll prepetually be the most resplendent
You’re the greatest and ever brightest star
No one can come close or be on par

We will faithfully love a role model like you
For you’ve always been honest and true
All you’ve done is for a noble cause
Since you’re the magnificent Vilma Santos

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...