Wednesday, December 18, 2013

Walang Himala (Repost)

"I'm Home!" Ito ang unang katagang namutawi sa bibig ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa ibinigay na presscon ni Mother Lily Monteverde para sa kanya at sa asawang si Sen. Ralph Recto last Wednesday night sa Imperial Palace Suites.  Bilang gobernadora ng Batangas, priority na ni Ate Vi ang pagsisilbi sa constituents kesa sa pag-aartista, aminado siya talagang nami-miss niya ang showbiz lalo pa nga't dito na siya lumaki, nagdalaga, nagka-asawa, nagkaanak hanggang sa maging public servant.

Bukod sa mag-asawang Vi at Ralph, kasama rin nila ang anak na si Ryan Christian. Hindi na raw nakasama ang panganay ng Star for All Seasons na si Luis Manzano dahil may trabaho, pero early that night, magkasama sila dahil pareho silang tumanggap ng award sa Gawad Tanglaw - si Vi for Best Actress sa In My Life at si Luis ay Best Suppoting Actor for the same movie.  After the open forum, tsumika na ang entertainment press kay Ate Vi kung saan ay sinagot niya ang maraming issues at katanungan.  She was asked kung ano ang masasabi niya sa pagtakbo ng ex-husband niyang si Edu Manzano bilang vice president — isang posisyong kinumpirma niyang inalok sa kanya pero tinanggihan niya.

"Alam niyo, si Eduardo, noong huli kasi kaming nag-usap, ang alam ko, senador ang tatakbuhin. Baka in a way, may pagkabigla 'yung desisyon na vice president kaagad.  "Hindi madali 'yon, eh. Pero as I've said, may feeling naman ako na kung mabibigyan siya ng chance to serve, definitely, he will do so because he is efficient, matalino, competent.  "Pero 'yung klase ng kampanyahan ngayon, hindi talaga ganu'n kadali. So, kung anuman ang magiging desisyon ni Edu, hindi ko siya masisisi. Politics is not easy," pahayag ni ate Vi.

Natanong din siya hinggil sa pagbabalik sa 'Pinas ng kanyang arch rival, ang Superstar na si Nora Aunor, at sa kanyang reaksyon sa ginawa nitong pagpaparetoke. "Hindi lang naman ang kumare ko ang gumawa niyan, marami pang iba. Not for anything, mas bata sa amin, nagpapaayos na.  "There's nothing wrong with that. Kung sa tingin mo, eh, kailangan na, bakit naman hindi? Walang masama na i-enhance mo 'yung beauty mo, 'di ba?"  Hinggil sa pagbabalik ni Ate Guy, ani Vi, welcome na welcome ito sa kanya.  "Oo naman! At saka noong magkaroon kami ng premiere night sa L. A. ng In My Life, nagkakausap kami niyan. Dapat nga manonood siya, eh. Kaya lang, biglang nagkaroon ng bisita sa kanila. Kaya ang pinapunta niya, close friends niya, which we accommodated, at nag-thank you siya. "  Tungkol naman sa paggawa ng pelikula, ani Vi, may natitira pang dalawang pelikula sa kontratang pinirmahan niya sa Star Cinema.

Ang isa ay ang pelikulang pagsasamahan nila ni Sharon Cuneta at ang isa ay hindi pa raw alam kung ano.  Tuloy pa rin ba ang pagganap niya bilang Cory Aquino sa filmbio nito na ipo-produce ng Star Cinema? "Alam niyo, gustung-gusto kong gawin 'yan. Wala na yatang honor sa isang artista kung hindi ang makaganap ng isang Corazon Aquino.  Kaya lang, depende 'yan. Kasi kung gusto na nilang gawin right away para mahabol sa death anniversary at birthday ni Presidente Cory, hindi ako pupuwede," say pa ni Ate Vi. Ipinaliwanag din ng gobernadora kung bakit mula sa Lakas-Kampi-CMD ay lumipat silang mag-asawa sa Liberal Party ni presidentiable Noynoy Aquino.

"Maybe, naghahanap na rin ako ng pagbabago, eh. Whether sabihin man nila na parang ginagamit ang magulang, eh, bali-baligtarin man natin, magulang niya talaga 'yon na dalawang bayani. Kahit na sabihin niyong ginagamit lang, magulang niya, eh.  "Naniniwala ako na kung naghahanap tayo ng pagbabago with the vision na binanggit niya sa amin na tutulungan niya ang Batangas, we're not saying overnight, may resulta 'yan, walang himala. Talagang tatrabahuhin 'yan, may vision 'yan.  "Pero let's face it, mag-iisip ka siguro ng dalawa, tatlo hanggang isang daang beses bago ka gumawa ng kalokohan. Kasi, sisirain mo ba nang ganu'n-ganu'n lang ang dalawang magulang mo na bayani?  "Plus, his vision, looking forward na 'I believe,' meron pa, kaya pa nating maka-survive. 'Yun nga lang, may mga bagay tayong dapat i-strengthen, and one of these is corruption talaga. "
Source: Written by Vinia Vivar, People's Journal (Telebisyon.net)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...