Tuesday, December 17, 2013

LANGIS AT TUBIG (1980)

“Labanan natin siya…pupunta ako sa kanya, makikiusap, kung kailangang lumuhod, gagawin ko…isang linggo sa kanya, isang linggo sa akin…kung ayaw niya, anim na araw sa kanya, isang araw sa akin, kung ayaw pa rin niya lahat na ng araw ay sa kanya na…Bobby you gave me hope, you make me a wife, you showed me love when theres only hatred, ginawa mo ako kung ano ako ngayon, babae, ano pang hihilingin ko?” - Cory


Basic Information: Direction: Danny Zialcita; Adapted screenplay: Baby Nebrida, Danny Zialcita; Original screenplay: Danny Zialcita; Cast: Vilma Santos, Dindo Fernando, Ronaldo Valdez, Amy Austria, George Estregan, Ruben Rustia, Johnny Vicar, Lucita Soriano, Augusto Victa, Vic Diaz, Vic Silayan, Mario Escudero, Suzanne Gonzales, Adul De Leon, Martha Sevilla; Original Music: George Canseco; Cinematography: Felizardo Bailen; Editing: Ike Jarlego Sr.; Theme Song: "Langis At Tubig" sung by Sharon Cuneta; Producer: Ernesto C. Rojas, Sining Silangan Films, Entry to the 1980 Metro Manila Film Festival

Plot Description: Bobby (Dindo Fernando) is a man secretly in love with his neighbour and friend Cory (Vilma Santos) but who is living-in with her partner Charlie (Ronaldo Valdez). However, Cory decides to leave Charlie upon discovering his deepest secret that he is a married man. This gives Bobby the chance to show his true feelings for Cory and marries her even adopting the child Charlie has left in her womb. Bobby lives the life of a perfect husband with Cory and accepts a job assignment in Albay shuttling to and from Manila to support his new family. In the province, he meets Pilar (Amy Austria) a lovely town girl. His friendship with Pilar blossoms and they find themselves falling for each other, with Bobby concealing his real marital status. Soon the two learn that she is pregnant and the family forces them into marriage. Consequently, the women discover that Bobby is living a lie and is married to two women. He is forced to make a crucial decision, which of his marriages must be honour? Or will he faced the prospect of getting charged with bigamy? – Philippine Movies

Film Achievements: FAMAS: Best Actor - Dindo Fernando, Best Actress nomination - Vilma Santos; Gawad Urian Best Actor nomination - Dindo Fernando

Film Reviews: Nang magkaroon ng chance si Bobby (Dindo Fernando) ay sinamantala niya ang sitwasyon ng matagal na niyang nililigawang si Cory (Vilma Santos). Hiniwalayan ng kapitbahay niya ang ka-live in nitong si Charlie (Ronaldo Valdez) dahil sa panloloko nito. Natuklasan ni Cory na may asawa na ito at kinakuwartahan lang pala siya. Buntis si Cory at para maiwasan ang kahihiyan ay pumayag itong pakasal sa manliligaw na si Bobby. Nagpakasal nga ang dalawa at sa kabila ng mga tsismisan ay natutunan rin ni Cory na mahalin si Bobby. Sa kabila ng kanilang matiwasay na pagsasama ay hindi pa rin magkaanak si Cory kay Bobby hanggang sa madestino si Bobby sa Bicol kung saan nabuntis niya si Pilar (Amy Austria). Napilitang pakasalan ni Bobby si Pilar dahil sa pananakot ng pamilya nito. Nang malaman ng masugid na manliligaw ni Pilar (George Estregan) na may asawa na pala ang pinakasalan ng kanyang nililigawan ay sinabi niya agad rito’t lumuwas si Pilar upang alamin kung tutoo nga ang balitang ito. Rito niya nalamang dalawa nga silang pinakasalan ni Bobby at nagsampa ito ng demandang “bigamy.” Nang malaman ni Cory ang nangyari, una’y nasaktan ito ngunit inintindi niya ang asawa at handa itong magparaya para lang hindi ito makulong. Nagkasundo si Cory at Pilar at iuurong na ni Pilar ang demanda ngunit nagdesisyon si Bobby at hinarap ang pagkakasala nito. Sa harap ng husgado ay sinabi niyang siya ay “guilty” at nakulong siya.

Sa direksiyon ni Danny Zialcita, ang Langis At Tubig ay isang pelikulang mabilis at nakakaaliw sa kabila ng pangkaraniwang istorya nito. Tinalakay ng pelikula ang tungkol sa bigami at inilahad ang mensahe na kahit na ano pa ang sitwasyong kinakaharap ng mga tauhan ng pelikula’y hindi maikakaila talaga na may kasalanan ang karakter na ginampanan ni Dindo Fernando. Sa bandang huli’y hayagan sinabi ng husgado na sa mata ng batas walang nangingibawbaw na kahit na sino, ang maysala ay dapat parushan. Isang lagda na ng director Zialcita ang nakakaaliw ng mga diyalogo at ang Langis ay hindi na naiiiba sa mga nagawa na niyang pelikula tulad ng "Gaano Kadalas Ang Minsan" at "T-Bird At Ako." Ang huling pelikulang ginawa ni Zialcita ay nuong 1986 pa, sana ay magbalik pelikula na siya. Napakahusay ng cinematography ni Felizardo Bailen at ang mabilis ng editing ni Ike Jarlego Sr. Bagama’t maganda ang themesong na ginawa ni George Canseco ay nakaka-distract naman sa ilang eksena na bigla na lang pumapasok ang kanta ni Sharon na dapat sanay tahimik na lang. Kung ang pag-uusapan naman ay ang pagganap, mahusay si Amy Austria bilang Pilar.

Makikitang pinaghandaan niya ang kanyang pagganap. Muli, binigyan ng magagandang linya si Vilma Santos mula sa umpisa kung saan kinompronta niya ang manloloko niyang ka-live in at sinabing: “namputsa naman nahuli ka na ayaw mo pang aminin” at sa bandang huli nang intindihin niya ang asawa at handing magparaya, sinabi niya “…handa akong magparaya, kung gusto niya isang lingo sa kanya, isang lingo sa akin…” Pero halatang ang pelikulang ito ay pelikula ni Dindo Fernando. Deserving si Dindo sa kanyang pagkapanalo sa Famas bilang pinakamahusay na actor bagamat nang taong ito’y mahusay rin si Christopher Deleon sa Aguila at Taga ng Panahon at Jay Ilagan sa Brutal. Tahimik lang ang pag-arte niya’t makikita ang kanyang intensity sa kanyang eksena kung saan nagtapat na siya sa asawang si Cory tungkol sa kanyang kaso. Mahusay rin siya nang hinarap niya si Pilar at sabihin niyang, “mahal ko kayong dalawa.” Maganda ang location ng pelikula. Makikita ang mga ordinaryong tanawin ng Albay sa Bicol at ang mga ordinaryong manggagawa rito mula sa mga nagtatanim ng palay hanggang sa mga nagtitinda ng mga paninda sa palengke ng bayan. Sa kabila ng ordinaryong istorya ng Langis At Tubig, ang mahusay na direksyon at mahusay na pagkakaganap ng mga artista rito’y nangibabaw ang tunay na karapatan nitong panoorin muli ng mga mahihilig sa pelikulang Pilipino. Sayang nga lang at hindi na gumagawa ng pelikula ang ang gumawa ng obrang ito.

"...During the MMFF when Ate Vi won in Karma. It was a triple tie between Ate Vi, Gina Alajar and Charo Santos. JQ as one of board of jurors defended why Ate Vi should win. On the second deliberation JQ convinced one of the jurors and Ate Vi won by 1 point. JQ lambasted on his TV program the jurors in the MMFF when Ate Vi was not even nominated for her performance in Langis At Tubig. The nominees are Nora Aunor for “Bona” and “Kung Akoy IIwan Mo” and Amy Austria for Brutal. Its good that Amy won. JQ said that Ate Vi is good in langis compared to Nora in “Kung Akoy IIwan.” Obiously that was manipulated by Dean Lukresia Kasilag who was the Board Chairman that time and a certified Noranian. Kawawa talaga si Ate Vi basta involved si Kasilag lagi syang nabibiktima. Remember Rubia Serbios and Atsay. JQ always regarded Ate Vi as the real Queen of Philippine movies and a certified box Office Queen..." - Aries (READ MORE)


Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...