Thursday, January 12, 2012

Vilma’s Unforgettable Lines

Can we forget these dialogues? All of these lines are embedded in our memories. In it were the unforgettable performances in unforgettable films.

PAHIRAM NG ISANG UMAGA: “Irene…Di ko kaya ang walong buwan! Kung mamatay rin lang ako…mamatay na ako ngayon o bukas o sa linggo pero hindi ko kaya ang walong buwan!”

“Irene, ayoko ng mahabang burol kung maari kinabukasan rin ipalibing mo na ako.”

“Ayoko ko pang mamatay…paano si Chad?…hahanapin ako ng anak ko, hindi siya sanay ng wala ako…Ariel…gusto ko pang mabuhay, kahit ilang araw lang, kahit konting oras lang, kahit isang umaga lang…”

“Ariel maliwanag na ba?…anong kulay ng langit?…at ang dagat?…ang mga mangingisda nandiyan na ba?…Ariel…ang ganda ng mundo!…ang sarap mabuhay!”

IKAW AY AKIN: “Rex,,,anong gagawin mo? Ako anong gagawin ko? Ako baa ng nagpapagulo sa otherwise your perfect world?…sure? Rex ang problem ako hindi lang ako eh…si Teresita rin,,,nasasaktan ko na siya…anong gagawin ko iwasan kita eh de ako naman ang nasaktan? Shit! Bakit? Ewan…nahihiya nako kay Teresita at saka sa’yo eh!…Rex huwag mong sabihin yan, naiintindihan mo ba ako? I need your presence more than anything else. Sabi nila liberated woman raw ako, front lang, kalog raw, front din…alam mo namang kulang-kulang ako eh sinabi ko na sayo nun pa…ninenerbiyos ako kapag hindi kita kasama eh, baka dapuan ako ng kung ano diyan, bery-bery, typoid fever! Pakiramdam ko safe lang ako kapag nariyan ka eh…pag wala ka,huh, nagwawala ako parang manok takbo ng takbo wala namang ulo!…Rex, anong gagawin mo?”

Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story: “Hindi ako naniniwala…Putang…anong karapatan mong sabihin sa akin yan?! Diyos ka ba?! Ikaw ba na nagbigay ng buhay sa akin?! Sino ka ba?…Akala mo alam n’yo nang lahat ayoko nito! Akala mo alam n’yong lahat hah..Ayoko nito…ayoko nito..ayoko pang mamatay!…anong mangyayari sa mga anak ko…mga putang ina n’yo…ayoko nito!”

LANGISIS AT TUBIG: “Labanan natin siya…pupunta ako sa kanya, makikiusap, kung kailangang lumuhod, gagawin ko…isang linggo sa kanya, isang linggo sa akin…kung ayaw niya, anim na araw sa kanya, isang araw sa akin, kung ayaw pa rin niya lahat na ng araw ay sa kanya na…Bobby you gave me hope, you make me a wife, you showed me love when theres only hatred, ginawa mo ako kung ano ako ngayon, babae, ano pang hihilingin ko?”

SAAN NAGTATAGO ANG PAGIBIG: “…Si Val! Si Val! Si Val! Si Val na walang malay?! Si Val na ang tanging kasalanan ay naging anak ng mommy mo sa ibang lalaki! At nitong nasira na ang kanyang pagiisip…ay alam n’yo bang si Val pa rin ang pinanagot nila sa isang responsibilidad na dapat sana’y ikaw Rick ang nanagot!…ayan ang magaling n’yong apo, itanong n’yo sa kanya kung sinong ama ng batang binigyan ng pangalan ni Val!”

PINAY AMERICAN STYLE: “I’m PX, short for Paula Xavier, I’m a Filipina…kyontiii…I can understand Tagalog but I’m having a hard time speaking it…actually, I’m not hungry…but on the second thought, why not?”

“one-fourth Japanese, one-fourth Chinese, one-fourth Indonisian, one-fourth Filipino but I was born in Hongkong…you see my mom was a tourist in Hongkong when she met my Japanese father, my Chinese father, my Indonisian father and my Filipino father!”

TAGOS NG DUGO: “Di ko sinasadya! Di ko sinasadya!!!!”

PAKAWALAN MO AKO: “Kukunin ko ang bayad ng halik! May sukli ka pa!”

“Puta! Sige ituloy n’yo! Sabihin n’yo! Hindi lang naman kayo ang ang unang nagparatang sa akin ng ganyan. Puta! Puta! Puta! Putang-ina n’yong lahat! Putang-ina n’yong lahat! Sige! Sabihin n’yo! Isigaw n’yo! Kung sa inyo lang ay malinis ang aking konsensiya!”

SINUNGALING MONG PUSO: “hayup! Hayup!…Baboy! Mamatay kang kasama ng mga baboy mo!”

“Nababaliw ka na noh…puro kabaliwan yang nasa isip mo…hindi Jason, meron iba tayong dapat nating sundin…meron iba! Gamitin natin ang sinasabi ng isip natin, ang ipinararamdam ng kaluluwa natin, yun! Dahil madalas yun ang nagsasabi ng tama, yun ang nagsasabi ng nararapat nating gawin hindi ang puso…hindi ang puso Jason, hindi ang sinungaling mong puso…huwag kang padadala, ililgaw ka niyan…ililigaw ka dahil marunong manglinlang ang puso dahil alam ko ang tama huwag kang magpapadala…huwag kang magpapadala, hindi mababago ang katotohanang mali ang ginagawa natin, mali…”

GING: “Pagmasdan n’yo ako…ako po’y ulilang lubos…inaapi at hinahamak…kung hindi n’yo po kahahabagan ay nasaan ang katarungan?!”

KARMA: “Ganuon naman pala eh, de alam mo na may asawa na ako…bitiwan mo ako…alright wise guy, gypsy pala ako nun hah…sinabi mo rin mahilig ako sa music, dancing, siguro may favourite song ako, huwag nang yung napakalayong kahapon, baka hindi mo mabasa eh, yun na lang natapos na kahapon, twenty, twenty five years ago…ano kayang favourite song ko?”

SINASAMBA KITA: “For godsake, Nora! Magkaroon ka nga ng sarili mong identity!”

“Imposible namang lumaki ang tingin ko sa taong tinutulungan ko lang!..kungsabagay magkaiba tayo ng ina…bakit kaya pinatulan ni papa ang iyong inay?…hindi ko siya iniinsulto sinasabi ko lang sayo ang totoo…magkaiba tayong dalawa…hindi mo ako matutularan at hindi kita tutularan. Nora, ang hindi mo maabot huwag mong pagplitan abutin, wala ka pang pakpak kaya huwag ka pang lumipad ng ubod ng taas!”

PALIMOS NG PAG- IBIG: “Para kang karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain.”

“Mahal Kita at yan ay di ko kayang maihati sa iba. Pero kung ganitong niloloko mo lang ako kaya kitang palitan kahit sampung Lalaki!”

YOUNG LOVE: “I hate you…dirty…you’re dirty! I hate youuuu!…huwag n’yo nang mabangit-bangit ang pangalan nyan! Kinasusuklaman ko siya!..ngayon ko lang nakita ang kapangitan ng buhay ang akala ko masaya’t maganda na ang daigdig..”

SISTER STELLA L: “Ako ay kristyano, higit sa lahat ako ay tao. Kung nandito lamang si kristo sa ibabaw ng lupa alam kong kasama ko siya sa pakikipaglaban.”

“Kung walang kikilos sino ang kikilos, Kung hindi ngayon Kailan pa… Katarungan para kay Ka Dencio!”

ADULTERY: AIDA MACARAEG: “Huwag mo nang itanong. Baka mas masakit kung malaman natin ang sagot.”

ASAWA KO HUWAG MONG AGAWIN: “No woman can seduce a happy husband.”

YESTERDAY, TODAY AND TOMORROW: “I refuse to dignify your question. Unang-una hindi ka nagtatanong, Nagbibintang ka.”


“Ang asawa ang karugtong ng buhay, kasiping sa kama.”

ANAK: “Sana tuwing umiinom ka ng alak…habang hinihitit mo ang sigarilyo mo at habang nilulustay mo ang perang pinapadala ko! Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin para lang makapagpadala ako ng malaking pera rito. Sana habang nakahiga ka diyan sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin kung ilang taon akong natulog mag-isa nabang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko. Sana maisip mo kahit kaunti kung gaano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi ko kaanoano samantalang kayo, kayong mga anak ko hindi ko man lang maalagaan. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon sa isang ina? Alam mo bang gaano kasakit iyon? Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina. Respetuhin mo man lang ako bilang isang tao. Yung lang Carla…yun man lang.”

“Hindi ako nagpakahirap sa Hongkong para lang mauwi tayo sa Ganito. At ang mga kasama mo mga mukhang ADDICT.” “Bakit pag ang lalake ang nagbigay ng damit, pagkain sasabihin ng mga tao “Aba mabuti siyang ama” pero pag ang babae, kasama na pati pusot kaluluwa hindi pa rin sapat.”

T-BIRD AT AKO: “Sira ka ba? Babae ka, babae ako!”

“Putik nga ito! kahit ganito ako, nagsisimba ako kahit paano, ang sabi ng nasa itaas, ang sala sa lamig, sala sa Init iniluluwa ng langit, isinusuka ng diyos!”

“Ano ba naman ito, katawan lang ito…konting tubig konting sabon wala na…tapusin na natin ang kaso, pagkatapos sabihin mo kung kalian, saan…darating ako, ang katawan ko!”

“Hindi naman ako ipokrita, kung tomboy ka bakla ka, ok lang sa akin yon…pareho rin yon eh, tao rin yon, kung saan sila maligaya duon sila…huwag nating pakialamanan. Alam mo kung nuong una sinabi na niya sa akin kung ano siya, hindi na kami nagkaganito eh, akala ko kaseh tutoong tao siya…”

PAANO BA ANG MANGARAP: “Dinaya n’yo ako! Saan n’yo dinala ang anak ko?.. Hindi mo alam…Sinungaling!… Kasabwat ka ng ina mo! Alam ko matagal n’yo nang plano ito!… Dinaya n’yo ako! Mga Traydor Kayo! Traydor kayong lahat!… Wala akong pakialam! Ibalik mo sa akin si Jun Jun! Ibalik mo sa akin ang anak ko! Ibalik mo sa akin si Jun Jun! Ibalik mo sa akin…”

BURLESK QUEEN: “Kung Inutil kayo, Di Inutil kayo. Wala naman tayong magagawa kung yan ang gusto ng Diyos para sa inyo.”

BATA, BATA PAANO KA GINAWA: “Sister nain-love ka na ba. Hindi yong Love kay Kristo ha, yong love na may sex. Wala akong Ginagawang mali!”

“Namputang Itlog yan, gawing mong manok!”

MANO PO 3: MY LOVE: “Pinuntahan n’yo ako rito para awayin?…silang dalawa,,,mahal ko silang dalawa, bago ko pa man naging boyfriend si Michael, naging asawa si Paul, magkakasama na kami, kaya mahal ko silang dalawa, mahirap bang intindihin ‘yon?…walang batas na nagsasabing bawal magmahal ng dalawa….”

“Aalis ka rin ba, Judith? Naiintindihan mo ba kung para saan yung ginawa nila?…sanay akong tinatalikuran at iniiwanan. Alam mo bang yan ang istorya ng buhay ko.”

RELASYON: “Emil, Emil, Diyos ko anong gagawin ko? Emil! Mommy Patay na si Emil.”

“Ang hirap dito sa relasyon natin, puro ikaw ang nasusunod, kung saan tayo pupunta, kung anong oras tayo aalis, kung anong kakainin natin, kung anong isusuot ko sa lahat ng oras, ako naman sunod ng sunod parang torpeng tango ng tango yes master yes master!”

“Ano ba ako rito istatwa? Eh dinadaan daanan mo na lang ako ah, hindi mo na ako kinakausap hindi mo na ako binabati hindi mo na ako hinahalikan ah…namputsang buhay ‘to. Ako ba may nagawa akong kasalanan hah? Dahil ang alam ko sa relationship, give and take. Pero etong atin, iba eh! Ako give ng give ikaw take ng take! Ilang taon na ba tayong nagsasama? Oo, binigyan mo nga ako ng singsing nuong umpisa natin, pero pagkatapos nuon ano? Wala na! Ni-siopao hindi mo ako binigyan eh dumating ka sa bahay na ito ni butong pakwan hindi mo ako napasalubungan sa akin eh kaya kung tiisin lahat pero sobra na eh…hindi naman malaki hinihingi ko sayo eh konti lang… alam ko kerida lang ako…pero pahingi naman ng konting pagmamahal…kung ayaw mo ng pagmamahal, atleast konsiderasyon man lang. Kung di mo kayang mahalin bilang isang tunay na asawa, de mahalin mo ako bilang isang kaibigan, Kung ayaw mo pa rin nun bigyan mo na lang ako ng respeto bilang isang tao hindi yung dadaan daanan mo lang sa harapan na para kang walang nakikita!”

ALYAS BABY TSINA: “Kung ano ang kinatatayuan ko, Yon ang teritoryo ko.”

BROKEN MARRIAGE: “May mga anak ako, Nagtratrabaho ako, Nag-aaral ako tapos lagi pa kaming nag-aaway na mag-asawa. So tense, Minsan gusto ko ng tumalon sa bintana.”

“Bakit nababawasan din naman ang pagkatao ko kapag sinisigawan mo ako.”

”Nawawala din naman ang pagkababae ko pag sinisigawan mo ako ah! Huwag mo kong duduruin.”

“Ang marriage trinatrabaho yan…twenty four hours…”

GAANO KADALAS ANG MINSAN: “If he goes, you go, if he dies…dalawa na kayong nawala sa buhay ko.”

Dekada 70: “Buong buhay ko yan na lang lagi ang sinasabi nila sa akin…wala kang magagawa eto ang gusto ng asawa mo…wala kang magagawa eto ang kapalaran mo…wala kang magagaw dahil dapat…putris naman, dapat hindi ganuo…tapos sasabihin ng daddy n’yo hindi lang ang anak ko ang pinatay hindi lang ang anak ko ang dinukot…lolo akong nanggigigil, lalo akong nagagalit dahil kung nanay ka talaga, hindi ka lang dapat nanganganak kundi naiapaglaban mo rin ang anak mo dapat kaya mong pumatay para sa anak mo…gusto ko lang malaman bakit nila pinatay ang anak ko…hindi masamang tao ang anak ko, kahit sa oras na ito humarap ako sa diyos kahit sa dimonyo hindi masamang tao ang anak ko…hindi masamang tao ang anak ko!”

“You could stop being proud of me! Nagsawa na ako sa ganuon, gusto ko naman ngayon ako mismo just for a change, maging proud sa sarili ko!”

LIPAD DARNA LIPAD: “Ding, ang bato dali….DARNA!”

KAPAG LANGIT ANG HUMATOL: “Akin pa rin ang huling halakhak akin Ha Ha Ha Ha Ha Ha HA HA”

REGALO: “Bakit ang mga anak pag nawalan ng magulang ang tawag sa kanila ulila, ang magasawa kapag nawala ang asawa nila ang tawag sa kanila balo…bakit kapag ang isang ina nawalan ng anak walang tawag sa kanila?” - RV, Aries Roll-on, Franco Gabriel, V magazine, Issue No. 7, 2006

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...