Showing posts with label Mario Bautista. Show all posts
Showing posts with label Mario Bautista. Show all posts

Friday, March 11, 2022

Kuya Mario's Prerogative

Isang babaeng nakasakay namin sa dyip ang nakakilala sa amin at nagsabi: "O, ngayong tapos na ang Star Awards, siguro, isusulat mo na kung sino ang binoto mong best actress. Sinabi mo 'yan sa column mo." O, siya, Gigi (sorry, I forgot your last name), heto na 'yon. Personally, we voted for Vilma Santos (na siya ring nagwagi sa "Movie Magazine" and we have a feeling, siya ring magwawagi sa darating na Urian Awards on March 31). Magaling si Nora Aunor sa "Bilangin" and we believe na ang hindi niya pagkakanominate man lang sa Catholic Awards is a big oversight on their part. Sa gagawin naming paliwanag for our choice, we don't expect na maimpluwensiyahan ang diehard Nora fans dahil kapag fan mentality ang pinairal, no amount of rational explanation will do to change their opinion.


Pero kami, napatunayan na naming wala kaming ganyang kaisipan noong maging nominado si Vi for "Tagos ng Dugo" and we cited our reasons why we favor Lorna Tolentino in "Maging Akin Ka Lamang" over her. To the untained eye, very impressive si Guy sa "Bilangin" dahil ang performance niya is mainly a series of big highly emotional scenes that call for confrontations with Tirso Cruz III, Gloria Romero, Miguel Rodriguez and Ana Margarita. This is the kind of acting that call for grand, tour-de-force manner of emoting, with glaring eyes, flaring nostrils, quevering voice and all. Sabi nga, the works. All stops are pulled to really impress the audience n "Hoy, this is good acting and you should correspondingly be properly impressed." To Nora's credit, she relies entirely on her instincts and this works as Elwood Perez has never been known as an actor's director and Nora naman is the kind of actress na even when she is left to her own resources, still manages to come up with an arresting performance, no matter how florid.


Sa kaso ng pagkakaganap ni Vilma as Juliet in "Pahiram," it is a credit not only to the actress but also the director. Vi's innate talent shines, pero alam mong malaki ang naitulong sa kanya ni Bernal to further hone it and polish it and make it truly oustanding in the totality of its effect. Makikita ito sa succession pa lang ng opening sequences. Nagsimula ang movie na masayang masaya ang tono nito, with Vi rambunctiously singing "Material Girl" sa kanilang Christmas Party, without a trace of the impending tragedy that she will face. Then she goes to the CR, starts to feel bad, and after that ay nalaman na niyang mgay cancer siya't may taning na ang buhay niya. Vi is not shown vehemently reacting to this. Instead, ipinakita lang siyang tahimik na naglalakad, her shoulders hunched na tila ba nasa mga balikat niya ang daigdig. She then attends this family reunion sa parents niya, which ends in disaster dahil inaway lang siya ng ate niyang si Dexter Doria. Wala pa ring reaction dito si Vi kahit nilait siya ng mga kamag-anak niya.


Sa susunod na scene, nagwawala ang anak niya si Billy Joe dahil lumayas ang yaya nito't ayaw nitong pumasok sa school. Vi goes to the kitchen to prepare breakfast at habang nagbabati siya ng itlog, doon pa lang ipinakitang una siyang nag-breakdown. And this is shown nang nakatalikod siya sa camera. No overtly ornate kind of emoting na akting na akting ang dating. Pero damang-dama mo pa rin (if you're a trully perceptive, sensitive viewer) ang mga emotions the character goes through dahil sa buildup nito. This is apparent in various other scenes in the film. Bale ba, ang estilo rito ni Vi ay hindi 'yung trying to ingratiate herself with the audience to please them, which she is went to do in the past. Dito, basta she becomes the part (lalo na sa eksena nila ni Gabbly Concepcion sa simbahan na binalikan nila kung paano sila nagkasira), and if you notice that she is good, well salamat po. Sa second viewing ng movie naming lalong napansin ang subtle nuances ng performance ni Vi, up to her death scene which confirms our supposition that the movie is not really so much about death than a celebration of life, what with all the panoramic shots showing the beauty of nature and the world around us, na enough reason for anyone to want to survive.

So...'yan ang opinion namin. You may agree or disagree but tha is our prerogative kaya you may take it or leave it. - Mario E. Bautista, People's Tonight, 1990

About Mario E. Bautista, is a respectable and popular film critic and columnist in the Philippines. He regularly write articles for People's Journal, Malaya, Pinoy Gazette and his own entertainement website, Showbiz Portal

Sunday, February 17, 2019

Vilma On The Go


Aminado si Vilma Santos na ang 1982 ay naging banner year para sa kanya. Bago pumasok ang taon ay napili siyang best actress sa Metro Manila Filmfest dahil sa pagkakaganap niya sa Karma. Kalahatian ng taon ay nahirang naman siyang Famas best actress para sa performance niya sa Pakawalan Mo Ako. At bago natapos ang taon ay nagwagi siya bilang unang best actress ng Let's Talk Movies for her body of work sa mga pelikulang Relasyon, Sinasamba Kita, Never Ever Say Goodbye, T-Bird at Ako at Gaano Kadalas Ang Minsan? And very recently, tinanghal din siyang box office actress of 1982 sa kauna-unahang Cinehan Awards na ipinamigay ng Metro Manila Theatres Association. Ito'y dahil sa katotohanang ang mga pelikula niyang Sinasamba Kita at Gaano Kadalas ang Minsan? ang siyang biggest blockbusters of the year.

Maulit kaya ang winning streak na ito ni Vi ngayong 1983? Isang matamis na ngiti ang agad na isinukli ni Vi sa aming tanong. "Sana," aniya. "Kung patuloy na susuportahan ng publiko ang mga pelikula ko." From all indications, hindi malayong maulit sa taong ito ang mga tagumpay na natamo niya noong kalilipas na taon. Katatapos lamang niya gawin sa Amerika ang Ayaw Kong Maging Kerida with erstwhile beau, Romeo Vasquez. Hindi matatawaran ang naging resulta sa takilya ng mga una nilang pagtatambal sa Nag-aapoy na Damdamin at Isang Pugad, Dalawang Ibon kaya't malamang na muling tangkilikin ng madla ang muli nilang pagpapareha. Sinimulan na niya ang shooting ng Broken Marriage para sa Regal at ng Paano Ba Ang Mangarap? para sa Viva. Dito, ang makakatambal naman niya ay ang perennial box-office mate niyang si Christopher de Leon. With such project in hand, how can she afford to lose? Then, there's the project Director Mike de Leon has planned for her. Hindi na ito ang Sister Stella L na tungkol sa isang rebeldeng madre.

Na-shelve na iyon dahil sa inaasahang magiging problema sa censors. Mike now wants her to do a romance-drama and we heard na baka sa bakuran din ng Viva gawin ang proyektong ito. Sa mga pelikulang nagawa niya recently at maging sa mga susunod pa niyang projects, nalilinya si Vi sa roles ng "the other woman." A lot of people says it's the kind of role she does best. Ano kaya ang opinyon tungkol dito? "Tutoong I've played the role of the other woman several times na," tugon niya. "But it's portrayed not in the usual way na nang-aagaw ako ng asawa kundi in a more sympathetic, understanding manner. Ang ikinatutuwa ko nga is the fact that the public has learned to accept me doing all sort of roles, like the mature roles na ginagawa ko ngayon. Even the sexy scences I did in some of my films. Kung hindi nila tinanggap ang transition ko from being a mere movie star to a serious actress tackling more demanding roles, I doubt very much kung nandito pa rin ako hanggang ngayon. They've been very kind to me and for that, it's only proper that I should be grateful." Kumusta naman ang current trip niya sa states? "Well, it was very fulfilling.

Talagang balak kong pumunta roon before the year ended para magbakasyon nga at tuloy dalawin ang mama ko at ang sister kong si Winnie. It so happened na nataon naman ang offer sa 'kin ni Atty. Laxa to do a movie there kaya't magkasamang pleasure at trabaho ang pagpunta ko roon." Bakit na-delay ang kanyang pag-uwi? "We're supposed to stay there sana talaga for fifteen days lang. Kaso mo, bumagyo naman habang nandoon kami. Imagine, ang tagal-tagal hindi bumabayo sa Los Angeles, tapos, nataon pang nandoon kami saka dumating ang ulan. So we had to stop shooting until the weather cleared up. In a way, talagang we took out time na rin. Nandoon na rin ako so I decided to spend Christmas with my mom. Matagal din kaming hindi nagkasama kaya missed na missed ko na silang talaga. Ang cute-cute ng second baby ni Winnie at buntis na na naman siya ngayon. Pangatlo na nila ni Bong! And they look very happy. Si Bong works at MacDonal's while Winnie stays at home and attends to their kids." Masayang-masaya raw ang kanyang pasko sa L.A. pero iisang bagay lamang ang talagang labis niyang ikinalungkot. At ito'y ang absence ng tanging anak niyang si Lucky sa kanyang tabi sa pagsapit ng kapaskuhan.

"Talagang-talagang hindi ko na ulit iiwan si Lucky kapag umalis uli ako," aniya. "Akala ko kasi, sandali lang kami. Pero inabot ng one month and one week. There were times na gusto kong biglang umuwi para makita lang siya. Kaya lang, kailangang tapusin ang commitments ko roon. And what made me worry less is the fact that Lucky is with his father. Alam kong hindi siya pababayaan ni Edu and he's in good hands. Pagkataon din naman npara magkasama silang mag-ama nang matagal-tagal. But the first thing I did pagdating ko rito e ipatawag agad siya." Kumusta naman ang mga kasama niya sa Ayaw Kong Maging Kerida? "Okey si Carmi (Martin). Masarap siyang kasama. Maging si Direk Leonardo Garcia. Ilang beses na rin naman kaming nagkasama sa pelikula. Walang hassles sa shooting. Even the Filipinos there were all very cooperative." And...how about Bobby Vasquez? Did sparks fly sa muli nilang pagkikita as some quarters predicted? Was there any talk about reconciliation? Napatawa agad si Vi as if she was expecting the question. "Bobby is an old friend," and take note sa emphasis niya sa salitang "friend." "We're happy to see each other again at wala kaming naging problema sa trabaho.

But everything is strictly work na lang. We did go out once as a group. We're caual friends na ngayon." Vi admits that Bobby is slimmer now and is even more attractive than before, pero isa na nga naman siyang taong may asawa't anak at ang priority na laging laman ng isip niya ay si Lucky. Malakas daw ang ugong na baka siya ang manalo sa Urian at Academy Awards dahil sa performance niya sa Relasyon. Ano ang reaksiyon niya rito? "Naku, ha," napapatawa niyang pahayag. "Ayoko nang ganyan. Mahirap ang umasa. I admit, matagal ko nang gustong manalo ng Urian and it's indeed a great honor to win sa Academy Awards dahil it's a recognition from your peers. Kung darating, okey lang. Pero ayokong umasa, mahirap masaktan, e. Basta all I can say is lalo kong pagbubutihin ang aking pag-arte sa mga pelikulang gagawin ko this year. Buti 'yung may panlaban ka taun-taon, di ba?" - Mario E. Bautista, Movie Flash Magazine, February 17, 1983, reposted by James DR, Pelikula Atbp, 25 May 2017 (READ MORE)

Saturday, December 22, 2012

In Appreciation of Movie Writers


Cleo Cruz

"...Pero sa totoo lang, sa kanilang tatlo, si Cleo Cruz lang ang masasabi kong trusted at loyal kay Vi dahil si Cleo ay hindi nagsusulat ng mga negative write-ups kay Vi. Si Cleo ay asawa ng isa ring writer/reporter na si Chito Mimije (isa rin sa mga tagapagtanggol ni Vi). Nang pumanaw si Chito ay nangibang bansa na lang si Cleo at iniwan na ang Pilipinas..." - Alfonso Valencia (READ MORE)

"...I think mommy Cleo, as Ate Vi calls her, is in Los Angeles. I read an article that Mario Bautista wrote a few years ago that he attended a wedding in Los Angeles and Cleo Cruz was there. If I am not mistaken she still gets in touch with mommy Santos in Los Angeles. Cleo Cruz was married to the late brother of the movie scribe Chit Ramos. Cleo was the P.R.O. of Ate Vi in the 70’s and 80’s. I remember reading her column Vilma Variety in Bulaklak at Paru-Paro Magazine. The column for Ms. Aunor was written by Baby K. Jimenez. There was a time when Cleo Cruz and Baby K. Jimenez had a series of heated argument in their columns on who is the real queen of the Philippine movies. It stemmed from the fact that at that time Ate Vi was being called as the Takilya Queen by the press. Now we know who is the real and longest reigning queen Vilma!..." - Fr. J Gutierrez (READ MORE)

Babette Villaruel

"...Sosyal! Si Babette naman ay nagkaroon ng Sunday noontime show sa Channel 13, kasama si OMB Chairman Edu Manzano na pinamagatang Sunday Special Iba Ito. Sino ang makakalimot sa kanyang portion na may pamagat na "Say, Say, Say" sa nasabing programa na tuwing papatugtugin ito ay kinakalog niya ang ulo niya. Si Babette ay best friend ni German Moreno at noong nagkaroon sila ng hidwaan ay palaging sinasabi ni Babette na nagtitirik siya ng kandilang itim. Pero bago pumanaw si Babette ay nagkabati din sila ni Kuya Germs. Nasaan na kaya ang mga koleksiyones niya na "PH" ng mga artistang lalaki? Samantala, ang kontrobersiyal talent manager na si Alfie ay nagkaroon ng radio program sa DZBB na pinamagatang "What Is All About Alfie?" Nagkaroon din siya ng mga tv talk shows katulad ng Rumors, Facts & Humor kasama si Janice Jurado, Troika kasama sina Oskee Salazar at Billy Balbastro at yung isa ding tv talk show sa ABS CBN 2 kasama sina Edu Manzano at Cristy Fermin na katapat ng Startalk sa GMA 7..." - Alfonso Valencia (READ MORE)

"...I am thinking, what could be more “kabastusan” than showing a funeral cortege as a PIP ( Picture in Picture) in a noontime game show, full of gyrating dancers and contestants jumping and up and down, audience cheering and clapping? What was ABS-CBN’s motivation to do this? I can only think of one reason; TV rating - hitting two birds with one stone, so that viewers need not switch channels. In short, you’re “entertained” by both events by a single channel. I am reminded of a light hearted statement made by the late movie reporter Babette Villaruel when asked about the funeral of his deceased father “ Okay naman ho. Successful naman yung burol niya”. Clearly, he was adding a showbiz twist to the event, in levity of course...." - BW (READ MORE)

"...Catch a flashback of an evening of confidences written for a column on Jan. 5, 1989. It was an interesting mix to start with. Babette Villaruel, Mama Monchang, Bong de Leon and Mar Cornes hugging a corner of that magnificent garden at Forbes Park. We have come a long way, baby, since that time we all enjoyed the highlights of Aling Maring's merienda at El Oro. But the elegant domain in this conclave of the rich is owned by banker Danny Dolor, a friend of Ronald Constantino, whose birthday was the reason for that evening of fun. It also turned out to be an evening of confidential declaration. June Torrejon, who has dropped Rufino from her name, was happy to note that her children will not have a half-brother or sister since Nena V. disclosed that during a religious confrontation, the real father came out in a confession while he was getting married to another one. If you find this had to follow, so do I. But the most incredible things happen in showbiz and this is one of those. "It was an answer from above," June said. "He knows how to take care of his children." The talk that night also centered on other separations, like that of Inday Badiday and Gene Palomo and as usual with such embellishment to make light of the situation...

...Vilma Santos, looking as stunningly beautiful as you see her on TV, sat at our table. Which turned the talk now to Edu Manzano and current love Maricel Soriano. Details were again embellished, some outrageously so just for fun. Maricel is a great cook, someone said looking at Vi, now the butt of all jokes. "Perhaps he left because you never cooked for him!" "But I don't know how to cook!" Vilma laughed. But I learned some recipes from my mother-in-law." Our table decided to form the Edu-Vilma movement with Edu's mom Mrs. Manzano as president and June as vice president. Vilma is their favorite but Vilma herself just flashed her Mona Lisa smile. Danny Dolor's home sits on top of a knoll this side of Forbes. It is one of those houses with an open façade, giving it a more welcoming atmosphere than the usual high walls. At our corner table, gossip was the main menu. June consulted her lawyer to sue a starlet saying nasty things in print about her when the starlet became close to Randy Rufino. Vilma was the only actress at our table of movie writers which included Bibsy Carballo, Romy Vitug, Ethel Ramos, Letty Celi, Nena V. , Ricky Lo, Nestor Cuartero and Babette. "Oh Vi, don't write about this, ha!" Now: March 26, 2010: Vilma is happily married to Ralph Recto who is running for the Senate. She is the very popular governor of Batangas. Her son with Edu, Lucky Manzano, is now a popular actor and TV host. Edu, who has moved on to other loves after Maricel, has become a popular TV host. He is running for vice president of the Philippines under the administration party. Babette Villaruel, Nena V. , Mar Cornes and Mama Monchang are dead. June and Randy are now friends but still separated..." - The Philippine Star (READ MORE)

Alfie Lorenzo

"...Alfie interviewed Nora who professed her still lingering passion for Manny de Leon. Again it was duly reported by Alfie. Again he was belied, this time by Nora Aunor. This twin denials did not deter Alfie from pursuing a more rabid reporting stance. Now with the Vilma-Bobot group, he would rake coals and embers and fan the escalating Nora-Vilma war. Gradually the Nora-Vilma fight settled into a more subdued form of rivalry. From proing for movie stars, Alfie Lorenzo teamed up with the members of what would eventually be the Laperal Mafia and the Ligaya Brotherhood (or Sisterhood, whichever the case maybe) and went into proing for movie companies - Sine Pilipino, Juan de la Cruz, Lyra Ventures - moving into Regal where he is more or less a fixture. Before latching on to these companies, Alfie and Douglas ventured into movie production coordinating for a freelance producer and came up with forgettable movie called, "Wild, Wild Pussycat." "Lahat kaming malas nagsama-sama sa Sine Pilipino. Elwood directed "Blue Boy," flop. Joey directed for Tower, flop, buti na lang kumuwela si Vilma." remembers Alfie. At Sine Pilipino, Vilma Santos finally made the big leap to superstardom then held solely by the dark girl from Iriga. With a couple of hits which raked in the box-office, Sine Pilipino was able to establish the careers of Joey Gosiengfiao, Elwood Perez, and even when Sine Pilipino went under because of what has been reported as faulty management, Alfie managed to breast the waves of bankruptcy and the board of censors' ire to stay in business as a movie writer-pro-columnist-manager. At Lyra Ventures, Alfie was part of the project-makers of "Uhaw" parts I and II, the scenes of which caused a turnover in the board of censors. Today, Alfie Lorenzo's cheek and guts have taken him around the world in pursuit of his own star. Managing of being pro for stars like Vilma Santos, Charito Solis, Al Tantay, Cherie Gil, Mark Gil and Dante Rivero has made Alfie more or less an indispensable fixture in the movie scene..." - TV Times, 27 April - May 3 1980


"...Noong dekada '80 ay naging manager si Alfie ng Liberty Boys na kinabibilangan nina Rey "PJ" Abellana, Edgar Mande at Lito Pimentel to name a few. Liberty Boys ang itinawag sa kanila dahil nakatira sila sa Liberty Avenue, Murphy, Cubao, Quezon City. Si PJ ay naging manugang ni Ms. Delia Razon at ang anak niya ay si Carla Abellana, ang Rosalinda. Si Edgar naman ay nakasama ni Vi sa pelikulang Relaks Ka Lang Sagot Kita samantalang si Lito ay nakasama ni Vi sa mga pelikulang Broken Marriage at Tagos Ng Dugo. Sa mga Liberty Boys, tanging si Lito lang nagkaroon ng acting award. Siya ang best supporting actor ng Urian noong 1988 para sa pelikulang Kapag Napagod Ang Puso. Noong huling bahagi ng dekada '80 na nauso ang mga musical variety show katulad ng The Sharon Cuneta Show ni Sharon Cuneta, Maria Maria ni Maricel Soriano, Always Snooky ni Snooky Serna, Loveliness ni Alma Moreno, Superstar ni Nora Aunor, Tonight with Dick & Carmi nina Roderick Paulate at Carmi Martin at Vilma ni Vilma Santos ay naging PRO si Alfie ng Loveliness. Nang mga panahong ito ay galit na galit si Alfie sa executive producer ng Vilma Show na si Chit Guerrero. Pati si Vilma ay nadadamay sa mga galit niya kay Chit. Talagang personal na ang banat niya kay Vilma. Posible kayang ang dahilan ng galit niya eh dahil hindi man lang makaangat ang Loveliness sa Vilma Show sa dami ng commercials, production numbers, guests at higit sa lahat ay rating? Ang Vilma Show ay palaging numero uno, walang makaabante maging ang sinasabi nilang longest-running musical variety show na Superstar. Si Vilma ang highest paid tv star at ang Vilma Show ang tinaguriang Central Bank ng GMA 7..." - Alfonso Valencia (READ MORE)

"...Apparently, the two haven’t been on speaking terms ever since Vilma supposedly failed to meet up with him in New York while she was shooting the movie In My Life last summer. The controversial talent manager wrote at least two angry blog posts about Vilma having forgotten their friendship (plus loads of shocking allegations) which, he claimed, dates all the way back to the ‘70s. Despite the malicious remarks in the articles, Vilma kept her silence on the issue, stating that she and Alfie would surely mend their differences when the right time comes. “Hindi, si Alfie, aminin naman natin…nung bata ako kasama ko naman ‘yan, sa totoo lang. It’s just a matter of miscommunication...True to the title of her special A Woman of All Seasons, Vilma refused to take offense and kept her side open for reconciliation with the ever-feisty talent manager. “Naiintindihan ko si Alfie. Baka hinanap niya yung nagtravel kami nila Manay Ethel (Ramos) sa Amsterdam, Pinay American Style… Hindi lang siguro na-ano ni Alfie. But still, sa pinagsamahan namin, sinabi ko sa mga Vilmanians, ‘Huwag kayo sasagot. ‘Pag ako may narinig sa inyo...’ Kasi that's out of respect for Alfie. ‘Kahit pinakagrabe na yung tinira ako talaga, walang sasagot.’ Kahit yung [fans ko na] taga-New York [hindi na nagsalita tungkol dun]. Nagtampo lang yun (Alfie),” she graciously stated..." - Rachelle Siazon (READ MORE)

Ricky Lo

"...Ricardo F. Lo, the very first movie writer who interviewed me when I was 12 pa lang yata and who even paid the fare for the taxi that he, my mom and I took to the Manila Times building on Florentino Torres St. in Sta. Cruz, Manila, where we did the cover pictorial for Variety, one of the paper’s Sunday magazines..." - Ricky Lo, The Philippine Star, October 31, 2010 (READ MORE)

"...Ricardo F. Lo, more popularly known as Ricky Lo, is an entertainment writer, showbiz commentator from the Philippines. He is of Chinese descent. He was born on April 21. He is a native of Las Navas, Northern Samar, where he finished grade school. He finished high school at the bilingual Tabaco Pei Ching School in Tabaco, Albay, and took up AB English at the University of the East. From 1969 to 1972, Ricky worked as editorial assistant of Variety magazine, the Sunday supplement of the old Manila Times where he started his Funfare column. After this, he joined the Philippine Daily Express first as staff writer of its Express Week magazine and then as deskman of The Evening Express and eventually its main broadsheet. He later went on to work as editorial assistant for its Sunday magazine, Weekend, until 1986. Lo did stint as entertainment editor- first at The Manila Times and then at The Manila Chronicle and currently at The Philippine Star where he also writes his revived FunFare column and his regular Sunday feature, Conversations with Ricky Lo. Ricky is the author of Star-Studded, the first compilation of his articles on movie stars, which he released in 1995. Another book, Conversations with Ricky Lo was released in 2001. The book bear Lo’s trademark sensitive, intelligent and penetrating style of handling interviews..." - Wikipedia (READ MORE)

Mario Bautista

"...I started my professional career in Channel 5, the carrier station of the Manila Times, in 1965. I was with the film programming department. We got to screen old movies, both local and foreign before it was aired on shows like "Million Dollar Movies", "Sinagtala" and "Bahaghari". I also helped in the production of some TV shows, like "Magmahal ay Langit", then directed by Celso Ad. Castillo, and "Pamilya Kontra-Partido", a sitcom. The station was closed down by martial law in September of 1972. During that time, I was already the head of the film programming department. In 1976, I was invited to write film reviews for "TV Guide", edited by Rod Reyes. I was invited to be a member of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino that gave out the Urian Awards. Newspapers then invited me to write entertainment columns and reviews for them, including "People's Tonite", "People's Journal", "Times Journal", and "The Philippines' Daily Express". Later, I also wrote columns for "Ang Masa", "The Manila Chronicle", and "The Manila Bulletin". I likewise had regular columns for several magazines, including Jingle Extra Hot, Movie Flash, Intrigue, Expose, Fame, Hot Copy, Parade, People's, and others. On TV, I was a co-host of Armida Siguion Reyna and Behn Cervantes in "Let's Talk Movies" and did film reviews on air for "The Big, Big Show". In 1985, I became a member of the Philippine Movie Press Club that gave out the Star Awards for Movies. In 1987, I was instrumental in putting up the Star Awards for Television. When the Manila Times resumed publication in 1999, I was invited by then publisher Katrina Legarda to be its entertainment editor. I now write regular columns for People's Journal and Malaya, and for the Japanese based fortnightly, Pinoy Gazette..." - Showbiz Portal (READ MORE)

Monday, February 13, 2012

THE TEN BEST FILMS OF VILMA SANTOS (Videos)

Sa history ng pelikulang lokal, sadyang namumukod-tangi si VILMA SANTOS dahil hindi lang sa larangan ng pag-arte siya nagtagumpay kundi pati na rin sa pulitika. Pagkatapos ng siyam na taong paglilingkod bilang mayor ng Lipa City, tinanghal naman siyang governor ng buong lalawigan ng Batangas. Nagsimula si Ate Vi bilang child actress noong 1963 sa pelikulang Tudis Liit ng Sampaguita Pictures nang siya ay siyam na taong gulang lamang. Nakipagtagisan siya ng talino sa dalawang batikang aktres nang panahong iyon, sina Gloria Romero at Lolita Rodriguez. Naging positibo ang reception ng publiko kay Ate Vi kaya naman nagkasunod-sunod ang movies niya as a child actress. Sa kanyang makumpletong filmography, makikita ninyong walang patlang ang paggawa ni Ate Vi ng pelikula. Hindi siya nagaya sa ibang child stars na sa transition from childhood to adolescence ay nawala sa eksena at tuluyang nagretiro, o kaya’y bumalik na lang noong teenager na sila. Noong naging 16 years old si Ate Vi in 1970, she became a teen idol and made a staggering total of 27 movies for one year alone. Malayung-malayo nga sa mga artista ngayon na isa o dalawang pelikula lang ang nagagawa taun-taon. She was truly in demand then! And to think may regular TV show pa siya at that time sa ABS CBN, ang D’ Senations na later on ay isinapelikula rin.

HINDI MADALING GAWIN - Ang assignment namin dito ay itala ang ten best films na nagawa ni Ate Vi at, sa totoo lang, hindi madaling gawin ito dahil nga napakarami niyang nagawang magagandang pelikula through the years. As a child star, pinakagusto namin ang kanyang Ging sa Premiere Productions. Street urchin siya ritong anak ng lumpong si Olivia Cenizal na natuklasan sa movies at sumikat bilang child star. Sa teenage phase ng kanyang career, ang most memorable movies niya for us ay ang Renee Rose (gumanap siya bilang isang sikat na artistang may mahigpit na stage mother, played by Lilia Dizon, at dahil dito ay nalaktawan niya ang kanyang kabataan and she often behaves like a child), Inspiration (directed by the late Ishmael Bernal, this is a well-written teen romance at ang nakatambal niya ay ang yumaong Jay Ilagan), Takbo, Vilma, Dali (this is and effective suspense-thriller directed by the late Joey Gosiengfaiao and Vilma played a witness to a crime na hinahabol ng killer), Dama de Noche (dito niya napanalunan ang first Famas best actress award niya and she is totally convincing in a dual role bilang magkapatid na kambal na ang isa ay mabait at ang isa ay baliw), Lipad, Darna, Lipad (this is her first Darna movie, a trilogy na naging blockbuster hit and established her as a top box office actress), Nakakahiya? (this is about a scandalous May-December romance na ang kapareha niya ay ang nasirang Eddie Rodriguez na pwede na niyang maging ama, naging big hit ito kaya nagkaroon pa ng sequel na Hindi Nakakahiya), at Tag-ulan Sa Tag-araw (directed by Celso Ad Castillo, ang first movie nila ni Christopher de Leon tungkol sa magpinsang-buo na umibig sa isa’t isa).

Natitiyak naming kayo ay may sariling paborito sa mga pelikulang ginawa ni Ate Vi. Tiyak na marami ring may gusto sa Pagputi Ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak (a love story about a rebel, Bembol Roco, and a violinist, Ate Vi, na siya mismo ang nag-produce sa kanyang VS Films at dinirek ni Celso Ad Castillo), Rubia Servios (dito siya unang dinirek ni Lino Brocka and she played a rape victim who later gets to kill her rapist, Philipp Salvador), Tagos Ng Dugo (isa siyang serial killer dito, directed by Maryo J. de los Reyes), Kapag Langit Ang Humatol (a well-told komiks melodrama directed by Laurice Guillen), Anak (she played an OFW na may gap sa anak niyang si Claudine Barretto, directed by Rory Quintos), Bata-Bata Paano Ka Ginawa? (adapted from Lualhati Bautista’s award-winning novel, she played a liberal single mother who asserts herself, directed by Chito Roño) and Dekada ’70 (again adapted from a Lualhati Bautista novel and directed by Chito Roño, tungkol ito sa isang ina noong panahon ng martial law). Our personal choices - Para sa amin, ang aming personal choices are the following:

1. SISTER STELLA L (1984) - Mula kay Mother Lily Monteverde ng Regal Films, ito ang most socially relevant film na ginawa ni Ate Vi, masterfully directed by Mike de Leon, written by Ricky Lee. Hinakot nito ang karamihan sa tropeo ng Urian Awards for that year, including best picture, best actress for Ate Vi, best actor for Jay Ilagan, best supporting actress for Laurice Guillen, and best supporting actor for Tony Santos, Sr. Si Vilma ang gumaganap bilang title-roler, isang apolitical nun na ang dating boyfirend ay naging isang journalist (Jay) na tumutulong sa mga inaaping manggagawa sa pangunguna ng labor leader na si Ka Dencio (Tony). Ang kapwa niya madreng si Sister Stella B. (Laurice) ang nagpakita sa kanya kung paano sila magiging mas makabuluhan by serving the people’s struggle for social justice. Ipinakita ritong dapat tayong makisangkot sa mga suliranin ng lipunan para magkaroon ng mabuting pagbabago sa sistema. Hindi pwedeng neutral ka lang na ayaw ma-involve. Kahit na nga member ka ng religious community, dapat ding makisangkot ka sa socio-political affairs. Ang talumpati ni Ate Vi nang maging militanteng madre na siya pagkatapos mapatay si Ka Dencio (“Kung ‘di tayo kikilos, sino’ngkikilos? Kung ‘di ngayon, kailan pa?”) ay talaga namang nakakaantig ng damdamin.

2. IKAW AY AKIN (1978) – Member kami ng Urian Awards nung ’78 at ang pelikulang ito, produced by Tagalog Ilang-Ilang Productions, ang siyang ipinaglaban namin para manalo ng best picture. Hindi ito sinang-ayunan ng karamihan sa mga kapwa namin Manunuri dahil mas pinili nila ang Pagputi ng Uwak, Pag-itim Ng Tagak, dahil may elemento raw ng kaapihan ng magsasaka at ng reporma sa lupa. (Ang tanging consolation ng Ikaw Ay Akin ay nanalo si Christopher de Leon ng kanyang first Urian best actor award.) Years later, some of the Manunuri members who voted for Pagputi told us they regretted the decision dahil obvious namang Ikaw Ay Akin ang pelikula na talagang withstood the test of time, written by Jose Carreon and directed by Ishmael Bernal. Wala itong pretensiyon na nagpapa-socially relevant but it deals so effectively on the matter of how human beings and relantionships can at once be simple and complex. Malayo nga ito sa usual love triangle flicks na puno ng melodramang iyakan, although Christopher as Rex is also turn between Vilma Santos as Sandra, a kooky and neurotic artist designer, and Nora Aunor as Tere, an orchid expert. Ang mga salimuot ng menage-a-trois na ito ay sensitively laid out para makita ng viewer ang sakit at ligaya , at dusa at saya na dinaraanan ng bawa’t tauhan. Sa ending, nothing is really resolved. Basta nagtitinginan lang sina Nora at Vilma sa isa’t isa nang walang dialogue for five minutes. This is a very daring move, lalo na’t ang local viewers ay yung tipong gustong matiyak kung kanino ba talaga napunta si Boyet, kay Vi o kay Guy? Pero si Bernal ay walang pakialam with fulfilling viewer expectations. Basta ang gusto niya ay mailarawan niya ang mensahe ng movie.: that no one can totally, absolutely, fully own another human being. The best thing is to understand ang pangangailangan ng isang tao at mahalin mo ito according to his limitations. Sabi nga ni Boyet kay Guy: “Kailangan ako ni Sandra hindi lang sa pisikal kundi sa emosyonal din, tulad ng pangangailangan ko sa ‘yo. Sa kanya, nagkakaroon ako ng gamit. Kailangan ko kayong dalawa para mabuo ako.” Sabi naman niya kay Vi: “Si Tere, tinanggap nang hindi niya ako maaangkin nang buong-buo. Kung sasabihin mong nakuha mo ako ng buong buo ang isang bagay, kulang pa rin.” Grabe rin ang galing ng acting dito ni Vi sa tagpong inilantad niya ang kanyang sarili as an insecure woman: “Sabi nila, liberated ako, front lang. Kalong daw, front din. Alam mo namang kulang-kulang ako. ‘Pag wala ka, magkakalat ako. Para akong manok, takbo nang takbo, wala namang ulo!”

3. DALAWANG PUGAD, ISANG IBON (1977) - A commercial and artistic success written and directed by Ishmael Bernal, love triangle movie rin ito that banked on the real life romance then of its lead stars, Vilma and Romeo Vasquez. Si Vilma ay si Terry, na iniwanan ng kanyang immature boyfriend (Mat Ranillo III at sumama sa isang lalaking may asawa (Romeo) sa kabila ng pagtutol ng mga magulang niya. Pwede itong naging mediocre romantic melodrama pero nagtagumpay si Bernal na i-elevate ito to art by giving us mature, sensitive characters who, like most of us, are looking for meaningful personal relationships. Tinalakay sa movie (in a very sutle manner) ang legal and moral implications ng adultery o pakikiapid ng isang dalaga sa isang married man, lalo na nga’t society shuns such sinful relationships. Ang relasyon nina Vilma at Romeo ay reflected sa relasyon ng iba pang mga tauhan sa movie, tulad ng sa mother ni Vilma (Anita Linda) at ng ama niyang nagtataksil din (Fred Montilla), sa lola ni Vi (Mary Walter),sa first boyfriend niya (Mat) at sa babaeng may gusto rito (Ann Villegas) at kapatid nitong pokpok (Laila Dee), at sa misis ni Romeo (Anna Gonzales) na ayaw siyang pakawalan kahit hindi naman sila magkasundo. Kung may pelikula si Ate Vi na nasasabik kaming panoorin uli, ito ‘yon. Kaya lang, wala na yatang existing copy ito at nakasama sa movies produced by Lea Productions na nasunog o nasira sa baha. What a big waste. Sayang talaga.


4. RELASYON (1982) - Ito ay isa pang pelikula ni Ishmael Bernal sa Regal Films na tumatalakay sa subject ng adultery from the point of view of the other woman, si Marilou (Vilma), ang mistress ni Christopher de Leon na pinaglilingkuran siya ng buong puso: pinaglalaba siya, binibigyan ng beer at inaalagan pa ang anak niya mula sa legal wife niya. Ipinakita rin sa feministic movie na aito ang pagka-chauvinist ng mga lalaking Pinoy. Gusto’y sila lagi ang masusunod at ni ayaw makakausap ng ibang lalaki ang babae nila, tulad ng aversion ni Christopher kay Jimi Melendez sa kuwento, at pati na rin sa kaibigang bading ni Ate Vi na si Manny Castañeda. Tinalakay rin sa movie ang subject ng kawalan ng divorce sa Pilipinas, dahil kung may diborsiyo raw ditom sana ay pinakasalan na ni Boyet si Vi. Narito sa pelikulang ito, which scored for Ate Vi her first grand slam as best actress, ang famous death scene ni Boyet na namimilipit sa sakit habang inirereklamo ang masakit niyang ulo at tarantang-taranta naman si Ate Vi na hindi malaman ang gagawin. Tuhog ang kuha sa mahabang eksenang ito and the acting is really great kaya dito pa lang ay sulit na ang panonood ninyo.

5. BROKEN MARRIAGE (1983) – Nagwagi rin ng Urian best actress award si Ate Vi para sa acting niya sa pelikulang ito na muli ay produced ng Regal Films. As the title implies, tungkol ito sa isang nasirang marriage. Si Vi ay si Ellen, isang TV production executive, at si Boyet ay si Rene, isang newspaper reporter. Pagkatapos ng sampung taong pagsasama, kinakalawang na ang relasyon nila bilang mag-asawa. Dahil lagi na lang silang nag-aaway, umalis si Rene mula sa tahanan nila at si Ellen ay naging single parent sa dalawa nilang anak. Nang manakawang ang bahay nila, lumipat si Ellen at mga anak nila sa bahay ng nanay niya. Nang mabugbog si Rene ng mga tauhan ng isang politiko dahil sa expose niya, napilitan siyang muling pumisan kina Ellen at dito rin muling nabuo ang pagsasama nila bilang mag-asawa, resulting into a reconciliation. May dalawang mahabang arias dito si Ate Vi na talagang lutang na lutang ang kahusayan niya. Una’y ang monologue niya sa piling ng mga kaibigan na pinagtatapatan niyang bagot a bagot na siya sa buhay. Susunod ay sa eksena niya with Boyet na sinasabi niyang hindi sila magkakabalikan nang dahil lang sa mga bata. Hindi rin malilimutan ang unang confrontation scene nila sa movie na natural na natural ang away nila bilang mag-asawang na-alienate na ang loob sa isa’t isa.

6. SAAN NAGTATAGO ANG PAG-IBIG (1987) – Sa aming talaang ito, ito lamang ang pelikula ni Ate Vi na hinango sa isang nobelang komiks. This was shown in the same year as Tagos ng Dugo (na siayang nagpanalo sa kanya ng isa pang Famas best actress award), pero hindi namin naibigan ang performance niya rito as it was so palpably engineered, pati ang ibang movements niya na ang nakikita mo sa likuran niya ay ang instructions na bigay ng direktor kung ano ang gagawin niya. That year, ang choice namin for best actress ay si Lorna Tolentino sa anti-heroin role niya in Maging Akin Ka Laman ni Lino Brocka. But we will alwyas love Saan Nagtatago Ang Pag-ibig, na dinerek ni Eddie Garcia, dahil may kakaibang tama ito sa puso. Sa kuwrnto, si Vilma ay nabuntis ni Ricky Davao pero hindi siay mapakasalan nito dahil sa mamanahin mula sa kanilang dominanteng lola, the late Alicia Vergel, na inaapi-api pati ang ina ni Ricky, si Gloria Romero, who gives a great performance. Ang ginawa ni Ricky a kinumbinsi si Vilma na pakasal sa kanyang kapatid na retarded, si Val, played by Tonton Gutierrez, para aito ang magbigay ng pangalan sa magiging supling niya. Pumayag si Ate Vi at doon na nga siya natira sa malaking bahay ng pamilya nina Ricky at Tonton. Dahil doon, mababago ang takbo nga buhay ng pamilyang ito dahil si Vilma ang magsisilbing agent of change who will defy the matriach taht is Alicia Vergel. Mabubunyag din kung pano nagkaroon ng pinsala si Tontion sa utak. Maraming madamdaming eksena sa pelikula na talagang titimo sa inyong puso. Sa ending, there is justice dahil nagkamit ng karampatang parusa ang mga nagkasala.

7. PAHIRAM NG ISANG UMAGA (1989) - Namatay si Ate Vi sa pelikulang ito sa papel niya bilang Juliet, isang advertising executive na dinapuan ng cancer, but the film, produced by Regal Films, written by Jose Javier Reyes and directed by Ishmael Bernal, is really more a celebration of life. Pagkatapos malaman ni Juliet na may taning na ang buhay niya, ginugol niya ang mga natitira niyang araw para ilagay sa ayos ang kanyang buhay. Nakipagkasundo siya sa kanyang estranged husband (Gabby Concepcion) na may iba nang asawa (Zsa Zsa Padilla) at inihabilin dito ang anak nila (Billy Joe Crawford). Maraming simbolo and motifs ng buhay at kamatayang ginamit din ang expressionist painter na si Ariel (Eric Quizon) ina an impressive performance) para ipakita ang parallelisms between life and art. In one scene, tinalakay pati ang origins ng art when prehistoric men made drawings on caves na kahit primitive ay they continue to exist until this day. people may die, but art will live on. Ironically, si Ariel ay isang tormented soul who wants to kill himself. Pero iniligtas siya ni Juliet, a dying woman na hindi na maililigtas ang sarili niyang buhay. The grand death scene of Juliet on the beach habang nakasuot siya ng puting night gown haang nagbubukang-liwayway, sa ‘di kalayuan ay isa sa mga ‘di-malilimutang paglalarawan ng buhay at kamatayan na maing napanood sa pinilakang tabing.

8. HAHAMAKIN ANG LAHAT (1990) - Produced by Regal Films, dinirek ito ni Lino Brocka and we honestly believe na very much underrated ito. Ang tanging award na pinanalunan nito ay best supporting actress award for Snooky Serna (na very deserving). Nirepaso nga namin ang aming listahang ito at napansin naming ito lang ang movie ni Ate Vi na dinirek ni Brocka which is included in our list. Mas marami kaming isinaling pelikula ni Ate Vi na dinirek ni Bernal. Actually, may iba pang ginawang movies si Ate Vi with the legendary director, tulad ng nabanggit na rin naming Rubia Servios (kunsaan tinalo siya ni Ate Guy as best actress for Atsay in the 1978 Metro Manila Film Festival) at ang Adultery: Aida Macaraeg with Philipp Salvador and the late Mario Montenegro. Pero para sa amin, this is Ate Vi’s best Brocka movie and one of her best and most demanding roles sa mga nagampanan na niya. Vilma plays an anti-heroin, si Sylvia, isang bida-kontabida. Asawa siya ng isang gahamang mayor (Eric Quizon), na piangtataksilan siya. Nang muli niyang makatagpo ang una niyang pag-ibig, si Rene (Gabby Concepcion) ay pinagsikapan niyang makuhang muli ang pagtingin nito kahit kasal na rin ito sa ibang babae (Snooky). Sa kanya nga patungkol ang titulo ng movie dahil hahamakin niya ang lahat maagaw lang muli ang dati niyang pag-ibig. Dati, akala niya, magiging maligaya siya sa mga materyal na bagay at pati ang mahirap niyang ina (Perla Bautista) ay nagawa niyang itakwil. Nguni’t natanto niyang wala sa pera o sa kapangyarihan ang tunay na kaligayahan kundi nasa tunay na pag-ibig. Ang hindi niya alam, paghahangad niyang maibalik ang nakaraan ay hahantong lamang sa isang malagim na trahedya. Sadyang mapanghamon ang role ni Ate Vi rito na tuso, matapang, sinungaling at manggagamit ng kapwa tao. Mapupuri mo nga siya dahil hindi siya natatakot kumuha ng ganitong klase ng roles (gaya rin ng role niya sa Sinasamba Kita) na pwedeng maka-alienate sa kanyang fans. She’s definitely more adventurous as an actress. Kaso ang nakalaban niya that year ay si Nora Aunor who played a more sympathetic role bilang inang nagpakasakait alang-alang sa ikabubuti ng anak sa Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina? kaya mahuhulaan na ninyo kung sino ang nagwagi ng best actress awards for the year.

9. BURLESK QUEEN (1977) - Humakot ng lahat ng tropeo sa 1977 Metro Manila Film Festival, tribute ito sa stage shows noong ’50s. Sinulat ni Mauro Gia Samonte at dinirek ni Celso Ad Castillo, dito unang nagpa-sexy si Ate Vi at talagang big blockbuster ito. Kuwento ito ng isang batambatang burlesque dancer noong 1950s, played by Ate Vi. Nagsimula siya bilang alalay ng isang reigning burlesque queen, si Rosemarie Gil, na kabit ang maton na si roldan Aquino. Nang iwana ni Roldan si Rosemarie, naglasing ito at ayaw nang sumayaw kaya si Vilma ang isinalang bilang kapalit niya sa entablado. Maiinit ang naging pagtanggap ng mga lalaking manonood kay Vilma, pero ang maprinsipyong ama niyang lumpo (Leopoldo Salcedo) ay tutol sa ginagawa niya. Dahil naghihirap sila, nasunod din ang gusto ni Vilma na maging burlesk dancer. Nagpatiwakal ang ama niya dahil dito. Umibig naman si Vilma sa isang iresponsableng lalaki na nakipag-live in dito, si Rollie Quizon, na isa palang mama’s boy at hindi sanay sa hirap kaya nilayasan din siya. Ang climax ng movie ay ang may sampung minutong pagsasayaw ni Vilma sa entablado hanggang duguin siya. Buntis pala siya at gusto niya talagang malaglag ang dinadala niya. Maganda ang maraming elemento sa movie, malian sa production design na 1950s ang setting pero hindi maingat kaya maraming detalye na pang-19702 ang kasama rito. Very memorable din dito si Jonee Gamboa sa papel ng stage impresario an siyang nagsasatining ng mga opinyon ng writer at direktot na pinupuna ang hypocrisy ng mga moralista, tulad ng pagtatanong niya kung anong uri ng show ang dapat ibigay sa masang Pinoy na hindi kayang magbayad ng pang-mayaman at kulturadong shows tulad ng operang Merry Widow. Sayang at wala na rin daw existing copy ng pelikulang ito.

10. DOLZURA CORTEZ STORY: DAHIL MAHAL KITA (1993) - Ito ang unang pelikulang lokal na nagsiwalat tungkol sa sakit na AIDS at filmbio ito ng kuna-unahang Pilipino na umaming may AIDS siya, si olzura Cortez, na ang kuwento ay nalathala sa dyaryo. Sinulat ni Ricky Lee, dinirek ni Laurice Guillen at produced ng Octo Arts Films, bida-kontrabida rin ang papel ni Ate Vi rito in the title role. Hindi siya yung usual heroine na walang bahid-dungis at inaapi. Dito, isa siyang makasalanang babae na nagbili ng katawan, nagkaroon ng affairs sa maraming lalaki, hanggang sa dapuan nga siya ng dreaded sickness called AIDS. Muli ngang naka-grand slam si Ate Vi sa role niya sa pelikulang ito. The same year, meron ding nagawang movie si Ate Guy, ang Inay na dinirek ng yumaong Artemio Marquez, pero hindi man lang siya naging nominee para sa pagkakaganap niya roon. That year, dalawang movies ang nagawa ni Ate Vi. Ang isa pa ang ang action-dramang Ikaw Lang ni Chito Roño, na in fairness ay mahusay rin siya sa papel ng battered wife ng baliw na si Cesar Montano an naging bank robber kasama si Ronnie Ricketts. Pero sa Dolzura Cortez nga pinarangalan si Ate Vi dahil talaga namang very convincing ang pagkakaganap niya bilang isang babaeng lumaban sa buhay alang-alang sa kanyang pamilya, nguni’t sa kasamaang-palad ay iginupo ng isang sakit na walang lunas. Malusog na malusog si Ate Vi nang gawin niya ang pelikulang ito, pero very convincing siya sa paglalarawan ng isang babaeng may malubhang sakit at malapit nang bawian ng buhay. Dahil nga sa pelikulang ito, nagkaroon ng higit na kamulatan ang publiko ungkol sa sakit na AIDS.

Best Movie is Yet to Come - Kung magdagdag kami ng isa pang Ate Vi movie sa aming listahan, it will be another work of Laurice Guillen, ang Ipagpatawad Mo, where Ate Vi played the mother of an autistic boy na ipinaglaban ang anak niya kahit may kapansanan ito. At dahil aktibo pa rin si Ate Vi at may bagong movie na nakatakdang gawin sa Star Cinema, hindi pa tapos ang pagsulat sa history niya bilang isang actress. Kahait gobernadora na siya ang Batangas, lalabas pa rin daw siya sa movies every now and then. Who knows? Baka he really, really best movie is yet to come habang mas nagmamature siya, like fine wine, bilang isang actress for all seasons. - Mario E. Bautista, Hi! Magazine, December 2007, Transcribed by Alfonso Valencia and posted at the Yahoo Vilma Santos e-groups, Nov. 17, 2007.

Translate