Pages

Thursday, July 4, 2013

Sweet Love, Sweet Sixteen

Sina Vilma Santos at Edgar Mortiz ang isa sa mga itunuturing na pinaka-durable loveteam ng lokal na aliwan. Alam naman ng lahat na si Edgar ang first love ni Ate Vi. Ang mga tagahangang nakasaksi sa kanilang pagmamahalan ay di-akalaing magwawakas agad iyon. Ate Vi was 14 years old then nang mapasama sa popular radio show ni Ka Tinno Lapuz, ang “Eskwelahang Munti.” Dito niya nakilala ang di inaasahang magiging ka-loveteam na si Edgar. Nakilala ang kanilang loveteam as “Vi and Bot”. Sumabay ang kanilang team-up sa “Guy and Pip” nina Tirso at Nora. Una silang napanood sa lokal na aliwan bilang suporta ng yumaong singer na si Eddie Peregrina sa pelikulang “My Darling Eddie” in 1969. Klik agad ang kanilang tambalan and from then on ay nagkasunodsunod na ang kanilang mga ginawang pelikula, gayundin ang mga TV shows, tulad ng “The Sensations” at “Edgar Loves Vilma.” Kinanta ng dalawa ang “Devoted To you” and the fans were hooked. Nagsimulang nagtatag ang kanilang mga tagahanga ng Vi-Bot Fans Club all over the country, as against sa karibal nitong Guy and Pip tandem. Parang kabuteng nagsulputan ang kanilang mga fans from Aparri to Jolo. Tinagurian noon ang kanilang tambalan na “Subok na Matibay, Subok na Matatag” na siyang blurb n o o n ng isang kilalang bangko na naging commercial nila. Si-nundan agad ng pelikulang “The Jukebox King” as second lead na nagtampok din kay Eddie Peregrina. Taong 1970, ginawa nila ang “Young Love” under VP Pictures na kung saan kasama ang karibal nilang tandem, ang Guy and Pip. Nagkasunod-sunod ang pagpapareha nila sa mga pelikulang Song and Lovers, Bulaklak at Paru-Paro, My Pledge of Love, Love Is For the Two Of Us, From The Bottom Of My Heart, Young Idols, Sixteen, Because You are Mine, Love Letters, Sweetheart, Mga Batang Bangketa, I Love You Honey, Edgar Loves Vilma, Sapagkat Sila’y Aming Mga Anak, Vilma My Darling, Baby Vi at Renee Rose. Sa loob ng taong 1970, nakagawa ang kanilang tambalan ng labing walong pelikula. That was also the same time na na-inlove na si Bobot kay Vi. By the way, ang aktres mismo ang nagbinyag kay Edgar ng Bobot. Nang mabuo na nga ang kanilang tambalan, unti-unti nang nagpalipadhangin si Bobot kay Vi. Ayon nga sa pagbabalik-tanaw, si Ate Vi noon ay labing-anim na taong gulang nang maging magkatipan sila ni Bot.

Ang kani-kanilang tagahanga ay naniwalang meron na talagang affair ang mga idols nila. In February, 1970 nagtapat si Bobot kay Vi ng “I love You.” Nadebelop ang feelings nila sa isa’t isa dahil sa kanilang loveteam. Pero aprubado naman ng kani-kanilang parents ang relasyon. Botong-boto kasi at giliw na giliw si Mama Santos kay Bobot noon. Naging neighbors pa nga sila ni Bobot sa Arfel Homes sa Project 6, Quezon City. Nasundan pa ang kanilang pagtatambal noong sumunod na taon, 1971. Ginawa nila ang Love At First Sight, The Sensations, Angelica, The Wonderful World Of Music, Young Lovers, Our Love Affair at Eternally. Mapapansin na karamihan sa mga pelikula na kanilang ginawa ay puro hango sa titulo sa mga kantang pinatanyag noon. Usually, ang karamihan sa mga eksena ay tadtad ng mga musical numbers. Dahil sa kainitan ng tagumpay sa takilya at popularidad ang kanilang tambalan, ginawa ng Tagalog Ilang-Ilang Productions, ang Aloha My Love, taong 1972 na kinunan pa sa Hawaii, Don’t Ever Say Goodbye na kinunan pa sa Pasadena Palm Spring, San Francisco USA, Dulce Corazon, Remembrance na ka-love triangle ang yumaong si Jay Ilagan, Dama de Noche, an award winning movie ni Vi na nagpanalo sa kanya ng FAMAS Best Actress where she played a dual role, 3 Mukha ni Rosa Vilma at Leron-Leron Sinta. Their trip in Hawaii where they did Aloha My Love was very memorable. Marami kasi ang umaasa nilang mga fans na magaganap ang Hawaiian wedding nila pero hanggang sa pelikula lang ito nangyari. Taong 1973, muli silang nagtambal sa pelikulang Now and Forever at Anak ng Asuwang. Nasundan pa ng dalawang pelikula noong 1974, ang Biktima at Kampanerang Kuba. Akala nila ay panghabambuhay na ang kanilang relasyon. But tulad ng kasabihan, nothing lasts forever, nabuwag din ang kanilang tambalan. Mahigit na 50 pelikula ang kanilang pinagtambalan. On and off, pinapanatili ng Tagalog Ilang-Ilang ang kanilang loveteam na talagang tinatangkilik ng kanilang matatapat na tagahanga. Ang last movie na pinagtambalan nila ay ang “Karugtong ng Kahapon,” taong 1975 para sa TIIP. Nagkaroon ng lamat ang kanilang loveteam nang mapatambal si Ate Vi sa iba’t ibang leading men. Nag-split sila formally noong April 28,1974. Sa kanilang breakup ay hindi nawalan ng pag-asa si Bobot who kept looking forward for a reconciliation. Only years after, when Bobot got married nang hindi na talaga sila puwede pang magkabalikan ni Ate Vi, ang kanyang first love. Ate Vi went on with her career as a solo star at tinangkilik ng publiko na maipareha sa ibang aktor. Sa paghihiwalay ng landas nina Vi at Bobot sa pelikula ay napanatili nila ang kanilang magandang bonding hanggang ngayon. – Sinulat ni Willie Fernandez, V Magazine, Nos 3 SEP 2007

Highlights: The love team of Vilma and Edgar started in a TV show entitled The Sensation. The pair became a twosome, on and off the small screen. They Starred in almost a hundred films like Teenage SeƱorita, Young Lovers, The Sensations, The Young Idols, Sixteen, Love at First Sight and My Pledge of Love. The love team that has the logo “Subok na Matibay, Subok na Matatag?” (Proven Strong, Proven Stable) didn’t live up to its bill. Although they remained actively busy doing movies together their real life relationship didn’t last. Here are some facts about the love team many considered one of the most memorable in local movie industry.

  • Edgar was first paired with Vilma’s rival Nora Aunor and Vilma was initially paired with Tirso Cruz III.
  • Ismael Bernal did a movie with Vilma in 1972 opposite Edgar in “Now and Forever, although Vilma’s first movie with Bernal was “Inspiration.”
  • Vi and Edgar won the Mr. and Miss Philippine Movies in 1972.
  • Vi and Edgar were neighbors in a subdivision in Quezon City.
  • Aside from working together in films they were also a regular mainstay in Channel 2′s The Sensations.
  • One of Vi’s famous record was titled “Along Came Edgar.”
  • Aside from Edgar, Vi did a top grosser film with Paolo Romero titled Ikaw Lamang in 1971 Quezon City Film Festival, Vi will later on do another film with similar title, 1993′s Ikaw Lang.
  • Vilma’s 1971 film, “Teen-age Senorita” with Manny de Leon, grossed no less than P40,000 on its first day showing in two theaters, a record breaking feat during that time.
  • Vi celebrated her 18th birthday at The Plaza with faithful boyfriend Edgar in Nov. 3, 1971. The two left to make two movies in Hawaii and USA two weeks later.
  • Vi and Edgar last film together was the drama “Karugtong Ng Kahapon.”
  • Vi and Edgar broke-up officially on April 28,1974.