Basic Information: Directed: Elwood Perez; Story: Orlando Nadres; Screenplay: Elwood Perez, Orlando Nadres; Cast: Vilma Santos, Christopher De Leon, Mat Ranillo III, Amado Cortez, Lilibeth Vera-Perez, Anita Linda, Ma-An Hontiveros, Lillian Laing, Sandy Garcia, Cloyd Robinson, Laila Dee; Executive producer: Marichu Vera Perez; Original Music: Lutgardo Labad; Cinematography: Gener Buenaseda; Film Editing: Jose Tarnate; Production Design: Bobby Bautista; Film poster: Video48
Plot Description: A wealthy couple's sacrificing adopted son, Alonso (Christopher de Leon) and wayward biological son, Alvaro (Mat Ranillo III) vie for the love of the same woman, Estella (Vilma Santos).
Film Achievement: Official Selection - 1981 ASEAN Film Festival, Sydney Austarlia; Official Selection - 1978 Asia-Pacific Film Festival, Taipei Taiwan; 1978 FAMAS: Best Supporting Actor – Mat Ranillo III, Best Actor Nomination – Christopher De Leon
Film Reviews: Masasabing gasgas na ang tema ng pelikulang Masarap, Masakit Ang Umibig (Sampaguita Pictures, 1977). Ang kuwento ng dalawang magkapatid na lalaking nag-agawan sa atensyon ng kanilang mga magulang at ng isang babaeng kapwa nila pinagtuunan ng pansin. Hindi magkaroon ng anak sina Don Ramon at ang maybahay nito (Amado Cortez at Anita Linda) kaya naisipang mag-ampon ng isang batang lalaki. Di kalaunan, biniyayaan din silang magkaroon ng sariling anak. Nang lumaki ang mga bata, makikitang mas seryoso at responsable ang ampon na si Alonzo (Christopher de Leon) kaysa kay Alvaro (Mat Ranillo III), ang kanilang tunay na anak. Isang probinsyana si Estella (Vilma Santos), na may matayog na ambisyong makaahon sa kahirapan kaya’t nagdesisyong lumuwas ng Maynila upang doon makipagsapalaran at hanapin ang kanyang Tiya Martha (Lillian Laing), na siyang nagpakilala sa kanya kay Anabelle (Ma-An Hontiveros), isang mapagpanggap na sosyalera. Ipinakilala niya si Estella kay Alvaro at madaling nahulog ang loob nito sa binata. Hindi gaanong binibigyang pansin ni Alvaro si Estella ngunit patuloy pa rin itong nahuhumaling sa kanya. Samantala, nagtrabaho bilang modelo si Estella sa isang department store na pag-aari ng pamilya ni Alonzo. Nagkamabutihan ang dalawa hanggang sa mapagdesisyunan ni Estella na iwan si Alvaro at sumama kay Alonzo. Isang araw ay pinagtangkaang halayin ni Alvaro si Estella at nang madiskubre ito ng kapatid ay iminungkahi niyang pakasalan nito si Estella. Hindi naging maligaya si Estella sa piling ni Alvaro. Dala ng labis na sama ng loob ay nalaglag ang batang kanyang dinadala kasabay na rin ng pagpapakamatay ni Alvaro sa dahilang pinaghihinalaan niyang si Alonzo ang ama ng ipinagbubuntis ni Estella. Sa huli ay inamin ni Estella na si Alonzo ang kanyang tunay na minamahal.
Walang ipinagkaiba ang pelikula sa ibang mga sineng tinalakay ang mga suliranin ng pag-ibig at pamilya. Makikitang pinagtuunan ng pansin ni direktor Elwood Perez ang disenyo ng pelikula ngunit hindi naging epektibo ang paggamit nito upang maiusad ang kuwento. Kahit sa pagganap ng mga pangunahing tauhan, animo sila’y nasa entablado. Nanlilisik ang mga mata, walang katapusang pagsisigawan, pagtutulakan at pagbubugbugan. Sa pelikulang ito, unang ipinamalas ang senswalidad ni Vilma Santos. Maraming eksenang sekswal ang aktres at maaari talaga siyang makipagsabayan sa mga tulad nina Alma Moreno at Trixia Gomez. Karamihan ng mga sitwasyong ibinigay sa kanyang karakter ay hindi kapani-paniwala. Nariyang gawin siyang modelo, sa ilang piling tagpo ipinakita din ang pagiging estudyante ni Estella ngunit hindi naman tinahak ang mga ito sa kabuuan ng pelikula. Hindi rin maikakaila ang husay ni Christopher de Leon bilang aktor ngunit sa pelikulang ito ay nasayang lamang ang kanyang pagganap. Hindi nabigyan ng tamang direksyon ang aktor kung kaya’t lumabas na sabog ang kanyang karakterisasyon. Si Mat Ranillo III naman ay tila hindi na natutong umarte. Kadalasa’y pinaghuhubad siya ng direktor sa mga eksena upang mabigyang pansin. Masyadong mahaba ang pelikula dahil na rin siguro sa panghihinayang ni direk Elwood na masayang ang magagandang eksenang kanyang nakunan ngunit hindi naman nakaapekto ang mga ito sa takbo ng istorya. Kadalasa’y nakababad lamang ang kamera at nakatanghod sa susunod na gagawin ng mga artista. Hindi ito nakatulong upang mapabilis ang takbo ng pelikula, nakakainip panoorin ang ganitong mga eksena. Ang Masarap, Masakit Ang Umibig ay basurang nababalot sa kinang ng makintab na sinematograpiya, disenyo at musika na nagbabalatkayong masining na pelikula. – Sinulat ni Jojo De Vera, Sari-saring Sineng Pinoy
"...Elwood Perez and Vilma Santos colloborated in seven films. The first one was the trilogy that he co-directed with two other director, Borlaza and Gosiengfiao (these three are the most underrated and under appreciated directors in the Philippines), the remake of Mars Ravelo comic super hero, Darna in Lipad Darna Lipad. The film was a record-breaking hit Box-office Film. They follow this up with a more mature projects as Vilma started to switched her image from sweet to a mature versatile actress, pairing her with Christopher DeLeon in five films starting with Masarap Masakit Ang Umibig in 1977. The Perez-Santos-DeLeon team produced seven blockbuster hits that gave Vilma two FAMAS best actress awards that secured her elevation to FAMAS highest honour, the FAMAS Hall of Fame award. She won in 1979 for Pakawalan Mo Ako and 1988 for Ibulong Mo Sa Diyos...Total Number of Films with Vilma Santos: 7 (Ibulong Mo Sa Diyos 1988, Lipad Darna Lipad 1973, Magkaribal 1979, Masarap Masakit ang Umibig 1977, Nakawin Natin ang Bawat Sandali 1978, Pakawalan Mo Ako 1981, Pinay American Style 1979)..." - RV (READ MORE)
Related Reading: