Dinumog ang Premiere Night ng Sister Stella L.! - Paano malalaman kung magiging malakas sa takily ang isang pelikula? Isa sa mga sukatan ang premiere ngiht. Hangga't maari'y ayaw ng ibang produser na magpa-premiere night. Usually kasi, may nag-iisponsor nito, at sa kanila, sa charity - kung tutoo mang sa charity - napupunta ang bayad sa takilya. At siyempre pa, dahil premiere night ekstra ang halaga ng tiket, P25 sa orkestra, P50-100 sa balcony at loge. Bukod sa malaking kawalan din yon sa produser sa regular run ng pelikula, puewede pang mapintas-pintasan ito, at pag kumalat iyon, bagsak ang pelikula! Sa isang dako, kung gustong makatulong ng produser sa charity, at kung sampalataya siya sa kanyang pelukula, mainam magpa-premiere night para higit na maipaalam sa lahat na maganda ito. Iyon ang nasa isip ni Mother Lily nang ipa-premiere night ang "Sister Stella L." sa Rizal theater sa Makati. Umbrella organization ng mga madre ang nag-isponsor ng premiere night, dalawang screening iyon. Umuulan nang gabing iyon, pero dagsa pa rin ang mga tao. Siksikan. Gayunpama'y disiplinado. Marami rin kasi sa mga ito ang mga madre. Kung karaniwan nang umaasa pa rin sa walk-in ang ibang nagpapa-premiere night, iba naman ang nangyari sa "Sister Stella L."
Bago pa ang first screening, dakong alas sinko-medya, sold out na ang tiket. Nakikiusap na talaga ang mga hindi nakabili ng tiket na bibili sila, pero ubos na. Dumating doon ang ina ng tunay na Sister Stella L. "No, my daughter is not an activist, she only wanted to help the needy," sabi nito. Sa kasalukuya'y nasa abroad daw ito, nagtungo roon pagkaraang lumabas mula sa pagkaka-detain ng 11 months sa isang militar camp. Mula sa siyuting ng "Alyas Baby Tsina," dumating si Vilma Santos. Kagulo sa kanya ang mga tao sa lobby. Magkasabay na pumasok sina Gina Alajar at Michael De Mes, at naisip namin, mali nga 'ata 'yung balitang nagkahiwalay sila. Very, very successful ang premiere night na iyon. Katunayan, gusto pa itong masundan ng isang labor sector, tumanggi na lang si Mother Lily. "They will give me raw three hundred thousand, but I said no. Paano naman ang regular run ko?" - Bibsy Estrella, Photos: Peping Mendiola