Saturday, March 3, 2012

LARAWAN NG PAGIBIG (1964)


Basic Information: Directed: Jose Miranda Cruz; Story: Jose Miranda Cruz; Screenplay: Jose Miranda Cruz; Cast: Willie Sotelo, Rosita Noble, Eva Darren, Vilma Santos, Lolita Lopez, Ben David, Teddy Santos, Carol Varga, Martin Marfil, Tessie Tecson, Nello Nayo, Johnny De Leon, Rolando Liwanag, Roger Nite, Dalton De Castro, Cleng-Cleng Diaz; Original Music: Pablo Vergara; Production Design: Vicente Nayve; Executive producer: Vicente De Leon

Plot Description: No Available Data

Film Achievement: No Available Data

Film Reviews: "...Ipinanganak nga marahil si Ma. Rosa Vilma Tuazon Santos sa show business dahil sa pagitan ng taping ng “Larawan..” ay nagkasunod-sunod na ang kanyang mga pelikula...“Larawan Ng Pag-ibig” ng Vitri (base sa TV series, Pebrero 19 – 28, 1964)...ng lumikha ng rekord sa takilya...Makalipas ang mga tatlong buwan, nakatanggap ng maikling sulat si Mama Santos muka lay G. Agra. Naghahanap ang Sampaguita Picutures ng batang babae na gaganap ng mahalagang papel sa “Anak, Ang Iyong Ina!” at isinali ng amain ang pangalan ni Vi. Hindi puwedeng lumiban si Papa Santos sa pinpasukang government office, at ayaw naman nilang mapahiya ang kamag-anak, kaya napilitan si Mama Santos na humingi ng day=off sa opisina (Aguinaldo’s). Pagdating sa studio, wala si G. Agra at nasa location shooting, ngunit totoong naroroon ang pangalan ni Vi, kaya’t pinapasok sila sa tanggapan. Napadaan sa harapan ni Mama Santos si Bella Flores na dala ang script ng “Trudis Liit.” Nagulumihanan si Mama Santos. Binasa niyang muli ang liham ni G. Agra. Mali yata ang napuntahan nila! Akma niyang tatawagin si Vi na noon ay nkikipaglaro sa iba pang mga bata upang yayain na itong umuwi, nang pumasok sina Mommy Vera, Dr. at Mrs. Perez, at Eddie Garcia. At doon nagsimula ang movie career ni Vi na magpahanggang ngayon ay batbat pa rin ng iba’t ibang panunuri, opinyon at konklusiyon..." - Ched P. Gonzales (READ MORE)

"...Ang kaunaunahang Teleserye o Telenobela sa Television ng ABS CBN Channel 3 ay pinagbidahan ni Vilma, ito ay ang Larawan ng Pagibig. Dinirek ni Jose Miranda Cruz at mga artista din dito sina Eva Darren, Willie Sotelo, at Rosita Noble. Si Vilma ay 11 years old pa lang dito. Pagkatapos ng taping ng Larawan ng Pagibig, lagare naman si Vi sa kanyang Radio Drama program sa DZRH ang Naligaw na Anghel, kasama nya sina Maggie de la Riva at si Anita Linda na gumanap na ina ni Vilma. Ang T.V. show at Radio drama program ni Vi ay tumagal sa ere ng 3 years..." - Jojo V. Lim (READ MORE)

"...Larawan ng Pag-ibig, teleserye, 1963 - on ABS-CBN. She's the original TV drama princess. Buckets of tears, the familiar high-strung acting, but forgiveable, she's just a kid, please. Were there TV household ratings in 1963? The show was a hit, Larawan the movie had to be done. The little brown girl from Iriga, Nora Villamayor, was a big Vilma fan..." - anonymous (READ MORE)

"...Ang teleseryeng Larawan Ng Pag-ibig (July 19, 1964) ay prinodyus ng Vitri Films at pinangunahan nina Vi, Willie Sotelo, Eva Darren, Ben David at Rosita Noble. Si Jose Miranda Cruz ang sumulat, gumawa ng iskrip at nagdirek ng pelikulang ito na nasubaybayan sa Channel 3..." - Alfonso Valencia (READ MORE)

Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...