Tuesday, December 13, 2011

PAKAWALAN MO AKO (1981)

“Puta! Sige ituloy n’yo! Sabihin n’yo! Hindi lang naman kayo ang ang unang nagparatang sa akin ng ganyan. Puta! Puta! Puta! Putang-ina n’yong lahat! Putang-ina n’yong lahat! Sige! Sabihin n’yo! Isigaw n’yo! Kung sa inyo lang ay malinis ang aking konsensiya!” - Anna

“Kukunin ko ang bayad ng halik! May sukli ka pa!” - Anna


Basic Information: Direction: Elwood Perez; Adapted screenplay: Pete Lacaba, Mao Gia Samonte, Iskho Lopez; Original screenplay: Pete Lacaba; Cast: Vilma Santos, Christopher De Leon, Anthony Castelo, Deborah Sun, Subas Herrero, Mila Ocampo; Original Music: Lutgardo Labad; Production Design: Ulay Tantoco; Cinematography: Johnny Araojo; Editing: Jose H. Tarnate; Sound: Gaudencio Barredo; Theme Song: "Dati" sung by Anthony Castello; Producer: Marichu Maceda; Production Co: MVP Pictures; Release Date: 29 May 1981 (Philippines) - IMDB

Plot Description: When Ana's (Vilma Santos) father died they experience hardship. She decided to stop her schooling and work (selling beauty soaps on the street). Despite being poor, she decided not to ask help from her rich boyfriend Freddie Villaseñor (Christopher DeLeon). When the hardship reached its peak, she decided to join her friend, Bernadette Santos (Deborah Sun) as escort girls. There she met Bernard, a son of a rich clan, who courted her when Anna's relationship with Freddy failed. As it turned out Anna was pregnant and despite the disapproval of Bernard's rich father (Subas Herrero), they continued their relationship. The continuing harassment of Bernard's father and his entourage resulted in Bernard being shot as one of the goons tried to rape Anna and was caught by Bernard. Anna was framed and Bernard rich father hired Freddy to prosecute Anna. The film climax with the prosecutor Freddy discovered the bullet that killed Bernard. This was when he decided to visit Ana's family and met her son. The film ends with Ana being acquitted and Freddy discovered that Ana's son was his son. – RV

Namatay ang tatay ni Ana (Vilma Santos) at dahil rito’y naghirap sila. Napilitan siyang magtinda ng sabon at tumigil sa pag-aaral. Sa kabila nito hindi siya humingi ng tulong sa katipan na si Freddie Villasenor (Christopher DeLeon). Dahil sa hirap ay napilitang pumasok si Ana sa isang escort service sa tulong ng kanyang kaibigang si Bernadette Santos (Deborah Sun). Nakilala ni Ana si Bernard San Diego (Antony Castelo) sa kanyang trabaho bilang escort girl. Sa gabing iyon nakita siya ng kapatid na babae ni Freddy. Nang yayain ni Freddy si Ana para magpakasal pumayag na ito at pumunta siya sa bahay ni Freddy para makilala ang pamilya ni Freddy. Hindi nila alam ay inimbitahan ng kapatid ni Freddy si Bernard San Diego. At sa hapag ng kainan ay binisto nito ang tunay na trabaho ni Ana. Umalis nang umiiyak si Ana at nagkagalit sila ni Freddy. Pinuntahan ni Bernard si Ana para humingi ng paunmanhin ngunit naabutan sila ni Freddy at nag-away sila ni Bernard. Inakala ni Freddy na talagang may relasyon si Bernard at Ana kung kaya iniwanan niya ito.

Nagbalik si Ana sa kanyang trabaho. Nagkaroon ng secret admirer ito. Yung pala ito ay si Bernard. Nalaman rin ni Ana na buntis siya at ang ama ng dinadala niya ay si Freddy. Inalok ni Bernard si Ana ng kasal at pumayag naman ito sa kabila ng pagtutol ng kanyang mayamang ama. Lumaki ang bata at apat na taon na ito nang magdesisyon ang ama ni Bernard na tigilan na ang pagsasama ng dalawa. Inalok si Ana ng malaking halaga ngunit tumutol ito. Nang umalis ang ama ni Bernard ay pinaiwan nito ang isa sa kanyang mga tauhan para gahasain si Ana. Dumating si Bernard at nagaway sila ng tauhan ng kanyang ama. Sa kaguluhan ay nabaril ng tauhan ng kanyang ama si Bernard mismo. Sinet-up ng ama ni Bernard si Ana. Pinakulong at kinuhang abogado si Freddy. Sa hukuman ay nakuhang magduda ni Freddy sa dating katipan. Nagpunta ito sa bahay ng ina ni Ana upang kausapin ang batang anak ni Ana. Natuklasan ni Freddy ang tutuong nangyari at ang testigo ay ang anak ni Ana. Sa closing ng kaso ay inihayag ni Freddy na walang kasalanan si Ana at ang pumatay kay Bernard ay ang tauhan ng sarili nitong ama. Napawalang sala si Ana at nalaman ni Freddy na ang bata’y ang sarili niyang anak.

Film Achievements: FAMAS: Best Actress - Vilma Santos, Best Actor nomination - Christopher De Leon

Film Reviews: Dalawangpu’t Anim na taon na ang nakakalipas nang una nating napanood ang pelikulang Pakawalan Mo Ako. Tumabo ito sa takilya at nagbunga ng pagkapanalo ni Ate Vi ng Best Actress mula sa Famas para sa taong ito. Prinudyus ng Sampaguita Pictures, ang “Pakawalan Mo Ako” ay isa sa mga pruweba na nasa ikataas na puwesto si Vilma Santos nang bagong dekada otsenta. Mula umpisa hanggang sa huli’y umiikot ang istorya sa karakter ni Vilma bilang si Ana, isang escort girl. Markado ang papel ni Vilma at makikita ito sa mga eksena sa kulungan at hukuman. Ang Pakawalan Mo Ako ay mula sa panulat ni Pete Lacaba at iskrinplay nina Pete Lacaba, Mao Gia Samonte at Isko Lopez. Kung ikukumpara sa mga ibang pelikula ni Elwood Perez mas pulido at makatotohanan ang mga eksena’t dialouge ng pelikula. Tulad ng konprontahin nga ma ni Bernard si Ana sinabi nito na: “Puta, Puta! Puta! Hindi lang naman kayo ang unang nagparatang sa akin ng ganyan! Puta! Puta! Putang Ina n’yong lahat…” At nang unang dalhin ni Bernard si Ana sa bahay nito at pagtangkaang gahasain, pumiglas si Ana at sabay kuha sa pera at sabay sabing: “kukunin ko ang bayad sa halik may sukli ka pa!” At siyempre ang eksena sa hukom kung saan paulit ulit niyang sinasabi ang salitang: “Sinungaling!...” Ang musika ni Lutgardo Labad ay minsan nakakaabala sa tunay na eksena ngunit angkop na angkop ang theme song ng pelikula, ang “Dati” na kinanta mismo ni Antony Castelo. Merong mahahabang linya si Christopher DeLeon sa bandang huli at nakuha naman niyang bigyan ng buhay ang papel niya bilang abogado ng taga-usig kahit na parang pilit ang pagpapalit niya ng panig para sa tagapagtanggol sa bandang huli, sa kanyang closing remarks. Alam niya marahil na talagang pelikula ito ni Ate Vi. Mahusay rin ang pagganap ni Antony Castelo bilang isang matigas na ulong anak ng isang mayaman. Sa papel na ina ni Ana, nakaka-distract ang hindi tunay na boses ni Mila Ocampo. Bilang ama ni Bernard San Diego, very one-dimensional ang papel ni Subas Herrero. Ang pinakanakakatuwang papel ay ang papel na kaibigan ni Ana na ginampanan ni Deborah Sun. Meron siyan eksena sa hukuman kung saan tumistigo siya at natural na natural ang pagkababaeng bakla niya. Mabilis ang pacing ng pelikula at walang mahusay ang pagkakaedit nito. Hindi ako nagtaka kung bakit nanalo si Ate Vi para sa pelikulang ito mula sa Famas. Ito rin ang bale hudyat ng pagsibol ng bagong Vilma Santos pagpasok ng dekada otsenta dahil sa sumunod na taon ay nagkasunod sunod na ang parangal sa pagarte ni Ate Vi mula sa iba’t ibang award giving bodies. - RV

Labis ang pagdadalamhati ng mag-inang Ester at Anna (Mila Ocampo at Vilma Santos) sa di inaasahang pagpanaw ng asawa at ama ng kanyang anak. Dahil dito, iniatang sa kanya ang pag-aaruga sa maysakit nitong ina. Namasukan bilang promo girl si Anna ngunit hindi sapat ang kanyang kinikita upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan. Hindi rin nito mapagdesisyunan ang alok na pagpapakasal ng kasintahang si Freddie (Christopher de Leon). Di naglaon, ipinasok ito ng kaibigang si Bambi (Deborah Sun) sa Promo Vision Escort Services na pag-aari ni Pepito (Ed Villapol). Sa isang okasyon, nakilala nito si Bernard San Diego (Anthony Castelo), at madaling nahulog ang kanilang loob sa isa't-isa. Ngunit kaiba si Anna sa mga kasamang escort girls dahilan sa hindi nito inilalako ang kanyang katawan sa mga parokyano sa anumang halaga. Nang muling alukin ni Freddie ng kasal si Anna, pumayag ito at ipinakilala niya ang nobya sa kanyang mga magulang. Ngunit hindi inaasahan ni Anna na sa pagkakataong ito malalaman ni Freddie ang tungkol sa kanyang pagpuputa. Hindi ito nabigyan ng pagkakataong maipaliwanag ang katotohanan hanggang sa tuluyan siyang iwan ni Freddie. Naging masugid na manliligaw ni Anna si Bernard at halos bilhin na nito ang kanyang buhay. Nagpakasal ang dalawa hanggang sa itakwil ito ng amang si Don Nilo (Subas Herrero), habang ibinuhos naman ni Freddie ang kanyang panahon sa propesyon bilang abogado. Iigting ang takbo ng kuwento nang mabaril at mapatay si Bernard. Makukulong si Anna at gigipitin ito ni Don Nilo, kukunin niya ang serbisyo ni Freddie sa kaso ng pagpatay sa kanyang anak. Sa huli ay mananaig pa rin ang damdamin ni Freddie kay Anna at mapapawalang sala ito sa krimeng kanyang kinsangkutan.

"...Natatangi ang pelikulang Pakawalan Mo Ako (MVP Pictures, 1981) dahil sa matagumpay nitong pagtatangkang ilahad ang proseso tungkol sa pag-ibig at pagbabahagi ng sarili nang buo ang pagkatao. Nilinaw ng pelikula ang mga personal at pang-ekonomiyang salik na naghatid sa pangunahing tauhan tungo sa pagpuputa at inilalantad ang bunga nito gaya ng madadaming pagsasadula ni Vilma Santos. Nang muli silang magkita ng kasintahan, ibang babae na ang kanyang nakatagpo, mas may tiwala sa sarili at mulat na sa kalakaran ng mundo. Nakakaantig ang transpormasyon ng kanyang karakter mula biktima ng nasawing pag-ibig at di-makalingang propesyon tungo sa pagbabago at paninindigan ng kanyang pagiging babae. Mapangumbinsi rin ang pagganap ni Christopher de Leon dahil sa kanyang sensitibong pagpasok sa katauhan ng isang abogadong makiling sa sistema ng batas. Sa unang tingin, tila makababae ang punto de bista ng Pakawalan Mo Ako dahil sa paglalahad ng babae bilang biktima pa rin ng ispontanyong reaksiyon ni Bernard, ang lalaking nagnanasa sa kanyang katawan. Subalit madulas ang daloy ng iskrip nina Pete Lacaba, Mao Gia Samonte at Iskho Lopez, konsistent ang disenyong biswal at sinematograpiya. Malinis ang editing at akmang-akma ang musika. Ngunit habang hinihimay ang naratibo, unti-unting natuklasan ang melodramatikong proposisyong ipinapakain ng pelikula. Isang proposisyong taliwas sa pagnanasang patuloy na makibaka, magmahal at mabuhay..." - Jojo De Vera, Sari-saring Sineng Pinoy

"...One of the pioneers of the indie scene in the 1970s, Perez eventually became one of most bankable directors of that same golden era which spawned the biggest hits of acting superstars Nora Aunor ("Mahal Mo, Mahal Ko," "Till We Meet Again") and Vilma Santos ("Pakawalan Mo Ako," "Ibulong Mo sa Diyos"). "Masarap, Masakit ang Umibig" was screened in the Asia-Pacific Film Fest in Taiwan in 1978 and the Asean Film Fest in Australia in 1981..." - Bayani San Diego Jr., Philippine Daily Inquirer, 11/01/2009

Deborah Sun - "...Bonggang-bongga ang papel ni Deborah Sun sa "Pakawalan Mo Ako." Even her co-stars here, Vilma Santos, Christopher de Leon, and Anthony Castelo joked na madalas silang maagawan ng eksena ni Deborah. Tila nga lalong tumataas ang career ni Gigi (her monicker in real life). Bukod sa "Pakawalan," lumabas din siya sa "Rosang Tatak" at sa highly successful na first directorial job ni Bembol Roco, ang "Asal Hayop..." - Artista Magazine, 1981 (READ MORE)



Translate

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...