Showing posts with label Rubia Servios (1978). Show all posts
Showing posts with label Rubia Servios (1978). Show all posts
Saturday, December 27, 2014
Tuesday, June 17, 2014
Battle of Superstars
1978 MMFF - A tear fell when Nora Aunor was declared Best Actress for her role as a maide (a tailor-made role, as her detractors describe with glee) in Ian Films' Atsay and it was a tear of joy. Atsay has been called Nora's "last card" and that if it wouldn't make it at the Metro Manila Filmfest, Nora would be down and out and she might as well say goodbye to the movies. But Nora Aunor has a certain magic that is hard to discern until now. Just when everybody is casting stones at her and predicting doom fo her career and turning against her because her movies hadn't been making as well as expected, the Little Brown Girl from Iriga would bounce right back to the top, not without vengeance, and reclaim her throne. In last week's Metro Manila Filmfest Awards at the Cultural Center, Nora fought a "decisive" battle for supremacy against her nearest rival, Vilma Santos, who was said to be the other contender for the Best Performer trophy for her role as Rubia Servios (although others claim that it was really Phillip Salvador who was Nora's biggest competition for the plum statuette, Phillip's performance in Rubia Servios being his best and his most credible so far). Vilma's last year's Best Actress for her role in the controversy-ridden film Burlesk Queen (also produced by this year's producer of Best Film Atsay, Ian Films), took her defeat not without a wan smile of disappointment. In this spread, you can see the two faces of showbiz: that of the Victor and that of the Vanquished. The awards night was a veritable of superstars. 1978 was Vilma's year. Will 1979 be Nora's? - Expressweek, January 18, 1979, Photograph by Eddie Alfonso (READ MORE)
Atsay - "...This episodic nature of the film robs it of much of its power. Too slack in pacing and too mannered at times, the film runs a long two-and-a-half hours and can easily stand some re-editing. Such scenes showing what happened to Nora’s friends in Lilian Laing’s cabaret may be pruned without actually damaging the central story. This would also add greater impact to Nora’s reunion with Amy Austria, also a “provinciana” who is transformed into a brazen ago-go dancer with half-a-dozen sugar daddies...Edgardo Reyes’ script succeeds though in showing the various experiences typically encountered by household helps: unruly children who torture helpless servants, wives who treat their pets more humanely than their overworked slaves, husbands who take advantage of their loneliness and are known as atsay-killers. People who have been unkind and inconsiderate to their servants at one time or another may feel uneasy, if not totally guilty, as they watch the film. Garcia assembled a uniformly first-rate cast from Armida and Angie to the nameless housemaid who befriends Nora. Even Ronald Corveau is less irksome here than in his weekly TV show. Nora Aunor’s performance bears the distinct marks of style and self, welding character and personality. As Nelia, the atsay, she delivers a muted performance that successfully treads the thin, delicate line separating genuine sentiment and mawkishness..." - Mario E. Bautista, The Philippines Daily Express, 1978 (READ MORE)
Rubia Servios - "...Undoubtedly, the two best entries in the 1978 Metro Manila Film Festival are Atsay and Rubia Servios...Rubia Servios, on the other hand, does not dilute the message. Willy (Phillip Salvador), the son of a powerful and wealthy figure, is portrayed as totally evil, devoid of any redeeming quality. To screenwriter Mario O’Hara and director Lino Brocka, the province is the same as the city. Rubia Servios (Vilma Santos) is raped both in the city and in the country. Rubia kills Willy in the country. Violence unites all places. It is the “unity” of conception, scripting, design, and direction, in fact, that Rubia Servios is superior to Atsay. Lino Brocka does not waste shots in his attempt to create a Filipino classical tragedy. He subordinates everything to the building up of one emotion in the viewer, that of hatred of Willy. So despicable does Willy become at the end that, when he is murdered by Rubia, no viewer can say that Rubia is at fault. And yet, morally speaking, no one is allowed to take the law into his own hands. The law, in fact, put Willy in prison for the first rape. There is no reason to think that the law will not put Willy to death for the second rape. By conditioning the reader to condone Rubia’s revenge, Brocka succeeds in questioning one of our deeply rooted moral beliefs. The unity that characterizes Rubia Servios contrasts sharply with the tendency of Eddie Garcia in Atsay to exploit Vitug’s versatility even at the expense of tightness. There are shots in Atsay, for example, which could easily be cut without hurting the film’s integrity. Even the train sequence, one of the best sequences in Atsay, is far too long. Rubia Servios is Lino Brocka’s film; Atsay is Romeo Vitug’s. Nora does an excellent acting job; but so does Vilma Santos, and Rubia is a much more demanding and difficult role..." - Isagani Cruz, TV Times, 1979 (READ MORE)
The Queen of Film Festival - Nora Aunor has become a regular staple at the film fest circuit, locally or abroad. Since her first local entry "Bato Bato Sa Langit" in 1975, (not including all her international recognition) she amassed eight acting local trophies, the most recent was for last year's "Thy Womb," directed by Cannes Film Fest best director, Brilliante Mendoza. Some hightlights would be, 1982's Himala, now restored into its glory and was exhibited in Venice Film Festival; 1978's "Atsay" where she clobbered her closest rival Vi in a Lino Brocka opus "Rubia Servios"; 1979's battle of dramatic stars not only Nora competed against her co-star, veteran drama queen, Lolita Rodriguez in Lino Brocka's "Ina Ka Ng Anak Mo" but also Aunor successfully defeat the tandem of Vi and Charito Solis ("Modelong Tanso"); and 1980's "Bona," another Lino Brocka drama that also featured Phillip Salvador, was screened at the 1981 Cannes International Filmfest. Aunor is now the winningest local actress in Metro Manila Film Fest history, since her first win in 1978, a feat that would be hard to break. The only blemish to this historical feat was the inconsistent box office results of most of her festival films. Meanwhile, Aunor's rival Vilma Santos' record in terms of festival entries was quite remarkable as well. She received several acting awards from the international circuit where her films competed and screened. But perhaps her success can be more aptly measured by its commercial results (revenue) instead of awards. Some of the highlights: 1977's Celso Ad Castillo's "Burlesk Queen" mixed of art and commercial swept all the acting awards and top the revenue gross; 1981's commercial success of Danny Zialcita's "Karma," a film about reincanation that also earned Vi her second best actress; and 2002's Martial Law film, "Dekada '70" where Vi lost to supposed to be in a supporting role, Ara Mina for the very first of the franchise "Mano Po" series. - RV
Sunday, February 9, 2014
Si Atsay at si Rubia
"...Rubia Servios is Lino Brocka's film, Atsay is Romeo Vitug's. Nora does an excellent acting job; but so does Vilma Santos, and "Rubia" is a much more demanding and difficult role. Edgardo M. Reyes is an established literary figure, but Mario O'Hara is much better screenwriter. Overall, "Atsay" may be much more impressive than "Rubia Servios." In terms of challenging our moral and legal convictions, however, "Rubia Servios" is much more significant..." - Isagani Cruz, TV Times, 1979
Rubia Servios (Director: Lino Brocka; Writers: Mario O'Hara, Aida Sevilla Mendoza (original story); Cast: Vilma Santos, Phillip Salvador and Mat Ranillo III) - "...Sa direksiyon ni Brocka, lumitaw ang galing ni Vilma Santos, at nakontrol ang labis na pagpapagalaw ng kanyang labi. Mahusay din ang eksena ng gahasa. Si Philip Salvador naman ay tulad sa isang masunuring estudyante na sinusunod lahat ang direksiyon ng guro. Kitang-kita mo sa kanyang pagganap ang bawat tagubiling pinaghihirapan niyang masunod: kilos ng mata, buntong-hininga, galaw ng daliri, kislot ng kilay. Limitado ang kanyang kakayahan at makikia ito sa kanyang mukha (na limitado rin). Walang-wala rtio si Mat Ranillo III, na parang pinabayaan para lalong lumitaw ang papel at pag-arte ni Salvador. Samantala, ang kamera ni Conrado Salvador ay hindi gaanong nakalikha ng tension at suspense, bukod sa napakaliwanang ng disenyo ng produksiyon ang pagbabago ng mga tauhan sa loob ng pitong taon batay sa estilo ng damit at buhok..." - Justino M. Dormiendo, Sagisag, February 1979 (READ MORE)
Atsay (Director: Eddie Garcia; Writer: Edgardo Reyes (story); Cast: Nora Aunor, Ronald Corveau and Armida Siguion-Reyna) - - "...Garcia assembled a uniformly first-rate cast from Armida and Angie to the nameless housemaid who befriends Nora. Even Ronald Corveau is less irksome here than in his weekly TV show. Nora Aunor’s performance bears the distinct marks of style and self, welding character and personality. As Nelia, the atsay, she delivers a muted performance that successfully treads the thin, delicate line separating genuine sentiment and mawkishness. Everybody worked hard and it shows. Romeo Vitug’s cinematography gives the film a very big boost and George Canseco’s musical score, for once knows when to shut up. The first time Eddie Garcia handled a film with a serious theme was in “Mga Anak sa Pagkakasala,” an underrated indictment of the injustices illegitimate children go through as society censures them fro the sins of their parents. With “Atsay,” he renews his credentials as one director to reckon with..." - Mario E. Bautista, The Philippines Daily Express, 1978 (READ MORE)
1978 MMFF (Entries: "Ang Huling Lalaki ng Baluarte," Cast: Rey Malonzo, Tina Monasterio, Producer: SQ Film Productions, Director: Artemio Marquez; "Atsay," Cast: Nora Aunor, Ronald Corveau, Armida Siguion Reyna, Producer: Ian Film Productions, Director: Eddie Garcia; "Garrote: Jai Alai King," Cast: Christopher De Leon, Producer: VP Pictures, Director: Manuel 'Fyke' Cinco; "Jack n' Jill of the Third Kind" Cast: Dolphy, Nora Aunor, Producer: RVQ Productions, Director: Frank Gray Jr.; "Katawang Alabok," Cast: Lorna Tolentino, Producer: Agrix Film Productions, Director: Emmanuel H. Borlaza; "Kid Kaliwete," Cast: Bembol Roco, Producer: Associated Entertainment Corp., Director: Manuel Cinco; "Rubia Servios," Cast: Vilma Santos, Mat Ranillo III, Phillip Salavador, Producer: Sampaguita Pictures, Director: Lino Brocka; "Salonga," Cast: Rudy Fernandez, Producer: MBM Productions, Director: Romy Suzara; "The Jess Lapid Story" - Lito Lapid, Beth Bautista, Producer: Mirick Films, Director: Gallardo) - "...is the annual film festival held in Manila. The festival, which runs from the 25th of December to the first week of January, focuses on locally-produced films. The MMFF was established in the year 1975, during which Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa (Water the Thirsty Earth with Dew) by Augusto Buenaventura won the best film award. During the course of the festival, no foreign movies are shown across the Philippines (except for 3D theaters and IMAX theaters). Moreover, only films approved by the jurors of the MMFF will be shown. One of the festival highlights is the parade of floats during the opening of the festival. The floats, each one representing a movie entry for the festival, parade down Roxas Boulevard, while the stars for films ride on them. On the awards night, the Best Float award is also announced, together with the major acting awards..." - Wikipedia (READ MORE)
Related Reading:
Thursday, September 19, 2013
RUBIA SERVIOS (1978)
“Hayup! Hayup! Hayuuuup!” – Rubia Servios
"Nahihibang ako sa pagnanasa sa iyo, ilang libong beses na kitang hinuhubaran sa aking isipan, pinagsasamantalahan sa aking pangarap!...Ito'y isang pagsubok sa ating pagmamahalan, kahit ano pa ang nangyari sa iyo, mahal kita, kailangan kita!..." - Willie Trizon
Basic Information: Direction: Lino Brocka; Screenplay: Mario O'Hara; Cast: Vilma Santos, Mat Ranillo III, Phillip Salvador, Estrella Kuenzler, Esther Chaves, Carpi Asturias, Jess Ramos, Leah de Guzman, Mark Verzosa; Cinematography: Conrado Baltazar; Editing: Jose H. Tarnate; Music: Freddie Aguilar; Production Company: Sampaguita Pictures, Inc.; Release Date: December 25, 1978; "Rubia Servios (Case No. 63572)" (1978); Office Entry to The 4th (1978) Metro Manila Film Festival Entry; Based on an "Unforgettable Legal Story" by Aida Sevilla Mendoza; Theme Song: "Pag-subok" composed and sang by Freddie Aguilar
Plot Description: Sa umpisa ng pelikula, makikitang nag-aaral pa lamang si Rubia (Vilma Santos), Norman Ignacio (Mat Ranillo III) at Willie Trizon (Philip Salvador). Masugid na manliligaw ni Rubia si Willie kahit na alam na nito na may nobyo na siya’t pakakasal na sila sa pagkatapos ng taon. Nang malaman ni Willie na pakakasal na si Rubia ay naging desperado ito’t plinano na kidnapin si Rubia. Isang araw habang naghihintay ito ng taxi sa kalye ay hinablot siya nga pat na lalaki na tauhan ni Willie. Dinalo siya ni Willie sa isang cottage sa Cavite. Nagtangka si Rubia na tumakas at tumakbo sa labas. Duon siya ginahasa ni Willie sa tabing dagat. Matapos gahasain ay nagtangkang magpakalunod si Rubia ngunit pinigil siya ni Willie at binalik sa cottage. Pinag-isipan ni Rubia kung paano niya mapipilit si Willie na pawalan siya. Tinanong niya si Willie kung anong gusto nitong mangyari. Sinabi nitong gusto niyang pakasalan siya. Pumayag si Rubia na magpakasal ngunit kailangan nitong ipaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya. Natagpuan naman ng pamilya ni Rubia siya sa ospital at duon nito nagpasya na maghabla. Matapos ang hearing sa korte sa kabila ng pagmamakaawa ng pamilya ni Willie ay nasentensiyahan siya ng anim na taon sa bilanguan at magbayad ng 70,000 pesos. Samantala nanatiling nakakulong sa kuwarto si Rubia matapos ang kaso. Pinilit ni Norman na kausapin ang katipan at dito nalaman niya na ang dahilan ng pagkukulong sa kuwarto ni Rubia’y buntis ito. Pinasya ni Norman na bigyan ng pangalan ang pinabuntis ni Rubia at nagpakasal ang dalawa.
Nanatiling tahimik ang buhay ng dalawa’t nagkaroon pa sila ng isa pang anak. Nang 3 years old na ang batang naging anak niya kay Willie’y nag-umpisang mangulo na naman ito. Si Willie’y nakalabas ng kulungan pagkatapos ng tatlong taon lamang. Nung una’y pinagkaila ni Rubia sa asawa ang mga tawag ni Willie. Ngunit napuna na rin ito ni Norman nang mapuna niyang madalas ang asawa na umuuwi ng maaga sa bahay at nag-umpisang uminom ng valium at naging magugulatin ito. Pinagtapat na rin ni Rubia sa asawa ang panggugulo ni Willie at pumayag ito na payagan si Rubia na makipagkita kay Willie. Nang malaman ni Rubia kung saan sila magkikita’y si Norman ang pumunta sa usapan. Ang resulta’y nabugbog ito ng mga tauhan ni Willie. Dahil rito’y naging maliwanag na hindi sila titigilan ni Willie lalo pa’t minsa’y takutin si Rubia nang wala si Norman sa bahay at pumunta si Willie’t pinatay ang aso nila. Wala naman magawa ang mga polis dahil wala silang hard evidence na si Willie nga’y nanggugulo sa buhay nila. Pinasya ni Norman at Rubia na umalis na nang bansa at bumalik sa Canada kung saan sila ilang taon ring nag-aral bago naging doctor. Pinasya rin nila na ibigay sa kanyang mga magulang ang dalawang bata para sa kanilang safety.
Sa kasamaang palad, kinidnap ni Willie ang anak nila ni Rubia na si Vivian. Nagpunta sila sa mga pulis ngunit wala pa ring magawa ang mga ito dahil wala silang ebidensiya. Kinontak ni Willie si Vivian at gusto nitong makipagkita siya rito. Pumayag si Norman ngunit sumonod rin ito sa usapan. Kasama ng kanyang mga alagad iniwanan ni Willie ang magasawa at binantaan na sa susunod magsisisi sila sa kanilang ginawa dahil nga ang usapan ay si Rubia lamang ang gusto niyang makita. Tinakot pa ni Willie si Rubia’t kumuha ito ng bankay na bata at isinuot ang damit ng anak ni Rubia. Nalathala ito sa mga diyaryo at pinuntahan ni Rubia ang bankay laking pasasalamat nito’t hindi ang anak ang bangkay. Dahil rito’y nagpasya na si Rubia na kitain si Willie na hindi alam ni Norman. Kinita nga ni Rubia si Willie ngunit nasundan rin pala si Rubia ni Norman. Sa tulong ng mga alagad ni Willie ay itinali ng mga ito sa puno si Norman at muling ginahasa nito si Rubia sa harap ni Norman. Nagsisigaw ito ngunit walang siyang nagawa. Kahit ayaw ni Rubia ay napapayag rin siya dahil papatayin ni Willie ang kanyang asawa. Pagkatapos nito’y binugbog ng mga tauhan ni Willie si Norman at sinama si Rubia papunta sa kanilang anak. Sa dagat papunta sa isla kung saan naruon si Vivian ay kinausap ni Willie ang dino-dios niyang si Rubia. Pinangako nito na matututunan rin niyang mahalin siya. Hindi napansin ni Willie na nakahawak si Rubia sa sagwan ng bangka at ilang ulit nitong pinalo sa ulo ang nabiglang si Willie habang sinasabi ang salitang “hayup!” Hinanap nito ang baril at pinagbabaril rin niya ang nahulog sa dagat na si Willie. Narating ni Rubia ang isla at duon nito nakita ang kanyang anak na buhay na buhay at tinatawag ang kanyang pangalan. The End. - RV
Medical intern Rubia Servios (Vilma Santos) is engaged to Dr. Norman Ignacio (Mat Ranillo III), but persistent suitor Willy Trison (Phillip Salvador) refuses to give up. On the day of the death of Norman’s father, she is abducted by Willy and brought to an island. She is repeatedly raped and offered marriage by Willy. She turns him down and warns him that she will bring matters to the police. However, he is confident that she will not press a case against him as she will not want the stigma of a rape victim. Rubia is released and she brings him to court. Willy is sentenced to six to ten years in prison. Rubia discovers she is pregnant and the steadfast Dr. Norman Ignacio proposes marriage. She gives birth to Willy’s daughter, Vivian, and they leave for Canada. Rubia wants a child by Norman and they have a son. Years later, they return to Manila. There are mysterious calls on the telephone. It is Willy and he wants his daughter. Rubia and Norman hide Vivian and plan to leave for the American continent. However, Willy is able to kidnap the child with the help of an ice cream vendor. She is brought to the island and she begins to look to him as her real father. But she also wants her mother. Willy calls Rubia and tells her to join them in the island. Rubia refuses. There is a confrontation between Norman and Willy. Norman is beaten up. Still Rubia is adamant. She becomes terrified when Willy sets up a headless child in a remote area, the discovery of which is sensationalized in the tabloids. Finally Rubia agrees to join him. She takes the motorized banca with Willy as the pilot. In the middle of the sea, she takes a paddle and hits Willy. Willy falls into the water. Rubia takes her gun and shoots him. The banca reaches the island. Rubia is happy to see Vivian alive. As an epilogue, Rubia and Norman leave for the States where they are presently residing. - Lino Brocka: The Artist and His Times, reposted Simon Santos, Video48, 29 December 2018 (READ MORE)
Film Achievement: FAMAS: Best Picture Nomination; Gawad Urian: Best Cinematography Nomination – Conrado Baltazar, Best Editing Nomination – Jose Tarnate; Metro Manila Film Festival Best Performer Nomination – Vilma Santos, Best Editing – Jose Tarnate, Best Screenplay – Mario O’Hara; Brocka gave Vilma one of the most controversial film after Burlesk Queen, her milestone role as a rape victim in 1978′s Rubia Servios. The film failed to secure Vilma the local festival’s best performer award but broke record in terms of revenue.
Film Reviews: Mula sa screenplay ni Mario O”hara, ang Rubia Servios ay may mabilis na paglalahad ng buhay ni Rubia at ang mga kahayupang dumating sa kanya sa palad ng isang anak ng makapangyarihan pamilya. Halatang binusisi ni Lino Brockha ang pelikula’t binigyang pansin ang mga eksenang may pagkabayolente. Dalawang beses na ginahasa ni Philip si Vilma at sa bawat eksena’y makikita ang kahalayan at pagnanasa sa mga mata ni Philip at makikita ang sakit na dulot nito sa katauhan ni Vilma. Maraming eksena kung saan inalagaan ni Lino ang pagarte ni Vilma. Hindi lamang sa rape scenes kungdi sa mga tahimik na eksena. Una na nang umagang gumising siya pagkatapos ng unang rape scene. Makikita sa mukha ni Vilma ang pagkalito at ilang sandali pa’y ang pagtanggap ng nangyari sa kanya ng gabing una siyang ginaahasa sa tabing dagat. Pangalawa, nang pumayag si Philip na pakawalan si Rubia at mapunta ito sa ospital. Pagkabukas nang kanyang mata at makita si Norman, makikita sa mga mata niya ang hirap na dinanas. Sa court scene kung saan sinasabi niya na “gusto ko siyang patayin” ng paulit-ulit. Sa bandang huli kung saan nalaman niya na hindi ang anak niya ang putol putol na batang bangkay makikita sa mata niya’t mukha ang biglang pagkatuwa’t hindi ito ang kanyang anak. At sa bandang huli pa rin kung saan ginahasa siya muli sa harap ng kanyang asawa. Makikita ang pagsuko niya’t pagkatalo. Makikita sa kanyang mukha ang pagod at hirap hanggang sa boat scene kung saan pinalad siyang makuha ang sagwan at nagkaroon ng pagkakataong paluin si Willie ng pa-ulit-ulit at hindi pa ito nasiyahan at binaril pa niya ang nangahasa sa kanya. Sa eksenang ito makikita ang kaibahan ng kakayahan sa pagarte ni Vilma. Sa eksenang ito kung saan sinasabi niya ang salitang “hayup!” sabay palo sa nabiglang si Willie. Buong katawan niya ang umaarte. Ito ay hango sa tunay na buhay.
Hindi katulad ng arte ni Nora Aunor sa Ina Ka Ng Anak Mo kung saan nahuli niyang nagsiping ang kanyang asawa sa kanyang ina. Nakapokos ang kamera sa mukha niya at nag-emote ng parehong salita: “Hayup!” ang paulit-ulit niyang salita. Aba kung sa tunay na buhay iyan eh nagkasabunutan na at nagwala na ang mag-ina! Para sa akin naging matagumpay si Vilma sa kanyang pagganap bilang si Rubia Servios. Isang tour de force. Nuong una ko itong napanood sa Avenida ay namangha ako sa kanyang galing. Ngayon pagkatapos ng dalawanput siyam na taon pinanood ko muli ito’y hindi nababawasan ang aking pagkamangha sa galing niya. Paano mo ba isasalarawan ang babae na nagahasa? Paano mo ba isasalarawan ang babaeng nakidnapan ng anak at muling nagahasa sa harap pa mismo ng asawa mo? Isang mahirap na papel. At naisalarawan ito ni Vilma nang makatotohanan. Walang mga pagpopokos ng kamera para mag-emote. Makatotohanang pagganap. Special mention sina Mat Ranillo III at Philip Salvador. Dapat ay napahalagahan sila sa pamamagitan ng nomination subalit naging maramot ang organisasyon ng pestibal at isang acting awards lamang ang binigay nila. Panalo sana si Philip Salvador ng best actor award rito dahil damang dama mo ang kanyang karakter. Makikita rin kung gaano kaganda ng kanyang katawan. Meron eksena siya na nakaswimming trunks lang at talagang alaga pa niya ang kanyang katawan nuon. Si Mat naman ay sana nanominate bilang best supporting actor. Mahusay rin siya lalo na sa eksena kung saan nakatali siya sa puno at wala siyang nagawa ng pagsamantalahan muli si Rubia sa harapan niya ni Philip. Technically, nang panoorin ko itong pelikulang ito ay maganda ang resulta ngunit nang panoorin ko muli ng ilang beses ngayon ay makikita ang ilang flaws. Una na ang cinematography ni Conrado Baltazar. Maraming eksena ay hindi nasa tamang angulo. Merong eksena na nagsasalita si Ate Vi pero ang nakikita lamang ay ang kanyang nuo. Ang musical score ni Freddie Aguilar ay parang hindi bagay sa tema ng pelikula. Pati ang theme song na “Pagsubok” parang pang-politika at very “folksy” ang dating. Merong isang butas ang screenplay ni Mario O Harra. Nang umalis si Philip para iwanan si Vivian, ang anak niyang kinidnap, nang umalis ito’y sumakay ito ng kotse, pagkatapos nang dalhin niya si Rubia sa banding huli’y sumakay naman sila ng boat. Medyo nakaligtaan nila ang isang detalye na ito. Mabilis ang pacing na pelikula at maraming mga eksena talaga si Vilma na makikita mo ang pagaalaga ni Lino. Sayang nga lamang at hindi ito nakita ng mga hurado ng pestibal at maging ang mga manunuri ng taong iyon. – RV
Undoubtedly, the two best entries in the 1978 Metro Manila Film Festival are Atsay and Rubia Servios. Atsay is remarkable in several ways. It has a strong social message, aimed at primarily those who forget that house cleaners are also human beings. In the character of Mrs. Anton (Angie Ferro), screenwriter Edgar M. Reyes is able to embody the thousand faults which middle-class housewives are heir to. Atsay can also pride itself on being truly Filipino. Its mood is set by its Pilipino credits (in sharp contrast to the English credits of the other entries). The film deliberately exploits local color, dwelling not only on rural but also on picturesque urban scenes. The story, needless to say, can happen only in the Philippines, where domestics and beerhouses are national institutions. But the most striking thing about Atsay is its cinematography (Romeo Vitug). The slow dissolves, the multiple exposures (such as the brilliant train sequence), the surprising angles, the flawless composition—this border on genius. The cinematography is so extraordinary, in fact, that it covers a multitude of sins. The most grievous sin of all is the ending. In the end, Nelia (Nora Aunor), after having been humiliated, beaten, raped, dehumanized by the vultures of the city, decides to stay in the city anyway in the hope that an impoverished construction worker (Ronald Corveau) will make her live happily ever after.
Such ending, while assuring the viewer that human nature is not totally evil, is unmotivated and, in fact, goes against the very theme of the story. For Atsay is the story of how the city dehumanizes, of how human beings become swine (this point is made through blatant symbolism in a shot of Nelia inside a cage-like jeep), of how Manila is a prison (note Vitug’s several shots of cage-like structures). “Atsay” is a story of how individuals are no match against the cruelty of the city. The construction worker, for example, becomes the victim of a construction accident. A young pretty virgin from the province is raped while she’s drugged. A kind-hearted old man is shot down while protesting against exploitation. The ending of Atsay contradicts the film’s affirmations. It would have been much more in keeping with the theme (not to mention the current concerns of the national human settlements program), if Nelia were shown rejecting the city and, in hope, returning to her province for a new life. Rubia Servios, on the other hand, does not dilute the message. Willy (Phillip Salvador), the son of a powerful and wealthy figure, is portrayed as totally evil, devoid of any redeeming quality. To screenwriter Mario O’Hara and director Lino Brocka, the province is the same as the city. Rubia Servios (Vilma Santos) is raped both in the city and in the country. Rubia kills Willy in the country. Violence unites all places. It is the “unity” of conception, scripting, design, and direction, in fact, that Rubia Servios is superior to Atsay. Lino Brocka does not waste shots in his attempt to create a Filipino classical tragedy. He subordinates everything to the building up of one emotion in the viewer, that of hatred of Willy. So despicable does Willy become at the end that, when he is murdered by Rubia, no viewer can say that Rubia is at fault. And yet, morally speaking, no one is allowed to take the law into his own hands. The law, in fact, put Willy in prison for the first rape. There is no reason to think that the law will not put Willy to death for the second rape. By conditioning the reader to condone Rubia’s revenge, Brocka succeeds in questioning one of our deeply rooted moral beliefs. The unity that characterizes Rubia Servios contrasts sharply with the tendency of Eddie Garcia in Atsay to exploit Vitug’s versatility even at the expense of tightness. There are shots in Atsay, for example, which could easily be cut without hurting the film’s integrity. Even the train sequence, one of the best sequences in Atsay, is far too long. Rubia Servios is Lino Brocka’s film; Atsay is Romeo Vitug’s. Nora does an excellent acting job; but so does Vilma Santos, and Rubia is a much more demanding and difficult role. Edgardo M. Reyes is an established literary figure, but Mario O’Hara is much better screenwriter. Overall, Atsay may be much more impressive than Rubia Servios. In terms of challenging our moral and legal convictions, however, Rubia Servios is much more significant. - Isagani Cruz, TV Times, 1979
Kung uri ang paguusapan, de-kalidad ang Rubia Servios. Kaya lamang, may sabit. Maraming butas ang iskrip ni mario O’Hara. Ang istorya ng Rubia Servios ay batay sa mga legal story ni Aida Sevilla Mendoza, at ito’y pumapaksa sa babaeng ginahasa ng kanyang masugid na manliligaw. Si Rubia (Vilma Santos) ay isang medical student na may kasintahang kaeskuweala, si Norman (Mat Ranillo III). Balak nilang magpakasal pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Karibal ni Norman si Willie (Philip Salvador) na ayaw tumanggap ng kabiguan sa pag-ibig. Anak siya ng mayaman at maipluwensiyang pamilya sa Kabite. Kaya nang tapatin siya ng dalaga na wala siyang maaasahan, kinidnap niya si Rubia sa isang bahay-bakasyunan at ginahasa ito. Nang magkaroon ng pagkakataon ang babae, tumakas ito at isinuplong si Willie. Idinemanda ang lalaki at nahatulang mabilanggo ng anim na taon. Paglabas ng lalaki sa bilangguan, ginulo na naman niya ang buhay ng babae na ngayo’y asawa na ni Norman at may dalawang anak (ang una’y anak niya kay Willie). Dahil sa pananakot ng hui, nakipagtagpo si Rubia, at muli na namang ginahasa sa sementeryo sa harapan pa naman ng asawa. Kinidnap ni Willie ang anak niya para gawing pain sa pagtatagpo nila ni Rubia at para sumama na tio sa kanya. Ngunit nagkakaroon na naman ng pagkakaton ang babae na lumaban at sa bangka, hinampas niya si Willie ng sagwan, at pagkatapos ay binaril ang lalaki hanggang sa ito’y tuluyan nang malunod.
Simplistiko ang materyal at lalong simplistiko ang pamamaraan ni O’Hara sa karakterisasyon. Nagmumukha tanga ang mga tauhan (si Rubia at si Norman) samantalang medical students at naturingang doktor pa naman sial. Tinatakot na sila’y hindi pa sila humingi ng proteksiyon sa pulis. Ginahasa na si Rubia ay nakipagtagpo pa sa sementeryong madilim nang nag-iisa at nagpaganda pa mandin siya nang husto. At ang asawa niya’y wala ring utak. Biro mong sinundan ang asawa sa sementeryo nang nag-iisa! Dapat nga palang magkaganito sila kung napakakitid ng kanilang utak. Sa direksiyon ni Brocka, lumitaw ang galing ni Vilma Santos, at nakontrol ang labis na pagpapagalaw ng kanyang labi. Mahusay din ang eksena ng gahasa. Si Philip Salvador naman ay tulad sa isang masunuring estudyante na sinusunod lahat ang direksiyon ng guro. Kitang-kita mo sa kanyang pagganap ang bawat tagubiling pinaghihirapan niyang masunod: kilos ng mata, buntong-hininga, galaw ng daliri, kislot ng kilay. Limitado ang kanyang kakayahan at makikia ito sa kanyang mukha (na limitado rin). Walang-wala rtio si Mat Ranillo III, na parang pinabayaan para lalong lumitaw ang papel at pag-arte ni Salvador. Samantala, ang kamera ni Conrado Salvador ay hindi gaanong nakalikha ng tension at suspense, bukod sa napakaliwanang ng disenyo ng produksiyon ang pagbabago ng mga tauhan sa loob ng pitong taon batay sa estilo ng damit at buhok. – Justino M. Dormiendo (READ MORE)
Isa ang Rubia Servios (Sampaguita Pictures, Inc., 1978) sa mga pelikulang humihingi ng pag-unawa sapagkat kahit ang tunay na buhay o katawang pinaghugutan ng iskrip nito ay isang tuwirang pagtalakay sa representasyon ng babae sa puting tabing. Ang pagsasalarawan ng seksuwalidad ng babae at ang pagtutok sa sinapit ng kanyang katawan ay nasasangkot din sa paghabi ng naratibong nagsisiwalat sa marawal na kalagayan ng bayan. Ano pa nga't imahe ng babae, si Rubia (Vilma Santos) ang unang bubungad sa pagsisimula ng pelikula. Naroon din si Norman (Mat Ranillo III), ang katipang kasamang nag-aaral ng medicina. Masugid na manliligaw ni Rubia ang anak-mayamang si Willy (Phillip Salvador). Dala ng labis na kapusukan, dinukot ni Willy si Rubia, dinala sa isang beach resort sa Cavite at dinaan sa puwersa. Inalok niya ng kasal ang dalaga, sa halip ay pinagbantaan siyang idedemanda ito sa salang panggagahasa. Sa tulong ni Norman, nagsampa ng kaso si Rubia laban kay Willy hanggang sa mahatulan ito ng pagkabilianggo. Subalit hindi maalis sa isip ni Rubia ang mga nangyari lalo pa't dinadala niya ang bunga ng karahasan ni Willy. Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, pinakasalan pa rin ito ni Norman. Lumipas ang anim na taon, nagbalik si Willy upang bulabugin ang tahimik na buhay-pamilya ni Rubia. Melodramatiko ang dulo ng pelikula noong sakay ng bangka sina Rubia at Willy. Nanumbalik ang mga reyalistikong tagpo ng panggagahasa at pambubugbog. Naihayag ang kuwadro ng tauhang babae, si Rubia, ang paghihiganti at pagpatay sa lalaking nagwasak ng kanyang pagkatao at pagkababae.
Mula sa isang real life legal story ang Rubia Servios, namumuhunan ito sa ideya na ang masasaksihan ng mga manonood sa iskrin ay hindi likhang-isip lamang kundi talagang nangyari sa tunay na buhay. Hinimok ni Lino Brocka sa kanyang pelikula na pagmasdan ang babae sa konteksto ng ating lipunan. Bakit ganito ang nangyayari sa kababaihan? Dahil tinatanggap nating maging ganoon ang kanilang kundisyon sa lipunan. Kung pagkakasala ang pabayaang maghari ang mayayamang may kapangyarihan, nararapat lamang na ituwid ang pagkakasalang ito. Sa mga nakakaalam ng mga pelikula ni Brocka, pamilyar ang paggamit sa estratehiya ng melodrama. Sa ganitong paraan, ang focus ay ang paghihirap na pinagdaraanan ng pangunahing tauhang babae at ito ang nakababagbag sa damdamin ng manonood. Ngunit sa pagpuntirya ng emosyon, hindi matamaan ang paglinaw sa tunay na isyu. Si Vilma Santos bilang Rubia Servios ay hindi lamang mahusay na gumanap sa buhay ni Rubia kundi naging isa ring makapangyarihang talinghaga na nakapagpalusog sa teksto ng pelikula. Sa kabuuan, inaangkin ng pelikulang Rubia Servios ang kapangyarihan nitong lumikha ng katotohanan mula sa masalimuot na materyal ng reyalidad. Sa ganitong proseso, nailalantad ang isang piraso ng reyalidad upang mapanood, masuri at mabigyang-kahulugan. Sa kabilang banda, hindi rin makakatakas ang pelikula sa mga diskursong kumakanlong sa mismong puinupuna at tinutuligsa nito. - Jojo De Vera (READ MORE)
The Screenplay - "...Mario Herrero O'Hara (born April 20, 1946 – died 26 June 2012) was an award-winning Filipino film director, film producer and screenwriter known for his sense of realism often with dark but realistic social messages...In 1978, he wrote the screenplay for Lino Brocka's Rubia Servos. This led to the first award in his film career (Best Screenplay at the Metro Manila Film Festival)..." - Wikipedia (READ MORE)
"...There are certain themes that keep the public captive and enthralled through relentless manufacture of a thematic repertoire which ensures the preponderance of sex in stories and daily narratives. These themes need not be perceived as always proferring false consciousness, but as reiterating the social problems implicated by cinematic and industrial mediation of sexual expression. The theme of rite of passage, from innocence and youth to carnal knowledge, fastens the narrative to the body of the virgin whose initiation into the desires of the world transforms her into a “whore.” The stigma of this rite of passage is exploited from every possible angle, from ablutions in the river to rape scenes and on to the erstwhile virgin suddenly craving flesh herself...Rape likewise presents an occasion for baring the body. Brutal (1980), Rubia Servios (1978), Angela Markado (1980), and even the massacre films hatched in the bizarre mind of Carlo J. Caparas discuss rape almost clinically and therefore subject the body of the woman to another round of autopsy, this time through the prying eyes of a public reared in a daily history of sex..." - Patrick D. Flores, Bodies of Work: Sexual Circulations in Philippine Cinema (READ MORE)
New Screen Persona - "...After years of this unfair competition, Vilma decided to stop playing the also-ran, and opted to essay the roles that Nora preferred not to do, -the other woman, rape victim, burlesque dancer, etc. Vilma's sexy movies were more suggestive than anything else, but they gave her a new screen persona that made her a distinct movie entity from Nora. Fact is, Nora could also have played sensual characters, but she felt awkward doing so, and Vilma benefited from her reticence. In time, Vilma was also winning acting awards and starring in big hits, so the competition between her and Nora peaked..." - Nestor U. Torre, Philippine Daily Inquirer, 2002 (READ MORE)
Related Reading:
Friday, December 7, 2012
Nora at Vilma Sa Gitna ng Basura
Naging perya ang mga sinehan ng Kamaynilaan sa nakaraang 1978 Metropolitan Manila Film Festival. Bumalik sa dating sistema ng palabunutan ang tambiyolo ng kapalaran, sa halip na magkaroon ng pamimili sa mga produktong may uri at karapat-dapat ipalabas tulad ng nangyari noong nakaraang pista. Dinagdagan ang singil ng singkuwenta sentimos (para daw sa Mowelfund ni Joseph Estrada na muling nahirang na pangulo ng PMPPA, ang samahan ng mga malalaking prodyuser) at nagkaroon ng bolahan, at may mga nakalaang premyo tulad ng kotse at mga appliances para sa masusuwerteng ticket holders. Sige na, matuloy lang ang perya.
Dahil sa mula’t mula pa’y hindi agad masiguro kung tuloy o hindi ang pestibal (dahil rin sa ayaw makipagtulungan ng mga may-ari ng sinehan), ang karamihan sa mga pelikulang lahok ay yaong mga yari na, o di kaya’y nilagare para humabol sa pestibal, at galing sa mga prodyuser na nagkasuwerteng makabunot ng sinehan. Nang magmatigas ang mga may-ari ng teatro sa pamumuno ni Johnny Litton, sumugod ang mga taga-PMMPA sa Malacanang para kausapin si Gng. Imelda Marcos. Nang mabigyan sila ng opisyal na pahintulot, walang nagawa ang mga theatre owners kundi sundin ang direktiba. Tuloy ang pista, ang parada, ang bolahan nitong kapaskuhan. Tulad ng nakaraang taon, siyam din ang kalahok (bagama’t noon ay idinaan sa mahigit na pamimili ng mga hurado). Kung nagkaroon ng screening, dalawa lamang siguro ang makakapasa. Ang pito ay dapat sanang pinalabas sa Mahal na Araw bilang penitensiya sa mga manonood (ngunit tinapat din sa Pasko, kung kailan pa naman naghahanap ang mga manonood ng mapaglilibangan hindi ng kalbaryo). Sa katunayan, may isang pangkat na nagpetisyon sa pangulo tungkol sa karahasan ng mga pelikula, sa tema at paksa, ngunit madali silang sinagot ni Meyor Estrada. Kulang daw talaga sa panahon at preparasyon, at aprobado daw ng sensor ang mga ito, giit niya. At saka mas mabuti na raw ang local garbage kaysa sa imported garbage. Maitatanong tuloy: Kung basura ang mga pelikula, bakit hindi ipahakot sa Metro Manila Aide sa halip na ipakita sa mga tao? Kung basura’y bakit binabayaran ng kuwatro pesos?
Tunay ngang mababa ang uri ng mga pelikula. Magsimula tayo sa ibaba. Nangunguna na sa grupong ito ang Salonga, na ibinatay raw sa tunay na buhay ni Nicasio “Asiong” Salonga, kilalang lider ng isang gang sa Maynila nang mga huling taon ng 1940. Sa direksiyon ni Romy Suzara, naging malabo ang kuwento. Hindi mo maintindihan kung bakit naging hoodlum si Salonga, kung bakit gusto ng mga taong magbigay ng tong sa kanya, kung bakit siya naging pinuno ng kanyang gang, at kung bakit siya naging public enemy no 1. Walang direksiyon ang iskrip ni Humilde Roxas, maliban sa pagpapakita ng kaunting aksiyon, kaunting romansa, kaunting drama, at kaunting pakuwela. Ni wala kang makitang insight sa mga tauhan at sa kapaligirang nagluwal ng ganitong klaseng karahasan. Bilang action picture, amateurish ang pagkakadirehe ng mga bakbakan (malayong-malayo sa Boy Pana ni Suzara). At bilang artista, si Rudy Fernandez ay may all-purpose look sa kanyang baby face na una na nating nasialayan sa Baby Ama. Sa pangkalahatan, ang pelikula ay dapat tinaguriang “Asiong Aksaya.”
Isa pang aksaya ng pera at panahon ang Jai Alai King. Kuwento naman ito ni Drigo Garrote (Christopher de Leon) na isang amateur pelotari na may ambisyon maging propesyonal. Sa tulong ng kanyang sidekick na bata (Dranreb) ay malapit nang matupad ang kanyang pangarap. Ngunit may malaking problema: maraming naiingit sa kanya ang mga kapwa-pelotari, na pinamumunuan ni Juan Delgado (Johnny Delgado). Naroong ipabugbog siya. Naroong patamaan siya ng bola. Naroong agawin ang kanyang babae. Sa madaling salita, madali pormuang ginamit: may pag-ibig (tatlong babae ang may gusto kay De Leon), may drama (nagtampo ang batang sidekick), may aksiyon (maraming alalay si Delgado na wala namang ginawa sa pelikula), at maraming pakwela si Boyet at Dranreb na dito’y walang-iniwan sa matandang dalaga. Biro mong siya ang manedyer, kahero, tagapayo, at numero unong tagahanga ni Garrote. Nagka-routine ng direksiyon ni Manuel Cinco (kung matatawag itong direksiyon). Napakaraming butas ng istorya (ni hindi ipinaliwanag kung bakit nakatira ang Jai-Alai player sa guhong bahay). Malabo rin ang mga kuha ng kamera kaya sasakit ang mga mata mo. At maraming kuha sa jai-alai na hindi magkasabay na ipinapakita ang mga manlalaro at ang mga tao. Nakapanghihinayang na wala rito ang mga bagay-bagay na inaasahan mong makita: ang intriga, ang pagbebenta ng laro, ang manipulasyon ng mga kapitalista, ang adiksiyon ng masa sa sugal na ito, ang tunay na daigdig ng jai-alai.
Wala ring sinabi at sinasabi ang The Jess Lapid Story, isang pagtatangkang buhayin ang pangalan ng kilalang stuntman na sumikat sa pelikula noong mga taong sisenta, nang mauso ang aksiyon. Sa halip, binibigyan tayo ng mga de-kahong sitwasyong nagpapakita ng 1) kanyang buhay 2) pag-ibig 3) pakikipagsapalaran sa daigdig ng pelikula. Ipinakita ang kanyang kahirapan sa probinsiya, ang pagpapalit-palit niya ng trabaho, ang pagsisimula niya bilang boksingero, utility man, stuntman, at hanggang maging action king siya sa kama at telon. Ngunit sino talaga si Jess Lapid, at bakit siya kinainggitan ng ilang tao at pa-traydor pang binaril? Itanong mo na lang sa mga sumulat ng iskrip, sina Diego Cagahastan at Tony Mortel, at kay Cesar Gallardo, direktor ng pelikula, na patuloy ang pagbulusok sa kawalang-sinabi. Lahat ng mga pelikulang hawakan ni Gallardo ngayon ay paurong nang paurong mula sa kalidad ng Kadenang Putik noong 1950. Magaling bilang stuntman si Lito Lapid (pamangkin ni Jess sa tunay na buhay). Ngunit bilang aktor, marami siyang dapat matutunan. Una na rito, ang kanyang pananalog. Halatang Pampanggo ang dila niya, at napaka-conscious niya sa kamera. Malimit siyang naka-pose bago magpakita ng stunts, na kalimita’y lundag at lipad. (‘The Flying Lapid’, puna ng isang kaibigan ko). Nasayang lang si Beth Bautista rito bilang martir na asawa ni Jess, samantalang sina Tina Monasterio at Trixia Gomez, mga naging kabit ni Jess sa pelikula, ay talagang wala nang pag-asa. Ipinapayo kong magpalit na lang sila ng trabaho at huwag na tayong idamay sa kanilang walang talino o galing.
May maganda sanang materyal ang pelikula ng isang stuntman, Ang Huling Lalaki ng Baluarte. Mayaman sa alegorya at simbolismo ang kuwento nito tungkol sa isang lugar na nililigalig ng isang ganit na pinuno at kinikidnap ang kalalakihan para sapilitang pagtrabahuhin sa minahan ng ginto. Isang lalaki na lang ang natitira sa lugar, na siyang tanging pag-asa ng mga kababaihan, hinanap ni Isaac (Malonzo) at ng ilang babaeng kanyang tinuruang makipalaban, ang nawawalang mga lalaki ng Baluarte. Sa wakas, siyempre, natagpuan din nila ang minahan, napatay lahat ang masasamang-loob, at naipakita rin ni Malonzo ang kanyang husay sa martial arts. Beterano siya kung ihahambing kay Lapid, at puwede rin sa drama. Ngunit sayang. Sa kamay ng isang direktor na may malawak na imahinasyon, naiangat sana ang materyal nito para maging makabuluhan sa karanasan ng mga Pilipino, at sa mga tungaliang nagaganap sa ating paligid. Kung di nga nauwi sa bakbakan, barilan at bidahan. Sa kamay ni Artemio Marquez, ang kuwentong pangkomiks ni Carlo Caparas ay naging behikulo para ipakita ang huling gimik ni Malonzo sa karate, sa judo at sa baril.
Kung nauwi sa aksiyong nakasasawa ang Baluarte, naging malapot na drama naman ang Katawang Alabok ni Emmanuel Borlaza, na sa pamamaraan at pananaw ay dapat tanghaling Huling Direkto sa Pilipinas. Hindi na uubra ang kanyang mga obra. Mga diskurso sa Eva Fonda. Mga bodabil sa Dodong Diamond. Mga pa-bold-bold sa Mga Bulaklak ng Teatro Manila. Bawat tauhan ni Borlaza ay kinakailangang mag-drama. At dramang pag-Gala. Magandang halimbawa ang Katawang Alabok. Sa kanyang sinasayawang teatro natipuhan si Lorna Tolentino ng mayamang matanda (Vic Silayan), na may baliw na asawa (Lucita Soriano) at may anak na direktor (Robert Arevalo). Gustong pag-artistahin ni Arevalo ang dalagita kaya naiinggit ang iba niyang artista sina Orestes Ojeda at Janet Bordon at ang doktora ng pamiya na si Daisy Romualdez. Kaya lumayas si Lorna at nakilala niya ang isang bulag (Manny Luna), na anak ng masungit na trabahadora (Anita Linda) na… Magulo ano? Hindi. Masalimuoot. Tipikal na produkto ng panulat ni Pablo Gomez na lalo pang nagkalikaw-likaw sa iskrip ni Allan Jayme Rabaya.
Sa dami ng artista, hindi mo malaman kung uuwi ang Katawang Alabok sa alabok na pinagmulan. Isa lamang ang namumukod dito: si Robert Arevalo. Sa tabi niya, nagmistulang katawan lamang ang mga tulad ni Orestes Ojeda (hindi marunong magsalita), Daisy Romualdez (hindi marunong mag-ayos), Lucita Soriano (hindi marunong magloka-lokahan), Manny Luna (hindi marunong magbulag-bulagan), Lorna Tolentino (hindi marunong mag-bold), at Vic Silayan (hindi marunong pumili ng pelikula). Hindi ko alam kung bakit ang katulad ni Borlaza ay patuloy na kinakandili ng makabagong istudyo na tulad ng Agrix. Siguro, kung sa Gala, maari pang umangat ang katawan ni Borlaza sa Alabok. Pang-stage show rin ang Jack and jill of the Third Kind, lalo na ang mga pakulo nina Dolphy at Nora Aunor. Pangatlong daan na siguro itong papel ni Dolphy na talyadang kinahumalingan ng isang mayamang hindi marunong kumilatis kung talyada o tandang ang kaharap. May pagkakatulad sina Panchito at Rolly Quizon: kailangan nila ng larga bista para malaman kung babae o lalaki ang tsuper nitong si Nora, at kung si Dolphy ay tunay na babae o manlalabas sa perya sa San Andres. Maging ang mga pagpapatawa ni Dolphy ay gasgas na gasgas na: matutumba sa swimming pool, nakabestida ng satin at kakanta sa hardin, maglalagay ng itlog ng manok sa dibdib na mapipisa at tutulo sa binti, hahawahan ng pagka-talyada ang matong nagtuturo sa kanyang lalaki, ad nauseum. Nalipasan na nga ng panahon ang pagkatalyada ni Dolphy, tulad din ng Jack and Jill ni Mars Ravelo, na hinalukay pa sa antigong baul ni Orlando Nadres. Kung uri ang paguusapan, de-kalidad ang Rubia Servios. Kaya lamang, may sabit. Maraming butas ang iskrip ni mario O’Hara.
Ang istorya ng Rubia Servios ay batay sa mga legal story ni Aida Sevilla Mendoza, at ito’y pumapaksa sa babaeng ginahasa ng kanyang masugid na manliligaw. Si Rubia (Vilma Santos) ay isang medical student na may kasintahang kaeskuweala, si Norman (Mat Ranillo III). Balak nilang magpakasal pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Karibal ni Norman si Willie (Philip Salvador) na ayaw tumanggap ng kabiguan sa pag-ibig. Anak siya ng mayaman at maipluwensiyang pamilya sa Kabite. Kaya nang tapatin siya ng dalaga na wala siyang maaasahan, kinidnap niya si Rubia sa isang bahay-bakasyunan at ginahasa ito. Nang magkaroon ng pagkakataon ang babae, tumakas ito at isinuplong si Willie. Idinemanda ang lalaki at nahatulang mabilanggo ng anim na taon. Paglabas ng lalaki sa bilangguan, ginulo na naman niya ang buhay ng babae na ngayo’y asawa na ni Norman at may dalawang anak (ang una’y anak niya kay Willie). Dahil sa pananakot ng hui, nakipagtagpo si Rubia, at muli na namang ginahasa sa sementeryo sa harapan pa naman ng asawa. Kinidnap ni Willie ang anak niya para gawing pain sa pagtatagpo nila ni Rubia at para sumama na tio sa kanya. Ngunit nagkakaroon na naman ng pagkakaton ang babae na lumaban at sa bangka, hinampas niya si Willie ng sagwan, at pagkatapos ay binaril ang lalaki hanggang sa ito’y tuluyan nang malunod.
Simplistiko ang materyal at lalong simplistiko ang pamamaraan ni O’Hara sa karakterisasyon. Nagmumukha tanga ang mga tauhan (si Rubia at si Norman) samantalang medical students at naturingang doktor pa naman sial. Tinatakot na sila’y hindi pa sila humingi ng proteksiyon sa pulis. Ginahasa na si Rubia ay nakipagtagpo pa sa sementeryong madilim nang nag-iisa at nagpaganda pa mandin siya nang husto. At ang asawa niya’y wala ring utak. Biro mong sinundan ang asawa sa sementeryo nang nag-iisa! Dapat nga palang magkaganito sila kung napakakitid ng kanilang utak. Sa direksiyon ni Brocka, lumitaw ang galing ni Vilma Santos, at nakontrol ang labis na pagpapagalaw ng kanyang labi. Mahusay din ang eksena ng gahasa. Si Philip Salvador naman ay tulad sa isang masunuring estudyante na sinusunod lahat ang direksiyon ng guro. Kitang-kita mo sa kanyang pagganap ang bawat tagubiling pinaghihirapan niyang masunod: kilos ng mata, buntong-hininga, galaw ng daliri, kislot ng kilay. Limitado ang kanyang kakayahan at makikia ito sa kanyang mukha (na limitado rin). Walang-wala rtio si Mat Ranillo III, na parang pinabayaan para lalong lumitaw ang papel at pag-arte ni Salvador. Samantala, ang kamera ni Conrado Salvador ay hindi gaanong nakalikha ng tension at suspense, bukod sa napakaliwanang ng disenyo ng produksiyon ang pagbabago ng mga tauhan sa loob ng pitong taon batay sa estilo ng damit at buhok.
Namumukod ang Atsay sa sampung pelikula sa pestibal. Kung ako ang tatanungin, isa ito sa tatlong pinakamahusay na pelikula ng taon (kasama na ang Ikaw ay Akin ni Ishmael Bernal). Bagama’t melo-dramatiko at epi-episodyo ang iskrip ni Edgardo Reyes, sinematiko naman ang pamamaraan ni Romy Vitug, malinis at makinis ang direksiyon ni Eddie Garcia. Ang unang mapupuna mo sa Atsay ay ang husay ng craftmanship (resulta ng matagal at maingat na paghahanda, mabusising direksiyon, matinong materyal). Bagay na bagay si Nora Aunor, at tunay na kapani-paniwala siya sa papel niya rito (hindi sa minamaliit ko siya). Nagsimula ang pelikula nang ilibing ang tatay ni Nelia (Nora). Para mabuhay, natuto silang magtrabaho ng kanyang ina at mga kapatid. Isang araw, dumating si Bella Flores na nanghahakot ng babae para dalhin sa Maynila. Para sa pabrika raw, iyon pala’y gagawin atsay o mananayaw sa beerhouse. Natagpuan na lang ni Nelia ang sarili bilang atsay sa bahay ni Anggie Ferro na masungit na’y sadistiko pa. Nag-layas ang babae. Sa bawat lipat niya ay sinusundan siya ng isang matandang pipi na lumayas din sa bahay ni Bella. Inirekomenda ni Nelia ng kaibigang atsay, sa bahay ni Armida Siguion-Reyna, na may malamig na relasyon sa asawang si Renato Robles. Naakit ang lalaki sa katulong. At nang malaman ng asawa na buntis ang kanyang katulong, binugbog ang babae hanggang makunan. Tinulungan siya ng pipi ngunit binaril ni Armida ang inaakalang magnanakaw. Na-ospital si Nelia at sa kanyang paggaling ay nagpasiyang umuwi. Naglakad siya patungo sa istasyon at dito siya hinimatay. May nagmagadang-loob sa kanya (Mona Lisa) na may ampong anak na lalaki (Ronald Corveau). Sa simula, galit ang binata ngunit nang alagaan siya ni Nelia pagkatapos niyang maaksidente, ay nagkalapit ang kanilang damdamin. Kailangan nang umuwi ni Nelia, pinigilang siya ng lalaki. Pasakay na si Nelia ng tren, nang makita siya nang binata at… Kung ihahambing ang Atsay sa ibang pelikula ng pestibal, malayung-malayo ang uri nito. Isa itong magandang halimbawa ng produksiyong pinaghirapan at pinag-ingatan para ipalabas sa pestibal. Limang buwan itong inihanda. Tanging Atsay ang nagbigay-dangal sa sampung araw ng bolahan ng kung tawagin ay Metropolitan Manila Film Festival, at isa sa kakarampot na pelikulang nagbigay ng buhay at kulay sa buong taon ng 1978. Sinulat ni Justino M. Dormiendo, Sagisag, February 1979, Pelikula Atbp
Tuesday, December 27, 2011
RUBIA SERVIOS (1978)
“Hayup! Hayup! Hayuuuup!” - Rubia Servios>
"Nahihibang ako sa pagnanasa sa iyo, ilang libong beses na kitang hinuhubaran sa aking isipan, pinagsasamantalahan sa aking pangarap!...Ito'y isang pagsubok sa ating pagmamahalan, kahit ano pa ang nangyari sa iyo, mahal kita, kailangan kita!..." - Willie Trizon
Basic Information: Direction: Lino Brocka; Screenplay: Mario O'Hara; Cast: Vilma Santos, Mat Ranillo III, Phillip Salvador, Estrella Kuenzler, Esther Chaves, Carpi Asturias, Jess Ramos, Leah de Guzman, Mark Verzosa; Cinematography: Conrado Baltazar; Editing: Jose H. Tarnate; Music: Freddie Aguilar; Production Company: Sampaguita Pictures, Inc.; Release Date: December 25, 1978; "Rubia Servios (Case No. 63572)" (1978); Office Entry to The 4th (1978) Metro Manila Film Festival Entry; Based on an "Unforgettable Legal Story" by Aida Sevilla Mendoza; Theme Song: "Pag-subok" composed and sang by Freddie Aguilar
Plot Description: Sa umpisa ng pelikula, makikitang nag-aaral pa lamang si Rubia (Vilma Santos), Norman Ignacio (Mat Ranillo III) at Willie Trizon (Philip Salvador). Masugid na manliligaw ni Rubia si Willie kahit na alam na nito na may nobyo na siya’t pakakasal na sila sa pagkatapos ng taon. Nang malaman ni Willie na pakakasal na si Rubia ay naging desperado ito’t plinano na kidnapin si Rubia. Isang araw habang naghihintay ito ng taxi sa kalye ay hinablot siya nga pat na lalaki na tauhan ni Willie. Dinalo siya ni Willie sa isang cottage sa Cavite. Nagtangka si Rubia na tumakas at tumakbo sa labas. Duon siya ginahasa ni Willie sa tabing dagat. Matapos gahasain ay nagtangkang magpakalunod si Rubia ngunit pinigil siya ni Willie at binalik sa cottage. Pinag-isipan ni Rubia kung paano niya mapipilit si Willie na pawalan siya. Tinanong niya si Willie kung anong gusto nitong mangyari. Sinabi nitong gusto niyang pakasalan siya.
Pumayag si Rubia na magpakasal ngunit kailangan nitong ipaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari sa kanya. Natagpuan naman ng pamilya ni Rubia siya sa ospital at duon nito nagpasya na maghabla. Matapos ang hearing sa korte sa kabila ng pagmamakaawa ng pamilya ni Willie ay nasentensiyahan siya ng anim na taon sa bilanguan at magbayad ng 70,000 pesos. Samantala nanatiling nakakulong sa kuwarto si Rubia matapos ang kaso. Pinilit ni Norman na kausapin ang katipan at dito nalaman niya na ang dahilan ng pagkukulong sa kuwarto ni Rubia’y buntis ito. Pinasya ni Norman na bigyan ng pangalan ang pinabuntis ni Rubia at nagpakasal ang dalawa. Nanatiling tahimik ang buhay ng dalawa’t nagkaroon pa sila ng isa pang anak. Nang 3 years old na ang batang naging anak niya kay Willie’y nag-umpisang mangulo na naman ito. Si Willie’y nakalabas ng kulungan pagkatapos ng tatlong taon lamang. Nung una’y pinagkaila ni Rubia sa asawa ang mga tawag ni Willie. Ngunit napuna na rin ito ni Norman nang mapuna niyang madalas ang asawa na umuuwi ng maaga sa bahay at nag-umpisang uminom ng valium at naging magugulatin ito.
Pinagtapat na rin ni Rubia sa asawa ang panggugulo ni Willie at pumayag ito na payagan si Rubia na makipagkita kay Willie. Nang malaman ni Rubia kung saan sila magkikita’y si Norman ang pumunta sa usapan. Ang resulta’y nabugbog ito ng mga tauhan ni Willie. Dahil rito’y naging maliwanag na hindi sila titigilan ni Willie lalo pa’t minsa’y takutin si Rubia nang wala si Norman sa bahay at pumunta si Willie’t pinatay ang aso nila. Wala naman magawa ang mga polis dahil wala silang hard evidence na si Willie nga’y nanggugulo sa buhay nila. Pinasya ni Norman at Rubia na umalis na nang bansa at bumalik sa Canada kung saan sila ilang taon ring nag-aral bago naging doctor. Pinasya rin nila na ibigay sa kanyang mga magulang ang dalawang bata para sa kanilang safety. Sa kasamaang palad, kinidnap ni Willie ang anak nila ni Rubia na si Vivian. Nagpunta sila sa mga pulis ngunit wala pa ring magawa ang mga ito dahil wala silang ebidensiya. Kinontak ni Willie si Vivian at gusto nitong makipagkita siya rito. Pumayag si Norman ngunit sumonod rin ito sa usapan. Kasama ng kanyang mga alagad iniwanan ni Willie ang magasawa at binantaan na sa susunod magsisisi sila sa kanilang ginawa dahil nga ang usapan ay si Rubia lamang ang gusto niyang makita.
Tinakot pa ni Willie si Rubia’t kumuha ito ng bankay na bata at isinuot ang damit ng anak ni Rubia. Nalathala ito sa mga diyaryo at pinuntahan ni Rubia ang bankay laking pasasalamat nito’t hindi ang anak ang bangkay. Dahil rito’y nagpasya na si Rubia na kitain si Willie na hindi alam ni Norman. Kinita nga ni Rubia si Willie ngunit nasundan rin pala si Rubia ni Norman. Sa tulong ng mga alagad ni Willie ay itinali ng mga ito sa puno si Norman at muling ginahasa nito si Rubia sa harap ni Norman. Nagsisigaw ito ngunit walang siyang nagawa. Kahit ayaw ni Rubia ay napapayag rin siya dahil papatayin ni Willie ang kanyang asawa. Pagkatapos nito’y binugbog ng mga tauhan ni Willie si Norman at sinama si Rubia papunta sa kanilang anak. Sa dagat papunta sa isla kung saan naruon si Vivian ay kinausap ni Willie ang dino-dios niyang si Rubia. Pinangako nito na matututunan rin niyang mahalin siya. Hindi napansin ni Willie na nakahawak si Rubia sa sagwan ng bangka at ilang ulit nitong pinalo sa ulo ang nabiglang si Willie habang sinasabi ang salitang “hayup!” Hinanap nito ang baril at pinagbabaril rin niya ang nahulog sa dagat na si Willie. Narating ni Rubia ang isla at duon nito nakita ang kanyang anak na buhay na buhay at tinatawag ang kanyang pangalan. - RV
Medical intern Rubia Servios (Vilma Santos) is engaged to Dr. Norman Ignacio (Mat Ranillo III), but persistent suitor Willy Trison (Phillip Salvador) refuses to give up. On the day of the death of Norman’s father, she is abducted by Willy and brought to an island. She is repeatedly raped and offered marriage by Willy. She turns him down and warns him that she will bring matters to the police. However, he is confident that she will not press a case against him as she will not want the stigma of a rape victim. Rubia is released and she brings him to court. Willy is sentenced to six to ten years in prison. Rubia discovers she is pregnant and the steadfast Dr. Norman Ignacio proposes marriage. She gives birth to Willy’s daughter, Vivian, and they leave for Canada. Rubia wants a child by Norman and they have a son. Years later, they return to Manila. There are mysterious calls on the telephone. It is Willy and he wants his daughter. Rubia and Norman hide Vivian and plan to leave for the American continent. However, Willy is able to kidnap the child with the help of an ice cream vendor. She is brought to the island and she begins to look to him as her real father. But she also wants her mother. Willy calls Rubia and tells her to join them in the island. Rubia refuses. There is a confrontation between Norman and Willy. Norman is beaten up. Still Rubia is adamant. She becomes terrified when Willy sets up a headless child in a remote area, the discovery of which is sensationalized in the tabloids. Finally Rubia agrees to join him. She takes the motorized banca with Willy as the pilot. In the middle of the sea, she takes a paddle and hits Willy. Willy falls into the water. Rubia takes her gun and shoots him. The banca reaches the island. Rubia is happy to see Vivian alive. As an epilogue, Rubia and Norman leave for the States where they are presently residing. - Lino Brocka: The Artist and His Times, reposted Simon Santos, Video48, 29 December 2018 (READ MORE)
Film Achievements:Metro Manila Film Festival Best Performer nomination - Vilma Santos, Festival's Top Grosser; Gawad Urian: Best Cinematography nomination - Conrado Baltazar, Best Editing nomination - Jose Tarnate
Film Reviews: Mula sa screenplay ni Mario O”hara, ang Rubia Servios ay may mabilis na paglalahad ng buhay ni Rubia at ang mga kahayupang dumating sa kanya sa palad ng isang anak ng makapangyarihan pamilya. Halatang binusisi ni Lino Brockha ang pelikula’t binigyang pansin ang mga eksenang may pagkabayolente. Dalawang beses na ginahasa ni Philip si Vilma at sa bawat eksena’y makikita ang kahalayan at pagnanasa sa mga mata ni Philip at makikita ang sakit na dulot nito sa katauhan ni Vilma. Maraming eksena kung saan inalagaan ni Lino ang pagarte ni Vilma. Hindi lamang sa rape scenes kungdi sa mga tahimik na eksena. Una na nang umagang gumising siya pagkatapos ng unang rape scene. Makikita sa mukha ni Vilma ang pagkalito at ilang sandali pa’y ang pagtanggap ng nangyari sa kanya ng gabing una siyang ginaahasa sa tabing dagat. Pangalawa, nang pumayag si Philip na pakawalan si Rubia at mapunta ito sa ospital. Pagkabukas nang kanyang mata at makita si Norman, makikita sa mga mata niya ang hirap na dinanas. Sa court scene kung saan sinasabi niya na “gusto ko siyang patayin” ng paulit-ulit.
Sa bandang huli kung saan nalaman niya na hindi ang anak niya ang putol putol na batang bangkay makikita sa mata niya’t mukha ang biglang pagkatuwa’t hindi ito ang kanyang anak. At sa bandang huli pa rin kung saan ginahasa siya muli sa harap ng kanyang asawa. Makikita ang pagsuko niya’t pagkatalo. Makikita sa kanyang mukha ang pagod at hirap hanggang sa boat scene kung saan pinalad siyang makuha ang sagwan at nagkaroon ng pagkakataong paluin si Willie ng pa-ulit-ulit at hindi pa ito nasiyahan at binaril pa niya ang nangahasa sa kanya. Sa eksenang ito makikita ang kaibahan ng kakayahan sa pagarte ni Vilma. Sa eksenang ito kung saan sinasabi niya ang salitang “hayup!” sabay palo sa nabiglang si Willie. Buong katawan niya ang umaarte. Ito ay hango sa tunay na buhay. Hindi katulad ng arte ni Nora Aunor sa Ina Ka Ng Anak Mo kung saan nahuli niyang nagsiping ang kanyang asawa sa kanyang ina. Nakapokos ang kamera sa mukha niya at nag-emote ng parehong salita: “Hayup!” ang paulit-ulit niyang salita. Aba kung sa tunay na buhay iyan eh nagkasabunutan na at nagwala na ang mag-ina!
Para sa akin naging matagumpay si Vilma sa kanyang pagganap bilang si Rubia Servios. Isang tour de force. Nuong una ko itong napanood sa Avenida ay namangha ako sa kanyang galing. Ngayon pagkatapos ng dalawanput siyam na taon pinanood ko muli ito’y hindi nababawasan ang aking pagkamangha sa galing niya. Paano mo ba isasalarawan ang babae na nagahasa? Paano mo ba isasalarawan ang babaeng nakidnapan ng anak at muling nagahasa sa harap pa mismo ng asawa mo? Isang mahirap na papel. At naisalarawan ito ni Vilma nang makatotohanan. Walang mga pagpopokos ng kamera para mag-emote. Makatotohanang pagganap. Special mention sina Mat Ranillo III at Philip Salvador. Dapat ay napahalagahan sila sa pamamagitan ng nomination subalit naging maramot ang organisasyon ng pestibal at isang acting awards lamang ang binigay nila. Panalo sana si Philip Salvador ng best actor award rito dahil damang dama mo ang kanyang karakter. Makikita rin kung gaano kaganda ng kanyang katawan. Meron eksena siya na nakaswimming trunks lang at talagang alaga pa niya ang kanyang katawan nuon. Si Mat naman ay sana nanominate bilang best supporting actor. Mahusay rin siya lalo na sa eksena kung saan nakatali siya sa puno at wala siyang nagawa ng pagsamantalahan muli si Rubia sa harapan niya ni Philip.
Technically, nang panoorin ko itong pelikulang ito ay maganda ang resulta ngunit nang panoorin ko muli ng ilang beses ngayon ay makikita ang ilang flaws. Una na ang cinematography ni Conrado Baltazar. Maraming eksena ay hindi nasa tamang angulo. Merong eksena na nagsasalita si Ate Vi pero ang nakikita lamang ay ang kanyang nuo. Ang musical score ni Freddie Aguilar ay parang hindi bagay sa tema ng pelikula. Pati ang theme song na “Pagsubok” parang pang-politika at very “folksy” ang dating. Merong isang butas ang screenplay ni Mario O Harra. Nang umalis si Philip para iwanan si Vivian, ang anak niyang kinidnap, nang umalis ito’y sumakay ito ng kotse, pagkatapos nang dalhin niya si Rubia sa banding huli’y sumakay naman sila ng boat. Medyo nakaligtaan nila ang isang detalye na ito. Mabilis ang pacing na pelikula at maraming mga eksena talaga si Vilma na makikita mo ang pagaalaga ni Lino. Sayang nga lamang at hindi ito nakita ng mga hurado ng pestibal at maging ang mga manunuri ng taong iyon. Sinulat ni Rendt Viray, Posted at Yahoo E-group
Undoubtedly, the two best entries in the 1978 Metro Manila Film Festival are Atsay and Rubia Servios. Atsay is remarkable in several ways. It has a strong social message, aimed at primarily those who forget that house cleaners are also human beings. In the character of Mrs. Anton (Angie Ferro), screenwriter Edgar M. Reyes is able to embody the thousand faults which middle-class housewives are heir to. Atsay can also pride itself on being truly Filipino. Its mood is set by its Pilipino credits (in sharp contrast to the English credits of the other entries). The film deliberately exploits local color, dwelling not only on rural but also on picturesque urban scenes. The story, needless to say, can happen only in the Philippines, where domestics and beerhouses are national institutions. But the most striking thing about Atsay is its cinematography (Romeo Vitug). The slow dissolves, the multiple exposures (such as the brilliant train sequence), the surprising angles, the flawless composition---this border on genius. The cinematography is so extraordinary, in fact, that it covers a multitude of sins.
The most grievous sin of all is the ending. In the end, Nelia (Nora Aunor), after having been humiliated, beaten, raped, dehumanized by the vultures of the city, decides to stay in the city anyway in the hope that an impoverished construction worker (Ronald Corveau) will make her live happily ever after. Such ending, while assuring the viewer that human nature is not totally evil, is unmotivated and, in fact, goes against the very theme of the story. For Atsay is the story of how the city dehumanizes, of how human beings become swine (this point is made through blatant symbolism in a shot of Nelia inside a cage-like jeep), of how Manila is a prison (note Vitug’s several shots of cage-like structures). “Atsay” is a story of how individuals are no match against the cruelty of the city. The construction worker, for example, becomes the victim of a construction accident. A young pretty virgin from the province is raped while she’s drugged. A kind-hearted old man is shot down while protesting against exploitation. The ending of Atsay contradicts the film’s affirmations. It would have been much more in keeping with the theme (not to mention the current concerns of the national human settlements program), if Nelia were shown rejecting the city and, in hope, returning to her province for a new life.
Rubia Servios, on the other hand, does not dilute the message. Willy (Phillip Salvador), the son of a powerful and wealthy figure, is portrayed as totally evil, devoid of any redeeming quality. To screenwriter Mario O’Hara and director Lino Brocka, the province is the same as the city. Rubia Servios (Vilma Santos) is raped both in the city and in the country. Rubia kills Willy in the country. Violence unites all places. It is the “unity” of conception, scripting, design, and direction, in fact, that Rubia Servios is superior to Atsay. Lino Brocka does not waste shots in his attempt to create a Filipino classical tragedy. He subordinates everything to the building up of one emotion in the viewer, that of hatred of Willy. So despicable does Willy become at the end that, when he is murdered by Rubia, no viewer can say that Rubia is at fault. And yet, morally speaking, no one is allowed to take the law into his own hands.
The law, in fact, put Willy in prison for the first rape. There is no reason to think that the law will not put Willy to death for the second rape. By conditioning the reader to condone Rubia’s revenge, Brocka succeeds in questioning one of our deeply rooted moral beliefs. The unity that characterizes Rubia Servios contrasts sharply with the tendency of Eddie Garcia in Atsay to exploit Vitug’s versatility even at the expense of tightness. There are shots in Atsay, for example, which could easily be cut without hurting the film’s integrity. Even the train sequence, one of the best sequences in Atsay, is far too long. Rubia Servios is Lino Brocka’s film; Atsay is Romeo Vitug’s. Nora does an excellent acting job; but so does Vilma Santos, and Rubia is a much more demanding and difficult role. Edgardo M. Reyes is an established literary figure, but Mario O’Hara is much better screenwriter. Overall, Atsay may be much more impressive than Rubia Servios. In terms of challenging our moral and legal convictions, however, Rubia Servios is much more significant. Written by Isagani Cruz, TV Times, 1979
Kung uri ang paguusapan, de-kalidad ang Rubia Servios. Kaya lamang, may sabit. Maraming butas ang iskrip ni mario O’Hara. Ang istorya ng Rubia Servios ay batay sa mga legal story ni Aida Sevilla Mendoza, at ito’y pumapaksa sa babaeng ginahasa ng kanyang masugid na manliligaw. Si Rubia (Vilma Santos) ay isang medical student na may kasintahang kaeskuweala, si Norman (Mat Ranillo III). Balak nilang magpakasal pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Karibal ni Norman si Willie (Philip Salvador) na ayaw tumanggap ng kabiguan sa pag-ibig. Anak siya ng mayaman at maipluwensiyang pamilya sa Kabite. Kaya nang tapatin siya ng dalaga na wala siyang maaasahan, kinidnap niya si Rubia sa isang bahay-bakasyunan at ginahasa ito. Nang magkaroon ng pagkakataon ang babae, tumakas ito at isinuplong si Willie. Idinemanda ang lalaki at nahatulang mabilanggo ng anim na taon. Paglabas ng lalaki sa bilangguan, ginulo na naman niya ang buhay ng babae na ngayo’y asawa na ni Norman at may dalawang anak (ang una’y anak niya kay Willie). Dahil sa pananakot ng hui, nakipagtagpo si Rubia, at muli na namang ginahasa sa sementeryo sa harapan pa naman ng asawa. Kinidnap ni Willie ang anak niya para gawing pain sa pagtatagpo nila ni Rubia at para sumama na tio sa kanya. Ngunit nagkakaroon na naman ng pagkakaton ang babae na lumaban at sa bangka, hinampas niya si Willie ng sagwan, at pagkatapos ay binaril ang lalaki hanggang sa ito’y tuluyan nang malunod.
Simplistiko ang materyal at lalong simplistiko ang pamamaraan ni O’Hara sa karakterisasyon. Nagmumukha tanga ang mga tauhan (si Rubia at si Norman) samantalang medical students at naturingang doktor pa naman sial. Tinatakot na sila’y hindi pa sila humingi ng proteksiyon sa pulis. Ginahasa na si Rubia ay nakipagtagpo pa sa sementeryong madilim nang nag-iisa at nagpaganda pa mandin siya nang husto. At ang asawa niya’y wala ring utak. Biro mong sinundan ang asawa sa sementeryo nang nag-iisa! Dapat nga palang magkaganito sila kung napakakitid ng kanilang utak. Sa direksiyon ni Brocka, lumitaw ang galing ni Vilma Santos, at nakontrol ang labis na pagpapagalaw ng kanyang labi. Mahusay din ang eksena ng gahasa. Si Philip Salvador naman ay tulad sa isang masunuring estudyante na sinusunod lahat ang direksiyon ng guro. Kitang-kita mo sa kanyang pagganap ang bawat tagubiling pinaghihirapan niyang masunod: kilos ng mata, buntong-hininga, galaw ng daliri, kislot ng kilay. Limitado ang kanyang kakayahan at makikia ito sa kanyang mukha (na limitado rin). Walang-wala rtio si Mat Ranillo III, na parang pinabayaan para lalong lumitaw ang papel at pag-arte ni Salvador. Samantala, ang kamera ni Conrado Salvador ay hindi gaanong nakalikha ng tension at suspense, bukod sa napakaliwanang ng disenyo ng produksiyon ang pagbabago ng mga tauhan sa loob ng pitong taon batay sa estilo ng damit at buhok - Justino M. Dormiendo, Sagisag Feb 1979. (READ MORE)
The Screenplay - "...Mario Herrero O'Hara (born April 20, 1946 – died 26 June 2012) was an award-winning Filipino film director, film producer and screenwriter known for his sense of realism often with dark but realistic social messages...In 1978, he wrote the screenplay for Lino Brocka's Rubia Servos. This led to the first award in his film career (Best Screenplay at the Metro Manila Film Festival)..." - Wikipedia (READ MORE)
"...There are certain themes that keep the public captive and enthralled through relentless manufacture of a thematic repertoire which ensures the preponderance of sex in stories and daily narratives. These themes need not be perceived as always proferring false consciousness, but as reiterating the social problems implicated by cinematic and industrial mediation of sexual expression. The theme of rite of passage, from innocence and youth to carnal knowledge, fastens the narrative to the body of the virgin whose initiation into the desires of the world transforms her into a “whore.” The stigma of this rite of passage is exploited from every possible angle, from ablutions in the river to rape scenes and on to the erstwhile virgin suddenly craving flesh herself...Rape likewise presents an occasion for baring the body. Brutal (1980), Rubia Servios (1978), Angela Markado (1980), and even the massacre films hatched in the bizarre mind of Carlo J. Caparas discuss rape almost clinically and therefore subject the body of the woman to another round of autopsy, this time through the prying eyes of a public reared in a daily history of sex..." - Patrick D. Flores, Bodies of Work: Sexual Circulations in Philippine Cinema (READ MORE)
New Screen Persona - "...After years of this unfair competition, Vilma decided to stop playing the also-ran, and opted to essay the roles that Nora preferred not to do, -the other woman, rape victim, burlesque dancer, etc. Vilma's sexy movies were more suggestive than anything else, but they gave her a new screen persona that made her a distinct movie entity from Nora. Fact is, Nora could also have played sensual characters, but she felt awkward doing so, and Vilma benefited from her reticence. In time, Vilma was also winning acting awards and starring in big hits, so the competition between her and Nora peaked..." - Nestor U. Torre, Philippine Daily Inquirer, 2002 (READ MORE)
Related Reading:
Subscribe to:
Posts (Atom)